webnovel

SERAPHINA: CHAPTER 4

[Seraphina Rivero]

WALANG IMIK naming binabaybay ni Luis ang daan patungo sa aking tahanan hanggang sa putulin niya ang pananahimik ko.

"Have you thought of cutting your hair? Masyado nang mahaba. Don't get me wrong but it's too long for a 27-year-old woman," he said.

Bahagya ko siyang nilingon, 'tapos ay hinaplos ang aking mahabang buhok. Kung tutuusin ay marami ang naiinggit sa buhok ko dahil makapal iyon at itim na itim. Ngunit hindi iyon naging hadlang para pangalagaan ko nang maayos ang aking sarili. Ilan sa mga kasamahan ko ang pumuri sa akin, ang iba nga ay naiinggit pa; hindi kasi ako nakaranas na magpa-rebond, Brazillian treatment o ang pagpapakulay.

"How about a dark brown? Light brown is also good because you have fair skin." Hindi pa man ay sinundan niya na agad ang una niyang sinabi.

"Let me think about it," sabi ko na lang na inilipat ang mga mata sa kalsada.

"C'mon, Sera, I really think that dark brown and shorter hair is good for you. I booked a schedule sa hair salon na malapit sa opisina, they are good. Let's go there on Sunday."

Bigla ang lingon ko sa kanya. He booked an appointment and I already have a schedule?! Nakalimutan niya bang tanungin muna ako kung nais kong magpakulay at magpagupit ng buhok?

He smiled at me as if he did nothing wrong. "Susunduin kita ng 10 ng umaga, be ready."

Para bang naipit ang lahat ng sasabihin ko sa kanya sa aking lalamunan at hindi na nakipag-argumento pa. Humigpit lang ang pagkakahawak ko sa bag na maayos na nakapatong sa dalawa kong binti. Mag-iisip na lang ako ng paraan kung paano makalulusot sa gunting ng hair stylist para mailigtas ko ang sarili sa plano niya.

Ito ang isa mga bagay na hindi ko gusto kay Luis, he's a control freak and I'm a submissive person. Madalas na napapasunod na lang ako sa sasabihin niya dahil hindi ko ugali ang tumanggi. I'm not sure if that's a nice attitude but everybody thinks that I'm a kind person, a Maria Magdalene.

Ilang saglit lang ay naroon na kami sa tapat ng aking tahanan. Nais ko sanang pauwiin na siya sa kanila dahil masama na ang pakiramdam ko ngunit may mahalaga raw kaming pag-uusapan ng pamilya ko, kasama si Luis.

May kung ano ang araw na ito para kabahan ako, pakiramdam ko ay hindi pa tapos ang mga malas na pangyayari. Tinulungan akong makababa ni Luis ng sasakyan niya. Hinawakan niya ako sa braso para alalayan. If there is something I like about this man, he's a gentleman. Hindi nga ba't nagawa niya akong ligawan sa loob ng tatlong taon? She sent me flowers at least once a month but… there is always a but…

Inimbitahan ko siyang tumuloy sa loob, hindi nawawala ang ngiti sa kanyang labi.

Napansin ko ang mama at papa ko na halatang kanina pa nag-aabang sa'min. Nagmano ako sa kanilang parehas 'tapos ay napalingon sa hapag na maraming nakahain, it's as if we are about to celebrate something. Naputol lang ang pagmumuni-muni ko nang mapansinin ng aking ina ang pasa ko sa pisngi.

"Aba'y, hija! Anong nangyari d'yan sa pisngi mo?" my mom asked, concerned. Lumapit siya sa akin at hinawakan niya ang baba ko. Bahagya akong napangiwi dahil sa kirot.

"She was hit by a student," sabad ni Luis.

"Ano?! At bakit naman?" Napatayo si Papa sa kinauupuan niya para lapitan din ako. Heto naman ang dahilan kung bakit mahal ko sila, ramdam ko ang buo nilang pagmamahal. Tila isang maganda at makinis na salamin kung ituring nila ako. "Aba'y anak! I will talk to your principal! Hindi pwede ang ganire!"

"'Pa, 'Ma, ayos lang po ako. Gagamutin ko na lang. Siguradong bukas ay wala na ito basta magamot lang." Kahit napapangiwi ay pilit akong ngumiti. I remember Aki, ang hindi sinasadyang nakapanakit sa akin. His parents were always busy. I always saw the jealous in his eyes whenever there is a family gathering in our school. I want to open his heart para mabago ang pananaw niya. Hindi makatutulong kung irereklamo siya ng pamilya ko.

"O siya, tara na sa hapag," anang mama ko na mukhang nakampante naman.

"Nasabi mo na ba sa kanya, Luis?" singit ni Papa.

Lumingon ako kay Luis na nananatili pa ring nakangiti, 'tapos ay inilipat ko ang paningin sa mga magulang ko. Hindi ko alam kung bakit tila ako nahirapan na huminga. Heto na ba ang rason kung bakit kanina pa ako kinakabahan?

"Hindi pa po, 'Pa. Ngayon ko pa lang sana sasabihin para po nakaharap kayo, pero mas maganda siguro kung kumain na muna tayo."

Hindi nawawala ang ngiti sa kanilang mga labi. Hindi ko alam kung ano ang mga sumunod na nangyari dahil masyadong natuon ang aking atensiyon sa kung ano ang ibabalita ni Luis. Hindi ko rin alam kung paanong nangyari na nasa tapat na ako ng mesa, nakita ko na lang na sinasalinan na ni Luis ng beef brocolli ang plato sa harap. Pinigil ko ang kamay niya na kasalukuyang nagsasandok.

Hindi ako kumakain ng broccoli! "I-I don't want a broccoli," saad ko.

"C'mon, Sera, it's good for your health."

"Oo nga naman, hija! Aba'y, hindi ko maintindihan kung bakit nga ba ayaw mo n'yan. Pagkasarap-sarap naman," sabad ni Mama.

Naibaba ko na lang ang kamay ko na pumipigil sa braso ng nobyo ko. Masama ang tingin ko sa berdeng gulay na nasa plato. As much as possible, I want to end the night! I want to hear the news na kanina pa naka-hang sa ere—the sooner, the better. Hindi 'yung ganito na para akong nakabinbin sa kung saang balita.

"Bakit hindi ka kumakain?" puna ni Luis.

Humugot ako ng hangin at saka siya hinarap. "Luis, what is it? Ano ang bagay na dapat kong malaman?"

Ibinaba niya ang kanyang hawak na kubyertos saka siya humarap sa akin. Napapitlag pa ako nang hawakan niya ang magkabila kong kamay. Panay ang lingon niya sa magulang ko na kapwa nakangiti. I sensed bad news.

"Well... Sera, we decided that you are going to marry me!" masaya niyang saad.

Hinila ko ang magkabila kong kamay. "Kasal?"

"Yes, why?" Nawala ang saya sa kanyang mga labi.

"Aba'y, anak! Bakit parang hindi ka 'ata masaya? Si Luis 'yan, hindi ba't mag-nobyo naman kayo?" tanong ng papa ko.

"Pero 'Pa, dalawang buwan pa lang kaming mag-boyfriend." Hindi pa ako handa!

"But I love you, Sera. Bakit kailangan pa nating patagalin ang relasyon kung sa kasal din naman tayo mauuwi?"

"Tinanong mo ba muna ang magulang ko, para hindi ako makatanggi?" may himig ng pagdududa na sabi ko. That's what I thought at the moment. Kung ano ang sasabihin ni Luis ay sigurado na papayag ang magulang ko dahil malaki ang tiwala nila rito.

"Sera!" saway sa'kin ni Papa.

Umiling si Luis. "Of course not! Kaya ko nagawa na magpaalam sa magulang mo ay bilang respeto sa kanila. Sera, nanliligaw pa lang ako sa'yo alam ko na sa sarili ko na ikaw ang para sa akin. Now that I have you, hindi ba't tama lang na sa kasalan ito mauwi? You're twenty-seven, I'm thirty-four, we are not getting any younger."

May katwiran si Luis. Hindi ba't inaabangan ko na nga na magkaroon ng asawa? sariling pamilya? ng anak? Ngunit kasama sa tanong ko kung si Luis na nga ba talaga ang para sa akin. Bahagya rin naman akong na-guilty dahil pinag-isipan ko ng masama ang nobyo ko, na naka-plano ang gabi na iyon.

"I will think about it!" Nag-iwas ako ng tingin at nagmamadaling tinungo ko ang kuwarto sa ikalawang palapag.

"Sera!" Narinig ko pa ang pagtawag sa akin ni Papa dahil sa kabastusan na nagawa ko kay Luis. Naninikip talaga ang dibdib ko sa usapan ngayong gabi.

I changed my clothes. Isang puting T-shirt at pajama ang nahugot ko mula sa cabinet.

Ilang saglit lang ay narinig ko na umingit ang gate, sunod ay ang mahinang usapan sa tapat ng kwarto ko sa labas sa ibaba. Sumilip ako sa bintana habang nagtatago sa likod nito, sapat lang na nakikita ko ang bulto nilang tatlo roon.

"I'm sorry, Luis," my dad said.

"Ayos lang po 'yon."

"H'wag kang mag-alala, papayag din ang anak namin. Mapapanatag ang loob ko kung ikaw ang makakatuluyan niya," wika naman ng mama ko.

Tumingala si Luis sa direksyon ng kuwarto ko kaya itinago ko nang mabuti ang aking sarili. "Let's give Sera enough time," he said.

"Aba'y mag-ingat ka ha." Iyon ang huling narinig ko sa usapan nila. Narinig ko na lang ang pag-alis ng sasakyan ni Luis. Umupo ako sa kama at saka ko ibinagsak ang kalahati ng aking katawan.

Alam ko na mabuting tao si Luis kaya nga niya ako nagawang ligawan sa loob ng tatlong taon. Baka kung iba ang nasa katayuan niya ay hindi na nakapaghintay, kaya lang ay nasasakal ako sa kanya! Isa pa, kung mag-aalok siya ng kasal, nasaan ang singsing? Para bang nagbigay lang siya ng isang pagbibiro.

Mahihinang katok ang pumutol sa nililipad kong diwa. Hindi ko sana papansinin, kaya lang ay matapos maisip na nirarayuma na parehas ang magulang ko ay hindi ko rin natiis na tunguhin ang pintuan. Si mama ang nakita ko sa labas, may bibit siyang ice pack.

"Nagagalit ang papa mo kaya ako ang nagpunta rito. Ibinilin sa akin ni Luis na dalhan kita nire."

Niluwagan ko ang pintuan para patuluyin siya. Umupo akong muli sa kama. Tumayo naman si Mama sa harapan ko at saka idinampi ang malamig na ice pack sa aking pisngi.

"'Ma, I don't want to get married. Hindi pa ako handa." Hindi ko napigilan na magreklamo.

Bumuntonghininga siya at tiningnan niya ako nang mabuti, I could see her endless love for me, behind those eyes.

"Alam mo, jiha. Hindi naman kita pipilitin kung ayaw mo pang magpakasal. Kaya lang ay kapwa na kami matanda ng papa mo. Hindi ka na namin magagabayan sa edad namin na ito. I love you so much, jiha and all I want is the best for you, for your future. Hindi naman siguro kaila sa'yo na nagustuhan namin si Luis. He's a gentleman."

"B-but, do you know that he asked me to cut my hair?" My mom loves it kaya sigurado ako na papanig siya sa akin.

"Kung ayaw mong magpagupit ay ayos lang naman iyon. Ako na ang magsasabi sa kanya na hindi ka magpapaputol ng buhok. Basta ang tatandaan mo ay hindi ka namin itutulak sa ikapapahamak mo."

Wala akong nagawa kun'di ang yakapin siya. Bahagya rin akong napaluha. Heto ang mga dahilan kung bakit ako nabubuhay at kung bakit ko ibinibigay sa kanila ang kanilang nais. I love my parents so much; they are my strength.

Chapitre suivant