webnovel

Truth or Drink

Kinagabihan ay abala sa naghanda ng iihawing karne ang mga kababaihan habang ang mga kalalakihan ay naghahanda ng kanilang bonfire.

Matapos ang ilang sandali ay naupo na ang lahat sa piligid ng apoy. Masaya ang lahat habang isa- isang iniihaw ang mga BBQ.

"Whoah! You know what's missing?" malakas na tanong ni Khassandra habang ngumunguya ng karne.

"Beer!" magkasabay pang sigaw nina Kara at Bhral.

Nagkatinginan sina Wonhi at Rain saka tumawa ng marahan.

"What was that for?" kunot- noong tanong ni Martina sa dalawa. Umiling lang sila.

"Weird," komento ng dalaga sa dalawa.

"Alex, samahan mo ako," maya- maya ay sabi ni Rain. Bumalik sila na may dalang dalawang cooler na may lamang beer.

"Now, we're talking!" hiyaw ni Bhral. Nag- high five naman sina Kara at Khassandra.

"Just a small reminder to all--- more likely to you," saad ni Rain na humarap kay Khassandra na akmang magbubukas ng bote ng beer. "You're only allowed to drink more than three bottles."

Napasimangot kaagad ang kanyang pinsan ng marinig ang sinabi nito. "Bakiiiiiiiit?" OA niyang tanong.

"Nagtanong ka pa. Sumunod ka na lang sa panuntunan kung ayaw mong ihatid ka namin ngayon," sagot ni Bhral. Masama man ang loob ay walang magagawa ito kundi sumunod sa sinabi ng pinsan.

Sa kabila ng malalakas na tawanan at kantiyawan ay hindi mapakali si Jei. Lalo na ng abutan siya ni Wonhi ng nabuksang serbesa.

"Bakit ganito pa ang set- up dito? Ba't parang nananadya ang panahon," piping tanong niya sa kanyang sarili.

Dahil pilit man niyang kinakalimutan ang nangyari sa kanila ni Wonhi sa isla, sadyang ayaw mabura sa kanyang isip. Damang- dama pa rin niya ang lambot at init ng mga labi ng binata. Pumikit siya ng mahigpit upang balewalahin ang nanumbalik na alaala.

Bigla siyang nagliyab ng maramdaman ang init ng hininga ni Wonhi sa kanyang tainga ng bumulong ito, "Are you okay? You seem unwell."

Nahigit niya ang kanyang paghinga dahil dito. Kinalma muna niya ang kanyang sarili bago tumango at sumagot. "Yeah. Guess... just tired from all the swimming," mahina niyang sabi.

Tumawa ng marahan si Wonhi bago guluhin ang buhok ng dalaga. "You swam like a child," natatawang sabi ng binata. "Don't drink a lot. It would make you more sleepy."

"Hey!" mahina ngunit mariing saad ni Jei ng agawin ni Wonhi ang pangalawang bote nito ng beer.

Dahil sa pilit niyang inaagaw ang bote sa kamay ni Wonhi ay hindi niya namalayang napayakap ito sa binata.

"Hey, what are you two doing?" malakas na tanong ni Rain sa dalawa na biglang naestatwa. Nang marealize ang kanilang itsura ay bigla silang naghiwalay.

Napasandal kasi si Wonhi sa malaking puno sa kanyang likuran habang nakataas ang isang kamay hawak ang beer at si Jei ay nakapatong sa kanya habang hawak ang matipunong dibdib ng binata. Ang isang kamay ni Wonhi ay nasa baywang ng dalaga.

"If only I don't know you well, I'd think you're an item!" umiiling na sabi ni Rain sa dalawa. Sangkatatutak na kantiyaw naman ang ibinato sa kanila ng iba nilang kasama.

Ngiti lang ang isinagot ni Wonhi sa kanila habang si Jei ay hindi mapakali sa kanyang kinauupuan.

"Why don't we play, Truth or Drink? In two minutes, the person on hotseat will be asked any questions. Should the person wish not to answer, then drink whatever is served. Are we cool?" masiglang tanong ni Alex na sinang-ayunan naman ng lahat.

"Let's start with kuya Rain," dagdag nito.

"What?!" kinakabahang sagot nito.

Agag nagtaas ng kamay si Khassandra. "My question is, Have you already had s** with Martina? If yes, how was it?"

Nagulantang ang lahat sa tanong ng dalaga ngunit nacurious din ang lahat sa magiging sagot ni Rain sa kanya. Si Martina naman ay parang sinisilihan sa tabi niya.

Malakas na 'aaaaaaaaaaaaaah' ang narinig ng inumin ni Rain ang beer na may suka. Halatang disappointed sila sa hindi niya pagsagot ngunit masaya siya dahil napanatag ang kalooban ni Martina.

Nagpatuloy ang tanungan, kantiyawan, murahan at tawanan hanggang sa ang oras ni Wonhi para sa laro ay dumating.

"I have a question," nakangising saad ni Kara.

"Fire it up," kaswal na sagot ni Wonhi.

Tumikhim muna ang dalaga bago magtanong, "We only have two single ladies here. So, if you were to choose one of them to date, who would it be? Why?"

Malakas na hiyawan ang narinig. Malalakas na, 'Me... me... me' ang naririnig mula kay Khassandra samantalang si Jei ay hindi makapagsalita sa antisipasyon.

Biglang natahimik si Wonhi dahil nagdadalawang- isip kung sasagot o iinumin ang inihandang beer ni Alex para sa kanya.

"C'mon bro, just answer or drink!" natatawang saad ni Alex sa kanya habang ipinapakita ang isang baso ng beer na may halong sibuyas, soy sauce, karne, suka, ketchup at paminta.

"Drink... drink... drink!" sigaw nila na nagdagdag ng pressure sa kanya.

"You don't have to," mahinang sabi ni Jei sa kabila ng malalakas na hiyawan. "Just choose ate Khassandra."

"Okay, I'll answer!" sigaw ni Wonhi kaya lalong lumakas ang hiyawan.

"Who?"

"Me?"

"C'mon tell us!"

Halos sabay- sabay nilang sabi.

Napakislot si Jei ng pasimpleng hawakan ni Wonhi ang kanyang kamay. Pasimple niyang hinihila ang kanyang kamay ngunit humigpit ang hawak ni Wonhi dito. Lingid sa kaalaman ng kanilang mga kasama na magkahawak- kamay sila. Laking pasalamat ni Jei sa binti ng binata na nagsisilbing harang.

"I will choose...," huminga siya ng malalim bago sabihing, "Jei." Iba't- ibang reaksiyon ang ipinakita nila.

"What the fuck!" biglang saad ni Rain. Lalong humigpit ang hawak ni Wonhi sa kamay ni Jei ng maramdaman ang panlalamig at panginginig nito.

"Wait... hear me out first, bro!" saad ni Wonhi. "I am choosing her because I feel comfortable and safe."

Nakahinga ng maluwag sina Jei at Wonhi ng makitang tumawa si Rain habang nakalabi si Khassandra.

"I still love you!" biro ni Khassandra sa binata na tinawanan lang nila.

Mag- aalas- dose ng hating- gabi ng magpasya silang matulog kaya pagkatapos nilang iligpit ang kanilang mga pinagkainan at mga kalat ay naghanda na sila sa pagtulog.

Naghihilamos si Jei ng biglang tumunog ang kanyang cellphone at nanlaki ang kanyang mga mata ng makita kung sino ang sender.

'Sorry to bother you this late. But, do you have time? I will meet you at the hammock after ten minutes.'

~ Oppa Wonhi

Kung hindi pa humapdi ang kanyang mata sa sabon ay hindi gagalaw ang dalaga. Nagsipilyo at nagpalit siya ng damit. Dala ang kanyang jacket ay pumunta siya sa may manggahan. Punong- puno ng tanong ang kanyang utak habang naglalakad.

"You're here!" masuyong saad ni Wonhi ng makita ang dalaga. Di na siya nag-aksaya pa ng panahon kaya niyakap niya siya ng mahigpit. "God! What are you doing to me?"

Dahil sa dilim ay tanging ang tibok ng kanilang mga puso ang naririnig at ang init ng kanilang katawan ang nararamdaman.

"Please be my girl!" punong- puno ng pagsuyo at antisipasyong saad ni Wonhi sa tigagal na dalaga.

Naluluhang tumango si Jei. Sa labis na tuwa ay dumampi ang mga labi ni Wonhi sa mga labi ng dalaga.

"Mahal kita," bulong ni Wonhi.

"I love you, too," sambit ni Jei saka kusang hadkan ang binata. Napasinghap ito ng lumalim ang pinagsaluhang halik. Bago pa sila tangayin ng kanilang rumaragasang emosyon ay kumalas si Jei mula sa yakap ni Wonhi.

"What are you doing?" natatakang tanong ni Jei ng hatakin siya ni Wonhi at yakapin ng mas mahigpit.

"Before you even change your mind, I should make you a prisoner of my love," sagot ng binata. Natawa naman si Jei habang nakasubsub ang mukha sa dibdib ng binata.

Chapitre suivant