webnovel

STAR OF THE NIGHT

"Gusto mong masampulan ng suntok?" Pilit niyang pinakalma ang sariling damdamin at umaktong 'di siya nagulat, na tulad pa rin sila ng dati kung magbangayan, na damit lang ang nabago sa kanya, hindi ang kanyang damdamin.

Ang lakas ng tawa ng binata na nang itulak niya ito'y hinila din siya patayo at mabilis na iniupo sa gilid ng kama.

"Kelan ka dumating? Bakit ngayon ka lang nagpakita? Walanghiya ka talaga! Aalis ka nang walang paalam. Tapos bigla kang susulpot kung kelan mo gusto." puno ng pagtatampo ang boses niya, pairap na nakatitig ditong lalong napalakas ang tawa saka binuksan ang jewelry box sa kanyang tabi, kumuha ng isang paris ng hikaw duon at inilagay sa magkabilang butas ng kanyang tenga.

"Do you like the dress?" usisa nito nang mapansing natahimik siya.

Lalong tumalim ang titig niya.

"Kaya pala ang pangit. Ikaw pala ang bumili," pasulpada niyang sagot.

Ngumiti lang ito, kumuha na uli ng choker necklace na tila idinikit lang sa halterneck niyang damit na lalong nagpaganda sa kanyang leeg. Hinayaan niya lang ito sa ginagawa.

Sunod nitong inayos ang kanyang buhok, na tila ginulo lang nang bahagya at nang ma-satisfy ay saka siya hinawakan sa kamay na tila natural na nilang ginagawa.

"Perfect!" sambit nito.

Napahagikhik siya...natigilan ito.

"Bakit para kang natuka ng ahas d'yan?" taka niyang tanong, 'di inaalis ang matamis na ngiti sa mga labi.

"I just can't believe you can be as beautiful as this," paanas nitong sambit na halos 'di niya marinig mula sa mga labi nito pero nag-blush pa rin siya.

"Talaga? Maganda ako? Ows 'di nga?" excited niyang tanong, humagikhik na naman.

"Oo mukha ka nang unggoy ngayon, 'di na mukhang kabayo," pabiro nitong sagot saka humalakhak.

Muntik na niya itong masapak sa inis sabay talikod dito.

"Umalis ka na nga! Aalis na din ako. Pinapupunta kami ni Madam sa visitor's room," pagtataboy niya.

"Hey! Ako ang nagpaganda sa'yo, wala man lang salamat sa ginawa ko?" angal nito.

"Tse! Alam ko namang utang ko sa'yo 'to. Ano'ng ipagpapasalamat ko, idagdag mo na lang sa utang ko," pasuplada na uli niyang tugon sabay hablot ng----bakit ba siya humarap na uli sa kama? Ano ba'ng kukunin niya? Nakalimutan niya tuloy.

Humarap na uli siya sa binata at mabilis ang mga hakbang na lumayo rito.

"Dahan-dahan baka matapilok ka. Baka masira ang damit. Mahal pa naman 'yan," habol nito, sinabayan na uli ng tawa ang sinabi.

Hindi na niya ito pinansin at nagtuluy-tuloy na sa labas ng kwarto.

Naiwan itong natitigilan, habol pa rin siya ng tingin.

"How could she be that beautiful?" di makapaniwalang sambit nito.

Kung kanina'y siya ang natitigilan, ngayon nama'y mas matindi yata ang dating dito sa naging transformation niya.

***********

Sa loob pa lang ng visitor's room, 'di na mapakali ang dalawang magkababayan. Halo-halong emosyon ang nararamdaman nila ng mga sandaling 'yo.

Todo ang bilin niya sa matanda habang papalabas sila ng silid.

"Anak, 'wag mong ipapahalatang ulyanin ka na, ha? 'Pag binati ka, sabihin mo, thank you sabay ngiti. Ngumiti ka lang lagi," bilin niya sa matandang nakanganga pa habang nakikinig sa kanya.

"Nanay, pwede po ba akong makipaglaro sa kanila ng baraha?" parang bata nitong usisa.

Ilang beses siyang umiling, isinenyas pa ang kamay.

"Hindi pwede, anak. Saka na 'pag natapos na ang party," marrin niyang tanggi, pagkuwa'y bumaling kay Lorie na 'di niya alam kung naiiyak ba o natutuwa basta alanganing ngiti, alanganing hikbi ang nakarehistro sa mukha nito.

"M--Marble, p-para yatang 'di ko kayang bumaba sa hagdanan,"

"Ha? Bakit?"

Bago pa man ito makasagot, bumukas na ang pinto ng silid, pumasok duon ang seryosong mukha ng isang lalaking katulad ng tindig ni Vendrick pero malayo ang mukha sa isa't isa.

Biglang natuliro ang kababayan saka kumawala sa pagkakahawak sa matanda.

Ang lalaki nama'y sa isang tao lang nakatuon ang mga mata, kay Lorie lang na bigla nitong niyakap.

Napanganga siya sa pagkagulat lalo na nang maghalikan ang dalawa.

Woah! Ano 'to, palabas sa telebisyon?

"God knows how I tried living without you but I just can't. I love you Lorie. I don't want to leave you anymore," anang lalaki nang matapos nitong siilin ng halik ang dalaga saka niyapos nang mahigpit.

"Nanay, ano po'ng ginagawa nila?" kalabit ng matanda sa kanya.

Agad niyang tinakpan ang mga mata nito nang 'di makita ang nangyayaring kadramahan ng dalawa.

Tuluyan nang napahagulhol ng iyak si Lorie habang nasa bisig ng lalaki.

"Bakit ka pa bumalik? Tinanggap ko na ang katotohanang 'di tayo pwedeng magkatuluyan. Bakit ka pa bumalik kung 'di mo naman ako kayang ipaglaban?" hagulhol nito.

Lalo lang humigpit ang yakap ng lalaki rito.

"I'm sorry..." paulit-ulit na sambit nito hanggang sa lumayo sa katawan ng babaeng parang wala nang balak tumahan.

Nakagat niya ang ibabang labi nang 'di mahawa sa iyak ng kababayan saka bahagyang hinila ang matanda palayo sa dalawa nang magkaruon ang mga ito ng privacy.

Tatlong katok sa pinto ang nagpaalarma sa kanilang lahat.

"Marble! Bakit 'di pa kayo lumalabas? 'Asan na si papa?"

Namutla agad si Lorie pagkarinig sa boses ng amo.

Siya nama'y mabilis na inalalayan ang alaga palabas ng kwarto pagkatapos senyasan ang dalawa na 'wag maingay.

"O, bakit kayo lang ni papa? 'Asan si Lorie?" takang usisa ng amo.

Biglang lumungkot ang kanyang mukha.

"Sensya na po maam, nag-LBM po bigla si Ate Lorie kaya kami na lang po ang lumabas. Ando'n pa rin po siya sa banyo," pagtatahi niya ng idadahilan.

"Ano ba 'yan, kung kelan pababa na kayo, saka naman siya nagkaganyan," iritado nang wika ng ginang saka inalalayan ang isa pang kamay ng byenang lalaking tumahimik bigla nang palihim niyang kindatan na 'wag maingay.

Kaya sa halip na si Lorie ang kasama nila sa pagbaba ng hagdanan, sila na lang ng madam habang ang tinging ng lahat ng mga bisita ay nakapako sa kanilang tatlo.

**********

"Dude, ano, naka-score ka na ba kay Chelsea?" pilyong usisa ni Paul nang mag-umpukan silang magbabarkada sa malapit sa may hagdanan ng bahay habang ang ilan sa kanila'y patingin-tingin sa mga dalagang napapadaan sa harap nila, humahanga sa taglay na ganda ng mga ito.

Napangisi lang si Vendrick sabay tapik sa balikat ng katabing si Paul.

"I'm not like you, ang hilig sa one night stand," pabiro niyang sagot.

Kantyawan ang lahat lalo na ang tinudyo.

"Tsk! Tsk! Tsk! Mahina ka talaga sa chix, Dude," ani Livy na sa kanya nakatingin.

"Tignan mo si Gab, may Gf na. Mamaya makaka-score na 'yan sa jowa niya," dugtong nito.

Namula si Gab nang marinig 'yon sabay kamot sa noo at simsim ng laman ng hawak na wine glass ngunit 'di maitatangging masaya ito ngayon, kitang-kita sa nakangiti nitong mga mata.

Siya nama'y nakigaya na ring tumikim sa red wine na laman ng hawak ding wine glass.

"Who's the lucky girl, Dude? 'Yong si Marble ba?" panunudyo na uli ni Paul.

"Yup!" maagap na sagot ni Gab.

Ang balak na pagtikim lang sa red wine, napasarap yata sa kanyang lalamunan kaya bigla niya iyong natungga at awtomatikong nagsalubong ang mga kilay, napahigpit ang hawak sa baso. Pakiramdam niya, bigla siyang nalasing sa pagkumpirma ni Gab na gf na nga nito si Marble.

Pumailanlang sa buong kabahayan ang boses ng EMCEE sa pangalawanang hagdanan pababa ng bahay.

"And now, the star of the night! Senyor Leonardo Sy Ortega!" anunsyo ng EMCEE habang ang isang kamay ay itinuturo ang tatlong nilalang sa taas ng hagdanan. Kasama ruon si Marble na halata sa mukha ang kaba ngunit pilit pa ring nakangiti habang kinakausap ang matanda.

Sunod na umalingawngaw ang isang birthday song na duet version para sa celebrant habang dahan-dahang bumababa ang tatlo sa hagdanan.

"Who's that lady with Senyor Leo?" usisa ni Livy pagkakita kay Marble.

Napatingala ang buong barkada sa hagdanan, nagtataka kung sino ang kasama ng kanyang mama at lolo habang siya nama'y natigilan din.

While staring at the beautiful face, 'di niya mapigilang mag-flashback sa mga nangyari noong madulas ito sa balat ng saging habang tumatakbo palapit sa kanya dahil sa kanyang sukli. Napangiti siya nang maalala kung paano nitong kinabig ang kanyang leeg at kung paanong naglanding ang mga labi niya sa mga labi nitong diring-diri pa siya sa laway na dumikit sa kanyang bibig. Nang dahil duo'y nagawa niyang halikan si Chelsea para makalimutan ang halik ng una. Makita niya lang ang pagmumukha nitong mas matindi pa sa baku-bakong daan sa laki ng mga pimples, ang pupula pa at ang mga pangil nitong nakaririnding pagmasdan, nanggigigil na siya sa inis.

And now look at her while smiling at everyone na para bang ito ang celebrant at hindi ang kanyang lolo. Wala man lang palatandaan na mukha itong kabayo noon.

Subalit kung maibabalik lang niya ang panahon, he would choose that ugly Marble na grabe sa kabobohan, and not this new one who's taking his breath away while staring at her as if mawawala ang kanyang katinuan 'pag 'di masilayan ang mukha nito.

Is he into her? Or was he already into her the moment he kissed her lips in the pool, or the moment they had their first kiss in Cebu?

Naihilig niya ang ulo.

Marble... Marble...Doesn't she even know that gorgeous isn't even the right word for her tonight, far more than that?

"She's Marble, my Gf," pagmamalaking pakilala ni Gab ngunit nagsalubong ang dalawang kilay pagkakita sa damit ng dalaga.

"Why isn't she wearing the dress that I bought for her?" narinig niyang bulong nito kay Paul.

Mahina siyang tumikhim at inilapag sa malapit na lamesa ang hawak na baso saka lumapit sa magulang.

Lumapit na rin ang kanyang papa para alalayan ang matandang tuluyang makababa ng hagdanan.

Subalit kung kelan isang baitang na lang ang nasa harapan ni Marble, saka naman ito pasimpleng natapilok kung 'di niya agad nahawakan sa braso, pasimple rin itong itinayo nang maayos. Buti ando'n na siya, naghihintay na makababa ang tatlo.

Isang nakakalokong ngisi ang kanyang pinakawalan, irap naman ang iginanti nito.

Lihim siyang napangiti.

'Why is this lady even more beatiful when giving a sullen glance?' bulong ng kanyang isip.

Chapitre suivant