webnovel

South Korea, Here I come

Seoul, Korea.

"Damn it!" sambit ni Jei ng maipit ang kanyang scarf sa isinarang pinto ng taxi. Buti na lang at napansin kaagad ng driver ito kaya hindi niya agad pinaandar ang sasakyan.

"You okay?" tanong nito. Tumango si Jei sa driver. "Ma'am, where to go?"

"Seoul University, please," sagot ng dalaga.

"You... ahm... study? Ahm... work?" tanong ng driver saka natawa. "Sorry, I am no Engrish. My... my... ahm... son, very Engrish wer."

Napangiti si Jei sa sinabi driver dahil halatang hindi ito marunong mag- English pero pinipilit pa rin nitong makipag- usap sa kanya.

"It's okay. I will work," sagot ni Jei.

"Ah... my son... ahm... he manager cappe. Ahm... moji? (ano nga ulit yun?) ahm... here, Seoul Unibershity... here, cappe. My son... manager," kwento nito na nag- gestures pa upang ipaliwanag ang nais sabihin sa dalaga. Sa kabila ng hirap nitong magsalita ay bakas ang pride nito sa kanyang anak.

Naalala tuloy niya ang kanyang ama na halos umiyak ng ihatid siya nito sa airport ng lumuwas siya ng South Korea.

"Ah... your son is a manager of a cafe in front of Seoul University," nakangiting saad ni Jei sa matanda.

"Yeah. Yeah. Front. Yeah. Go drink anduh eat the cappe. Bery... good! Anduh... my son... bery handsomuh," saad nito bago napakamot ng ulo dahil sa sariling kadaldalan.

Hindi napigilan ni Jei ang matawa ni Jei sa kadaldalan nito. "Sure, I will try it next time," tanging sagot niya. Nagkwentuhan pa ang dalawa hanggang sa makarating sila sa gate ng unibersidad.

"Goodluck," saad ng matandang driver bago siya bumaba ng sasakyan. Nagpasalamat siya bago magpaalam.

"This is it!" sabi niya sa sarili habang naglalakad patungo sa College of Genetics ng unibersidad. Agad niyang narating ang building na nais puntahan sa kabila ng lawak at laki ng unibersidad dahil nakasulat sa tatlong lengwahe ang mga direksiyon at pangalan ng mga departamento--- English, Chinese at Hangul.

Para siyang sinisilihan ng titigan siya mula ulo hanggang paa at pabalik ng isang babae na sa tantiya niya ay nasa mga kwarenta ang edad. Sopistikada ang dating nito kaya intimidating ang kanyang aura.

Alam niya kung sino ang kaharap dahil nagresearch siya bago humarap dito. Siya si Lee Minji, ito ang direktor ng Genetic Engineering at kilala ito sa kanyang istriktong pamamalakad.

"How may I help you?" walang kangiti- ngiting tanong nito sa kanya. Lumunok muna siya bago sumagot.

"My name is Jei---"

"Ah... the intern," putol nito sa sasabihin niya saka itinuro ang pang- isahang sofa sa harap ng mesa nito. "Please, sit down."

"Thank you, ma'am," saad ni Jei bago umupo. Nahigit niya ang kanyang paghinga ng buklatin nito ang kanyang resume.

Kahit nilalamig sa niyerbiyos ay inaliw ni Jei ang kanyang sarili sa interior design ng opisina. Minimalist ito. Puting pintura. May golden chandelier na floral ang design sa kisame at gray ang marble flooring. Ang desk, cabinet at mga upuan ay yari sa itim na materyales na nagbibigay ng contrast sa puting pintura. Ang tanging makulay ay ang isang malaking painting ng double helix na DNA sa isang dingding ng silid.

Bigla niyang ibinalik ang tingin sa direktor ng magsalita ito. "Impressive. Tell me, what made you decide to work with us?" tanong nito na hindi man lang nag- angat ng mukha.

Hindi agad nakasagot ang dalaga dahil bigla siyang napaisip kung magsasabi ba siya ng totoo o magsusugarcoat ng kanyang sagot.

"Don't waste my time here," prankang saad ng director.

"Bahala na," saad ni Jei sa sarili bago huminga ng malalim saka umayos ng upo at tumingin sa direktor na nag- aantay ng kanyang sagot.

"I'm sorry, ma'am. I wasn't so sure whether to answer honestly to your question or not," prangkang sagot ng dalaga.

"Hmmm...," ungol ng direktor saka tinanggal ang eye glasses at inilapag ito sa ibabaw ng resume ng dalaga. Sumandal siya sa kanyang swivel chair bago tumingin ng diretso sa mga mata ni Jei.

Agad nagbawi ng tingin ang dalaga saka sumagot, "Ma'am, since childhood, I've been dreaming to one day work and live in Switzerland until recently. Things happened that changed my decision."

"K-pop fanatic, eh?" sarcastic na saad nito sa dalaga.

"Pardon?" takang tanong ni Jei na nagkunot noo pa.

Nagkibit- balikat lamang ang direktor. "Maybe, you're one of those women, fantasizing K-pop idols and dreaming of marrying one," walang ngiting sagot nito.

Ngumiti si Jei at marahang umiling saka sumagot, "A person close to me has been in the hospital here for a long time so I wanna be closer to him."

"Really? From what I know, your country has world class hospitals. Why not just bring him there?" tanong nito.

"Uhm... it's not that simple, ma'am," sagot ni Jei. "If that's how simple it is, I don't have to come here."

Hindi nagsalita si Director Lee bagkus ay tumingin ito sa kanya. Animo'y sinusuri ang kanyang senseridad.

"What if your reason coming here becomes your reason for running away?" seryosong tanong nito. Hindi nakaimik si Jei. "Think again. Is he worth fighting for?"

Napaisip din siya sa sinabi nito. Mula ng lisanin niya ang unibersidad ay napapaisip pa rin siya.

"Is he worth fighting for?" paulit- ulit na saad ng kanyang utak na parang sirang plaka.

At muling nagbalik ang usapan nila ng kanyang kuya isang buwan na ang nakakaraan.

"H- hello?" pigil ang hiningang bati ni Jei sa kanyang kuya. Base sa tono nito ng tawagan niya ito kani- kanina lang ay may masama itong ibalita sa kanya.

Narinig niyang tumikhim muna ito bago magsalita, "Jei, I have something to tell you."

Malakas ang tibok ng kanyang puso habang hinihintay ang sasabihin ng kapatid.

"Good news or bad news first?" tanong nito.

"Whichever, kuya," sagot niya.

"Okay. Good news is... Wonhi is finally awake," saad ni Rain. Biglang napawi ang pag- aalala ni Jei ng marinig ang balita ng kanyang kuya.

"You're kidding!" bulalas ng dalaga. Natawa ng marahan si Rain saka muling tumikhim at muling sumeryoso ang tinig.

"I am not. He's really awake, but...~"

"But what, kuya?" tanong ni Jei na muling nanumbalik ang pagkabalisa.

"He has amnesia, Jei. He can't remember anything before the accident. Sumasailalim siya sa hypnotic therapy baka sakaling manumbalik ang kanyang alaala," paliwanag ng binata. Parang binagsakan ng langit ang mundo ng dalaga sa mga oras na iyon.

"I wanna see him," mariing sagot ni Jei.

"Not now. He's changed," sagot ni Rain.

"I don't care. I wanna see him," muling sagot ni Jei sa napabuntong- hiningang binata.

"Okay. But I am not promising anything," tanging saad ng binata.

Napabuntong- hininga si Jei sa alaala. "Are you worth fighting for?" piping tanong ng dalaga bago napaupo sa isang bench habang nakasubsob ang mukha sa mga palad.

"How did it go?" tanong ni Martina ng maabutan niya ito sa apartment ng kanyang kuya. Nagkibit- balikat lang siya bago maupo sa sofa.

"You'll be hired. I'm sure of it," nakangiting saad nito.

"Where's kuya?" pag- iiba niya ng paksa.

"He's next door," sagot nito pagkatapos bumuntong- hininga. Nang mapansin ang nagtatanong niyang mukha ay nagpaliwanag ito, "Rain called me to come over. Khamila was shaking when I found her behind a sofa. She was hiding from Wonhi."

"Why? What did he do this time?" tanong ni Jei sa nag- aalalang dalaga. "Where's Khamila?"

"She went home already. I am not so sure what happened coz she was too shocked to speak and Wonhi was too annoyed to answer. Your brother is trying to calm him down. His room is a mess," paliwanag ng dalaga. "Broken glasses are everywhere. Something must have happened."

Hindi kumibo si Jei sa sinabi ng dalaga dahil hindi na bago sa kanya ang senaryong ito. Bago siya lumuwas ng South Korea ay may pananabik sa kanyang puso na muling makita ang binatang minamahal. Punong- puno siya ng pag- asang hindi seryoso ang kalagayan nito di tulad ng diskripsiyon ng kanyang kuya.

Hindi kumibo si Jei sa sinabi ng dalaga dahil hindi na bago sa kanya ang senaryong ito. Bago siya lumuwas ng South Korea ay may pananabik sa kanyang puso na muling makita ang binatang minamahal. Punong- puno siya ng pag- asang hindi seryoso ang kalagayan nito di tulad ng diskripsiyon ng kanyang kuya.

Subalit nang makita niya si Wonhi ng personal ay unti- unting gumuguho ang pag- asang pilit niyang itinatayo sa kanyang puso.

Halos hindi na niya ito kilala. Hindi dahil sa bendang nakabalot sa kanyang ulo at sa malaking peklat nito sa braso na ayaw niyang ipareconstructive plastic surgery ngunit dahil sa malamig nitong pakikitungo sa kanila.

"Get out!" angil nito sa kanya ng subukan niya itong kausapin. Kahit mahal niya ito ay nakaramdam siya ng takot dahil sa kakaiba ito kung tumingin--- walang pagsuyo at puno ng poot. Hindi niya napigilang bumuntong- hininga sa mga nangyayari sa buhay niya.

Bumalik muli ang tanong ng direktor "Is he worth fighting for?" sa kanyang isip.

Chapitre suivant