webnovel

Without Reason

Chapter 39: Without Reason

Mirriam's Point of View

Nakaupo na ako sa pwesto ko rito sa classroom habang inilalabas na 'yung mga gamit ko para sa first period.

Nandito na rin si Reed ganoon din si Harvey. Hindi raw sumabay sa kanila si Harvey at susunod na lamang daw kaya nauna na lang din sila rito.

Wala talaga kaming nakuhang matinong sagot kay Harvey kahapon nang tanungin namin siya pagkatapos niyang sabihin na nag break nga sila ni Kei.

Kaya pagkalabas ko pa lang sa kwarto niya, sinubukan ko na ring tawagan si Kei ngunit gaya nga ng nasabi ni Reed niyon ay hindi nga talaga sya ma-contact.

Ni hindi nga rin namin malaman kung nasa'n ngayon si Kei kaya nag-aalala rin kami.

Itatanong nga sana namin kay Haley kung mayro'n siyang alam pero ginabi raw siya ng uwi kagabi kaya hindi na rin namin nagawang makausap, kasama niya si Jasper.

Napatigil ako sa ginagawa ko. Ano naman kaya ang ginagawa nila't magkasama sila?  

"Mirriam." Tawag sa akin ng kaklase kong na sa harapan. Inabot niya 'yung isang parental consent na hindi niya naibigay sa akin nung isang araw. Kinahapunan na kasi 'yun ipinasa, at wala ako no'n dahil nagkaroon ng meeting sa club namin.  

"Harvey." Tawag ni Kath habang papalapit ito sa kanya. Umangat na nga ang ulo ko para sundan ng tingin 'yung babaeng iyon.

Umupo siya sa upuan ni Kei at inusog ang upuan para makalapit dito. "Mayro'ng bagong videoke-han malapit dito. Baka gusto mong sumama mamaya? Mukhang wala ka sa mood, eh."

Nanliit ang tingin ko. Tsk. Naramdaman siguro niya na may problema sila ni Kei kaya she's trying to take advantage of him.  

Ibinaling ko naman ang tingin kay Reed na nandoon sa pwesto ni John at nakikipag kwentuhan.

Bumukas 'yung sliding door sa likuran at pumasok na nga sila Haley. "Uy." Bungad ko kaagad sa kanya na nangungunang pumasok. Huminto siya at binigyan ako ng pilit na ngiti.

Mukhang alam niya 'yung gusto kong sabihin.  

Sumunod namang pumasok si Kei kung saan nakita ko pa ang kaunting paggalaw ni Harvey mula sa peripheral eye view ko na parang gusto na niyang makausap si Kei, samantalang tuloy-tuloy lang si Jasper sa paglalakad at tinapik ako. "Mornin', pretty." Bati niya sa akin.

Pinasadahan ko siya ng masamang tingin. "T*ngina mo."

Binati ako ni Kei at binigyan ng masiglang ngiti na animo'y walang nangyari. "Good morning. Tatabi na muna ako sa 'yo, ah?" Paglapag niya ng bag niya sa upuan ni Reed.  

"Oy! Pwesto ko 'yan!" Turo ni Reed sa upuan niya. Tumayo naman ng maayos si Kei at ngumuso.

"Boo… Gusto mo lang makatabi si Haley, eh." Pang-aasar nito kaya nakatikim din si Reed ng panunukso ng lahat. Pulang-pula naman si Haley kaya natawa ako. Huminto lang ako sa pagtawa dahil parang may mali.

Tumayo ako kaya napatingin ulit si Kei sa akin. "We need to talk." Nakatingin lang siya sa akin nang muli nanaman siyang ngumiti. Hindi halata na pilit lang iyon at parang normal lang ang kinikilos niya.

For some reason, hindi ako kumportable.

"Sure, later. Pero dito na muna tayo ngayon dahil baka dumating na 'yung adviser natin." Sabi niya 'tapos ipinasa ang bag ni Reed kay Jasper dahil magtatabi na muna silang tatlo.

Sa pagkakataon na ito ay lumapit naman si Kath kay Kei, dahilan para pareho kaming mapatingin ni Haley sa kanya.

Titig lang ang ginawa ni Kath nang mapangisi ito. "It looks like you broke up, huh?" Tanong niya na nagpaawang-bibig sa amin ni Haley. Paano niya nalaman?  

Mahina lang 'yung pagkakasabi niya kaya wala namang makakarinig dahil maliban sa maingay ang classroom ay may kanya-kanyang ginagawa ang mga kaklase namin.

"Silence means yes." Tumagilid siya ng tayo paharap sa mga kaibigan niya. "Kaya siguro naman ay wala tayong problema kung kukunin ko na siya sa 'yo, 'di ba?" Tanong niya at mas nilaparan pa 'yung pagngisi, samantalang wala namang ginagawang kahit na anong reaksiyon si Kei at nakatitig lang din sa mata ni Kath. "Na sa 'yo na nga, binitawan mo pa. Walang sisihan, Keiley. Hindi man ako gusto ng nagugsutuhan ko ngayon pero sisiguraduhin kong mapapasa akin siya." Sinulyapan niya ang nakatungong si Harvey bago ibinalik kay Kei. "So, don't interfere anymore."

Magsasalita sana ako para depensahan si Kei pero iniharang niya ang mga kamay niya sa akin. Nginitian lang niya ako bago ngitian si Kath. "As you wish."

Bumuka na ang bibig namin ni Haley.

"Sis, ano ba 'yung sinasabi m--" Naputol ang sasabihin ni Haley dahil biglang lumapit sa amin si Rose.

"Mas maganda siguro kung mag-uusap kayo mamaya sa labas at hindi rito. Huwag kayong gumawa ng ikapapahamak ng section natin." Suway niya sa amin, pataray na umalis si Kath samantalang tumango lang din si Kei at umupo.

"Pasensiya na, pero nag-uusap lang din talaga kami." Pagkumbinsi ni Kei na ikinabuntong-hininga lang ni Rose.

"Sana nga gano'n but it doesn't look like one to me." Wika niya. "Kung ano man 'yang problema n'yo, huwag n'yong dalhin 'yan dito." Huling sabi ni Rose bago umalis sa harapan namin. Mukhang wala rin siya sa mood ngayon?

Pumasok na nga ang adviser namin kaya mga nagsiupo na 'yung mga kaklase ko.

Umupo na nga lang din ako 'tapos tiningnan ang mga kaibigan ko. Nandoon kasi 'yung feeling na parang mayro'n pa silang hindi nasasabi sa akin, lalo na si Jasper.  

Sumulyap ako kay Jasper na nasa tabi ko 'tapos kay Kei na nasa kanan ko bago ibinaling ang tingin.

 

Kei's Point of View

Nag ring na 'yung bell kaya tumayo na ako tutal break time naman na. Nakaayos na rin naman kasi ang mga gamit ko. "Hindi na muna ako sasabay sa inyo. May pinapagawa kasi sa akin 'yung principal kaya pupunta muna ako sa office." I lied. Walang pinapagawang kahit na ano ang principal sa akin ngayong araw, ayoko lang muna talaga silang makasabay sa ngayon.

Ipinasok ni Mirriam 'yung notebook niya sa bag bago tumayo. "Gano'n? Sige, gusto mo bang dalhan ka na lang din namin ng pagkain?" Tanong niya pero iwinagaway ko lang ang mga kamay ko sa tapat ng aking dibdib bilang pag-angal.

"No, kahit hindi na. Mayro'n namang pagkain sa office kaya okay lang." Ngiting tugon ko.

Lumapit na rin si Reed sa akin pero nginitian ko lang siya bago tumalikod sa kanila dahil nakikita ko na si Harvey na papalapit sa akin. I'm sorry.

Nagmadali na akong umalis sa classroom para pumunta sa college building dahil tatambay ako sa rootop nila.

Baka kasi kumain sila Haley sa rooftop ng building namin kaya roon ako sa kabila. Tutal, hindi naman talaga kami pumupunta ro'n.

Dumaan ako sa bridge na naka-connect lang sa college building, hindi na ako lumabas sa mismong entrance ng gusaling ito para wala masyadong interactions, walang pwedeng makakita sa akin maliban sa CCTV. Hindi kasi pwedeng dumaan ang estudyante rito dahil for College Department nga lang ang area na ito. Bale kakausapin ko na lang 'yung tao sa homeroom office na pumunta lang ako rito para makapag focus sa ginagawa ko.

Bahala na kung pagalitan nila ako.

Sa paglalakad ko, nagulat ako noong may biglang humawak sa kamay ko at iniharap ako sa kanya. Laking gulat na si Harvey ang makikita ng mga mata ko. "Har--" Mabilis niya akong niyakap, isang mahigpit na yakap na halos 'di na ako makahinga.

Napaatras pa ako sa ginawa niya't natanggal pa ang isang suot kong sapatos. "Kei…" Paanas na tawag niya sa pangalan ko kung saan bakas pa rito 'yung sakit.

"Pag-usapan natin 'to, please." Pagmamakaawa niya.

"Harvey." Muling tawag ko sa pangalan niya at napatingin sa CCTV na nandoon lang din sa mismong harapan namin. Tiningnan ko siya at pilit na inihiwalay sa akin. Mahirap na kung magkaroon kami ng parusang pareho dahil sa position namin, saka 'di rin pwede ang PDA rito.

"Let go." Udyok ko pero mas hinigpit niya ang pagkakayakap sa akin.

Ayaw niyang kumawala. 

"I will still hold you even if it hurts me." Pagmamatigas niya. "If you can't go on, I will carry you. But I won't ever let you go." Inangat niya ang mga kamay niya para hawakan ang ulo ko. "But please, explain to me why you have to do this." 

Nagsalubong ang kilay ko't hinawakan ang mga braso niya para patuloy pa ring lumayo sa kanya. "There's no reason to it." Tugon ko at higpit na napahawak sa mga braso niya kasabay ang kaunting pagtungo. "Sadyang hindi lang talaga tayo para sa isa't isa."

"You're making me angry, Kei. Wala namang ganyanan. Impossible namang walang rason, parang-awa mo na. Bigyan mo naman ako ng matinong sagot…" Nanginginig na sabi niya kaya napalunok na ako. I want to hug him, tell him that I love him.

But I can't. I cannot.  

"Sawa na ako." Tanging nasabi ko. "Kaya wala ng rason para magpatuloy pa 'tong relasyon na 'to--"

Humiwalay siya sa akin nang kaunti, pero hawak niya ang mga braso ko. "Then tell me, why?" Tanong niya kung saan mas nakikita ko sa mukha niya kung gaano kasakit sa kanya 'yung nangyayari sa amin ngayon. "Why are you making that face?" Tukoy niya sa mukha ko na 'di ko na pala napapansin na lumuluha na pala. "Iyan ba ang nagsasawa na?"

I immediately wiped my tears from my cheeks. Tinulak ko siya pagkatapos. "Please, leave me alone. Wala na tayong pwedeng pag-usapan. Wala na." Pag-iwas ko ng tingin, napahawak din ako sa sarili kong kamay.

Umabante siya ng isang hakbang. "That! When you're being prevaricate. You always look down to the side whenever you talk."

Napahigpit ang hawak ko sa kamay ko, 'tapos napatingin kay Harvey dahil bigla nanaman siyang lumapit. Ang sunod ding nangyari ay hinalikan niya ako habang hawak ang mga kamay ko.    

Isinandal niya ako sa pader na malapit sa amin. Tinulak ko siya nang mahina. "H-Harvey, stop i--" He didn't listen by kissing me hungrily. Thrusted his tongue inside my mouth like he's tasting my sweetness. A strangled moan flew from my lips. "Mmh!"

His hand go around my waist and pulled me closer to him.

Ah… I'm about to cry. Standing here enduring the pain while I'm silent. It's unfair, the world is too cruel.

My mouth left another involuntary moan as he intertwined our fingers.

Being vulnerable at a times like this feels so pathetic.

I opened my eyes when I realized what we're doing and pushed him away from me.

His eyebrows furrowed. "I-I'm sorry."  

Tumalikod ako sa kanya at naglakad paalis ng walang binitawan na salita. 

I'm sorry... I'm sorry... 

Please if you like the story, rate it. :D

Yulie_Shioricreators' thoughts
Chapitre suivant