webnovel

55. When I Meet them

|| Marsha Sandoval ||

Sumakay ako sa loob ng kotse, kasunod ay umikot siya sa kabila at saka siya sumakay sa drivers seat. Nang maka-pasok na siya sa loob, saka niya binuksan ang makina at pinatakbo ang sasakyan.

Siya nga pala, pupunta na pala kami ngayon sa bahay ng lola't lolo niya. Pasado alas-kwatro na rin at siguro ay aabutin rin kami ng ilang oras papunta 'don sa legazpi, dito kasi kami tumuloy ni Logan sa naga.

Speaking dito, hindi na si kuya Jak ang nag-maneho sa amin. Nalaman ko kasi kay Logan na bumalik na muna siya sa maynila dahil may pinapa-asikaso sa kanya 'doon.

Habang nasa biyahe kami, hindi pa rin maalis sa akin yung kaba. Ewan ko ba, siguro hindi dahil ngayon ko lang makikita yung lola at lolo niya. Pero may halo rin akong saya na nararamdaman dahil sobrang importante ko sa buhay ni Logan.

Jusko. Pero paano kung hindi nila ako magustuhan? Pero imposible, sa ganda kong 'to.

"L-logan, kinakabahan ako.." humarap ako sa kanya nang sambitin ko iyon. Nakatanaw pa rin siya sa daan at sandaling sumulyap sa akin. Hinawakan naman niya ako sa aking kamay.

"Don't worry, grandma and grandpa will accept you. Trust me." napatango naman ako sa sinabi niya at pilit kong ngumiti sa kanya. Ilang segundo ang dumaan bago ko ulit siya kinausap.

"Logan.."

"Yes, love?" ewan ko ba pero parang nakakakilig talaga kapag naririnig kong binabanggit niya 'yon. Napapasaya ako.

"P-pwede mo ba akong samahan sa pagdalaw ko sa puntod ni mama? Pagkatapos nating dumalaw sa lolo at lola mo?" inikot niya sa kaliwa ang manibela. Sabay tumugon siya.

"Sasamahan kita, love." aniya. Nakita ko ang pagsulyap niya sandali sa akin. "If you don't mind, do you still remember where's your mom buried?" napa-titig ako sa kanya nang ilang segundo. Sinubukan ko munang alalahanin sa isip ko kung saan nga bang sementeryo si mama inilibing.

Napayuko ako at napa-panglaw ang mukha ko. Hindi ko maalala kong saang sementeryo si mama inilibing. Kahit anong pilit ko ay sadyang nakalimutan ko na ang lahat.

Hindi iyon sumagi o bumalik sa isip ko, matapos nung isang araw na may bumalik sa akin ang kaunting alaala sa isip ko tungkol kay mama. Pero masyadong malabo iyon sa'king isip para malaman kung saan.

Naramdaman kong inangat ni Logan ang mukha ko, at natanaw kong naka-tingin siya sa akin na may ngiti sa kanyang labi.

"You don't have to worry love, I'll do some ways to find it if where your mom buried, okay?" nabuhayan naman ako sa sinabi niya at siya namang ikina-ngiti ko.

Hinawakan ko ang kanyang kamay na naka-dapo sa'king mukha.

"Salamat love.." medyo napawi na rin ang lungkot ko sa'king sarili. Buti nalang at nandiyan si Logan para umalay sa akin, kahit na sa totoo lang, ang dami na niyang naitulong sa akin.

Makalipas ang ilang oras, dinalaw na ako ng antok. Mukhang malayo pa siguro yung babaybayin namin, at kanina pa rin ako dinadalaw ng antok.

Sinulyapan ko si Logan na naka-tuon ang sarili sa pagmamaneho. Pagdaka'y, iniwas ko na ang tingin ko sa kanya. Napahikab ako, sabay napa-pikit nalang ako ng mga mata ko hanggang sa tuluyan na akong naka-tulog.

----

"Hey love, wake up. We're here.." napa-mulat ako ng mga mata ko ng magising ako sa boses niya. Napansin kong malapit ang mukha niya sa akin at naka-silay ang kanyang nakaka-akit na ngiti.

"You want me to kiss you?" napa-kurap kurap ako sa kanya. Itinaas ko ang kilay ko na ikina-ngisi naman niya.

"Logan!" pagsuway ko. Nakuha pa niyang ngumisi ng nakakaloko.

"What? Is there something wrong on it?" hindi na ako tumugon nang ako na mismo ang humalik sa kanya. Para maawat na siya sa kahibangan niya sa labi ko.

"You make me always fall inlove with you.." mapang-akit niyang sabi.

Hays. Ako rin kaya. Hindi lang rin sa labi niya ako naadik, pati sa kanya.

Pagdaka'y, saka naman siya umalis sa harap ko. Lumabas muna siya ng kotse, at kasunod nun ay pinag-buksan niya ako ng pinto matapos siyang umikot papunta sa akin. Hinawakan niya ako sa kamay hanggang sa maka-baba ako.

Ngayon ko lang napansin na medyo dumidilim na ang paligid. Mukhang inabot na kami ng ilang oras sa biyahe kaya siguro ginabi na kami nang maka-rating kami dito.

Iginala ko sandali ang mga mata ko sa paligid at natanaw ko na ang lawak ng bahay na nasa aking harap. Malawak rin ang paligid sa labas--may mga halamanan sa paligid, may natanaw rin akong maliit na kubo-kubo malapit banda sa kinatatayuan ko.

Pero kung titignan, simple lang rin yung bahay. May hagdan bago ka makapasok sa loob ng bahay, at matatanaw ang paligid 'don sa itaas pag-akyat sa hagdan.

"Logan? Apo?" Napasulyap ako sa aking harapan. Natanaw ko yung isang lalaki mula doon sa itaas ng bahay. Habang nandito pa rin ako sa kinatatayuan ko. At napansin kong medyo may katandaan na siya. May katangkaran at sakto lang ang pangangatawan.

May baston siyang hawak sa kanyang kaliwang kamay. At nakita kong bumababa na siya galing sa itaas ng bahay, at nang maka-baba na siya, nag-lakad na siya papalapit sa amin. Mukhang 'yon na ata ang lolo ni Logan.

Pagdaka'y, sinalubong siya ni Logan at niyakap siya nito, niyakap rin siya ni Logan.

"I thought you already forgotten us for not coming back here for so long time ago, apo.." pagkasabi niya 'non ay kumalas na sila sa pagkakayakap. Humalukipkip si Logan.

"I've just a lot of works grandpa. That's why my time is always loaded."

"Oh, I see. That's your life." tugon niya. Isinuksok niya ang kanyang kanang kamay sa bulsa ng kanyang pantalon. Sandali, bigla naman akong nakaramdam ng kaba ng mapa-gawi ang tingin nito sa akin. At parang mataman akong sinusuri sandali.

Naknang. Hindi naman ata siya nangangain? Sana nga. Pero mukhang mabait naman ata siya.

"Who is she?" pag-turo niya sa akin gamit ang kanyang baston na umaalalay sa kanya. Napa-pitlig naman ang ulo sa akin ni Logan at nagka-tinginan kaming dalawa.

"Your girlfriend or your wife?"

"Yeah. She's..she's my soon to be wife.." walang atubiling sabi ni Logan. Pagdaka'y nagka-tinginan silang dalawa, at nakita ko ang pagsilay ng ngisi sa labi ni Logan.

Jusko. Bakit kinikilig ako? Ugh! Inaano ka ba Logan? Bakit ginaganito mo ako?

"When you'll get marry to her?" tanong niya kay Logan. Bago pa makapag-salita si Logan, napa-gawi ang tingin namin sa babaing lumapit sa kanila. Medyo may katandaan na rin, ang ganda ng mukha niya at masasabi ko na ang ganda niya siguro nung dalaga pa siya.

"Oh, apo. You're here!" masayang litanya niya at kasunod 'non ay napayakap siya kay Logan.

"How are you apo? Bakit ngayon ka lang napa-dalaw dito?" hindi maipaliwanag ang saya sa kanya nang sabihin niya 'yon.

"Work matters grandma.."

"Who's that girl? 'Yan na ba ngayon yung asawa mo?" tanong niya sabay napagawi rin ang tingin niya sa akin. Napansin kong lumapit ito sa akin at tinignan ako.

Okay. Bakit ba hilig nila sa asawa? Hays. Sabagay, pwede na rin. A-asawahin ko naman si Logan eh.

Pero infairness, ang ganda pala niya talaga kahit medyo kulubot na ang balat niya. Lalo pa't napuna ko 'yon sa kanya ngayong nasa harap ko na siya.

Napa-tingin ako sa magkabilang kamay ko ng hawakan niya 'yon.

"You're so beautiful iha.." inangat ko ang tingin ko sa kanya. Nakita ko namang naka-ngiti siya sa akin.

"S-salamat po. Kayo rin po.." ani ko ng naka-ngiti rin sa kanya.

Naging maluwag na rin kahit papano ang kalooban ko. Mukhang mabait 'tong lola ni Logan at makakasundo ko pa.

"Ma'am, sir. Nakahanda na po yung mga pag-kain.." napalingon ako sa nagsalita niyon at napansin kong lumapit sa'min yung katulong ata nila.

"Let's get inside. So we can take our dinner.." nakita kong mabilis na lumapit sa akin si Logan, sabay hinawakan niya ako sa'king kamay. Ngumiti ako sa kanya.

Sabay umakyat na sa itaas yung lolo at lola niya sa loob. At sumunod naman kami ni Logan doon.

hello there!!

hope you like this another chapter!

salamat sa mga nakaka-tabang comments and support niyo sa story na ito!

love you guys. Keep safe always. ❤️

Ps. Your votes, comments and sending gifts is my inspiration and gives me pleasure to write this story. ;-)

Maiden_pinkishcreators' thoughts
Chapitre suivant