webnovel

Chapter 48 lollipop

"crik" Ibinato ni Mr. Amorillo ang ashtray na nakapatong sa ibabaw ng office table nito na gumawa ng malakas na ingay ng tumama sa iyon sa pader. "Ang mayabang na yun!" Hindi niya mapigil ang galit na nararamdaman ng ipahiya siya ni Jion sa Bidding kanina, "Hindi ako makakapayag! dapat ay sa akin napunta ang deal na yun at hindi sa mayabang na yun!" plak! bigla nitong inihampas ang dalawang kamay sa table nito, "Kailangan makaganti ako sa kanya, kailangan madurog ko ang mang aagaw na yun!"

"Sir, ano na po ang balak nyo ngayun?" naka antabay na tanong ni Khalix, ang kanang kamay nito.

"Kailangan makaganti ako khalix, at gagawin ko lahat para pagsisihin niyang binangga niya ako." naniningkit ang mga mata ni Mr. Amarillo.

"Jion, baka naman pwede na akong pumasok sa trabaho bukas, magaling na naman ang paa ko eh!" habang namamahingga sina Yra sa kwarto ni Jion,

"Bakit, naiinip kanaba dito sa bahay?" Tiniklop ni Jion ang binabasang libro at ipinatong sa bedside table nito. "sawa kanaba sa mga cartoons na pinapanood mo?"

"Maraming ginagawa sa opisina si Heshi at isang linggo na akong nakakulong dito," nakangusong maktol niya. "sino ba naman ang hindi maiinip dito."

"Okey, pero kailangan kasama mo pa rin si Juan Pablo ha, mahirap na!"

"At saka nga pala, pwede na ba akong bumalik sa apartment ko?" hirit pa rin niya, umayos si Yra ng pagkakahiga, humarap siya kay Jion. "Namimiss ko na kasi ang bahay ko eh!"

"Mahal ko," bumaling na rin ito ng higa paharap sa kanya. "hindi ka ba natatakot sa mga nangyari sayu nitong mga nakaraang araw? ni hindi nga natin alam kung sino ang nagtatangka sa buhay mo tapos gusto mo pang umalis dito sa poder ko!?" malungkot na tanong nito.

"Natatakot, kaya lang hindi naman ako sanay ng walang ginagawa." hinaplos niya ang pingi ni Jion, "Kung gusto mo naman para hindi ka mag alala sakin e isasama ko si Juan Pablo sa bahay ko."

"Ano?" Biglang bumalikwas sa pagkakahiga si Jion at hinarap si Yra, "Isasama mo si Juan Pablo? mas gusto mo pa syang makasama kaysa sa akin? Sa halip na ako ang isama mo sa apartment mo ay mas gusto mo pang isama ang body guard mo?" exaggerated na sabi nito.

bumangon na rin si Yra sa pagkakahiga, "Hindi naman sa ganoon!" natatawa siya sa reaksyon ng nobyo, "ang sinasabi ko lang naman ay pwede akong bantayan ni Juan Pablo sa bahay ko, Hindi ko sya patitirahin don okey, pwede kong rentahan yung katabi kong apartment para sa kanya."

"Kahit na anu pang sabihin mo hindi ako papayag, kung pwede nga lang na ilagay na kita sa bulsa ko ginawa ko na para lang makasugurado akong ligtas ka, tapos mas gugustuhin mo pang isama si Juan Pablo. Yra, Hindi pa ako nababaliw para payagan ka." lukot ang mukha nito habang naglilitanya.

Nanilos ang nguso ni Yra saka inayos ang pag iindian seat niya, "Gusto ko na umuwi." sabi niya kay Jion sa nagpapaawang tinig, tiningnan pa niya ng parang maiiyak na.

"Hindi mo ako madadaan sa ganyan mahal ko, para kang bata!" ani Jion saka ngumisi sa kanya, "gusto mo ba ng lollipop?"

Hindi pa rin tinanggal ni Yra ang paiyak look ng mukha niya, "Hindi naman ako bata!" simangot pa rin niya.

"Sa ngayun kalimutan mo muna yang paguwi mo sa bahay mo at mas kampante ako pag nandito kalang sa bahay ko, okey!" saka nito pinisil ang magabila niyang pisngi. "gusto mong manood ng movie?"

Tango lang ang isinagot niya kay Jion, Kinuha naman nito ang Cellphone at nagpipindot doon, maya maya ay nakangisi nitong iniiabot sa kanya iyon, nang iplay niya iyon ay nanlaki ang kanyang mga mata sa nakita.

Video niya iyon habang nakagulong sa sahig at nilololipop ang naghuhumindig na hakdog ng isang lalaki. Bigla niyang nabitawan ang telepono at takot na takot na tumingin kay Jion.

"Ano, hindi ko- paanong?" hindi niya mawari ang sasabihin, pulang pula siya pagkapahiya.

"Relax ka lang mahal ko." dinampot ni Jion ang cellphone at inistop ang Video, saka tinangal nito ang dalawang kamay niyang nakataklob sa kanyang mukha.

"Paano ako marerelax, tingnan mo nga yang video na yan!" halos ay umiyak na sya sa sobrang kahihiyan. "Ni hindi ko nga alam kung pano nangyari yan eh."

Natatawa siyang niyakap ni Jion, "Wag ka ng mag alala okey." hinaplos haplos pa nito ang likod niya.

"Anung wag mag alala? bakit okey lang ba sayo na may video akong ganyan? pano kung kalat na kalat na pala yan pano na ako?" halos ay takasan na sya ng ulirat sa mga oras na yun.

"Yra, ako yung lalaki sa Video." bulong sa kanya ni Jion.

"Ano?" bigla niyang naitulak ang nobyo. "Pano?" napalitan ng galit ang pag aalala niya.

"Remember the last time na nalasing ka, yung marami tayong kiss mark?" paalala nito, "noon yan nangyari."

Napaawang ang bibig niya, hindi niya akalain na gagawa sya ng ganoong bagay.

"Ganyan ka katindi pag nalalasing ka. ngayun, sabihin mo sakin paano ako papayag na may ibang lalaking magbabantay sayo sa apartment mo kung sa twing malalasing kay wala kang maalala?" buo ang kumpiyansang tanong nito sa kanya.

"Kahit na, hindi mo pa rin dapat ginawa yun?" naiinis talaga siya sa ginawa nito.

"Mahal ko, wag ka ng magalit. special ang security ng phone ko kaya napakaimposibleng makita yan ng iba."

"Sigurado ka? walang ibang makakakita ng bidyo na yan?" paninigurado niya dito

"Sapalagay mo ba papayag akong makita ng iba kung gaano ka hot habang ginagawa mo yun?"

Hinampas niya ito ng unan, "Napaka walanghiya mo talaga, lagi mo nalang akong iniisahan."

"Ginawa ko lang yun coz it's so good! tsaka hindi ko akalain na youre really good at it." sabay kagat nito sa pang ibabang labi at binasa ng laway iyon. "I can still remember how it feels!"

Naginit ang pisngi ni Yra, parang may kung anong gumuguhit sa ibabang bahagi ng katawan niya, something na parang nagsasabing gusto niyang ulitin yun napanood sa bidyo. Shit! anong nangyayari sa kanya! lakas loob niyang dinampot ang cellphone ni Jion na nakapatong sa kama.

Chapitre suivant