webnovel

Chapter 11: Attempts

Paul Adrian's POV

"Justin, pwede ba akong manligaw?"

"Tin, diba single ka? Pwede ka bang ligawan?"

"Justin Klyde can I court you?"

"Ugh! Pusang gala ang hirap naman neto!"

"Hala mahirap daw. Magsasabi ka lang eh." Sabi ni Ben.

"Kala mo naman ang dali dali no?" Inis kong sabi.

"Konting lakas ng loob pre. Tapos magiging smooth na yung flow ng pag iibigan niyo ni Justin. Ayaw mo ba na matuldukan na yang pagiging friendzone niyo?"

"Natural gusto." Sagot ko.

"Yun naman pala eh. Kaya ngayon pa lang simulan na yang project panliligaw kay Justin Klyde."

Napabuntong hininga nalang ako. Goodluck talaga sa akin.

"Oh ano pang tinutunganga mo dyan? Halika na!"

"Wait, saan tayo pupunta?" Taka kong tanong.

"Kina Justin. Saan pa ba?"

"Are you serious??!!"

"Yes I am. Kaya tumayo ka na dyan."

"No. Ayoko. Nakakahiya. Baka andun mga magulang niya. Baka ekis na ako agad!"

"Ekis?"

"Ekis. I mean baka di pasado ganun." Pageexplain ko.

"Sus! Hindi mo pa nga nasusubukan. Lika na." Bumuntong hininga ako trying to contain all my self confidence.

"Fine. Let's do this."

***

"Hoy anong kagaguhan to? Bakit ka nagtatago dyan sa poste???"

"Pre I think bukas nalang. Pramis talaga kaya ko na." Saad ko.

"Wag nga ako Paul. Bukas pa? Sige ka mamaya may magtangkang manligaw dun." Papanakot ni Benedicto.

"Hindi yan. Takot lang nila sa akin. Basta bukas nalang. Uwi na tayo."

"Hay nako ewan ko sayong kumag ka. Ang bilis mong kapitan ng pagkatorpe. Lika na umuwi na tayo!" Saka siya napakamot sa ulo. Nakapamulsa nalang din akong sumunod sa kanya.

The next day ay sangkaterbang sermon na naman ang natanggap ko sa kanya. Naudlot na naman kase ang balak kong pag amin kay Justin.

※Flashback※

Katatapos lang ng klase namin at sakto ding maglalunch break.

"Oh pre go ka na. Mukhang wala yung bespren. Sabayan mo ng maglunch!" Pagtutulak sa akin ni Benedicto.

"Kalma lang. Malay mo dumating. Ayan nga oh kinokontak." Sagot ko.

"Sus hindi yan."

"Let's wait."

Maya maya pa...

"Ah ganun ba? Oh sige sige bugok ka talaga. Sana sinabi mo agad. Gege byeeeeeee." Saka inend ni Justin yung call.

"Oh bes di sasabay si Dylan?" Pagtatanong ni Bry sa kanya.

"Hindi daw. May practice daw sila ng basketball kina Nico. Dun nalang daw siya makikikain. Walanghiya talaga yun." Sagot niya.

"Ay di rin kita masasabayan eh kase naghalf day si Dad sa work gusto niya daw kame makasabay maglunch saka gusto niya daw mameet personally si Benedicto."

Saka naman lumapit si Ben kay Bry at umakbay. Galawan talaga neto.

"Ay kung kailangan mo ng makakasabay maglunch ayan si Paul oh. Diba Paul?" Saka niya ako nilakihan ng mata. Gets ko naman ang gustong ipahiwatig ng unggoy na to.

"Uhm, yeah. Okay lang ba sayo Tin?"

"Oo naman. Kakain lang naman tayo. Ano tara?" Paanyaya niya.

"Yeah sure." Hindi ko naman mapigilan mapangiti bago ako tumayo. May pa apir pang pahabol tong Benedict na to. Mamaya makahalata syota niya.

"Sige lovebirds babyeeee." Paalam ni Justin sa dalawa.

Pagdating sa cafeteria ay mistulang palengke sa dami ng mga students na nag-uunahan makahanap ng mapupwestuhan.

"Mukhang malabong makakain tayo dito." Ang nasabi ko.

"Agreed. Order nalang tayo tapos take out." Tinanguhan ko lang siya saka dumiretso sa counter.

Unang umorder si Justin.

"Yes sir ano pong order nila?"

"Ate isang order nga po ng menudo tapos dalawang torta, tatlong rice, isang muffin, isang ice tea tapos tubig po." Bahagya naman akong napalingon sa kanya.

"What?" Tanong niya saka inayos yung salamin niya.

"Wala wala."

Sunod naman akong umorder. Much lesser kumpara sa order niya.

Nang makuha na namin ang mga order namin ay naisipan naming sa may backdoor ng school kumain. May maliit na park kase dun. Pwede kang maupo sa may damuhan. Presko pa dahil hindi mainit sa kinauupuan namin gawa ng may malaking puno enough to give shade.

"Hay sa wakas makakakain na rin." Wala pa atang ilang segundo ay ang mabilis na pagsandok niya sa ulam niya na sinabayan niya ng kanin. Napangiti nalang ako habang pinapanuod siyang kumain.

"Hoy kumain ka na. Hindi ka mabubusog kung nakatitig ka lang sa akin dyan." Sita niya ng di ako tinititigan. Lakas talaga ng pakiramdam neto.

"How sure are you na tinitignan kita?"

"Instinct."

"Sus. Hindi din. Ikaw Justin ha? Assuming ka." Pang aasar ko.

"Tinidurin kita gusto mo?" Saka siya nag angat ng tingin. A deadly one. Tinaas ko naman ang dalawa kong kamay bilang pagsuko. Natawa naman siya sa ginawa ko.

"Saan napupunta lahat yang kinakain mo Tin?" Ang tanong ko since nadadamihan talaga ako sa mga pagkain na sa harapan niya ngayon.

"Ah eh sa tiyan?" Pamimilosopo niya. Hindi ko na sinundan pa ng tanong bagkus tinawanan ko nalang din ang sagot niya.

"Buti wala na tayong next class no?" Ang nasabi ko sa gitna ng kainan namin. Tumango tango lang siya habang nilalantakan yung torta.

"Tsktsk. Dahan dahan sa kain." May lumagpas kaseng ketchup galing sa kinakain niyang torta kaya pinunasan ko ng tissue. Saglit lang kame nagtitigan bago bumalik sa kinakain namin.

Paano ko ba sisimulan ang diskarte ko? Hays ang hirap!!!

"Oh anong mukha yan? Para kang matatae na ewan." Saglit naman akong bumalik sa sarili sa pagpansin niyang yon. Tapos na pala siyang kumain.

"Ah wala wala may iniisip lang. Ang bilis mo namang kumain?!"

"Alangan patagalin ko pa? Sayang ang momentum."

"Ako nga di pa tapos oh. Nginuya mo man lang ba yun?"

"Pabebe ka kase kumain kaya matagal kang matapos." Saka siya nagburp. "Excuse me."

Binilisan ko nalang din ang pagkain since medyo matagal na nga din akong kumakain. Lumamig na nga ang inorder kong fish fillet.

Matapos ang lunch namin under the tree ay minabuti muna namin na magstay pa ng konti since wala naman kaming hinahabol na oras.

Tahimik lang. Walang ni isa sa amin ang gustong magsalita. Pinapanuod lang namin yung mga nagliliparang paruparo. Sinusundan ko kung saan patungo yung isa hanggang sa madako ang tingin ko kay Justin. Woooh. Namemesmerize na naman ako. He's adorable and charming at the same time. Hanggang sa napansin kong tulala ulit siya.

"Iniisip mo pa din ba si Migs?" Tanong ko. Trying to break the silence surrounding us.

Ikinalingon naman niya ang naging tanong ko saka ngumiti.

"Nope. Crush crush ko lang naman si Miguel kaya naka move on na agad ako. Weird isn't it? Nagmu-move on ako sa isang bagay na hindi naman naging akin." Saka siya bahagyang natawa.

"It's not weird. I think normal lang naman. Kung yun yung paraan just to set you from pain, then so be it. Move on na kung move on." Ang nakangiti kong sagot.

"Hahaha OA ka pa din talaga no? Pero somehow may point ka dun."

"Ayos! May pogi points ulit ako."

"It's not counted." Tipid niyang sagot.

"Ay madaya. Tss." Tamputampuhan ko.

"Haha parang bata."

Katahimikan ulit. Ang hirap kapag wala na kayong mapag usapan. Talagang mag iisip ka ng maita-topic niyo para lang malessen yung tensions.

"Tin/Paul"

"Ay sige ikaw muna." Sabi niya.

"No ikaw muna. Ladies first."

"Ladies? Tong kamao ko pang lady?"

"Hahaha chill sige na mauna ka na." Sagot ko.

"Malapit na yung pacontest ng school? Are you going to join?"

"Depende. Ikaw ba?" Ang balik kong tanong.

"Depende din. Haha. Mahirap din kase mag isip ng concept."

"Sinabi mo pa. Pero kung ikaw mananalo dun ididisplay naman sa buong school yung masterpiece mo."

"Haha sana nga. Baka naman itambak na naman sa faculty natin."

"Subukan nila. Untog ko sila sa muscle ko."

"Wow san banda???" Pang aasar niya saka tumawa.

"Gusto mong makita?" Pang aakit ko na effective masyado para siya ay mamula.

"Baliw ka. Iyo na. Wala naman talaga. U-umuwi na nga tayo." Saka siya tumayo. Agad naman akong humarang sa dadaanan niya. Nagtaas naman siya ng tingin.

"Tin."

"O-oh b-bakit?"

"P-pwede ba akong..."

"Pwedeng ano?"

"Pwede b-ba akong ma..."

"Ma???"

"Ah ano kung pwede ba akong makitulog sa inyo next week. Oo yun."

Nalintikan na. Inunahan na naman ng kaba. Tsk.

"Ahh okay lang naman. Pero bakit?"

"Ahh kase ano ah magpapatulong ako sayo maghanap ng concept. Oo yun tama tama. Para if ever sasali ako may idea na ako."

"Ahh okay." Ang tanging sagot niya by giving me an unconvinced look. "sabay nalang tayo mag hanap ngconcept." dugtong pa niya.

※End of Flashback※

"Isa kang alamat pre. Alamat ng katorpehan."

"Look I tried. Ang hirap men. Harap harapan yun oh. Intense ng tinginan namin." Pageexplain ko.

"Sus pre. Ayun na oh. Paano kung nasabi mo yun at pumayag siya eh di sana nag iinuman na tayo ngayon. Nagcecelebrate na."

"I'll try next time. Pressured lang."

"Be sure na maeexecute mong mabuti yung next plan mo. Kapag ikaw naunahan. Nako. Nako."

"Lalo mo naman akong pinipressure eh."

"Aba kasalanan ko pa? Ang akin lang hangga't may chance ka pa gamitin mo na. Dahil kapag yan nawala. Alam mo na. Kaya mo bang mawala si Justin sayo? Makita siya na may kasamang iba?"

"No!!! Fine next week talaga pramis."

"Okay sige. Oh siya siya una na ako. Ipagpepray over ko na din yang katorpehan mo." Saka siya lumabas ng room.

Nag-antay pa ako ng mga 15 mins sa room. Nag isip isip hanggang sa naisipan ko na din umuwi.

On my way to the parking area I saw Justin and his bestfriend sa may gate. So instead na sa parking magpunta ay nakitsismis muna ako sa dalawa. Saglit pa akong nagtago sa may malaking poste.

"Tin sensya na talaga ha. Daanan ko pa si Mira eh. Una ka na uwi ha?"

"Oo sige sige. Bye."

"Sige salamat. Ingat pauwi."

"Ay sa bahay ka ba matutulog mamaya?"tanong ni Justin.

"Baka hindi na. Dadaan pa ako kina Mira eh. Baka gabihin na ako ng uwi."

"Ah okay. Sige una na ako. Babye kapre."

"Gege bansot babyeeeeee." Saka tumakbo pabalik ng campus si Dylan leaving my babe alone.

Since opportunity knocks once, I will try kung gagana ang fighting spirit ko this time.

I slowly walked to his direction ang stole a kiss on his cheeks.

Nagulat naman siya at hinanap kung sinong gumawa.

"PAUL!!!!" Inis niyang tawag sa akin.

"What?"

"Anong what ka dyan?! Eh kung balian kita ng buto?! Ba't mo ginawa yun?!!!"

"What? Yung kiss? Bawal ba? May magagalit ba?" Sunod sunod kong tanong sa kanya na nagpabago sa facial expression niya.

"Wala." Tipid niyang sabi.

"Wala naman pala eh. Tulala ka kase. Pampagising lang."

"Ah ganun ba? Oh eto baka sakaling magising ka din." Saka niya ako kinurot sa tagiliran.

"Fck! Aww! Justin! Ang sakit nun ah?!!!"

"What?" Ang panggagaya niya sa akin.

"Ang hapdi eh! Kung eto lang pala kapalit nung kiss ko wag mo ng ibalik. Or kung ibabalik mo naman kiss nalang din ulit hindi ganito." Reklamo ko.

"Wow demanding pa siya. Ako na tong naagrabyado ikaw pa may ganang magdemand? Dagdagan ko yan eh."

"Aba aba aba. Naagrabyado? As far as I can see the situation hindi yun agrabyado. Pogi pogi ng humalik sayo eh. Nakakadalawa ka na nga sa akin."

"Dalawa???" Takang tanong niya. Hays. Ang makakalimutin naman neto.

"Nakalimutan mo na? Remember nagpunta ako sa bahay niyo nun? Hinatid kita galing sa bahay namin?"

"Oh tapos?"

"My goodness Justin." Napahawak pa ako sa ulo saka natawa.

"Wag mo nga akong tawanan eh sa hindi ko maalala!!!" Irita niyang sabi. Too adorable. Tsk. Gusto pa ata ng isang kiss.

"Nung pauwi na ako. Nung hinatid mo ako sa labas. Tapos yun na." Nakatitig lang siya sa akin habang nakakunot an noo. Hanggang sa unti unting lumiwanag yung mukha niya.

"Ay puta naalala ko na!"

"See. Oh diba dalawa na?" Ang nakapamewang kong sabi.

"Oh dahil nakadalawa ka na ng kiss. Dalawa din dapat kurot mo." At bago ko pa makontra ang kamay niya dumapo na to sa braso ko. And for the second time naghihiyaw ako sa kalsada.

"Grabe kurutan mo parang nailcutter kumurot sa akin." Reklamo ko.

"Try natin next time." Saka siya ngumiti ng nakakaloko.

"Tama na. Okay na ako sa kurot mo. Torture na kapag may props ka pa."

"Ayaw mo nun para may thrill."

"Yoko. Mahalin mo nalang ako." bulong ko.

"Ha? Anong sabi mo?" Ang pagpapaulit niya.

"Ha? Wala sabi ko umuwi na tayo maaga pa bukas." Saka ako umakbay sa kanya paputang sakayan.

"Oh kailangan may akbay brad?"

"Oo kailangan. Maggagabi na. Delikado sa daan." Palusot ko.

"Sus. Eh teka nga bakit kaba sumasabay sa akin eh diba may motor ka naman?"

"Ihahatid nga kita diba kase nga delikado na? Syempre gusto ko secured ang babe ko." Nakatanggap naman ako ng paniniko sa tyan. "Sweet mo no?" Sarcastic kong sabi. Nginitian niya lang ako ng pang asar.

"Oh siya sige na dito na ako. Salamat Paulito."

"Ha? Paulito?"

"Oo kase katunugan ng comedian na si Palito. Magkasing katawan din naman kayo." Saka siya natawa sa sinabi niya. Abnormal talaga to.

"Ewan ko sayo. Pasalamat ka mahal kita."

"Ano na namang binulong mo?"

"Wala. Sabi ko ingat pauwi. Sige na babye na."

"Okay. Babye." Saka ako umalis. "Ay Justin." May nakalimutan pala akong sabihin.

"Oh?"

"Next week. Friday. Building 5. Rooftop. 5 pm."

"Gagawin ko dun?"

"Basta. Meet me there."

"Baka naman ihulog mo ako dun ha? Baka dun ka gaganti?" Taas kilay niyang tanon na ikinatawa ko.

"Paano mo nalaman? Ihuhulog talaga kita. Ihuhulog kita sa akin." Saka ko siya kinindatan.

"Sus. Puro ka kalokohan. Sige sige pupunta ako. Kapag ikaw wala dun ha. Alam mo na ang mangyayari sayo." Pagbabanta niya. Saka pinatunog yung mga buto sa daliri niya.

"May isang salita ako babe. Basta sa Friday." Tumango tango naman siya saka naglakad palayo. Bumalik na rin ako sa loob ng school para kunin yung motor ko.

Kaya mo to Paul. For the sake of your happiness.

Chapitre suivant