Maagang dumating sina Yra at Marjo sa lugar kung saan gaganapin ang bachelor's party na regalo ni Khalix sa isang kaibigan nitong ikakasal na two days from now. Isang condo unit iyon na pagaari raw ni Khalix Pineda at iyon ang kailangan nilang gayakan para sa party mamayang gabi, Sexy ang theme kaya makikintab na decors ang ginamit nila. Inayos nilang lahat pati mga alak at pagkain ay nasa pwesto na. Tumawag si Heshi at sinabing kailangan niya ng additional na tao kaya pinaalis niya si Juan Pablo, ayaw nitong sumunod nung una kaya tinawagan niya si Jion para utusan itong sundin sya, dahil kasama niya si marjo ay pumayag na rin ito sa gusto niya.
Bilang organizers ay hindi sila basta pwedeng umalis doon sa lugar na iyon at kinailangan pa rin nilang hintayin nagpaparty. Isa isang nagdatingan ang mga imbitado at syempre lahat yon ay lalaki, kaya nga bachelor's diba!
Si Marjo ang tumayong MC ng party at syempre inenjoy nito husto ang pakikipaglaro sa mga bisita ni Khalix, habang si Yra ay nagsilbing photographer ng mga ito. Nang mapagod ay naupo siya sa tabi ng buffet area at nakikipagkwentuhan sa caterer.
Enjoy na enjoy ang mga kalalakihan sa mga pa games at kalokohan ni Marjo.
Dinampot ni Yra ang isang baso ng juice na inilagay ng waiter sa tabi niya at ininom iyon habang pinapanood ang mga nagkakasayahan.
"Tired?"
Tiningnan ni Yra ang nagsalita, " Hindi naman po Sir!" sagot niya kay Khalix na kanina pa hindi ngumingiti at wala ng inatupag kundi asukasuhin ang telepono nito.
"Want some beer?"
Nagpalinga linga si Yra, nang makisigurado siyang siya ang inaalok nito ay saka siya sumagot, "Bawal po kaming uminom sa oras ng trabaho Sir!" magalang na tugon niya dito.
Mataman siyang tiningnan nito bago itinuro ang iniinom niyang juice "Anong tawag mo jan?"
Sinulyapan niya ang juice na nakapatong sa mesa, napangisi siya ng mag sink in sa utak niya ang sinasabi pa nito. Oo nga naman, umiinom sya! "Sir, ang ibig ko pong sabihin eh hindi ako nainom ng 'ALAK' sa oras ng trabaho!" paglilinaw niya dito.
Tumango tango naman ito saka tinawag ang waiter, humingi ito Rhum. Nanatili itong tahimik habang nakaupo malapit kay Yra.
Nang matapos ang mga pa games nila ni Marjo, ay nagligpit na ng sariling mga gamit si Yra. Kailangan na nilang umalis dahil nagsisimula ng malasing ang ang tao don. Nang mag paalam sila kay Khalix ay pinigil sya nito.
"Ill send you home." habang hawak sya sa braso.
"You don't have to Sir, mag tataxi nalang po kami." tanggi niya dito. Gamit kasi ni Heshi ang sasakyan nila dahil mas marami itong gamit na dala.
"No, It's late! mahirap sumakay ng taxi sa lugar na ito kaya ihahatid ko na kayu." nagpatiuna na ito palabas ng building kaya wala na syang nagawa kundi sumunod nalang dito.
Isang puting land cruiser ang gamit nitong sasakyan, doon naupo si Yra sa passenger seat sa tabi ng driver habang si maricon naman ay likuran ng driver naka pwesto at ito rin ang naunang bumaba.
"San ka nakatira?" tanong nito ng makababa na si maricon.
"Sa makati," tugon niya dito "ay mali, sa taguig nga pala ako uuwi." sabi niya rito. "masyado na yung malayo sa QC, nakakahiya naman sayo."
"It's okay, ako naman ang may gustong ihatid ka so kahit gaano pa yan kalayo ihahatid kita." sabi nito habang busy sa pagmamaneho.
"Sabi mo kanina, sa makati ka nakatira, pero bakit sa taguig ka uuwi?" curious na tanong nito.
"Kase ano ahm," nagiisip siya ng idadahilan dito, dahil hindi niya naman pwedeng sabihin ditong may nagtatangka sa buhay niya kaya kailangan niyang umalis sa apartment niya pangsamantala. "Don kase nakatira yung kapatid ko sa taguig, so makikitulog lang ako don."
"ah" sagot nito.
Tumigil ang sasakyan nito sa harap ng building ng Condo ni Jion, at tinulungan siyang makababa sa kotse nito.
"Thank you po Sir sa paghatid, nakaabala ako sa inyo!" isinukbit niya ang Sling bag na dala.
"Its okey, ako naman ang nagprisinta.!" iniabot nito sa kanya ang medyo malaking kahon na lagayan ng props nila.
Ng tanggapin niya ang kahon ay nitong nahawakan ang kamay niya. Napatingin siya sa lalaki na nakatingin din sa kanya.
"Yra!"
Muntik ng mabitawan ni Yra ang hawak na kahon ng marinig ang malakas na pagtawag sa kanya ni Jion.
"Is he your brother?" tanong sa kanya ni khalix habang nakatingin sa papalapit na si Jion.
"huh?" di na sya nakasagot dahil nakalapit na sa kanila si Jion.
"Why are you together?" tanong ni Jion kay khalix.
"I just send her here," sagot nito.
"Stay away from her!" sabi ni jion dito.
"You're not the one to say that, big brother!" nakangising tinalikuran na sila ni khalix.
Pinanood lang nilang umalis ang sasakyan nito. "Lets go Yra." kinuha na sa kanya ni Jion ang kahon na dala niya.
"Bakit kasama mo ang isang iyon?" galit na tanong sa kanya ni Jion ng mapasok na sila sa bahay nito.
"Kliyente naman siya, nag pa organize sya ng party para sa kaibigan niya, kaya kami magkasama." paliwanag niya dito. teka! wala naman syang ginagawang masama pero bakit natatakot sya kay Jion?
Hinawakan ni Jion ang sintido nya, "dapat talaga hindi ko pinayagan si Juan Pablo na umalis sa tabi mo kanina."
"Bakit Jion? may problema ba?" naguguluhan sya sa iniaakto nito,
"Wala naman medyo masakit lang ang ulo ko," tinalikuran na siya nito.
Sinundan niya si Jion pagpasok sa kwarto nito.
"Galit kaba?" she asked.
"No, I'm just thinking something, and by the way why did he call me big brother?" matalim ang tingin nito sa kanya.
napaurong si Yra ng bahagya. "Ano kase, tinanong niya ako bakit daw dito ako uuwi!"
"Then?"
"ayun, sinabi kong nakikitulog ako sa bahay ng kuya ko." napapikit Si Yra ng bigla siyang siniil nito ng halik sa labi.
"So im your big brother now?" saad nito ng maghiwalay ang labi nila.
"May magkapatid bang naghahalikan?" nanulis ang nguso niya.
"Meron! tayong dalawa at hindi lang halik ang gagawin ko sayo!"