I was five back then. I still can remember the first conversation I had with a stranger -a man in mid-thirties wearing a suit and tie. His shoes were shin leather. They're expensive like my dad's. Nagpakilala itong si Dr. Tim Roberts, isang psychologist.
Nasa isang pribadong silid kami ng ospital na tanging isang kwadradong lamesa at dalawang upuang nakapuwesto sa magkabilang dulo ang naroon. Pinaupo ako nito habang siya'y hawak-hawak ang mga dokumentong marahil ay bahagi ng kanyang pagsusuri sa kalagayan ko pagkatapos ng aksidente.
"Kiera, I am sorry for the loss... Your parents are dead," anito na tila bawat galaw ko ay binabasa nito. Nakita ko ang simpatya sa mga mata nito habang nakipagtitigan ako sa kanya. "Are you okay?"
"I'm fine," tipid kong sagot. Hindi ko ibinigay sa kanya ang inaasahan niyang reaksyon ng isang normal na bata -ang umiyak at humagulgol dahil sa balitang patay na ang aking mga magulang. Even though I was at a very young age, I knew I was under psychological evaluation. Dad trained me on how to read people's minds and even their deepest secrets by merely looking at their body language: the movement of the lips, flipping, and touching of the hair grasping hands, steady limbs, and weary eyes. Every move means more than a thing.
"Are you not sad?" maingat nitong tanong saakin habang may parang sinusulat ito sa nakalatag na papel sa lamesa
"I'm sad. Pero hindi ko kailangang umiyak," napatitig uli ako sa malamlam niyang mata na alam kong kinikilatis ang bawat ekspresyon ng mukha ko, bawat galaw ng dulo ng aking mga labi, pagkurap, paglunok at paghinga, "People die all the time. My mom and dad died, but grieving and self-pitying is not an option ngayong ako na lang mag-isa."
Tila nagulat ito sa sinabi ko. Hindi niya inasahang mangagaling ito sa limang taong gulang lang na kagaya ko. Again, hindi ako ordinaryong bata at alam niya 'yon kaya niya ako kinausap sa silid na 'yon.
"Kiera, do you know this thing?" tanong nito sabay hugot sa bulsa nito ang isang cube na may iba-ibang kulay.
"Rubik's cube," tipid kong sagot.
"Can you put each six colors together? I mean all whites should be on one side then same with the other colors," pagpapaliwanag nito sabay pa-slide sa cube palapit saakin.
I grabbed the cube. I twisted every sides of it at tila memoryado na 'yon ng utak ko bago pa mahawakan. Front. Right. Up. Back. Left. Down. All the counterclockwise rotations and the known algorithms came instantly on my mind without having to read them. Basta ang alam ko, mabilis na lang binubulong ng utak ko kung ano ang dapat gawin sa puzzle na 'yon.
Halos mapanganga naman ang doktor sa harap ko habang walang tigil at mabilis na kinakalikot ng mga kamay ko ang rubik's cube.
In less than a minute, tinapon ko pabalik sa kanya ang rubik's with all reds, blues, yellows, greens, blacks and whites together. Saka lang ako nahimasmasan kung ano ang ginawa ko nang pulutin niya ang cube.
"A-amazing Kiera, now I only have one question."
"What is it?"
"Would you like to come with me?"
"Where?"
"Home..."
***
Present Time
"Lucy! Turn the knob! Open the door quickly!" pinutol ng sigaw ni Astrid ang pagbabalik tanaw ko. Kanina pa ito nagngingingit marahil kahit na sa earphone ko lang naririnig ang boses niya.
"Sorry Astrid," paumanhin ko sabay mabilis na pihit sa seradura ng pintuan ng bodega, "I'm in," bulong ko pagkatapos sumandal sa gilid ng door frame para pansamantalang hintayin ang susunod na instruction nito.
"Good. Turn left at diretsuhin mo ang hallway. You have to move fast before someone notices you."
Sinunod ko ang gusto nito. Mabilis akong kumaliwa papasok ng hallway hanggang sa marating ko ang dulo nito. Pigil ang paghinga ko nang sabihan ako ni Astrid na itulak ang pintuan sa dulo ng hallway. Malakas at halos nanginginig kong itinulak ang bakal na pintuan. Bumungad saakin ang masangsang na amoy ng kwarto na tila ginawang imbakan ng patay na katawan ng tao. Halos maubo ako at maduwal sa nakakasulasok na amoy ng kwarto. Napakainit at tila walang labasan ng hangin. Pinagpawisan ako sa sobrang init at sa kabang kanina pa nakayakap sa dibdib ko. Ininda ko lahat ng sensasyong maaring maging sagabal sa misyon ko.
"Lucy, hanapin mo ang dead body ng namatay na lawyer noong nakaraang lingo. Take his ring immediately bago ka masuffocate," seryosong utos ni Astrid sa kabilang linya.
"Saan sa mga bangkay dito? There's more than twenty dead bodies here sir," tinantiya ko ang bilang ng naagnas na bangkay sa kwartong 'yon. Kumunot ang mukha ko nang masinghap ko ang nabubulok na amoy ng mga bangkay sa loob ng kwarto. Naka-face mask na ako pero tumatagos parin ang napakasangsang na amoy sa loob. Tila ilang oras na lang ay sasakupin na ng nakakasulasok na amoy ang naghihingalo kong baga.
"Lucy, I have given you the photo. That's enough para mahanap mo siya," irritable at tila nag-aalalang sabi ng nasa kabilang linya. Narinig ko pa ang pagbuntong hininga nito ng malalim na parang pinapakalma ang sarili.
Hindi na ako sumagot pa. Alam kong hindi ko na kailangang magreklamo at sabihing napakalayo ng itsura ng naagnas na bangkay sa larawan ng isang buhay na tao. Kilala ko si Astrid bilang mentor ko sa misyong ito, ayaw niya ng maraming tanong. Kailangan lahat ng posibleng resources magamit, kailangang utak ang inuunang pinapairal hindi ang bunganga, kailangang lahat ng senses nagfa-function, kailangang hindi sumusuko hangga't may hininga at may oras. 'Yon at 'yon ang sasabihin niya sa oras na 'to. Kaya inunahan ko na.
"Hey, you still there? I can hear you breathing but are you moving?" narinig ko mula sa audio.
"I'm here. Iniisa-isa ko na ang mga bangkay," pinilit kong sagutin ang lalaki habang hinahalungkat ang mga inuuod na katawan. Halos maduwal ako sa itsura ng mga nakatambak na katawan dahil kung hindi pinagpipiyestahan ng mga bulate ang mga ito'y mga daga at ipis naman ang lumalamutak sa mga nagkalat na laman. "Holly shit!" napasigaw ako sa pang-sampong katawang sinuri ko. Nalanghap ko ang nabubulok nitong amo'y na masahol pa sa amoy ng imburnal.
"Crap Kiera, get your shits together and finish this!" sigaw ng lalaki sa kabilang linya. Ramdam kong may halong pag-aalala sa boses nito.
"Sorry sir, did you mean Lucy?" pagtatama ko sa tawag nito saakin habang hinahalungkat ang panglabinlimang bangkay.
"I meant Lucy. Keep moving. You only have five minutes."
Nataranta ako sa sinabi nitong oras. Five minutes is a set of bullcrap! It took me ten minutes para makapasok sa kwartong ito and the exit is a lot more difficult dahil nasa rooftop ang meeting point namin ni Astrid. Tang-ina! I'm dead.
Muli kong pinasadahan ang larawang ibinigay saakin ng lalaki. Napansin ko ang pagkakahawig ng buhok ng bangkay na nasa harap ko at sa larawan. Mabilis kong hinablot ang kaliwang braso ng nabubulok na katawan. Halos tumagos sa suot kong gloves ang nakakadiring likido mula sa katawan ng bangkay nang hugutin ko ang nadaganang braso ng patay na attorney. Bumuga ako ng hangin palabas para maitaboy ang nalalanghap kong amoy. Nangangati at humahapdi na ang ilong ko sa sobrang baho.
Nadukot ko ang kaliwang palad ng bangkay. "Crap!"
"Did you see it?Take the ring Lucy!"
"Yes, wait."
"Wait what?" I can sense the irritation in his voice, from his sound, I can imagine how irritated his attractive face is.
"He's got five rings! Which one?"
"Lucy, five guys are coming your way. You need to get out!" Hindi niya sinagot ang tanong ko. The sense of urgency is all over his voice.
Crap! Aling sing-sing ang kukunin ko dito? Nagpabalik-balik ang tingin ko sa limang daliring may singsing at sa larawan ng yumaong lawyer.
"Lucy, do as I say. Lumabas ka na diyan!" Astrid almost broke my eardrums sa sobrang lakas ng boses niya. Nakaramdam ako ng panganib. Naramdaman ko ang presensya ng mga nilalang na paparating sa kinaroroonan ko. "Damn it Lucy! Get your ass out of that room!"
"Copy!" sagot ko sabay bulsa sa bagay na pinapakuha ng lalaki. Mabilis kong tinungo ang pintuang bakal saka pinihit ang bukasan nito. Bumungad saakin ang sariwang hangin at nakakasilaw na liwanag.
"Get her!" narinig kong sigaw ng isang lalaki sa kabilang dulo ng hallway.
"Patay!" 'yon ang tanging nasabi ko bago ko napansin ang sabay-sabay na pag-atake ng limang unipormadong kalalakihan.
Tumakbo ako pasalubong sa limang kalaban. Nasa kabilang dulo ang labasan at kailangan kong makalusot sa limang 'to para makatakas.
Sa sabay-sabay na paghugot ng ordinary long swords ng kalaban habang tumatakbo palapit saakin, nahugot ko ang mga balisong na nakasukbit sa aking magkabilang tagiliran. Nagpadausdos ako pasalubong sa mga lalaki at napaliyad na halos dumikit na ang likod ko sa sahig. I unlocked both of my butterfly knives and flipped open the handle exposing the blade. Mabilis kong pinakot-ikot sa aking palad ang dalawang balisong habang dumadausdos paliyad. I flipped the blade against the back of my hand then flipped back and grab the rest of the handle with a strong grip. Saka mabilis at magkasabay na pinalakbay ang dulo nito sa binti ng dalawang nasa harap.
Nang napaluhod ang mga ito sa sakit ay saka ako umikot at magkasabay ding hiniwa ang lalamunan ng mga ito. Two down.
Tatlo pa! Sigaw ng utak ko habang minamasdan ang pag-atake ng dalawa pang lalaki. Napayuko ako nang iwinasiwas pahalang ng isang lalaki ang ngipin ng espada. Nasalo ng dulo ng buhok ko ang talim ng espada dahilan para mabawasan ng halos dalawang pulgada ang haba nito. Sa paglalakbay ng espada sa ere, sinamantala kong itarak ang isang balisong sa binti ng sumugod na lalaki saka mabilis na inangat ang katawan ko at pinuntirya ang lalamunan nito. Bumulwak ang mala-rosas na likido sa nabutasang leeg ng lalaki saka bumagsak sa harap ko.
Agaran akong sinugod ng kalbong lalaki. He vertically slashed the sword blade to cut me into two but I was able to grip the handle of the dead man's sword. Nasangga ko ang espada nito gamit ang hawak kong espada.
Sinugod din ako ng isa pang kalaban gamit ang hawak niyang espada. Itinulak ko pabalik ang nakasanggang espada ng kalbong lalaki saka tumalon paatras sabay hablot sa nakakalat na isa pang espada ng pinaslang kong unipormadong kawal. Dumistansya ako ng ilang metro at nag-ipon ng hangin sa aking baga. Nakita ko ang sabayang paglunok ng dalawa pang natitirang kawal. Napahigpit ang hawak ko sa dalawang espada at hinintay ang sabay na pagsugod ng mga ito.
Sabay nga silang sumugod. Iwinasiwas ko sa hangin ang hawak kong espada saka pinaikot sa aking tagiliran. Nakatatlong hakbang na ang mga ito nang mabilis kong ibinato ang mga espada sa dalawang lalaki. Nakita ko pang naglakbay ang mga ito ng tuwid patungo sa dalawang kawal na nagulat sa ginawa ko. Parehong tinamaan sa ulo ang dalawang natitirang kalaban at sabay ding bumagsak sa harapan ko.
Hindi ko na hinintay ang pagbaha ng dugo sa hallway. Mabilis akong tumakbo patungo sa labasan na nasa dulo ng hallway. Pagbukas ko ng pintuan ay saka ako nabigla sa pagtunog ng emergency alarm ng bodega.
"Lucy! Where the hell are you?"
"I'm going out!"
"Naririnig mo ba yang alarm? You're screwed! Now move fast!"
" Okay," sagot ko sabay bukas sa pintuan. Bago pa man ako makahakbang patungong exit ay bumungad na saakin ang higit sa dalawampong armed assassins na marahil ay rumesponde sa emergency alarm. "Crap sir, I'm dead. I have twenty three assassins around me."
"Jesus!" he gasps as if saying I am really in trouble.
Bago pa man ako makapagsalita ay namalayan ko na ang sabay-sabay na paglapit ng mga assassins. Halos hindi ko marinig ang pagtapak ng mga ito sa sahig habang tumatakbo. Tila lumilipad sila habang isa-isang binubunot ang mga matutulis na espadang mag-uunahang hiwain ako ng pirapiraso.
Unti-unti, naramdaman kong nagdilim na ang aking paningin. Nasa panganib ang katawan ko at awtomatikong gagawa ito ng paraan para mailigtas ako. Pang-ilang beses na ito. Mawawala ako sa sarili at tila maglalaho ang katinuan ko. "Astrid, I'm becoming... again..."
"Shit Kiera! Don't! Take control!" yon ang huli kong narinig mula sa lalaki.
Nang labanan ko ang pagsasara ng mga talukap ng aking mga mata, nanakit ang dibdib ko. Parusa iyon sa pagtutol kong kontrolin niya ang katawan ko. Heto na naman siya. Tatalunin niya ang katinuan ko. Magbablack out ako ng tuluyan.
Pagkatapos nito...
Paggising ko...
Bubungad saakin ang dalawampo't tatlong katawang naliligo sa sarili nilang dugo!
###