webnovel

Chapter 22

Chapter 22

Title: He Came Back

Sa isang kilalang hospital sa Maynila...

Binuksan ko ang pinto ng kuwarto ng isang pasyente rito. Humahalimuyak sa loob ng lugar ang amoy ng sariwang mga bulaklak ng puting rosas. Nakalagay ang mga 'yon sa isang sa vase na nakapatong sa cabinet. Sa tabi niyon ay ang higaan ng isang babaeng mahimbing ang pagtulog at may nakakabit sa kamay niya na tube ng dextrose at may nakapasok din na tube sa ilong niya na dinadaanan ng oxygen.

Napatakip ako ng bibig at kumawala na agad ang mga luha sa mga mata ko nang makita at makilala na ang pasyente ng silid na 'to. "H-hershey..." humihikbing tawag ko sa dati kong bestfriend noong highschool pa lang kami.

Siya ang kaisa-isang bestfriend ko na hindi ako kinainggitan at tinalikuran kahit sumikat na ako.

Simula nang maging sikat na singer ako, hindi nagustuhan ng dating mga itinuturing kong kaibigan ang sobrang pagiging successful ko kaya naman sinubukan nila akong siraan sa media sa kung anu-anong paraan pero si Hershey ang pumrotekta sa pangalan ko ng mga oras na 'yon. Imbis na magpasalamat ako sa kaniya, ang ginawa ko pa ay ang talikuran siya... at kalimutan.

Dahil sa pagiging busy ko, ni hindi ko na nirereply-an ang mga message ng pangungumusta niya sa'kin at hindi na rin siya makabisita sa bahay namin dahil palagi akong wala ro'n. Nawalan na ako ng komunikasyon sa kaniya at ni hindi ko na nabalitaan na nasangkot pala siya sa isang malaking aksidente apat na buwan na ang nakalilipas na ikinadahilan kung bakit siya nacomatose ngayon.

Naglakad na ako papalapit sa kaniya at walang patid ang mga luha ko sa sobrang pagsisisi sa pagkalimot ko sa kaniya kapalit ng kasikatan ko. "Hershey... I-i'm so sorry..." Hinawakan ko ang kamay niya nang mahigpit. "N-ni hindi ko man lang alam na nangyari sa'yo 'to... S-sorry talaga..." sobrang paghingi ko ng tawad sa kaniya sa laki ng kakulangan ko bilang kaibigan niya.

Hindi ko talaga inakalang siya nga talaga na bestfriend ko noong highschool ang nabanggit ni Leigh na mapapangasawa na nito. Ang liit lang pala ng mundo naming tatlo.

Napatingin ako sa paligid at navivisualize ko ang mga oras na naririto si Leigh.

Iyak siya nang iyak sa tabi ni Hershey habang hawak ang kamay nito nang mahigpit. Doon ay nakita ko rin nang mapagdesisyunan na niyang bumalik ng Sargus para ikuha si Hershey ng gamot. Hinalikan niya muna ang labi nito bago bitawan ang kamay nito. Nakatitig pa rin siya kay Hershey nang hawakan na niya ang kwintas niya saka roon ay nawala na siya sa tabi nito.

Para tuparin na ang ipinasuyo sa'kin ni Leigh, kinuha ko ang bote ng gamot sa bulsa ng pants ko. "Si Leigh ang nagpakahirap na kunin 'to Hershey... at masayang-masaya ako na magiging bahagi din ako ng dahilan ng paggaling mo." sincere na sabi ko at binitawan ko muna ang kamay niya saka pinunasan ang mga luha ko sa paghahanda sa paggising niya.

Binuksan ko na ang bote ng gamot at doon ay ipinainom ko na sa kaniya 'yon nang dahan-dahan. Nang maubos ang laman ng maliit na bote ay hinawakan kong muli ang kamay niya habang sobrang humihiling na umepekto sa kaniya ang gamot.

Hindi naman ako nabigo dahil ilang sandali lang ay naramdaman ko ang paggalaw ng kaunti ng kamay niya na hawak ko. Dahan-dahan na ring nagmulat ang mga mata niya kaya unti-unting nanlaki ang mga mata ko sa paggising niya. Agad kong idinungaw ang mukha ko sa harap niya para ipakita ang sarili ko. "Hershey!" tuwang-tuwang tawag ko sa kaniya habang walang patid ang mga luha ko.

Nakatulala lang siya sa'kin at halatang hinang-hina pa rin. "L-leigh..." nagawa niyang sabihin kaya mas lalo akong naiyak dahil katulad ko kay Gani, gusto na rin niyang makita at makasama si Leigh.

Bigla namang may nagbukas ng pinto ng kwarto kaya napalingon ako ro'n. Isang lalaki at babae na nasa mid 40's na ang pumasok dito sa loob at natigilan pa sila nang makita ako. Bakas sa mukha nila ang pagkabigla lalo na at napakatagal na ng huli nila akong makita.

"Tito... Tita..." umiiyak pa ring tawag ko sa kanila. Namiss ko sila nang sobra dahil sila na ang tumayo noon parang ikalawa kong mga magulang.

"Queenzie!" tuwang-tuwang bulalas nila Tita at parehas na sana silang maglalakad palapit sa'kin para yakapin ako nang...

"M-mom... D-dad..." Natigilan silang dalawa sa narinig at nang mapansin na nila na gising na mula sa coma si Hershey ay unti-unting nanlaki ang mga mata nila pareho.

"A-anak..." hindi makapaniwalang sambit ni Tita at si Tito naman, hindi magawang makapagsalita sa pagkabigla.

Napatingin pa sila sa'kin pareho sa paninigurado na hindi lang sila ang nakakakita na gising na ang anak nila. Nakangiting tumango naman ako para sabihing hindi sila naghahallucinate lang at nagbigay daan ako para magawa na nilang makita nang maayos at malapitan si Hershey.

Doon naman ay nagmamadali na nilang nilapitan ang anak nila habang humahagulgol sa pasasalamat gising na nga talaga si Hershey.

Walang tigil ang mga luha ko sa madamdaming tagpo nila at para mabigyan sila ng pribadong oras ay lumabas muna ako ng kwarto. Pagkalabas ko ay napasandal kaagad ako sa pinto ng kwarto na 'yon at napatingin sa wala ng laman na maliit na boteng hawak ko. "Nagawa ko na ang ipinasuyo mo Leigh. Gising na si Hershey kaya sana... pilitin n'yong makabalik kaagad kayo ni Gani." mahinang pagkausap ko kay Leigh kahit alam ko naman na hindi niya ako maririnig.

Napahinga na lang ako nang malalim at ibinalik 'yon sa bulsa ko.

"Queen." tawag sa'kin ng isang lalaking papalapit na sa'kin kaya napatingin ako sa kaniya. Si kuya Marco 'yon at siya ang naghatid sa'kin dito para ligtas kong mabisita si Hershey na 'di nalalaman ng mga tagamedia.

"Kuya..." Agad ko siyang niyakap nang makalapit na siya sa'kin at tahimik akong umiyak sa dibdib niya.

Hinagod niya ang likod ko para aluin ako. "Kamusta si Hershey?" kalmadong tanong niya.

"Okay na siya kuya." Nakabaon pa rin ang mukha ko sa dibdib niya dahil ayokong makita niya ang pagiging iyakin ko na 'to. Masyado ko na siyang pinag-alala nang mawala ako ng isang buwan pero hindi ko talaga mapigilan ang emosyon ko. Halo-halo na 'yon. Masaya ako dahil nagising na si Hershey pero nakakalungkot din dahil hindi si Leigh ang nabungaran niya sa paggising niya. May takot din sa dibdib ko para sa kaligtasan nina Gani at Leigh sa Sargus. Kapag naiisip ko na sa susunod na anim na buwan pa sila bago makakabalik dito na hindi pa sigurado, hindi ko alam kung kakayanin ko bang makapaghintay nang ganoon katagal lalo na ngayon at gustong-gusto ko na ulit makita si Gani.

"Uwi na ba tayo?" tanong ulit ni kuya Marco habang hinahaplos ang buhok ko.

Tumango ako dahil ayokong makagulo muna kina Hershey. Doon ay umuwi na kami ng bahay na tahimik lang ako.

* * *

Nakahiga na ako ngayon sa kama ko para magpahinga at kinumutan ako nang maayos ng kapatid ko. "Magpahinga ka na nang maayos Queen." Nakangiting hinaplos niya pa nang marahan ang mukha ko at nakatingin lang ako sa kaniya.

Palabas na siya ng kwarto ko at hindi ko na napigilan ang sarili ko. Bumangon ako ng upo. "Kuya." tawag ko sa kaniya kaya napatigil siya sa paglabas dito at napalingon sa'kin.

"Hm?" Humarap pa siya sa'kin.

"Hindi ka man lang ba magtatanong kung saan ako galing nitong nakaraang buwan?" Nagtataka talaga ako dahil simula nang umuwi ako ng bahay sa pamamagitan ng taxi, naabutan niya ako na wala sa sariling bumaba ro'n habang nakasuot pa rin ng tradtional dress. Hindi ko na alam ang nangyari sumunod na nangyari dahil nawalan na ako ng malay n'on.

Ilang araw lang ang nakalipas hanggang ngayon, ni hindi niya pa rin ako tinatanong kung saan ako galing.

Halatang may gusto na nga siyang itanong pero pinigilan lang ang sarili at napahinga na lang nang malalim. "Saka na kita pauulanan ng mga tanong kapag nasa wisyo ka na. Ayokong sumabay sa kung anumang pinagdadaanan mo ngayon Queen. 'Yun na lang naman din ang magagawa ko bilang kuya mo." ngumiti na siya. "Ikwento mo na lang sa'kin kapag handa ka na. Ang mahalaga ngayon, ligtas kang umuwi."

Hindi ko alam pero tagos na tagos ang mga sinabi niyang 'yon sa puso ko at ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya sa'kin bilang kapatid. Nagsimula na namang mapuno ng luha ang mga mata ko at napatingin ako sa ibang direksyon para hindi niya mahalata kung gaano ako natouch sa sinabi niyang 'yon.

"Hahahaha... Natouch ang baby Queen ko." Lumapit pa siya sa'kin saka mahinang kinurot ang magkabila kong pisngi.

Hinawakan ko naman ang pareho niyang kamay at doon lang ako nakatingin. "Kuya... S-sorry dahil pinag-alala kita nang sobra sa paglalayas ko at sorry din sa pagpapahirap ko sa'yo bilang manager ko simula nang maging singer ako. Sorry talaga." sincere na pagsosorry ko sa kaniya.

Umupo na siya sa tabi ko sa gilid ng kama. "Tss. Okay lang. Lahat naman ng tao, dumadaan sa gan'yang stage ng buhay. Mga nagkakamali, dahil hindi tayo perpekto pero ang mahalaga, may mga natututunan tayo. Buti na nga at bumalik ka na sa dati. Ang mabait at baby kong kapatid." pabirong ginulo niya pa ang buhok ko.

Napangiti na rin ako sa sinabi niya. Napakaswerte kong tao dahil biniyayaan ako ng napakabuting kapatid na katulad niya... at kung alam niya lang kung sino ang nakapagpabago sa'kin para maging mabait ulit.

Si Gani... Ito ang dahilan kung bakit ako natauhan kaya napabalik ako sa dating ako na dahil sa kasikatan ko, muntik ko nang mabura sa pagkatao ko.

"Sige na at matulog ka na. Uuwi sila Mommy bukas dito para bisitahin ka. Hindi ko sinabi na nawala ka ng isang buwan kaya dapat, makapagpahinga ka para maayos mo silang maharap bukas at hindi sila mag-alala sa'yo." paalala niya sa'kin saka hinalikan ang noo ko.

Humiga na nga ako at kinumutan niya ulit ako nang maayos. Ngumiti muna siya sa'kin bago tuluyan na talagang lumabas ng kwarto ko.

Nakatingin lang ako sa pinto kung saan siya lumabas.

Simula ngayon, lahat ng taong mahalaga at nagpapahalaga sa'kin, hinding-hindi ko na tatalikuran at kalilimutan... dahil walang makakapalit sa sarap sa damdamin ng pagpapahalaga at pagmamahal ng mga taong malalapit sa'yo.

Doon ay tuluyan nang pumikit ang mga mata ko para matulog.

* * *

*'Anim na buwan na ang nakalipas. 'Di ko man alam kung kailan pero sigurado ako na malapit na ang araw ng pagbabalik nila rito... at hindi ko na sobrang mahintay ang araw na 'yon.' Napangiti ako sa naisip ko habang nakatingin sa labas ng nakasarang tinted na bintana nitong kotse ng kuya ko. Papunta kami ngayon sa isang theater para manood ng play sa pang-aaya niya. Kasama rin namin ngayon si Hershey at dito kami pareho nakaupo sa backseat.

Ang totoo, hindi ko gustong sumama ngayon dahil naiisip ko na baka biglang dumating sa bahay si Gani. Alam naman niya kasi ang bahay ko at nakakapunta na siya ro'n noong P.A. ko pa lang siya. Mapilit lang talaga si kuya Marco at gusto rin naman ni Hershey kaya wala akong nagawa. Alam ko naman na gusto lang ng kapatid ko na pagaanin ang loob ko lalo na at hindi na ako bumalik sa pagiging singer sa nakalipas na mga buwan.

Nang maisipan ko, ibinaba ko ang bintana nitong kotse at saka ako pumikit para damhin ang hangin mula sa labas. Nagflash naman sa isip ko ang mukha ni Gani na nakangiti sa'kin. Naalala ko rin ang mga nangyari sa'kin kasama siya sa mundo nila kaya naluluha na naman ako.

Miss na miss ko na talaga siya... Kung pwede ko lang i-fast forward ang buhay ko sa araw na makikita ko na ulit siya, gagawin ko.

"Queen, isara mo yang bintana. Baka makita ka ng mga taong madadaanan natin, sundan pa tayo kung saan tayo pupunta." kalmadong saway sa'kin ni kuya.

Pasikreto kong tinuyo ang luha ko sa pagkurap-kurap dahil ayokong makita nila na nagiging emosyonal na naman ako. Susundin ko na sana ang utos niya sa'kin pero hinawakan ni Hershey ang kamay ko na pipihit na sana sa crank handle ng bintana kaya napatingin ako sa kaniya.

Nakatingin siya kay kuya sa unahan. "Kuya Marco, pagsuotin ko na lang siya ng mask. Gusto ko rin ng hangin mula sa labas." nakangiti niyang paalam dito.

Tumango naman ito. "Sige."

Napangiti naman siya at kinuha sa sling bag ko ang itim kong mask do'n saka siya na mismo ang nagsuot n'on sa'kin. "'Yan. Pwede ka nang sumilip sa bintana. 'Di ka na agad makikilala ng mga madadaanan natin." nakangiti niyang sabi.

Unti-unti naman din akong napangiti sa ilalim ng mask ko. "Salamat Hershey."

Nag-okay sign naman siya. "You are always welcome bestfriend ko."

Mas lalo akong napangiti. Isa pa siyang dahilan kung bakit napapatunayan ko na napakasuwerte ko na tao. Nagawa niya agad akong mapatawad kahit ang laki ng kasalanan ko sa kaniya sa pagtalikod ko bilang bestfriend niya noon.

***Kinabukasan noong ipainom ko sa kaniya ang gamot na ipinakisuyo sa'kin ni Leigh, sinundo ako ng mga magulang niya para isama sa hospital kung saan pa rin siya nag-i-stay. May physical therapy pa rin kasi siya dahil ilang buwan din siyang nakaratay lang. Sinamahan din ako ni kuya at nang magkita na kami sa kwarto niya, pinalapit niya ako sa kaniya at niyakap kaagad. Bumuhos agad ang luha namin pareho lalo na nang sabihin niya kung gaano niya ako namiss.

Ang huli niya kasing balita tungkol sa'kin ay nang magkasakit ako sa vocal chords ko kaya sobrang siyang nag-aalala dahil alam niya naman kung gaano kahalaga sa'kin ang pagkanta. Mas lalo akong naguilty dahil ni hindi niya man lang ako sinumbatan sa pagkalimot ko sa kaniya. Sobra akong nagsorry sa kaniya at sinabi niya na hindi ko naman kailangang magsorry dahil naiintidihan niya ako at kailanman ay hindi siya nagalit sa'kin. Mas lalo tuloy akong naiyak dahil napakabuti niya talagang kaibigan at tao.

Simula noon, lagi ko na siyang binibisita sa kwarto niya at sinasamahan sa therapy niya. Ilang linggo ang makalipas at napauwi na rin siya sa kanila kaya doon na 'ko bumibisita. Doon ko na nabanggit sa kaniya na kilala ko si Leigh at ito ang nagbigay ng gamot na nagpagaling sa kaniya. Naiyak na siya sa pagkaalam na talagang gumawa ng paraan si Leigh para sa kaniya. Doon ko rin nalaman na alam niya rin ang tunay na pagkatao nito.

Naikwento ko na rin si Gani sa kaniya at ang nangyari sa'kin sa Sargus kasama ito. Nagka-iyakan na naman kami nang mabanggit ko na ang dahilan kung bakit hindi ko kasama ang dalawa sa mundo namin.

Ngayon, katulad ko na naghihintay sa pagbabalik ni Gani, hinihintay rin niya si Leigh sa ligtas na pagbabalik nito dito sa mundo namin. ***

Nakatulala lang ako sa labas ng bintana nang tumigil ang kotse dahil saktong nagcolor red ang traffic light. Nagtawiran naman ang maraming mga tao dahil oras na ng uwian ngayon.

Lumalagpas ang tingin ko sa mga 'yon sa pagtulala pero may napansin akong isang pamilyar na tao sa mga tumatawid kaya nagising ako mula sa paglipad ng isip ko. Nanlaki ang mga mata ko at walang anu-anong binuksan ko na agad ang pinto ng kotse saka ako lumabas. "Leigh!"

Ipagpapatuloy...

Chapitre suivant