webnovel

Chapter 4: Hanging out with Bekis

Ilang beses pang umikot si Yesha sa kaharap na malaking salamin bago ngumiti. Sout niya ang isa sa mga paborito niyang mini skirt at black boots pati na rin ang leather jacket ba pangatlong beses pa lang yata niyang gagamitin ngayong gabi. Dalawang linggo na ang nakakaraan buhat nang makauwi ng Pilipinas si Kalix at ngayon lang ito nagyaya na mag bar sila.

"Tesda, nasa labas na ang kotse ni Kalix," sabi ni Mommy Hara pagkatapos kumatok nang marahan sa pinto ng kwarto niya.

Kinuha na niya ang bag na gagamitin at kaagad na lumabas sa kwarto bago humalik sa Mama niya.

"Bye, 'Ma."

Magkumare ang Mama nita at si Mommy Patty kaya kapag si Kalix ang kasama niya, hindi na siya masyadong pinaghihigpitan ng mga magulang na magpagabi sa labas. Gumuhit na ang ngiti sa mga labi niya nang makita si Kalix sa tabi ng sports car nitong kulay itim. Kaagad niya itong niyakap.

"Hi, Kalix!"

"Ang sexy naman ng ka-date ko tonight!" sabi nito kaya lalo siyang kinilig. "Let's go."

Nagtaka siya nang buksan ni Kalix ang pinto ng back seat sa halip na pinto ng passenger seat. Pero pumasok na lang siya sa loob. Pakiramdam niya, agad na nasira ang gabi hindi pa man sila nakakarating ng bar nang makita ang pares ng mga mata sa rear-view mirror na nakatingin sa kanya.

"Hi, sexy!" nakatinging bati ni Ken na naka upo sa dapat ay trono niya.

Napabuntong-hininga na lang siya sa inis bago ito inirapan. Isang linggo na buhat nang umalis ito sa bahay nina Kalix pero palagi pa rin niyang nararamdaman ang presensya nito lalo na kapag magkasama sila ng kababata. Palagi itong nakabuntot kay Kalix. Palaging ume-epal sa love story nila.

"Hindi pa raw siya nakakapunta sa sikat na bar sa Malate, eh, kaya isinama ko siya." sabi ni Kalix nang pumasok na siya sa kotse. Ang bar na pupuntahan nila ang tinutukoy nitong Bed.

"Ok lang naman, Yesha, 'di ba?"

Kaagad niyang iginuhit ang matamis na ngiti sa mga labi nang lumingon sa kinauupuan niya si Kalix.

"Of course, yes! 'Yon lang ba? Walang kabagay-bagay."

"Sabi ko naman sa 'yo, Ken. Walang kaproble-problema kay Yesha ' yan. Saka maraming hot na boylet do'n, kaya I'm sure na mag-e-enjoy ka tonight!" sabi ni Kalix bago sinimulang paandarin ang kotse.

May dalawang oras din bago nila narating ang bar sa Malate. Nagmula pa kasi sila sa Cavite. At kagaya ng inaasahan, marami na kaagad tao nang bumaba sila ng kotse kahit alas nuwebe pa lang ng gabi.

Nasa third year college siya noong una siyang dalhin ni Kalix dito sa bar na ito—ang bar na tambayan ng mga gwapong bakla, silahis o mga atistahing lalaki na hindi pa naglalahad sa showbiz ng tunay na kulay ng kanilang dugo.

"Yesha! Kalix! Long time no see!" bati ni Tata Selo na kaagad yumakap sa kanila nang makapasok sila sa loob. Ito ang nagmamay-ari ng bar na isang malapit na kaibigan at tatay-tatayan ni Kalix sa mundo ng mga taong may berdeng dugo.

"Kakauwi lang kasi ni Kalix from Kuwait, Tata," sagot niya. Kung gaano kalapit ang 40 year old na si Tata Selo kay Kalix ay gano'n din ito ka-close sa kanya. Unica hija na nga ang turing nito sa kanya dahil siya lang halos ang nag-iisang babaeng regular customer sa bar.

"Oo nga pala, Tata, si Ken. Bagong friend namin ni Tessa"

"You look familiar," nakangiting sabi ni Tata Selo nang mapaharap kay Ken.

"Isa siya sa top 10 filipino youtube sensation for this year, Tata." siya na ang sumagot kahit ayaw niya. Baka kasi magyabang pa si Ken.

"Wow! May others celebrity guest pala tonight ang bar ko. Nice meeting you, Ken," sabi nito bago kinamayan si Ken.

"Likewise, Tata Selo," sagot ni Ken.

"O sige, guys, enjoy the party. Mukhang may celebrity guest pa na dumating tonight" paalam nito bago tinungo ang bagong dating na mga panauhin.

"Let's start the party!" sigaw ni Kalix nang biglang umiri ang kantang' Perfect Illusion' sa loob at nag sigawan ang mga tao. Nagsimula na itong gumiling-giling habang naglalakad.

"Sa bar station lang ako," paalam ni Yesha rito. Wala na kasi siyang ganang mag party pa.

"Sige, puntahan na lang kita ro'n" sagot naman ni Kalix.

"Kalix, wait." kinuha niya ang panyo muka sa bag at inilagay sa bulsa nito. "Baka pagpawisan ka, gamitin mo 'to. At ' wag na 'wag mong lalasingin ang sarili mo.

"Thanks, Yesha. Let's go, Ken."

"Are you sure, okay ka lang mag-isa?" Tanong ni Ken.

She gave him a sarcasstic smile. Ano naman ang pake ng beking ito kung okay lang siya o hindi? Alam niya namang tuwang-tuwa itong masolo sa dance floor ang prince charming niya.

Mayamaya, nakita na ni Yesha kung paano nagsimulang magwala sa pagsayaw si Kalix sa gitna ng nagkukumpulang mga gwapong silahis. Kaya naman tumuloy nasiyang naglakad patungong bar station.

"One aguavit spritzer,plese?" Madaling malasing si Kalix at hindi niya alam kung gano'n din si Ken kaya inuming may ilang porsyento lang na alak ang in-order niya. Kapag nagkataon kasi baka siya ang mag-drive sa kanilang tatlo pauwi ng Cavite.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

follow niyo ako sa IG (kaneza.kenlet) ko for more novels to come :)... and pati na rin sa fb ko (kaneza kenlet) for updates.... thank u guys for reading this novel... alam kung hindi pa dito nagtatapos ang lahat nagsisimula pa lang tayo... first time kung gumawa nang ganito sana magustuhan niyo at sana suportahan niyo rin.... thank you again, guys. :)

Chapitre suivant