webnovel

Chapter Fourteen

"Bea!" masiglang tawag ng isang tinig sa kanya. She turned to look at the owner of the voice and saw a guy running her way. He looks familiar but she can't remember where he's seen him.

Humahangos itong huminto sa tapat niya. He was smiling broadly, showing a set of pearly white teeth.

"kumusta?" tanong nito sa kabila ng pagkahingal

Bahagyang nagdikit ang mga kilay niya, pinipilit halukayin sa utak kung kilala ba niya ang kaharap.

"Kevin" nakangiting wika nito sabay turo sa sarili, marahil ay nahulaan na hindi niya ito nakilala.

"oh Kevin!" she acknowledged kasabay ng pag tango. She gave the man a smile. Ngayon ay natandaan na niyang nakilala niya ito ng bumisita ang lalaki sa bahay nila a couple of months back.

"Are you studying here?" tanong niya. She actually assumed na kasing edad ito ni Xander.

"yup. This year's my last year. Graduate na dapat ako last year pero nahinto kasi ako kaya ayun" paliwanag nito

"oh, okay" she nodded

"ikaw? kumusta ang second day mo dito sa university? ibang iba siguro kaysa sa Maynila?"

"it's going good. Same lang din naman"  she lied. She wanted to say yes dahil ang totoo ay wala lahat ng mga nakasanayan na niyang amenities ng isa sa pinaka prominenteng unibersidad sa Maynila na kanya noong pinapasukan but then she didn't want to sound like a snob kaya minabuti na lamang niyang huwag pahabain ang sagot.

"well, that's great to hear" he answered smiling. "may klase ka ba ngayon?"

"uhm, not at the moment. Vacant period ko"

"perfect! mag merienda muna tayo" aya nito

"I'm not really hungry" she declined politely. "Papunta sana ako ng library eh"

"C'mon, just a quick bite,please?"

"Maybe some other-" she didn't finish what she was saying when she saw Xander and Frances walking together. Frances was smiling ear to ear, kulang na lang siguro ay i-angkla  nito ang kamay sa braso ni Xander! It looks like the two are headed to the canteen!

"sure!" she quickly changed her answer at matamis na nginitian si Kevin "let's go?"

Lalong lumapad ang ngiti ni Kevin at magkasabay silang naglakad patungong canteen.

Sa canteen ay agad sinuyod ng mga mata niya ang helera ng mga upuan at lamesa. There! She spotted Xander and Frances right away, nakapila ang mga ito para umorder ng pagkain. Most of the female students there were obviously eyeing Xander, kinikilig na nagbubulungan ang mga ito.

"do you always attract this much attention maski sa Maynila?" Kevin asked out of the blue

"huh?" she cluelessly looked at the guy. He was standing behind her in line.

Ngumisi ito at inilapit ang mukha sa kanya upang bulungan siya "I mean, look around you. Parang nakakita ng artista ang mga kalalakihan dito" he chuckled.

Nilinga niya ang paligid at tama nga ito, most guys were staring at her, their eyes were showing admiration towards her. Hindi sinasadyang nahagip niya ng tingin ang kinaroroonan nina Xander at makitang nakatitig ito sa kanila ni Kevin. Seryoso itong nakatingin sa kanya na tila galit. She pretended not to see him at sa halip ay ibinaling ang pansin kay Kevin kahit pa ang totoo ay hindi siya interesado sa sinasabi nito sa kanya.

Nang maka-order sila ay naupo sila sa pang apatang mesa. Ilang dipa ang layo ng kanilang kinauupuan sa mesa nina Xander at Frances. Sadya siyang umupo sa silyang nakapaharap sa mesa ng mga ito upang makita niya ang pinag gagagawa ng dalawa.

"are you listening to me, Bea?" untag ni Kevin sa kanya.

"oh. sorry" hinging paumanhin niya "I was just thinking about something"

"I asked if you have a boyfriend" pag uulit nito sa tinatanong

She almost spit out the juice she just sipped.

No. But I have a husband. Gusto niyang isagot dito.

"ah w-wala" she answered

"so, pwede ba akong manligaw?" tila nahihiyang sabi ni Kevin, sinabayan iyon ng kamot sa ulo and a boyish smile.

She chuckled. He actually is cute. May pagka singkit ang mga mata nito, matangos ang ilong at mestizo.

"I don't think Beatrix would entertain suitors for now" anang baritonong tinig sa likod ni Kevin.

Her eyes widened as she stared at the man towering behind Kevin. Si Xander.

"pare!" nakangising bati ni Kevin dito

"You need to call me sir here at school" pormal na tugon nito habang ang mga mata ay nakapako pa rin kay Beatrix.

"okay. okay" natatawang sagot ng lalaki "sir. bakit naman hindi pwedeng ligawan si Bea?"

"Bea's dad entrusted her to us, isa sa bilin ng Papa niya ang bawal magka nobyo habang nag aaral" walang gatol na pahayag nito

Naubo si Beatrix sa sinabi ni Xander. What the heck? Ano ba ang nakain nito at ganito ang mga pinagsasasabi? Has he gone insane? Hindi ba at kailan lamang ay galit na galit ito sa kanya na may nakaalam sa paaralan na magkasama sila sa bahay ngunit heto ngayon at nagsadya pa sa mesa nila just to say na hindi siya maaaring magpaligaw?

"I don't recall my dad saying that" salungat niya sa sinabi nito, sinabayan niya iyon ng naghahamong taas ng kilay.

Xander's chest heaved a sigh. May warning sa mga mata nito "Yes, your father specifically told me, Beatrix" diniinan nito ang sinabi

"Xander, what's going on?" ani Frances na sumunod sa kinatatayuan ni Xander.

Bea's face turned sour. Kapal talaga ng babaeng ito!

"oh nothing" nauna siyang sumagot kay Frances, giving her the sweetest, bitchiest smile she could make "sir Xander just didn't approve of me having any suitors" makahulugan siyang tumingin sa babae.

Frances didn't say anything but stared at Xander's back. Nakita niya ang panibughong gumuhit sa mukha nito.

"oh look at the time!" tumayo siya sa kinauupuan "mauna na ako sa klase" paalam niya kay Kevin na agad ding tumayo.

"hatid na kita sa klase mo, Bea" prisinta ni Kevin

She glanced at Xander. Tila nag igting ang mga bagang nito. He looked pissed off but didn't say anything.

"Have a good afternoon, sir" she told him and emphasized the word 'sir'.

****

Iritadong sinundan ng tingin ni Xander sina Beatrix at Kevin habang magkasabay naglalakad palayo sa kantina. He inhaled and filled his lungs with air. Hindi rin niya maintindihan ang sarili kung bakit hindi siya nakapag timpi at basta na lamang lumapit sa mesa ng mga ito. He didn't even think of Frances who was with him for goodness' sake! Bago pa niya naawat ang sarili ay nakatayo na siya sa likod ni Kevin.

Kilala niya kasing chickboy si Kevin. Halos kalahati yata ng female population ng SGU ay naging nobya nito at some point. Kaya nga sila naging magkaibigan nito noong high school sila ay dahil parehas silang palikero. Hindi naman siya magmamalinis para sabihing hindi siya nagpaluha ng mga kababaihan noon. Back then, he didn't believe in relationships or love. Para sa kanya noon, kapag gusto ng babae at ito ang lumapit sa kanya, bakit hindi? Ibibigay at pagbibigyan niya ang gusto ng mga ito. Marami rin siyang gulong kinasuungan noon dahil sa pagiging playboy, actually, parehas sila ni Kevin. Ang kaibahan lamang nila ay nagbago na siya sa paglipas ng panahon habang ang kaibigan ay mukhang hindi pa rin. Sa katunayan, nahinto ito sa pag aaral at naantala ang pag graduate dahil sa isang eskandalong kinasangkutan nito kung saan umabot pa sa demandahan dahil may babaeng naghahabol na nabuntis daw nito.

He sighed. He should be careful so this doesn't happen again, kung hindi ay hindi lamang si Frances ang magtataka sa inaasta niya kundi maging ang mga estudyanteng posibleng makarinig sa usapan nila.

"apektado ka ba?" tanong Frances sa kanya. They were walking back to the faculty room.

Nilingon niya ito, she was walking beside him  "sorry, Frances. I went there to tell her something important and-"

"bakit ka nagpapaliwanag? simple lang naman ang tanong ko, di ba?" huminto ito sa paglakad at tinitigan siya "apektado ka ba? apektado ka ba kapag may ibang lalaking kasama si Bea?"

Hindi siya nakasagot sa tanong nito. He gritted his teeth. He wanted to say no, but something does not feel right.

Tumango tango si Frances. Hurt was written all over her face. "Maybe we can talk some other time... kapag nalaman mo na sa sarili mo ang tunay na damdamin mo". She walked away from him without looking back.

Xander was left there in the middle of the hallway, wanting to kick himself! Hindi rin niya maintindihan ang sarili kung bakit nagiging ganito ang epekto sa kanya ni Beatrix lately. Hindi man niya aminin ay lagi niyang kinasasabikan ang umuwi sa bahay kapag hapon, knowing that she'll be there waiting for him. She probably have experimented in the kitchen again, in her efforts to please him. Dalawang taon silang magka relasyon ni Frances bago mangyari ang kaguluhang kinasuungan niya ngunit hindi niya naramdaman ang ganito para sa babae. Hindi rin siya nakaramdam ng ganitong pagka irita noon kahit may makita siyang kausap o di kaya ay kasama ng dating nobya.

What.the.fuck. is going on with you? he silently cursed himself bago nagpatuloy lumakad patungong faculty room.

That night, Xander tossed and turned in his bed ngunit wala yatang balak ang antok na dalawin siya. He put on his pajama bottoms at napagpasiyahang bumaba upang magsalin ng scotch.

He was about to turn the kitchen light on nang maramdamang may kaluskos na nanggagaling sa kusina. Dahan dahan siyang lumapit, handang bigwasan kung magnanakaw man ito.

He saw some light coming from the fridge, ngunit hindi niya lubusang makita kung sino ang naroon, mukhang abala ang magnanakaw na magkalkal sa ref nila.

"who the hell are you?!" malakas na tanong niya sabay bukas ng ilaw.

"eeeek!" tili ni Beatrix na nabitawan ang hawak na baso ng gatas. The glass smashed against the floor, tumilansik ang mga piraso at bubog niyon.

"what the fuck are you doing here with the lights off?!" galit na tanong niya "I could have hurt you thinking you're a robber or something!"

"I..I just needed some milk!" sagot nito. She took a step forward and immeditely limped "ouch!" malakas na daing nito.

Xander's eyes flew to her feet, nakayapak lamang ito at agad niyang nakita ang pagdugo ng kanang sakong nito.

"Shit!" malakas na mura niya at agad itong nilapitan. He looked at her foot. Nahiwa ito ng piraso ng basong nabasag. He quickly lifted her up.

"X-Xander!" nabiglang wika nito

"Padaskol-daskol ka kasi" sermon niya rito.

He sat her on the counter, pagkatapos ay tinungo ang first aid kit at kinuha ang ointment. Hinatak niya ang isang upuan sa harap ni Beatrix and without saying anything ay kinuha niya at iniangat ang paa nitong nasugatan at nilagyan ng gamot. Bahagya niyang hinipan iyon "masakit ba?" he asked and lifted his head a bit to look at her.

Her cheecks were red. Nakatingin lamang ito sa kanya na tila nahihiya.

Noon lamang niya napagtanto ang suot nito. She was wearing a pink lingerie. Spaghetti strap ang tirante niyon na may lace sa dibdib, medyo malalim ang pang itaas at kitang kita niya ang makinis ang mapuputing mga braso nito ganoon din ang parte ng dibdib and Jesus Christ! It doesn't look like she's wearing any bra! Ang pang ibabang katerno ng suot nito ay satin din na maiksing shorts. Her perfectly shaped legs were exposed to his sight, lalo at hawak pa niya ang paa nito. Hindi niya maiwasang hagurin ng tingin ang binti ng asawa. He felt the air around them suddenly became warm, may butil ng pawis na gumitaw sa kanyang noo. Mabilis niyang nilagyan ng band aid ang sugat nito at tumayo.

"you better be careful next time!" he said pretending to be mad upang itago ang pagnanasang nararamdaman. Tinungo niya ang tapat ng ref kung saan nabasag ang baso at nilinis iyon.

"If you hadn't startled me, this won't happen!" sagot nito na bumaba mula sa pagkakaupo sa counter. Napangiwi ito sa sakit kasabay ng pagtaas ng kanang paa.

"tsk!" nilapitan niya si Beatrix at muling binuhat.

"Xander, put me down. Kaya ko na" protesta nito

"kaya mo na? ayan at mukhang dumudugo na naman yang sugat mo" bale wala niya itong binuhat papuntang silid. She didn't complain further and instead wrapped her arms around his neck.

He gently put her on the bed. Sa pagbababa niya rito ay hindi maiwasan ang mas pagkakalapit ng kanilang mga katawan. Her smell assaulted his senses, which added fuel to the fire that's already building up in his body. She smelled of vanilla and lavander.

"X-Xander..." she whispered his name and it sounded like music to his ears.

Their eyes locked, nasa ganoon pa rin silang posisyon. Nakapaibabaw siya sa dalaga habang magkalapit ang kanilang mga mukha at katawan. Ang mga kamay nito ay nanatiling nasa leeg niya.

He closed his eyes. Her breath smelled sweet, as sweet as the first time he tasted those tender lips. Muli niyang ibinukas ang mga mata at nakita ang mga mata ng dalagang nakatunghay pa rin sa kanya, as if begging him to kiss her.

Ah fuck! Bahala na! Without thinking any further ay mainit at mapusok na bumaba ang mga labi niya rito.

Chapitre suivant