webnovel

Bida-bida

HABANG SINASAGASA NI JACK ANG ULAN, NAGLALARO sa isip niya ang sarili niyang martyrdom. Nagkamaling naitapak nya ang isang paa sa isa palang malalim na kanal, ang na-imagine niya: si Camille, naglulupasay sa iyak habang pinipilit i-revive ang nalunod niyang katawan. Nang lalong lumakas ang buhos ng ulan, pakiramdam ni Jack naglalakad siya ng slow-motion, parang yung eksena sa lumang pelikula ni Kurosawa, yung The Seven Samurai. Na-imagine niya ulit: si Camille, hinahabol siya para mag-sorry sa lahat ng mga katangahan at kapalpakan nito, pero walang lingon-likod si Jack, patuloy lang na naglalakad ng slow-motion, patungo sa direksyon ng sunset. Dahil sa imagination ni Jack: tapos na siya kay Camille. Nakapag-move on na siya.

Pagdating ni Jack sa bahay, gulat na gulat ang Nanay Rosing nya. Paano'y mukhang basang sisiw ang binata. "Bakit ka naman sumugod sa ulan?" bungad nito, alalang alala na binalutan ng tuyong tuwalya si Jack.

"Naku, Nay, kung naghintay ako na tumila ang ulan, aabutin na lang ako ng gabi dun. Baka ma-rape pa ang anak nyo."

Hindi natawa si Nanay Rosing sa pa-simpleng joke. "Nasaan ba si Camille? Hindi ba kayo nagsabay?"

Hindi nakasagot si Jack; feeling niya bigla siyang gininaw nang mabanggit ang pangalan ng dalaga. Hinigpitan niya ang pagkakahapit ng tuwalya sa katawan niya.

Napansin yun ni Nanay Rosing. "Mag-iinit ako ng tubig. Magbanlaw ka, dali. Baka magkasakit ka pa niyan."

Huli na, Nay, naisaloob ni Jack. Masakit na.

"Ano ang masakit? Nagsasalita ka na naman mag-isa diyan ha," sabi ni Nanay Rosing mula sa kusina. Noon lang na-realize ni Jack na nasabi niya pala yun out loud. "Baka nilalagnat ka na!"

"Hindi po," sagot ni Jack. "Hindi po ako tinatablan ng lagnat. Takot po sa akin ang mikrobyo. Ha ha ha!"

Sobrang fake ng tawa mo, dude.

Saka yabang lang yun. Dahil bandang madaling-araw, nangangatog na sa ginaw si Jack, nagdedeliryo na.

Chapitre suivant