webnovel

SHE'S A REAL GIRL

Biglang sumagi sa isip ni Vendrick na mahilig magpunta ang kanyang lolo sa divisoria Mall at sa food court ng 999 Shopping Mall ito kumakain, minsan ay isinasama din siya nito duon noong kabataan niya at wala pa itong alzheimer's disease. Kaya initry niyang magpunta ruon baka andun nga ang matanda.

Ipinarada niya ang sasakyan sa gilid ng kalsada sa harap ng Tutuban Shopping Mall at nilakad papunta sa 999 Shopping Mall. Nakipagsiksikan siya sa mga tao hanggang sa wakas ay may dalawang maglolo siyang nakitang lumiliko papunta sa 999. Kung pwede nga lang sigawan niya ang mga taong nakakasalubong sa daan para paraanin siya'y ginawa na niya pero tiniis niyang makipagsiksikan sa mga tao makalapit lang sa dalawa.

Hindi niya akalaing sa mga oras na 'yon ay dalawang hinahanap agad ang kanyang makikita, magkasama pa. Pero segurado siyang ang kanyang lolo iyon dahil may benda ito sa ulo tulad ng kwento ni Lorie na nauntog daw ito sa bedside table. Pero 'di siya segurado kung si Marble nga ang kasama nito maliban sa katawan nitong payatot at sa damit nitong kahapon pa ata suot, 'di pa naliligo at nagpapalit ng damit. Patuloy siya sa pakikipagsiksan sa dami ng mga taong naruon sa lugar na 'yon.

Kung kelan segurado na siya sa nakikita ay saka naman niya narinig ang malakas na sigaw ni Gab.

"Lolo! Mar!"

Napatingin siya sa kinaruruonan ng kaibigan. Mas malapit siya sa dalawa kesa sa kinaroroonan ni Gab pero nang sumigaw ang kaibigan ay hinila ni Marble ang kamay ng matanda papunta sa binata.

Hindi na naman niya mapigilan ang mainis. Bakit ba lagi siyang nauunahan ni Gab sa lahat ng bagay? Kahit sa simpleng bagay na 'yon, nauhan pa rin siya ng kaibigan.

Napapabuntunghiningang pinagmasdan na lang niya ang tatlo nang magkakasama papunta sa 999. Palihim lang siyang sumunod sa mga ito.

Marahil nga gusto talaga ni Gab ang payatot na 'yon. Hindi lang gusto, baka nga tinamaan na ito ng true love.

Hindi! Mga bata pa sila para makaramdam ng true love. Ang alam niya, saka lang 'yon nararamdaman pag katulad na sa kanyang kuya Karl na patapos na ng college.

At siya, crush lang niya si Chelsea pero alam niyang 'di 'yon matatawag na true love.

Eh yung nararamdaman niya pag nakikita ng bampirang 'yon? Inihilig niya ang ulo. Naiinis lang siya sa tomboy na 'yon, wala nang iba.

Hanggang sa makaakyat ang tatlo sa 999 ay palihim lang siyang nakasunod, hindi siya nagpapakita sa mga to. At kung hanggang kelan niya gagawin 'yon, hindi niya alam. Baka pag naisipan na ng tatlong bumalik sa kanilang bahay.

**************

Nagliwanag agad ang mukha ni Marble pagkakita sa nakangiting si Gab, kumakaway sa kanila sa gitna ng maraming tao ngunit nakatingkayad ito kaya kitang kita niya ang humahaba nitong leeg.

"Gab!" tawag niya rin saka hinawakan nang mahigpit sa kamay ang matanda.

"Anak, dito tayo. Andito ang kaibigan ko," aniya sa matandang agad na humarap sa kanya at tinanaw ang kanyang kinakawayan.

"Nanay, bad po 'yan. Dapat si tatay lang ang love niyo," lumungkot ang mukha nito.

"Ha?" Sandali siyang nalito sa sinabi nito. Ang pagkakakilala pala nito sa kanya ay totoong ina nito. Pero hindi niya iniexpect na alam pa pala ng matanda ang itsura ng sinasabi nitong ama.

"Hindi anak, kaibigan ko lang siya," sagot niya saka hinila ito palapit sa kinaruruunan ni Gab.

"Bakit magkasama na kayo ni lolo? 'Di ba nasa ospital siya?" takang usisa ng binata.

"Oo nga eh. Hinanap ko siya pero 'di ko alam na nakasunod lang pala siya sa'kin hanggang dito. Mabuti na lang nakita ko siya agad," sagot niya.

"Nanay, halika na po. Bili na tayo ng pagkain duon," ito naman ang humila sa kanyang kamay at ininguso ang isang gusali na may pangalang 999 Shopping Mall.

"Gusto mo bang kumain, Lolo?" tanong ni Gab saka ngumiti sa matanda pero matalim na titig ang isinagot nito.

"May asawa na si Nanay. 'Di na siya nagpapaligaw," lantaran nitong wika.

Tumawa si Gab ngunit bigla ring kumunut ang noo pagkuwan.

"Nanay?" litong baling nito sa kanya.

Ngumisi siya, nalantad ang mahahaba niyang pangil.

"Nanay tawag niya sa'kin," an'ya sa binata.

"No. What I Mean Nanay, meaning babae ka?" 'di makapaniwalang tanong nito.

"Bakit? Ano ba ako sa tingin mo?" mahina siyang tumawa.

Malakas ang halakhak na pinakawalan nito saka siya sinuyod ng tingin mula ulo hanggang paa.

"You're a lady?" 'di pa rin makapaniwalang usisa nito.

Tumango siya.

"Bakit ba? Mukha ba talaga akong lalaki para sa'yo?" pabiro niyang tanong.

Malakas na uli itong tumawa.

" I just can't believe you're a girl," anitong nakapameywang na.

"Nanay, nagugutom na po ako. Bili tayo ng pagkain do'n," anang matanda saka na uli hinila ang kanyang kamay at nagpatiunang naglakad papunta sa 999 Shopping Mall, sumunod lang silang dalawa ni Gab.

Pagpasok lang sa Mall ay bumitaw ang matanda sa pagkakahawak sa kanya at naunang nagtungo sa skeletor saka siya sinenyasang umapak din sa inaapakan nito.

Sa takot na baka madulas ang paa nito'y agad siyang tumakbo sa kinaruruunan ng matanda at umapak sa baba ng inaapakan nito at humawak sa barandilya ng skeletor. Ayaw na niyang may mangyaring masama rito nang mga sandaling iyon.

Sumunod naman si Gab sa kanila hanggang sa marating nila ang food court na tila alam na alam ng matanda kung saan iyon naroroon.

Pagkakita lang sa madaming tao sa loob ng food court ay pumalakpak ito at nagpatiuna na uling nagtungo sa jollibee at pumila ruon.

Natatawang sumunod na rito si Gab, nahuli siya.

Habang nakapila ang dalawa ay pinakiusapan siya ni Gab na maghanap na lang ng bakanteng lamesa sa food court para duon sila kumain, sumunod naman siya.

Eksakto namang may bakanteng lamesa sa may gitna kaya do'n na lang siya umupo.

Mula sa kinaroroonan ay nakita niyang panay turo ang matanda sa gusto nitong pagkain. Malungkot siyang napatungo at naalala ang sarili sa mismong graduation nila ni Ynalyn, habang gano'n ang ginagawa niya sa loob ng jollibee sa Cebu kaya sabi ng kanyang ama, 'yong maramihan na ang kanilang bilhin para mabusog silang lahat.

Kumusta na kaya ang kanyang mga magulang sa Cebu? Nag-aalala ba ang mga ito sa kanya dahil 'di pa siya tumatawag duon? Ano na kayang ginagawa ng kanyang tatay ngayon? Nagtitinda pa rin ba ito ng buko juice at nagsasideline pa rin sa pagpipintura ng mga bahay?

"A penny for your thought!" pukaw sa kanya ni Gab hawak ang tray ng kanilang pagkain at ang matanda nama'y bitbit ang isang cup ng Chocolate sundae saka tumabi sa kanya sa pag-upo.

"Nanay mabait pala ang lalaking 'yan, binilhan tayo ng madaming pagkain," anang matanda saka itinuro si Gab sa tapat nito.

Mahinang tumawa ang binata.

"Lolo, I'm Gab," pakilala nito sa katabi niya.

Bumungisngis ang matanda saka siya kinalabit.

"Nanay, siraulo ang lalaking 'yan, tinatawag akong lolo," anito, muling humagikhik.

"Magpasalamat tayo kay Gab kasi 'di tayo makakakain ngayon ng masarap na pagkain kung 'di dahil sa kanya," anya, pilit pinasigla ang boses.

Tumango naman ang matanda saka nagpasalamat sa binatang inisa isa silang bigyan ng plato na may kanin at isang pirasong fried chicken maliban pa sa nasa bucket na puno rin ng fried chicken.

"Kain lang tayo. Ubusin natin 'to."

Ngunit di pa man nila nagagalaw ang nasa plato ay bigla na lang may umupo sa tabi ni Gab.

"Dude, pa'no mo nalamang dito din ako kakain?"

Gulat siyang napanganga at kunut-noong napatitig sa nagsalitang 'yon.

Bakit andito ang bastos na 'to? Saang lupalop ito nagmula at pa'nong nakarating agad do'n?

"Dude! Andito ka rin?" gulat na bulalas ni Gab.

"Kaya nga nagulat din ako, may extra plate dito, parang alam mong andito ako ah," sagot ng binata, alanganin itong ngumiti saka pakaswal na sumulyap sa kanya ngunit natuon ang tingin sa matanda.

"Lolo, are you alright?" usisa nito sa katabi niya.

"Yes," pasimpleng sagot ng tinanong bagay na ikinapagtaka niya at awang ang mga labing napatitig ditong nilalantakan na ang fried chicken sa plato.

Kahit ang dalawa'y nagkatinginan sa sagot nito.

"Lolo, what are you eating right now?" 'di makapaniwalang muling tanong ng binata.

Saka lang nag-angat ng mukha ang tinanong at bumaling sa kanya.

"Nanay, dapat pala dito tayo lagi kumakain tapos isama nating 'yang mama kasi madami siyang pera," nakangiti nitong wika sabay turo kay Gab.

Napatingin siya sa dalawang muling nagkatinginan at tila nadisappoint sa muling sinabi nito.

"Sige na, kain na lang tayo para makabalik na tayo kina Madam," anyang inunahan nang papakin ang fired chicken sa kanyang plato.

Chapitre suivant