nilabas niya ang cellphone mula sa bag at binuksan ang Wattpad application upang magbasa na lamang habang nagpapalipas ng oras. Sirang-sira na talaga ang mood niya para magpakasaya ngayong gabi. Sinira ni Ken.
"Hi, Miss, kanina ka pa rito. Wanna have some fun together?"
Napatingin siya sa nagtanong na lalaking hindi niya napansin na nakaupo na sa tabi niya. Nakasuot ito ng fitted na t-shirt at may hawak na sigarilyo. Naamoy niyang hindi ito beki at mas lalong hindi rin silahis. Ang mga ganitong lalaki sa bar na ito ang labis niyang iniiwasan. Alam niya kasing bihira para sa mga ito ang makakita ng isang babae sa ganitong klaseng bar.
"No, thanks. Paalis na rin ako." tumingin siya sa relo bago humarap sa barista. Isang oras na rin pala siya sa kinauupuan na hindi niya napansin dahil sa pagbasa.
"My bill please?"
"It's my treat," agad na sabi nito at nagbigay ng isang libo sa barista. "By the way, I'm Ben.
"I 'm Yesha. Thanks, Ben, for the treat. By the way, i have to go now. Kailangan ko pa kasing—"
Hindi na niya naituloy pa ang sasabihin nang biglang humarang si Ben sa dadaanan niya.
"Aalis ka na agad, eh hindi pa nga tayo nagkakapag-usap nang maayos.
"Look i don't want to be rude, but can you please get out of my way?" hindi na niya nagugustuhan ang presensya nito lalo na ang magkahalong amoy alak at sigarilyo mula sa bibig nito.
"Gusto ko lang naman na ma-enjoy mo ang gabi na 'to mukha ka kasing bored na bored ka na, Yesha." sabi pa nito.
"Get off me." Ayaw na niyang mag-eskandalo sa loob ng bar kaya hangga't maaari ay hindi niya ito pinagtataasan ng boses.
"What's the problem, baby?"
Sabay silang napalingon sa bagong dating na si Ken. Buong-buo ang boses nito at walang bakas ng pagiging beki.
"Who the hell are you?" tanong ni Ben.
"I'm Yesha's Boyfriend," sagot ni Ken na naglakad palapit sa kanya.
Hindi siya nagpahalata pero may kung anong kaba sa dibdib niya ng biglang sumulpot nang maramdaman niya ang kamay ni Ken sa baywang niya. Para kasing hindi isang beki ang katabi niya. At mukhang wala siyang ibang pagpipilian kung hindi sakyan ang sinabing iyon ni Ken.
"B-Baby, si Ben. Ben, si Ken... boyfriend ko."
"Wanna have some drinks, bro?" tanong ni Ken kay Ben.
"Never mind. It was nice meeting you, guys, anyway..." sabi ni Ben bago nag walk out.
"Where is Kalix?" tanong ni Yesha habang pasimpleng lumalayo mula sa pagkakahawak ni Ken.
"I dunno. Bigla na lang siyang nawala, eh."
"Shoot! Baka nalasing na 'yon. I'm gonna look for him." sabi niya bago mabilis na sumuot sa mga taong nagsasayawan sa gitna ng dance floor. Nagpatay-malisya siya nang maramdaman halos nasa may likuran lang niya ang nakasunod na si Ken. Nakaalalay pa ito para hindi siya mabunggo ng mga taong nagwawala sa pagsasayaw.
Kaagad naman niyang nakita si Kalix na halatang lasing na't nakikipagsayawan sa dalawang pamintang hindi pamilyar sa kanya ang mukha.
"Kalix!"
"Hey, Yesha! I want you to meet my new friends,Krist and Toey, guys, this is my gorgeous best friend, Yesha.
Ngiti lang halos ang ibinigay niya sa dalawang paminta bago sinimulang hilahin si Kalix. "Let's go home, Kalix. You're drunk already."
"Nag-i-start pa lang ang party. Uuwi na agad?"tanong ni Kalix habang patuloy sa pagsayaw.
"Kalix, i wanna go home now. Hindi na maganda ang timpla ng tiyan ko," sabi niya para lang makumbinsi itong umuwi na sila.
"Kalix, let's go home bago pa magkalat ng jebs dito si Yesha nakakahiya
Agad na pinandilatan ni Yesha ng mga mata si Ken na ikinakatawa naman ni Kalix.
"Ok, let's go home," pagpayag ni Kalix na nagpauna pang lumakad nang pagewang-gewang palabas ng bar. "We're going home!"
"Do you really have to say that?" sabi ni Yesha kay Ken habang nakasynod kay Kalix.
"Na convince naman siya na umuwi tayo, 'di ba?" natatawang sagot nito.
"Not that thing, Ken. I mean the—Raffy!
Kaagadna lumapit si Yesha kay Kalix na nagsimulang magsuka nang makalabas ng bar. Mabuti na lang at sumakto na malapit ito sa may kanal. Hinagod-hagod niya ang likod ng bintana habang pinupunasan ang noo ng panyong kinuha niya sa bulsa nito.
"Tsk, sabi naman kasi 'wag nang uminom nang marami."
"Hende ako la-shing. Don't worry," sabi ni Kalix bago muling tumayo. Umakbay pa ito sa kanya bago ibinaling ang tingin sa mukha niya at napatitig.
Bigla namang napangiti si Kalix. Hindi nito alam kung nalasing lang ba talaga nang sobra dahil parang lalong gumaganda ang kababata nito sa sariling paningin. Na parang ang sarap-sarap titigan ng mukha ni Yesha buong gabi
"Ang ganda talaga ng best friend ko..... Hik! H-hintayin mo lang talaga na maging straight ako ulit and I'll marry you right away!"
Napalunok si Yesha sa sinabing iyon ni Kalix bago naramdaman na unti-unting bumibigat ang brasi nitong nakaakbay sa kanya.
"W-Wait, Kalix. Mabigat ka... wag ka munang magko-collapse. Wala pa tayo sa–" at bago pa niya natapos ang sinasabi ay tuluyan nang pumikit ang mga mata nito.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
follow niyo ako sa IG (kaneza.kenlet) ko for more novels to come :)... and pati na rin sa fb ko (kaneza kenlet) for updates.... thank u guys for reading this novel... alam kung hindi pa dito nagtatapos ang lahat nagsisimula pa lang tayo... first time kung gumawa nang ganito sana magustuhan niyo at sana suportahan niyo rin.... thank you again, guys. :)