webnovel

58. Her Answer

"Iha, mag-iingat kayo ha?" naka-hawak ang mga kamay namin sa isa't-isa.

"Kayo rin po..." aniya ko. "Hayaan niyo rin po mamá, babalikan ko kayo ulit dito.."

"I'm hoping for it, Marsha. And I hope that when you come back here again, may apo na ako sa inyo ni Logan, ha?" napatawa nalang ako ng marahan. Naramdaman kong niyakap niya ako at ganon rin ako sa kanya. Pagkatapos ay humiwalay na kami sa pagkaka-yakap.

"Logan, apo. Please take care Marsha. Huwag mo siyang pababayaan.." napa-tingin ako kay Logan na ngayon ay naka-pulupot na ang braso sa'king bewang. Nagtinginan naman kaming dalawa sandali sa isa't-isa.

"I'll do it papá. You don't have to worry about it." aniya niya. Nginitian siya ni papá. "By the way, we have to go now.."

Nag-paalam na ako kay papá at kay mamá Felisha nang pag-buksan ako ni Logan sabay sumakay na ako sa loob ng kotse. Iwinagayway ko ang kamay ko sa kanila bago kami naka-alis, at pagkatapos ay nakalabas na kami sa bahay nila.

"They're really happy to meet you, love. Like what I've said to you before, they'll accept you beyond of it." lumingon ako kay Logan matapos niyang sabihin iyon.

"Oo nga eh. Pero salamat love dahil pinakilala mo sila sa akin.." gumuhit ang ngiti sa aking labi. Hinawakan niya ako sa pisngi ko ng haplusin niya iyon sandali. Pagdaka'y, inalis na niya 'yon nang itinuon niya ulit ang atensyon niya sa pag-mamaneho.

"By the way, we'll visit your mom tomorrow. I know you're waiting on it for long.." natilihan naman ako sandali sa sinabi niya. Bahagya pang sumilay ang ngiti sa aking labi.

"T-talaga, Logan?" di ko makapaniwalang sabi.

"Yeah. Like what I've promise to you.." sumulyap siya sa akin pagkasabi niya niyon. Halos maiyak na ako sa sobrang saya ko dahil 'don.

"Salamat..salamat love.." tumingkayad ako ng bahagya sa kina-uupuan ko ng bigyan ko siya sa pisngi niya ng isang kiss, kasunod ay bumalik na rin ako sa pagkaka-upo ko.

"Salamat. Tatanawin kong malaking utang na loob 'to sa'yo.." hindi pa rin naalis ang ngiti ko sa'king labi.

"Yeah, I'm expecting this. Well, may kapalit talaga 'yon.." nang sambitin naman niya 'yon, bahagya siyang napa-ngisi. Parang natutunugan kong may binabalak na naman siya.

Itinaas ko ang kilay ko. "A-ano ba yung kapalit?" para naman akong batang atat sa sasabihin niya.

Ewan ko ba, mukhang gusto ko pa yung kapalit na sinasabi niya. Naalala ko tuloy sandali yung parusa niya palagi sa akin noon, at mukhang bumabalik na naman iyon ngayon. Dahil parang may maitim na naman siyang binabalak.

Hindi siya umimik habang hinihintay ko pa rin siya sa magiging tugon niya. Napa-ngiwi ang bibig ko.

Okay. Baka niloloko lang niya ako. Hays.

Nagkibit-balikat nalang ako at sabay iniwas ko ang tingin sa kanya.

Naging payapa ang biyahe namin nang wala nang ni-isang nagsalita sa amin. Naisipan kong mag-facebook nalang. Tutal, ilang araw na rin akong hindi nakaka-bukas niyon.

Nag-upload lang ako ng mga pictures, at tinag ko si Logan ng i-nadd ko siya noon at ako na mismo ang nag-accept. Haha, syempre 'no, hawak ko rin kasi account niya.

Pero pagkatapos kong i-upload 'yon, tinignan ko yung mga recent pictures at ang daming pumuso at nag-like doon. Marami na ring nag-add sa akin matapos kong tignan iyon isa-isa.

Pero sandali, inistalk ko yung wall ng isang taong nag-add sa akin, wala siyang profile pic at wala pa siyang kahit anong pictures. At mas napukaw pa lalo ang atensyon ko 'don ng malaman ko yung pangalan kung sino 'yon.

S-si Steven? may facebook na?

"Why? Is there something wrong?" inayos ko ang sarili ko at pilit kong nginitian siya, ng balingan ko siya ng tingin.

"A-ahh wala..hehe.." palusot ko. Napa-tango nalang siya at sabay ibinalik niya ang paningin niya sa daan.

Pero napapaisip pa rin ako kung si Steven nga ba talaga 'yon. Hays. Saka ano naman kung makita niya yung mga pictures ko kasama si Logan kung i-accept ko siya?

Nagdadalawang-isip pa ako kung i-aaccept ko ba siya. Pero sa huli, hindi ko muna siya inaccept. Saka nalang siguro, saka kailangan kong alamin kung siya nga ba talaga 'yon.

Halos ilang oras ang inabot ng biyahe namin, at napansin kong mukhang dumidilim na ang paligid. Inatupag ko nalang ang sarili ko sa pagfa-facebook at pati kinalkal ko rin yung account ni Logan. Pinaka-elaman ko na, saka nag-paalam naman ako sa kanya eh.

Halos mag-aalas otso na rin kami nakarating sa tinutuluyan namin. Sabay naming binaybay papunta doon, hanggang sa maka-rating na kami sa loob.

Bale sa hotel kasi kami tumuloy, at kung iisipin, halos ilang araw na rin pala kami dito sa bicol. Nawala na sa isip ko na may trabaho pa pala ako, at mukhang nabalewala ko na dahil sa ilang araw na pamamalagi namin dito sa bicol.

Tumungo na ako sa higaan ng nakaramdam na ako ng pagod dahil sa mahabang biyahe namin. Inaantok na rin ako kaya gusto ko na ring matulog.

"Hey, love. Don't you want to eat first to your dinner?" naramdaman ko ang presensiya ni Logan sa aking likuran. Bahagya kasing naka-subsob ang mukha ko sa unan habang naka-higa ako ng naka-tagilid ang katawan ko. Naka-pikit na rin ang mga mata ko.

"Pwedeng bukas nalang? Matutulog na ako.."

"Please, you need to have your dinner first. You'll be hungry.." pagkasabi niya niyon, bigla namang kumulo yung tiyan ko.

Binuksan ko ang mga mata ko. Inikot ko ang katawan ko nang humarap ako sa kanya.

"Hmm, sa isang kondisyon.." itinungkod niya ang kanyang siko sa ulunan ko habang naka-tagilid ang katawan niyang naka-harap sa akin.

"What is it?" bahagyang naka-kurba ang kanyang labi. Halos maamoy ko na naman yung mabango niyang hininga.

"Sabihin mong ako lang ang mahal mo.." medyo napa-angat ang kanyang kilay ng sambitin ko iyon. Tinatapunan pa rin niya ako ng tingin.

Okay, alam kong medyo maarte. Pero Jusme. Marsha, mahal kana nga eh. Ugh!

"I love you always, love.." diretsa niyang sabi.

"Talaga?" gumuhit ang ngiti ko sa'king labi. Hinaplos naman niya ang mukha ko.

"You're the only girl for me. So, mark my word, love.." niyakap ko siya ng mahigpit at 'ganon rin siya sa akin. Halos nasisinghot ko na rin ang mabango niyang pabango na nanunuot sa kanyang damit.

"Marsha.." inalis ko ang pagkaka-yakap ko sa kanya ng tapunan ko siya ng tingin. Sa pagkakataon na 'to, nakatitig lang siya sa akin sandali habang pinag-mamasdan niya ako.

"Will you accept my proposal if I'll show it you?" lumiwanag ang mukha ko sa sinabi niya at napa-tango ako. Masaya ko siyang nginitian.

Ano kaya yung proposal na sinasabi niya? Hmm..

"Oo naman love, ano ba 'yon?" tanong ko. Hindi ako makapag-hintay na malaman yung sasabihin niya.

Napansin kong umayos siya ng upo sandali, at napansin ko ring may kinuha siya sa kanyang likuran. Hindi ko maipinta ang mukha ko habang hawak-hawak niya 'yon. Sabay napataas ako ng kilay ng magtaka ako doon. May hawak siyang isang maliit na box sa kanang kamay niya.

"A-ano yan?" taka kong tanong. Ibinalik ko naman ang tingin ko sa kanya.

"Marsha.." pagdaka'y nakita kong binuksan niya ang maliit na kahong hawak niya. Natilihan ako sandali nang makita ko kung ano ang nasa loob 'non.

At sandaling nawala ang ngiti ko sa'king labi.

"This is my proposal to you love. And if you will deny it, I'll punish you.." aniya at normal lang ang kanyang ekspresyon habang nakatingin siya sa akin.

"L-logan..para sa akin ba 'yan? Joke lang ba 'to?" hindi ko makapaniwalang sabi. Singsing na diamond kasi ang laman niyon at napagtanto kong mukhang hindi lang 'yon basta ordinaryong singsing, mukhang mamahalin pa 'yon.

"Yes love it's for you. And I'm mot kidding you.." tumigil siya sandali. Tinitigan ko siyang mabuti habang siya naman ay hinihintay ang magiging sagot ko. "I know it's damn fast to propose on you, but I can't wait to be with you forever. Say yes for me love, please.." malumanay niyang sambit.

"Logan.." bahagyang pumantay ang kanyang labi. Naka-titig pa rin ako sa kanya.

"So your answer is?" pagdaka'y, hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at tumango na ako sa kanya.

"Oo Logan. Gusto rin kitang makasama habang buhay.." sagot ko.

Halos mangiyak-ngiyak ako habang sinusuot na niya ngayon sa akin yung singsing, at napa-ngiti pa ako dahil sakto lang iyon sa aking daliri nang isuot niya 'yon sa'kin.

"Thank you love. You really makes me happy.." sabi niya at bakas sa kanyang mukha ang saya.

"Ako rin, Logan.." pagdaka'y niyakap niya ako at niyakap ko rin siya.

Hindi ko rin naman maipaliwanag yung saya na nararamdaman ko. Akala ko sa mga movies ko lang 'to napapanood. Pero ngayon, totoo nang nangyayari ngayon--sa buhay ko.

Kaya pala may proposal siyang sinasabi kanina. Eto na pala 'yon. Ang engot ko talaga, hindi ko kaagad na-gets na 'yon na pala 'yon.

"Logan, ibig sabihin ba nito, mag-papakasal na tayo?" alam ko kasi, 'yon yung madalas na nagyayari sa mga napapanood ko sa mga movies eh. Kinakasal sila pagkatapos mag-propose nung lalaki.

"Yes love, as soon as if you want.." humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya.

"T-talaga?" hindi pa rin maipinta ang saya sa'king mukha.

"Yeah. And I can't wait to be with you forever as my wife, love. I love you.." parang umangat lahat ng boltahe ng kuryente sa ulo ko nang sambitin niya 'yon.

Sa ilang araw na magkasama kami, mukhang mabilis man ang mga pangyayari pero masasabi kong halos hulog na hulog na talaga ako sa kanya.

"Ako rin. Logan, mahal rin kita.." pagdaka'y, unti-unting dumampi ang labi niya sa akin. At sa pagkakataon ulit na 'yon, parang ayaw kong matapos ang araw na 'to, dahil sa sobrang saya na nararamdaman ko ngayon.

Hanggang sa namalayan kong naka-higa na ako sa kama, at nasa ibabaw ko na siya dahil medyo naka-dagan na siya sa akin at patuloy pa rin siya sa pag-halik sa akin. Nilayo ko muna sandali ang mukha ko sa kanya.

"What? Is there something wrong with this?" halata sa mukha niya na mukhang nabitin ata siya. Pero kasi, naalala ko na nagugutom pala ako.

"A-ahh, nagugutom kasi ako. Kain muna tayo.." naging blanko ang ekspresyon niya matapos kong sabihin iyon. Hindi siya tumugon sa sinabi ko.

Makalipas ang ilang segundo, medyo nagulat ako nang buhatin niya ako palabas ng kwarto.

Jusme. Bakit ba pinapakilig niya ako ganito ng sobra? Ugh!

------

Binaybay namin ang daan sa loob ng sementeryo ng maka-rating kami dito kung saan inilibing si mama.

Halo-halo ang nararamdaman ko ngayon dahil sa wakas ay makikita ko na rin si mama--sa puntod niya kung saan naka-libing siya dito malapit sa naga. Hindi ko na tinanong pa kay Logan kung paano niya nalaman ang pinag-libingan ni mama, dahil alam kong marami siyang koneksyon.

Tungkol naman kay mama, kung siguro ay kasama ko si Dwayne ngayon dito, malamang siguro ay baka parehas na kaming humahagulgol sa iyak.

Tumigil kami sa paglalakad ng nasa harap na namin ngayon ang puntod ni mama. Nag-tirik ako ng kandila, nang mailagay ko na sa lapag yung bulaklak na binili namin ni Logan.

Nakatingin lang ako doon sa kanyang puntod ng ilang segundo, habang naka-tayo ako sa harap nito.

"Mama, kamusta ka na diyan?" para akong timang na kinakausap ang puntod niya. Pero nami-miss ko na rin kasi si mama, sobra.

"Ma, alam mo ba, na-mimiss na kita. Namimis ka na rin ni Dwayne.." sa pagkakataon na 'to, tumulo na ang ang luha ko na kanina na ngingilid sa'king mga mata. Pagdaka'y, pinunasan ko naman iyon.

"Alam mo ba, palagi ka naming hinahanap ni Dwayne. Namiss ko yung sobrang pag-aruga at pag-mamahal mo sa amin nung kasama ka pa namin. Kahit na nakalimutan ko man ang ilang alaala ko, sobrang saya ko dahil nasilayan ulit kita..." Napayuko ako sandali. "K-kahit na wala ka na.." Biglang umagos na ang luha ko. Naramdaman ko nalang na niyakap ako ni Logan at isinandal niya ang ulo ko sa kanyang dibdib. Doon ko ibinuhos ang iyak at hibik ko.

"Sshhh. Please stop crying. It makes my heart ache.." rinig kong sabi niya.

Sa totoo lang, hindi ko kasi kayang magpigil ng nararamdaman ko. Lalo pa't emosyonal ko itong nararamdaman--ngayon kay mama. Bigla nalang bumabagsak ang mga luha ko at hindi ko na nakokontrol 'yon.

Pero laking pasasalamat ko dahil nandito si Logan sa tabi ko. Kaya, kahit papano ay, nagiging maluwag ang kalooban ko.

Pagdaka'y, humiwalay na ako sa pagkakayakap sa kanya.

"Let's go. We'll have to get out here.." mahinahon niyang sabi. Sandali ay pinag-masdan ko muna ang puntod ni mama.

"Mama, aalis na ako. Pero babalik ako dito kasama si Dwayne, dahil miss na miss ka na niya, at miss na miss na rin kita, mama.." sa huling pagkakataon na 'yon, matapos kong sambitin 'yon ay hinawakan ako sa kamay ni Logan. At pagdaka'y, umalis na kami doon.

Hanggang sa unti-unti na kaming naglalakad papalayo sa puntod ni mama, at unti-unti na rin nawawala sa aking paningin ang puntod niya habang naka pitlig ang ulo ko doon. Pagdaka'y inalis ko na ang paningin ko doon.

Hello there!!

hope you like this another chapter again.

send gifts, votes and comments is my pleasure and inspiration to write up this Story!

ps. Happy 50k and still counting. Salamat po sa mga readers ng story na ito.

love you guys a lot. ❤️ ;-)

Maiden_pinkishcreators' thoughts
Chapitre suivant