webnovel

THE GARDEN WEDDING

Romantic garden wedding ang naging tema ng kasal, sa mismong harden ng mga Ortega. Subalit sa nakikitang tuwa sa mga mata ni Chelsea habang pinapalibutan ng mga kaibigan nito kasama na ang mga jowa ng mga barkada ni Vendrick na pumapansin at humahanga sa bagong gupit nito dahil bumagay daw sa maamo nitong mukha at sa damit nitong off-shoulder at tea length na puting bestidang gawa sa lace, sa unang tingin tuloy ay parang ito ang ikakasal.

"Bagay na bagay sayo ang buhok mo Chelsea ha? San ka nagpagupit?" usisa ng isa nitong kaibigan.

"Sa salon ni Erland. Dalawa kami ng bride na nagpagupit dun kanina." bida nito, idiniin pa ang salitang "bride."

"Hanga talaga ako sayo, Chelsea. Ikaw lang ang babaeng nakilala kong sa halip na magwala sa galit ay tila tuwang tuwa pang ikakasal ang kanyang fiance sa ibang babae." pansin ni Shanna dito.

Isang malutong na halakhak ang isinagot nito.

"Why will i do that? It's just a piece of paper. Alam ko namang napilitan lang si Vendrick na pakasal sa kanya. Ako pa rin ang mahal niya. Ang mahalaga ay akin lang ang puso niya." puno ng pagmamalaking sagot nito.

"But i'm really curious kung bakit sila magpapakasal gayung alam ng lahat ang tungkol sa inyong dalawa." takang sabad ni Beth.

"Well, let me tell you about one of my lover's secret. Kay Marble lang naman ipinaman ni Lolo ang kanyang kayamanan kaya para maibalik yun kina Vendrick, kailangan niyang pakasalan si Marble. At pag nakuha na ni Vendrick ang kayamanan nila, ipapa-annul na niya ang kasal na to. Did you get the point? Kaya bakit ako magagalit kung sa bandang huli sakin din naman mapupunta si Vendrick? Hahaha!" mahaba nitong paliwanag na tila hindi isang sekreto ang isinisiwalat sa madla.

Napanganga ang mga kaibigan nito, nahati ang mga opinyon ng bawat isa.

"That's very cruel of him." Bulalas ni Maricor.

Duon na natigilan si Chelsea, tila noon lang narealize kung ano ang sinabi nito.

"But that's the only point of this wedding, wala nang iba!" ngunit iyon pa rin ang ipinagdiinan nito sa nakapalibot na mga kaibigan.

"But honestly, dapat talaga ikaw ang ikinakasal ngayon kay Vendrick." pakli ng isa sa mga naruon.

Napangiti uli ito nang matamis.

"I don't care about that. Alam ko namang di hamak na mas maganda ako kay Marble. Just look at her hairstyle later, duon pa lang makikita nang wala talaga siyang panama sakin." humagikhik na ito, tila nakikinikinita na nito ang mangyayari pag nakita ng lahat kung sino ang mas maganda, ito o si Marble. Ngayon pa lang pumapalakpak na ang tenga nito sa tuwa.

**********

Di na mapakali si Marble sa loob ng kwarto ni Vendrick habang nagpaparuo't parito siyang walang tigil ang bibig sa paninisi kay Erland mula pa kaninang inaayusan siya nito.

"Hey, stop it. Nahihilo na ako sa ginagawa mo." saway ng binata sa kanya nang pumalit ito sa pagkakaupo sa silya sa harap ng tokador.

"Bakit kasi hinayaan mong mangyari to?" muli na naman niyang giit sa kanina pa sinasabi.

"Anong magagawa ko eh ikaw nga ang may gusto nito?" giit din ng binata.

Isang matalim na tingin ang kanyang pinakawalan

Natigil lang sila sa sisihan nang kumatok ang ina ni Vendrick mula sa labas ng pinto.

"Marble, halika na. Magsisimula na ang seremonyas." tawag sa kanya.

"O-opo! Susunod na po!" sagot niya saka hinila si Erland palabas ng kwarto, umabrasete dito pinakalma niya ang sarili.

"Segurado ka bang maganda na ako?"pabulong niyang tanong habang pababa sila sa hagdanan.

"Akala ko ba ayaw mo sa kasalang to? Bakit gusto mong maging maganda sa paningin ni Vendrick?" panunudyo nito sa kanya.

Hinampas niya ito sa braso.

"Sinabi ko bang gusto kong magpaganda sa walanghiyang yun?" pambabara niya rito.

Mahina lang itong tumawa.

Napakapit siya lalo sa braso nito nang makababa na ng hagdanan at makita ang nakapinid na pintong lalabasan nila ni Erland mamaya.

Nagsimula siyang kabahan sa sari-saring emosyong nararamdaman. Kahit para sa kanya ay di totoong kasalan ang nagaganap ngayon, pero bakit naeexcite pa rin siya, thinking that her very groom is Vendrick, that bully man?

Nag-init bigla ang kanyang pisngi nang biglang lumitaw sa kanyang balintataw ang mukha nito ngayon. Ano kayang itsura nito? May kahawig kaya itong artista? Kasing gwapo kaya ni Erland o mas gwapo pa sa huli? But Vendrick has that unique appeal na mapapalingon ka talaga rito at mapapatitig sakaling masulyapan mo ito lalo na pag nakita mo itong nakangiti, pati mga mata'y nakangiti din.

Inihilig niya ang ulo. Bakit ba niya pinupuri ang walanghiyang yun eh kanina pa siya naiinis duon nang malamang nakasunod pala ito sa kanya sa likuran ay hinayaan lang siyang maligaw pabalik sa bahay na to, halos isang oras tuloy siyang nagpaikot-ikot sa buong divisoria, buti na lang at natandaan niya ang isang gusaling dinaanan nila kaninang magpunta sila sa salon. Nang makabalik siya rito'y saka lang niya nalamang nakasunod pala ito at mabilis na ipinasok ang sasakyan nito sa garage pagkababa lang niya sa motor. Walanghiya talaga. Hmmmppp!!!

Bumukas ang malapad na pinto, bigla siyang napayuko, tila nasilaw sa liwanag na nanggagaling sa labas.

Siniko siya ni Erland.

"Humakbang ka na." bulong sa kanya.

Sumunod naman siya, humakbang nga palabas ng bahay hanggang sa tumambad sa kanya ang nagpakatangang mga bisita sa paghanga nang makita siya sa kanyang itsura.

Naka garden wedding dress lang naman siya, gawa sa chiffon ang tela mula sa beywang hanggang sa laylayan na umabot sa taas ng kanyang mga paa at lace naman mula sa beywang pataas. Sleeveless yun na binagayan ng pinaghalong classic case and soft and glossy waves of hairstyle na bumagay sa maliit niyang mukha, pwede na nga siyang mapagkamalang isang barbie doll sa kanyang ayos.

Lumapad bigla ang ngiti niya sa mga labi sa nakitang pagkamangha sa mga mata ng mga nakakakita sa kanya. Lalo niyang tinamisan ang ngiti nang mahagip ng paningin si Chelsea sa unahang hanay ng mga bisita, nakanganga ito habang nanlalaki ang mga matang nakatitig sa kanya, di seguro makapaniwala sa nakikitang haba ng kanyang buhok o nagulat ito dahil natalbugan niya ang beauty nito.

Wala sa sariling napahagikhik siya habang naglalakad sa carpented na aisle papuntang altar at di sinasadyang mapadako ang tingin sa groom na nakaawang din ang mga labi at walang kurap na nakatitig sa kanya.

Namula ang kanyang pisngi, ayyy hindi, lalo pumula ang kanyang pisngi pagkakita sa mga mata ng lalaking puno ng paghanga sa kanya na tila nanunuot yun sa kanyang kalamanan, deretso sa kanyang puso dahilan upang kumabog iyon nang malakas.

"Ayyyy ang ganda talaga ni Marble Manang!" kinikilig na hiyaw ni Bing kahit katabi lang nito ang kausap sa gitnang upuang nagpakahilira sa gilid ng pasilyo.

Hindi na nakapaghintay si Vendrick at nagmamadali na silang sinalubong sa gitna pa lang ng aisle at binawi ang kamay niya kay Erland sabay tapik sa balikat ng huli.

"Thanks, Dude. I owe you this one." anito sa kaibigan.

"Take care of my barbie doll." pakiusap naman ng kaibigan dito.

"I will." sagot nito't ipinasok na ang kanyang kamay sa nakarko nitong siko saka sila naglakad papuntang harap ng altar.

Pakiramdam niya, di siya umaapak sa lupa sa sobrang kabang nararamdaman habang nakakapit sa bisig ni Vendrick. Pakiramdam niya, sila lang dalawa ng binata ang naruon, ninanamnam ang bawat sandaling magkasabay silang naglalakad, binibilang ang bawat hakbang na kanilang ginagawa at magkasabay na humihinga habang palapit sa altar.

Gosh! Pwede bang totohanin na lamang nila ang kasal na yun? Pwede bang maging asawa na lang talaga siya nito? Pwede bang sa kanya na lang talaga si Vendrick? Pwede ba yun?

Chapitre suivant