webnovel

Chapter 1 The bar

"So, kelan mo planong maglipat bahay?" tanong ni Heshi kay Yra habang isinasara ang liptint na hawak nito. Katatapos lng nilang magbreak time at kasalukuyang nasa powder room ng office nila.

"this coming Saturday, tinatapos ko pa kase ang gabundok nating trabaho." sabay taas ng kilay "alam mo naman hindi ako pwedeng umabsent sayang ang isang araw." Sya kase ang nagpapaaral sa dalawa pa niyang nakakabatang kapatid. Kaya bawat araw mahalaga para sa kanya.

"Gusto sana kitang tulungan maglipat ng gamit kaso may event sa bar ni Juno, at ako ang mag hohost." saad ni Heshi.

Pareho silang magkaibigan na walang ibang iniisip kundi extra income. Kahit mayaman ang boyfriend nito ni minsan hindi ito humingi ng tulong dito, mataas pa sa building ng opisina nila ang pride Heshi.

"Anu kaba kayang kaya ko ng gawin mag-isa un, tsaka konti lang naman ang gamit ko." sabay pout ng labi si Yra habang nakatingin sa salamin.

"Bakit kase kailangan mo pang pagtaguan ang boyfriend mo?" biglang nag iba ang timpla ng kaibigan ni Yra "Bakit hindi ka nalang makipagbreak sa kanya tutal naman marami syang reserba?" tuluyan na itong sumimangot.

Napabuntong hininga nalang si Yra "alam mo naman na mahina ang dipensa ko kay Winston." Ayaw man niyang aminin pero mahina talaga ang loob nya pagdating sa pakikipaghiwalay sa boyfriend nya kahit alam niyang kaliwa't kanan ang syota nito.

Lilipat sya ng bahay kase gusto nyang makawala sa stress na dulot ng nobyo niya, naisip nyang pagtaguan muna ito para marealize naman nito ang halaga nya pag nawala sya at di nakikita nito.

Umaasa rin sya na magbabago ito at magtitino na tulad ng lagi nitong pangako sa kanya.

"Ay naku! tapusin na natin ang usapang ito at kumukulo lang ang dugo ko jan sa boyfriend mong hudyo!" sabay hila sa kanya palabas ng powder room "bilisan na natin at baka maunahan pa tayo ni mayora!" yon ang tawag nila sa supervisor nilang matandang dalaga, lagi kasing mainit ang ulo at parang prinsipal ng eskwelan kung umasta.

"Sya nga pala, pagkatapos mong maglipat bahay sa sabado, punta ka sa bar libre ko, icelebrate natin ang pagkamatay ng boyfriend mo!" sabay halakhak nito na parang kontra bida sa pelikula "para makapagbonding na rin tayo! Antagal na natin hindi lumalabas."

Woooh, pagdating talaga sa panlalait sa boyfriend niya walang puso ang kaibigan niya, kung nakakamatay lang ang bawat salita, malamang sumapit na ang death anniversary ng boyfriend nya.

"Sige pagkatapos kong maglipat ng gamit at magayos ng bago kong

apartment!" pumayag nalang si Yra hindi rin naman siya tititgilan ng kaibigan kung hindi sya sasama.

Wow! Andaming tao, palinga linga si Yra habang papunta sa bar counter ng JnJ's , binilisan talaga niya ang aayos ng mga gamit niya para makapunta sya dito, naging paborito na rin kasi nyang tambayan ang bar na ito mula ng isama sya ni Heshi, kilala na rin sya ng mga waiter at bartender doon.

"Hi Yra! Tagal mong di nagpakita dito sa bar ah!" bati sa kanya kisha ang isa sa mga bartender. "Margarita ba?"

"Oo Please!" napangiti nalang siya alam na kasi nito na yun lang ang inoorder nya. "Medyo busy kase, alam mo naman!" natawa na lang ito sa kanya. "Asan na nga pala si Heshi? Di ko pa sya nakikita eh?"

"Ah nasa office ni sir Juno, katatapos lng kase ng Major Event kaya nagpapahinga lang siguro." Iniabot nito sa kanya ang order niyang margarita.

"Nag papahinga o nagpapapawis? Kaya pala nakalock ang opisina ng kapatid ko kasi andito ang girlfriend nya!" napalingon si Yra sa bagong dating na lalaki, umupo ito sa katabi nyang upuan, bago sinenyasan ang waitress doon.

"Yes sir!" tumalikod na sa kanila ang bartender upang ihinda ang order nito.

"Hindi ka ba naniniwala na kapatid ko si kuya Juno?" lumingon ito sa direksyon niya.

"Huh?" ah lintik nahuli siyang nakatitig "ah, hindi naman, hindi ko lang alam na may kapatid sya." Grabeh artista ba tong katabi ko? Sobrang gwapo at ang bango ha! pinipigil ni Yra ang sariling mapangiti, kaya ibinaling na lang niya ang tingin sa inumin na sa harapan niya.

"Madalas kaba dito?"

"Hmmm?" napalingon sya sa paligid. sya ba ang kinakausap nito? "Ah, hindi naman." sya nga! lintek napakagat labi tuloy sya, oh my god! Ang puso nya parang gusto ng lumabas sa dibdib nya sa sobrang lakas ng kabog.

"Ah! Kaya pala kilala ka ng bartender kase hindi ka madalas dito." He's smirking on her.

"Oo nga po Sir Jion, hindi sya madalas!" sabat ng bartender na natatawa nalang kay Yra kase hindi sya makatingin ng diretso sa katabi.

"By the way I'm Jion Azzel brother inlaw to be ng kaibigan mo!" inilahad pa nito ang kamay sa kanya.

"I'm Yra Brijino, ang bestfriend ng magiging sister inlaw mo!" nahihiya siyang nakipagkamay dito.

Uy mukha namang friendly ang isang to oh!

"Bagay sayo ang pangalan mo maganda rin." Nakangiti habang nakatitig sa mukha niya. Ooops! Mukhang kalahi din ito ng boyfriend niya, para syang nakoryente kaya agad din niyang binawi ang kamay niya.

Hmm, mukhang kailangan niyang iwasan ang isang to, mga lalaki nga naman! napailing nalang sya sa iniisip kaya muli niyang ibinalik ang atensyon sa iniinom.

Hay bakit ba pag gwapo palikero? hindi ba pwedeng gwapong loyal naman.

"The music is good, lets dance!" nakangiti ito sa kanya, medyo napaparami na sya ng naiinom at tumatalab na din ang alak sa katawan niya ng mag aya itong sumayaw.

Well sayaw lang naman, wala naman sigurong masama! "Ok, lets go!"

and they start dancing into the beat, her hips sway back and forth as she raise her hands in the air. He's laughing while they dance and keeps his stare on her.

The music change its pace, becomes slow. perfect for lovers! Gusto na sana ni Yra na bumalik sa upuan nya, pero pinigilan sya Jion. "Lets continue this dance." Sabay hapit sa bewang nya papalapit dito.

Para syang minamagnet ng titig nito kaya wala syang nagawa kundi sumunod nalang ng ilagay nito ang kamay niya sa balikat nito.

He keeps staring at her! Napalunok sya ng laway, anu bang ginagawa mo Yra? bakit ayaw mong umiwas ng tingin!

Then he suddenly lowered his head and start kissing her, hes kissing her what the? And she kiss him back..

Chapitre suivant