webnovel

Chapter 15: Starry Sky

Justin Klyde's POV

"Gagawa lang ng project ha?" Ang sabi ni Papa.

"Opo Tito. Project lang." Sagot naman ni Paulito. Tinanguhan lang ni Papa si Paul sa sagot nito bago umalis. Pupunta na naman yun kina Tito Dennis. Inuman session ofcourse. Rason pa ni papa minsan lang naman daw. Si Mudra naman nagdeliver ng mga cupcakes niya. 

"Oh paano ba yan payag na si Tito na mag sleepover ako dito." Ang pagkuha ni Paul sa atensyon ko.

"Oo nga eh. Ang lakas mo sa tatay ko. Anong pinakain mo ha?" 

"Wala. Kailangan pa ba nun? Eh mukha naman akong trustworthy na tao." Pagmamayabang ng unggoy.

"Sus. Pinayagan lang trustworthy na agad?"

"Alam mo babe, sumang ayon ka nalang din. That's how life goes." Napailing nalang ako sa sinabi niya.

"So, shall we start?" Habol niyang tanong.

"Yeah. But first, anong magiging concept natin since ang theme ay universe?" Malamang si Ursula Baklita na naman nagsuggest netong theme na to. 

"Well, ako since mahilig ako sa uncommon things, I chose spaceships and aliens." sagot ni Paul.

"Pwede din naman. Ako naman mula pa kahapon, I decided na zodiac signs ang gawing concept." 

"Nice! Ba't di ko naisip yun?" 

"Aba malay ko sayo. Puro kalokohan kase iniisip mo." sagot ko.

"Kelan ka pa naging kalokohan?"

"Ha?" napaface palm nalang siya sa nasabi ko.

"Justin naman. Read between the lines." so ako naman tong si tanga inisip mabuti. Nung marealize ko yung sinasabi ng ungta na to eh parang biglang uminit yung pisngi ko.

"You're blushing." pang aasar niya.

"I'm not." depensa ko.

"Yes you are."

"Ewan ko sayo. Dyan ka nga muna pupunta lang akong storage room." saka ako lumabas ng room.

"Wait! I'll go with you."

---

"Wow babe! Lahat to paintings mo??? Grabe, no wonder ang tataas ng nakukuha mo sa weekly examinations ni Sir. Masterpieces na to eh." Manghang mangha naman to. Echusero.

"Bolero." He chuckled."Well, hindi naman lahat yan akin. Some of them were given by friends and former friends." Sagot ko.

"What do you mean by former friends?" I took a deep breath.

"Kita mo yang painting na yan? That frozen heart?" Tumango tango naman siya ng makita niya. "That was given by a friend when I was in 6th grade."

"Nice. Talented din pala mga friends mo."

"Former. His name was Jake. We're in the same age back then. He was my friend in our village before we came here. He also became my first bestfriend bago ko pa makilala si Dylan." Paul just stared at me and as if he was telling me through his eyes to go on.

"Every single day that we're together seems like forever. Kakain sa bahay nila tapos maglalaro kame sa park. Pag may spare time pa nagpapractice kameng magpaint sa bahay namin. That day he decided to create that, a frozen heart. I asked him kung bakit yun ang naisip niyang idea. Then he began to get emotional. He said that his parents have hearts as cold as ice. Hindi daw nila suportado ang hilig niya. Wala daw nararating ang pagiging pintor kaya pag nasa bahay namin siya halos ayaw niya pang umuwi kase nag eenjoy daw siya. Dun daw sa amin malaya siya. That night I really felt sad too kase friend ko siya. So, nung dumating yung araw ng birthday niya I gave him a gift. A painting too with the both of us in it. Gusto ko kaseng malaman niya na kahit anong mangyari I'll always be on his side. Sobrang saya niya nun. And on my birthday he gave me that dahil eventually his parents approved what he wants."

"Then what happened to your friendship?"

"Ayon. Akala ko magtatagal. I thought he's understanding and a true friend as how I am to him. Turned out he isn't. His other friend told him my identity. And as if I'm an epidemic disease that he instantly avoided." I answered.

"Bakit? Hindi ba niya alam?"

"Ang alam ko alam niya. Hindi pala. Pero I never hide it to him. Bawal sa friendship namin ang naglilihim. Hindi kase ako masyadong malamya nun so siguro akala niya lalaking lalaki ako. Then one night he asked me to meet him at the park. Akala ko nga nun emergency kaya napatakbo pa ako. Naabutan ko siya dun holding the gift I gave to him. Binalik niya ito. I asked why and he just said na hindi daw niya kaya makipagkaibigan sa tulad ko at pinapalayo daw ako ng mga parents niya sa akin. Bakit ko daw nilihim sa kanya na bakla ako. I want to answer him that night kaso I lost words on what to say. I just stood there and stared at him as if asking him if this are all happening. Mahirap man pero binigyan ko nalang siya ng isang pilit na ngiti at sinabing okay lang. Tinanggap ko ulit yung regalo ko sa kanya. After nun tumalikod na siya. That was the last time we saw each other." Di ko na napansin na habang nagkukwento ako kay Paul, my tears were flowing. I wiped them off. 

"You know what? I just learned that night that we can't force someone to like us no matter how good we are to them. Hindi rin dapat tayo umaasa na ibabalik nila yung goodness na binigay natin sa kanila at hindi rin natin mapipilit ang mga tao na tanggapin ang mga bagay na di nila nakasanayan." Dagdag ko pa. Suddenly, a pair of arms enclosed me. A back hug to describe it.

"Shhh. Enough. Kung ayaw nila sayo let them be. It's their lost. If they don't see how amazing and awesome you are eh baka mga bulag sila. Hindi ka nila deserve. At lalong hindi mo sila deserve. Basta ako andito lang. Always. Okay?" I never imagined that these words are coming from him. Tumango lang ako at kumalas sa yakap niya. 

"Akalain mo Paul may pagkamakata ka pala no?" Ang medyo nakangiti kong sabi.

"Aba. Ikaw lang tong iniisip mo laging puro kalokohan nasa isip ko." 

"Sus. Haha. Pero salamat. Salamat kase hindi ka tulad niya. Salamat kase isa ka sa mga taong tanggap ako." Saka ko siya nginitian. "Oh halika na ng makapagsimula na tayo." He nodded and picked up the materials we need for our artwork.

---

"Oh di ikaw na panalo. Ginalingan mo naman masyado." Himutok ko kay Paul. 

"Sus. Tignan mo nga gawa ko sa gawa mo? Yung akin pang kinder sayo pang college." 

"Hindi ah! Ang simple simple ng gawa ko. Yung sayo nga lumilipad pa talaga." Sagot ko naman.

"Anung panama nun sa realistic effect ng constellations mo. Lalo pa pag gabi ang ganda tignan! Isa kang alamat!" Natawa naman ako sa alamat netong unggoy na to. And speaking of gabi eh inabot na nga talaga kame ng gabi. It's already 7:42 pm. Medyo gutom na nga kame since 4 pm pa yung last merienda namin. Pero sabi ni Paul hindi pa naman daw siya gutom. Bahala siya basta ako nagwawala na yung mga dragon sa tiyan ko.

"Alam mo gutom lang yan. Lika na kain na tayo." Pag aaya ko.

"Kaya ka tumataba eh. Kain ka ng kain." 

"Ang weird mo. San banda yung taba? Si Dylan nga sabi payatot ako." Nabigla naman ako ng nasambit ko ang pangalan niya. Ilang araw na rin simula nung araw na yun and until now wala pa din kameng communication sa isa't isa. 

"Oh di halika na. Ikain na nalang natin ng tumaba ka nga." Sabay akbay niya sa akin at tinungo na ang kusina.

"Saglit lang magsasaing lang ako. Nakalimutan na natin kakaperfect sa mga artworks na yan." Ang nasabi ko ng makababa na kame. Sa may terrace kase kame gumawa para medyo presko.

"Tulungan na kita. Baka sabihin mo nakitulog na ako nakikain pa." Saka niya ako tinabihan sa lababo.

"Buti alam mo." Pang aasar ko.

"Grabe." Saka niya ako sinamaan ng tingin. Aba. Umaattitude.

"Joke lang. Masyado kang seryoso. Oh hugasan mo tong patatas. Mag adobo nalang tayo."

"Pasalamat ka nalang talaga mahal kita." Bulong niya.

"Ha? Ano yon?"

"Sabi ko pakiss."

"Eto muna ikiss mo oh. Bagong hasa ni Papa." Saka ko nilabas yung kutsilyo.

"Alam mo ikaw talaga napaka. Man hater ka ata eh."

"Ako? May crush nga ako tapos man hater. Duuuh." 

"He. Wag na ngang pinag uusapan yang mga crush crush na yan." Reklamo niya.

"Oh bakit?"

"Nagtatanong ka pa andito sa tabi mo yung manliligaw mo tapos babanggit banggitin mo yang crush na yan. Konting respeto naman." Saka niya padabog na hiniwa hiwa yung mga patatas pagkatapos balatan. Natawa naman ako sa reaksyon niya. 

"Tawa tawa ka dyan halikan talaga kita tignan mo. Wala naman sina tito at tita." Agad naman na akong tumahimik kase mukha talaga gagawin niya. 

Habang nagluluto kame eh napansin kong nakangiti lang ang kumag.

"Oh ano Paul kaya pa?"

"Ha?"

"Para kang timang diyan. Nakashabu ka ba? Ngiting aso ka dyan."

"Masyado akong gwapo para maging aso. Wala lang masama bang ngumiti?"

"Aba' y oo. Lalo na kung walang dahilan." Saka siya tumawa ng malakas. Oh tignan niyo? Adik nga. Maya maya pa kumalma na rin siya.

"Nakakatuwa lang kase. Yung ganito tayo. Nasa isang bahay, nagluluto, magkasama. Para kase tayong mag asawa." I don't want to go red so tinuon ko nalang sarili ko sa niluluto ko. Why on Earth! Kinikilig ba ako? Peste.

"What if no? Tapos may mga magiging anak tayo. Masayang naglalaro." Dagdag pa niya.

"Hoy Paulito masyado kang advance. Nanliligaw ka palang tapos sa isip mo asawa na agad? May mga anak pa. Matinde." Sagot ko.

"Anong masama dun? Alam mo babe when you fall to someone hindi lang basta ganun yun. Hindi lang dahil sa inlove kayo sa isa't isa and so on. While developing your love towards that person, hindi lang nasa isip mo na jojowain mo lang siya. You will eventually see them as someone you want to have for the rest of your life. Someone you can share all your dreams and plans in life." Paul said that with deepest sincerity. Nakatitig nga lang ako sa kanya. "And I see you as someone I'll want to spend my happiness in life with."

"N-nako Paul. Nagiging makata ka na naman. Ay yung niluluto ko. N-napalakas ata apoy." Taranta kong sagot.

"Yiiiiiieeeee si babe kinikilig." Saka niya sinusundot ang tagiliran ko.

"He! Tigilan mo nga ako. Pasuin kita neto sige ka." Natawa nalang siya sa reaksyon ko. "Halika na kumain na tayo. Ang dami mong alam."

"Yes boss!"

---

Paul Adrian's POV

"Huminga hinga ka naman Paul." Sita sa akin ni Justin.

"Sorry. Your cooking is just undeniably good babe." 

"Sus. Bola. Gutom lang yan."

"Hindi ah. Totoo." Saka ako ulit sumubo ng kanin. Kaso kamalas malasan nabulunan ako.

"Oh, oh yan na nga ba sinasabi ko eh! Oh eto tubig." Saka niya ako binigyan ng light tap sa likod. "Okay ka na?" Alalang tanong niya.

"Yeah. Thanks babe. Love mo talaga ako." Saka ko hinawakan yung kamay niya. Binatukan niya naman ako.

"Siraulo. Halos mamatay ka na ng mabulunan ka nagagawa mo pa talagang magbiro."  Saka siya bumalik sa pwesto niya.

"Sorry na. To naman. Bati na tayo." Saka ako lumapit sa kanya.Saka ako nagpacute. Damn. Ginagawa ko ba talaga to?

"Para kang sira." Saka siya natawa. "Tapusin mo na yan ng mabalikan na natin yung ginagawa natin." Tumango lang ako at pinagpatuloy na ang kinakain ko.

Matapos kameng kumain ay umakyat na ulit kame sa terrace ng bahay nila. 

"Wow. The sky is full of stars babe oh. Look."

"Ay oo nga no. Bakit di natin napansin yan kanina?" Saka siya naupo. Agad naman akong tumabi pero hindi naman ganun kalapit. Bahagya naman niya akong nilingon saka binalik ang tingin sa kalangitan.

"Eh busy kase tayo kanina. Ikaw kase eh hinaharot mo ako." 

"Ikaw nagsisimula ka na naman ha. Saka anong ako? Ikaw tong nanghaharot kanina." Depensa niya.

"Sus. Gusto mo naman."

"Etong kamao ko gusto mong pangharot ko?" Sinamaan ko lang siya ng tingin. Amazona.

"Kung nakakapagsalita lang ang mga stars ano kayang pinag uusapan nila no?" Out of nowhere na tanong ni Justin.

"Hmm. Siguro pinag uusapan nila ang mga tao. Pinag uusapan nila kung paano mamuhay dito sa Earth."

"Ganon?" Taas kilay niyang sabi.

"Oo ganon yon babe. Ngayon nga iba ang topic nila."

"Ano naman yon aber?"

"Love." Sagot ko. Umirap lang siya.

"Oo nga. Nakikita mo yung dalawang malaking stars na yan. Magsyota yan. Tayo nga pinag uusapan nila eh." Natawa naman siya sa sinabi ko.

"Sabi nung isa, 'mahal, kita mo yung isa yung maliit na lalake parang ang lungkot niya. Cute pa naman siya no?'" 

"Sumagot naman yung isa. 'Oo nga mahal eh. Eh teka, yun bang katabi niya baka matulungan siya. Kaibigan niya ba yan o kasintahan na?'" Natawa na naman siya. Since wala akong naririnig na reklamo dito sa katabi ko eh pinagpatuloy ko lang ang pagkukwento ko.

"Sabi nung babaeng star 'baka boyfriend niya na. Tignan mo oh bagay na bagay na sila. Kaya lang parang masungit yung isa mahal no?'"

"Gusto ata nung star na yan masabunutan." Inis na sagot ni Justin. 

"Hahahaha. Wag mo ng awayin. Narinig mo naman sabi diba? Bagay na bagay daw tayo."

"Nagkakamali kaya siya. Hindi naman tayo bagay." Sinimangutan ko naman siya.

"Tao kase tayo. Duuuh. Mali mali yang star na yan."

"Pero tignan mo naman pati stars nakikitaan tayo ng chemistry."

"Hindi daw eh. Sabi nung isa mas bagay daw kame ni…"

"Sino?!" Inis kong tanong. 

"Secret." Pang aasar niya.

"Alam mo babe hindi pa tayo nanloloko ka na."

"Wala sa bokabularyo ko yan no. Lika na nga. Pabayaan mo na yang mga stars na yan tapusin na natin to. Gusto pa nila alamin yung bago kong crush." Saka siya tumayo at pinuntahan ang tinatapos naming artworks.

"Justin!!!" Inis kong tawag sa kanya. Narinig ko nalang siya tumawa. 

---

"Goodluck sa atin sa darating na event." Sabi ni Justin. Pauwi na ako actually. Andito kame ngayon sa may gate nila.

"Yeah sana nga. Sana mapili yung mga gawa natin babe."

"Kaya nga eh. Oh, sige na late na din. Uwi ka na."

"Dito nalang kaya ako ulit matulog?" Pagpupumilit ko.

"Maaga pa bukas baliw. May pasok pa tayo remember?" Pagpapaalala niya.

"Ano naman? Pwede naman tayong magkasama pumasok bukas." Sagot ko.

"Nope. Ayaw. Mamaya sabihin pa nila magkakilala tayo." Pang aasar niya.

"Sabagay." Ang nasabi ko nalang. "Mas okay kaseng makita nila na magkasama tayo kase boyfriend mo na ako. Haaaay. Sarap sa feeling." Pahabol ko.

"Nako. Ewan ko sayo. Hahaha. Sige na uwi uwi na. Masyado ka ng nagtatagal dito sa bahay namin." Pagtataboy niya.

"Hayaan mo sa susunod di na ako dadaan sa bahay niyo." Kumunot naman bahagya ang noo niya. "Dederetso nalang ako sa puso mo." 

He just rolled his eyes. "Daming alam."

"Kilig ka naman." Asar ko.

"Mukha mo. Sige na goodnigh--" natigilan naman siya ng may humintong motor sa katabing bahay. 

Pagkatanggal ng lalaki sa helmet niya, bumungad sa amin si Dylan. Binalingan niya ako ng tingin bago niya tinuon ang atensyon kay Justin.

"Tin." Pagtawag niya.

"Ah, eh Paul sige na babye na. Pasok na ako. Goodnight. Salamat ulit." Nginitian ko nalang si Justin bago siya tumalikod at pumasok ng bahay nila.

"Pre, una na din ako." Tinanguhan niya naman ako bago ako umangkas sa motor ko. 

Things are getting complicated. 

Goodluck Paul Adrian.

Chapitre suivant