webnovel

Chapter 10

Chapter 10: That Numbers

Kasalukuyan akong nakaupo and waiting for our next teacher in AP. Si Oliver naman ay nakikinig lang ng music gamit 'yong ear phone niya.

"May papel ka?" biglang tanong niya sa akin kaya tumingin ako sa kanya nang may pagtataka. 'Wag niyang sasabihing hindi pa siya nakakabili ng papel at manghihingi na naman siya sa akin. Kapal ng mukha, ah.

"Yes, why?"

"Gusto ko lang malaman mo na may quiz sa AP ngayon about sa diniscuss ni ma'am Reyes kahapon. Be prepared." Napanganga ako dahil sa sinabi niya. "Don't you worry, hindi na ako manghihingi sa 'yo. Nakabili na ako," dagdag niya pa at bumalik ulit sa pakikinig ng music.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Wala ng oras para mag-review. Anak ng tokwa, paano na ito? Absent ako kahapon, pa'no ako makakapagsagot niyan? Ayoko naman manghula.

Tatanungin ko na sana si Oliver kung meron siyang notes but it's too late because Ms. Reyes entered our classroom already. Unti-unti nang nabubuhay ang pawis ko sa mukha kahit malamig naman ang paligid.

Kaasar naman itong si Oliver, sinadya niya talagang ngayon ipaalam sa akin iyon para hindi na ako makapag-review pa. Nakakatakot pa naman si Ms. Reyes magalit kapag may nakakuha ng zero sa subject niya. Gosh. Anong nang gagawin ko ngayon?

"Good morning!" Mas lalo akong kinabahan nang magsimula na itong magsalita. Tumayo rin kami para batiin siya. "Okay, sit down. Get one whole sheet of paper," utos niya.

Nanigas ako sa kinauupuan ko at nangangatal kumuha ng papel sa loob ng bag ko. Paulit-ulit akong nagdarasal na sana naman meron akong maisagot mamaya, kahit mga 5 items lang, at least meron akong tamang naisagot kasi 1-10 lang naman 'yong sasagutan, eh.

"Ayan, absent pa," ngising bulong ni Oliver ngunit hindi ko siya pinansin. Alam ko naman na ako lang ang pinaparinggan niya. Pansin kong walang siyang kakaba-kaba, sabagay pumasok 'yan dito kahapon, so I expecting from him that he will get a perfect score. Sana all.

-

Nawindang ako nang mahawakan ko na 'yong test questionaire. Binasa ko 'yong mga tanong pero hindi ko magawang maintindihan, inulit-ulit kong basahin kaso hindi ko talaga kaya. Ano klaseng mga tanong 'to? Saan lupalop ng Pilipinas nakuha ni ma'am ang mga tanong na 'to? Napakahirap. Gosh. Kahit one item, hindi ko alam.

Ang top one disanvantage talaga sa pagiging absent ay maaaring magpa-quiz ang mga guro about sa diniscuss nila no'n araw na umabsent ka, kaya 'yong ibang estudyante ay napu-push na mag-cheat na lang sa klase. Pero ako si Jamilla at never pa akong nagdadaya, puwera na lang kung may mag-offer. Ba't ko tatanggihan?

Inihilamos ko sa mukha ko 'yong test paper. Sabi na nga ba, parent are always right. See? Dapat pala ay sinunod ko na lang si Mama na 'wag muna ulit akong pumasok ngayon dahil I'm sure maiintindahan naman ng mga guro kung bakit ako absent, at least hindi ako mapapahiya mamaya at maihahabol ko na lang itong quiz. But at the same time, gumaganti ang kapalaran sa akin dahil sa nagawa kong pagsisinungaling kahapon.

"You may start now. I'll give you 30 minutes to answer that. At pagkatapos niyong sagutan 'yan, we'll proceed to the next topic. Ako na ang bahalang mag-check niyan. And you, Daenice, hindi ka muna mag-te-take ng quiz, okay?" Tumango si Daenice bilang sagot. "It's everything clear, class?" Wala ng sumagot sa amin kasi halos lahat sila ay naka-focus sa pagbabasa sa mga tanong na hawak nilang test paper.

-

I bit my lower lip. 15 minutes na ang lumipas pero ni-isa ay wala pa rin akong maisagot. Habang umaandar ang oras, pakiramdam ko naiihi na ako sa kaba. I noticed all of my classmates is almost done with their quiz. Buti pa sila pa-cool na lang at nakasandal na lang sa mga upuan nila, samantalang ako, meron na napakalinis na papel dahil wala ni-isang sagot. Hays.

Napabungtong-hininga na lamang ako at aksidenteng napatingin kay Oliver, nakayuko ito at nakapikit habang nakikinig ulit ng music gamit ang ear phone niya.

Biglang tumunghay ang ulo nito at nahuli akong tinitingnan siya. "You're not yet done?" bulong na tanong niya sa akin pero hindi ako sumagot. Bumilis ang kabog ng dibdib ko nang makita kong inilatag niya 'yong papel na may sagot niya sa table ko. Tiningnan ko siya nang may pagtatakang kasama. "I will let you to get an idea from my answers. Pero huwag na huwag mong kokopiyahin ang mga sagot ko, strikto pa man din si ma'am kapag nag-checheck. You better to paraphrase it well, okay?"

Sabi ko kanina na kapag may nag-offer sa 'kin ay kokopiyahan ko pero kung galing sa kanya? 'Wag na lang.

"Ayoko!" Inilayo ko 'yong papel niya, at nag-concentrate sa test paper na hawak ko. Pilit kong iniintindi ulit kaso ang hirap talaga. 'Di ko talaga alam.

"10 minutes left!" sigaw ni Ms. Reyes sa unahan na naging hudyat ng pagiging doble na ng kaba na nararamdaman ko. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. 

"'Wag nang matigas ang ulo. May rules tayo, 'di ba? Remember tha rule no. 1?" Nawindang ako nang kunin niya bigla 'yong kamay ko at inilagay rito 'yong papel niya.

"Kilala ko si ma'am, ayaw niyang may nagkokopiyahan. Natatakot akong baka mahuli niya ako."

"Don't worry. Nandito ako, ako ang bahala sa iyo."

"Sure ba iyan?"

"Wala kang tiwala sa akin?"

"Matagal na akong walang tiwala sa mga tao."

"Bakit naman—"

"8 minutes left!" Hindi ko na hinintay pa 'yong sasabihin ni Oliver kasi kaunting minuto na lang ang natitira kaya minabuti ko nang kopiyahin agad 'yong mga sagot niya.

Halos mapakunot na lamang ang aking noo sa napakapangit na sulat niya. Sumasakit ang ulo ko. Hindi ba siya tinuruan magsulat nang maayos? Nag-kinder ba siya? Ito lagi tinuturo do'n, ah.

Nasa kalagitnaan ako nang pagsasagot when there's a somone disturbing me on my left side (nasa right side ko kasi si Oliver). Ito ba naman ang ayaw ko, kung kailan rush na ako sa pagsasagot, saka namang may bigla magtatanong sa akin.

"Sino ang may-ari niyan?" Boses ng isang babae.

"Kay Oliver." I responsed without even looking at her dahil naka-focus ang mga mata ko sa pagsusulat.

"Okay, ipagpatuloy mo lang 'yan Ms. Jamilla and I will give you a lower grade for this quarter. Huwag kang magrereklamo kung bagsak ka dahil sa ginagawa mong pangdadaya ngayon."

I frozed.

I slowly turned my head on her direction. Bumilog ang mga mata ko dahil sa gulat. 'Yong bilis ng kabog ng dibdib ko kanina ay ngayon bumabalik muli pero mas malakas na ito. Magkasalubong ang mga kilay niya at naka-cross arm. Gosh, bakit ang bob* ko sa part na hindi ko mabilis na-recognize ang boses niya? Lagot na ako nito.

Pinanglakihan niya muna ako ng mga mata bago lumakad nang mabilis patungo sa harapan at hinampas nang malakas ang teacher's table kaya umalingaw-ngaw ang tunog nito sa apat na sulok ng room namin at naging hudyat ng pagkagulat din ng iba kong kaklase. "Lahat naman kayo ay aware na mahigpit kong ipinagbabawal ang pangongopiya pero bakit ginagawa niyo pa rin?! Tinatarantado niyo ba ako rito?!" galit na sigaw ni ma'am. Napayuko ako dahil sa kahihiyan. I felt that each my classmate was staing at me. Naiiyak ako.

"Ms Aravello and Mr. Lee, stand up!"

Dahan-dahan akong tumayo pero nakayuko pa rin. Pansin kong nakapamulsa lang si Oliver at parang hindi kinakabahan.

"I am very dissapointed to you, Ms. Jamilla Mae Aravello, you are consistent honor last school year and yet, nangdadaya ka ngayom!" I suddenly feel the tears in each corner of my eyes. Naiiyak ako kasi feeling ko I'm not deserving to become a honor student again for this year. Isang quiz lang naman ito pero bakit ang lakas ng epekto nito kay ma'am Reyes? Sabagay, kasalanan ko rin naman.

Napalunok ako ng laway at nilakasan ang loob ko para magsalita. "Ma'am, I'm sorry but I did not attend to your class yesterday so that—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko kasi biglang hinampas niya muli ang lamesa kaya napapitlag ako.

"I don't care about your reason. Huwag ka nang magpasikot-sikot dahil kahit anong rason pa iyan, nangopiya ka pa rin!" Namumula na ang mukha nito dahil sa galit. "And you, Mr. Lee, nang makilala kita I actually smell something to you with her. Madalas ko kayong nakikita na magkasama. At ngayon ay pinakopiya mo pa. Aminin niyo nga sa akin, mag-jowa ba kayo?"

Nakaramdam ako ng pag-init ng mukha nang sabihin niya iyon, nagsimulang magtilian ang mga kaklase ko at ningingitian kami nang nakakaloko. Akala ko, dahil sa tuksuhan ito ay mababago na ang awra ni ma'am pero hindi pa rin pala.

"No—"

"Of course, not, ma'am! Hindi iyon puwede dahil ako ang para kay Oliver!" biglang sabat ni Daenice. Napatingin kaming lahat sa kanya. Opps, gumagawa na naman ng eksena para mapansin, pakisawsaw.

"Nevermind," tugon ni ma'am. "You two, nangdidilim ang paningin ko sa inyo. Authomatic kayong zero para sa quiz natin ngayon, no buts but you should now get out from my class," mahinahon niyang pagkakasabi pero may kasamang diin.

"Po?" hindi makapaniwala kong tanong.

"Yep, absent kayo para sa klase ko. Get lost! o baka gusto niyo pang hilahin ko kayo palabas?"

Napabagsak ako ng balikat, at sinakbit na ang bag ko sa balikat ko dulot ng takot. Nakakatakot talaga si ma'am magalit. Palibhasa, short tempered. Pansin kong naglakad na paalis si Oliver kaya sumunod na rin ako sa kanya. Hays, hindi ako makapaniwala for the first time, papalabasin ako sa klase. Bwiset.

"Masyado kasing malalandi!" pagpaparinig ni Daenice sa amin ni Oliver bago kaming tuluyan makalabas. Bahagya akong napangisi, gusto ko sana isabat sa kanya na solo ko naman ngayon si Oliver pero wala ako sa tamang oras para gawin iyon. Hindi na lang namin siya pinansin pero tinaasan ko siya ng kaliwang kilay bago makaalis.

-

"Sorry." Biglang sabi niya. Napatingin ako sa kanya. Naglalakad kasi kami patungo sa kung saan kami mapupunta ng mga paa namin.

"Okay lang. Kahit naman na hindi ako nangopiya, ang ending pa rin ay ganito dahil makakakuha ako ng zero." Ngumiti ako sa kanya kahit may kasama itong lungkot. "Ako dapat ang mag-sorry dahil nadamay ka pa."

"Sus, huwag mong isipin iyon. Tara, aksayahin natin ang oras natin sa library, meron akong itatanong sa iyo."

Kinuha niya ang kamay ko at mabilis na tumakbo. Wala na akong nagawa kundi, magpatangay na lang. Mabuti na lang at class hour ngayon kaya kaunti lang mga estudyante sa daan.

When we finally reach out the library, agad kaming humanap ng mauupuan. Binitawan niya na rin 'yong kamay ko.

"Ano nga pala ang itatanong mo sa akin?" tanong ko.

"Not a totally question. Gusto kitang makilala pa."

"Then?"

"Uhmm.. To be honest, I asked few of our classmate kung anong ugali ang meron ka. Araw-araw kasi tayong nagbabangayan kaya nagtanong ako sa kanila, malay ko ba na hindi talaga ganyan ang ugali mo. Masyadong sadista."

"You really did it?" hindi makapaniwala kong tanong at tumango naman siya bilang tugon na may kasamang ngiting maliit. "Bakit mo naman ako gustong makilala pa?"

"Wala lang."

"Hindi puwedeng wala lang. Tell me."

"Wala nga," natatawa niyang sambit. Dismayado akong tumingin sa kanya. Huwag pilitin ang ayaw magsabi kung bakit.

"Okay," simple kong sagot. "Pero ano namang sagot nila sa iyo?"

"May trust issues ka raw sa mga tao?" Bahagya akong napangiti kasi tama iyon. Simula no'ng iniwan kami ni Papa, masyado akong naapektuhan sa tiwala ko sa ibang tao, may kasama nang pagdududa iyon kapag may bago akong nakakasalamuha.

"Yep. Kaya nga bilang lang sa daliri 'yong mga kaibigan ko rito," medyo nahihiya kong sagot.

"Bakit?"

"Because I don't want to attached with somone else kasi natatakot akong sa huli ay mababasag ulit 'yong tiwala ko. Tulad sa room natin, maraming magkakaibigan d'yan pero kapag nakatalikod na sa isa't isa sinisiran at pinag-uusapan nila. Kaya nga, ayaw kong mkipag-close sa kanila."

"What do you mean 'mababasag ulit 'yong tiwala mo'?..." He emphasize the word of 'Ulit'.

"Puwede ba? Mag-usap na lang tayo ng iba. Ayaw kong aalahain kung paano nabasag 'yong tiwala ko before kasi mabigat sa dibdib," sagot ko at iniyuko ang ulo sa lamesa, hudyat na iyon na tumigil na siyang kausapin ako tungkol sa bagay na iyon.

"Mukha ngang mabigat iyan pero ayaw mo manlang i-share sa akin?"

Humugot ako ng malalim na hininga. "Sino ka para i-share ko iyon sa iyo? Besides, wala rin akong tiwala sa iyo."

"Ouch," kunwaring nasaktan na sabi niya. "Okay. Sige. Huwag na nga lang." Ramdam ko ang pagdismaya mula sa boses niya.

"Wala pang isang linggo nang makilala kita kaya huwag kang umasa na mabilis kitang pagkakatiwalaan," sabi ko habang nakayuko pa rin.

"Kaya pala, ayaw mong mapalapit sa akin?" curious niyang tanong.

"You got it." Itinunghay ko ang ulo ko at ningitian siya."By the way, I have something I want to ask for."

"Ano iyon?" Hindi ko muna siya sinagot dahil agad kong kinuha 'yong bag ko at kinuha 'yong libro ko na siya ang author. Agad kong kinuha 'yong bookmark at ipinakita ang nakasulat sa likod nito.

"What's the meaning of these numbers?" kunot-noo kong tanong sa kanya. Five days na 'yong nakalipas nang makita ko 'to and finally, naitanong ko na rin kung anong ibig sabihin ng mga numerong nakasulat. Kating-kati na akong malaman ito.

Ngumiti siya sa akin at napakamot ng ulo. "Ah.. Kailangan mo pa bang malaman?"

"Itatanong ko ba kung hindi?"

"Nahihiya ako..." Pinagliitan ko siya ng mga mata.

"Huwaw, ngayon ka pa ba nahiya sa akin?" sambit ko. "Ano nga?"

"Ano.." nahihiya niyang simula at mariing kinakamot ang ulo niya. Ang tagal naman nito. "Ang meaning talaga niyan ay... I hope to see you again," sagot niya at agad iniyuko ng ulo sa lamesa. Bahagya akong napatawa dahil sa inaakto niya, halatang nahihiya talaga siya sa akin.

"Bakit gusto mo akong makita ulit?"

"Wala lang."

"Sus, crush mo ako, ano?"

Agad itong tumingin sa akin at ngumisi. "Huwag assuming."

"Okay," simple kong sagot.

Chapitre suivant