webnovel

Return My Heart

Kanina pa nakaalis si Yna ngunit tila andun pa rin sa salid niya ang presensya nito. Paano ba niya malilimutan mukha nito kung halos magdamag niya itong pinagmamasdan habang mahimbing itong natutulog sa kanyang tabi.

"God!" Tila hinahabol ni Daniel and hininga saka kinuha ang cellphone at nag-dial.

"Hello! This is Miss Reyes of ABM Station, what can I do for you?" Mahinahong tanong ng babae mula sa kanilang linya.

"You have to return what you've got from me." Tila wala sa sariling ani niya.

"What do you mean sir? I mean…" Nahinto ang babae sa kabilang linya. "Daniel?" Paniniyak nito.

Napangiti si Daniel. Tila isang magandang musika na marinig ang kanyang pangalan sa bibig nito.

"Yes, I am. Like what I have said, you have to return to me something you've got from my house." Seryosong ani niya.

"My naiuwi ba ako na gamit or something sa inyo? Oh my God, I'm sorry..what's that?" May pagaalala ang tono nito. Lalong napalwak ang ngiti ni Daniel.

"Please return my heart." Wika ni Daniel sa kabilang linya.

"Oh my God!" Bulong ni Yna sa sarili. Ramdam niya ang pagbilis ng kaniyang puso at tila nanuyo ang kanyang lalamunan.

"Hello? Are you still there, Miss Yna Reyes?" Pagpukaw nito sa atensyon niya dahil sa kaniyang pananahimik.

"Hello? I can't hear you. Just call me later. I'm busy. Bye." Kandautal na wika niya sabay baba ng telepono. Tila hinahabol niya ang hininga ng maibaba ang telepono.

"Are you ok, Yna?" Nagtatakang tanong ni Shine na huminto sandali sa ginawang pagta-type.

"Yes, don't mind me." Ani niya.

"Well, hindi ka ba umuwi sa partment kagabi?" Tanong nito.

"Yes. Ginabi na kasi ako sa field. Nag-hotel na lang muna ako." Pagsisinungaling niya.

"Ah, ok. Galing kasi si Gian sa apartment kagabi. Hinahanap ka. Umiiyak." Ani nito. Napabuntong-hininga naman si Yna.

"I don't want to hear his name muna, Shine. Please?" Madilim ang mukhang ani niya. Napatango na lamang ang babae.

"Miss Reyes, we need to talk." Seryosong wika ni Mrs Corpuz pagpasok nito sa opisina niya. Napapaisip naman siyang sumunod dito.

"I have heard that you still had your field work yesterday. I thought my instruction before was clear to you." Seryosong ani nito.

Napakagat-labi siya. Alam niyang mali ang kanyang ginawa ngunit pinkabilin niya ang kaibigang si Shine na wag sasabihin dito. Ikinatutwa kaya siya ng kaibigan? Imposible.

"I'm sorry, Mrs. Corpuz. Hindi na po mauulit." Nakayukong ani niya.

"Dapat lang, Miss Reyes. There are so many talented people in this station like you who also deserve to be in your position. So prove to me that I am not wrong of choosing you." Matatag nitong wika.

"Yes, Ma'am." Malalim ang buntong-hininga na wika niya.

"I am sorry, Yna." Malungkot na bungad ni Shine. "I don't have no choice kundi sabihin kung nasaan ka. Hindi ko kayang magsinungaling." Pagpapatuloy nito.

"Ok." Tipid lang niyang sagot dito.

"Yna, sorry talaga." Pagpapatuloy nito.

"I said, ok!" Halos pasigaw na wika niya dito na ikinabigla nito.

Napabuntong-hininga naman siya.

"I'm sorry. I understand you, Shine. It's just..I need sometime to think..I need some space..so please just leave me for a while?" Pakiusap niya dito habang sapo ang noo. Malungkot naman siya nitong iniwan.

Hindi siya lumabas ng opisina buong araw.Tawag at pagsusulat lamang ang kanyang inatupag at hindi na niya namalayan ang oras. Napakunot ang noo niya ng marinig ang tunog ng cellphone niya. Binuksan niya iyon at binasa ang message na natanggap.

I AM WAITING FOR YOU HERE OUTSIDE YOUR OFFICE. IT'S TIME ALREADY TO TAKE BACK WHAT YOU'VE GOT FROM ME. –Daniel

Napaawang ang bibig niya at hinawi niya ang kurtina sa bintana at sumilip. Nakita niya ang marang motorsiklo ng lalake, Nakahelmet ito para hindi makilala ng mga tao. Nakatingala ito at kumaway pa sa kanya. Napabuga siya sa hangin saka nagsimulang mag-type.

I DID NOT TAKE ANYTHING FROM YOU. LEAVE ME ALONE & GET LOST!

Masungit niyang reply dito.

YOU HAVE MY HEART. RETURN IT TO ME & I PROMISE, YOU WILL NEVER SEE ME AGAIN.

"Ano na naman kaya ang pakulo ng lalakeng ito!" Gigil niyang bulong sa sarili ngunit my bahagi ng kanynag utak na nagbibigay ng kakaibang kilig sa kanyang dibdib. Pilit niyang hinamig ang sarili. Inayos niya ang gamit saka napagpasyahang bumababa at harapin ang lalake.

Chapitre suivant