webnovel

Secret Heiress

"Bago ang lahat, ikukuwento ko muna sayo ang tungkol kay Lady Minerva." Itinuon ko ang pansin ko kay Mrs. Clementine lalo pa at sisimulan na niya ang kuwento tungkol sa babaeng nagngangalang Lady Minerva.

"Si Lady Minerva, isa siya sa pinakamagaling na estudyante dito sa Lunaire. Noong mga panahon na iyon, isa pa lamang ako sa mga professor ng Ministry of Magic and Wizardry. Masasabi ko na marami siyang tinatagong kakayahan pagdating sa magic. Gayunpaman, mahina ang pangangatawan niya kung kaya't pagdating sa physical education nilang subject, hindi siya gaanong nakakadalo at nakakasali sa mga drills. Ayos lang din naman iyon sa professor niya noon na si Prof. Lancelot. Bukod doon, anak si Lady Minerva ng nagtatag ng academy, si Lord Wren at Queen Cassiopeia."

Napabuntong hininga si Mrs. Clementine bago niya itinuloy ang kuwento. "Maayos noon ang Lunaire hanggang sa dumating ang hindi namin inaasahan. Ang panganay na anak ni Queen Cassiopeia, si Morgana ang nagdala ng delubyo sa buong academy. Dahil sakim ito sa kapangyarihan at gusto niyang agawin ang trono mula sa kaniyang kapatid, nakipagkasundo ito kay Alistair, ang hari ng Underworld. Nasakop nila noon ang Lunaire city maging ang academy, ngunit hindi nagpadaig sa kasamaan si Lady Minerva sa kaniyang kapatid. Nagtuos sila sa isang laban, natalo ng white magic ni Lady Minerva ang dark magic ni Morgana sa pamamagitan ng enerhiya na nagmumula sa buwan, ngunit sa kasawiang palad, ay namatay si Lady Minerva"

Napatulala ako at nakaramdam ng kirot sa puso ko ng malaman kong nasawi ang babaeng nagngangalang Lady Minerva sa isang laban, at napaisip rin ako ng narinig ko ang pangalang, Morgana. Pamilyar ang pangalan na iyon sa akin. Kung hindi ako nagkakamali, iyon ang pangalan na sinambit ng hell hound na nakaharap namin ni Loki noong nasa mundo pa ako ng mga tao. Sinamantala ko ang pagkakataon para makapagtanong ako kay Mrs. Clementine, "Pero, bakit hindi magkaparehas ng magic si Lady Minerva at 'yong... Morgana?"

Muling napabuntong hininga si Mrs. Clementine, "Ang katotohanan kung bakit hindi sila magkaparehas ng kapangyarihan ay dahil ang kanilang ama, si Lord Wren. May taglay na dark magic si Lord Wren at white magic naman kay Queen Cassiopeia, ang kanilang ina. Ayon sa mga naging saksi ng pag-iibigan nila, tutol ang buong Council dahil may dugong demon si Lord Wren. Kalahating warlock, kalahating demon. Pero, hindi napigilan ng Council si Queen Cassiopeia kung kaya't nilabag niya ang utos ng mga nakatataas. Ang mga magulang ni Queen Cassiopeia ang head ng Council ng mga panahon na iyon. Kahit sinaway sila ng nag-iisa nilang anak, mahal pa rin nila ito at hinayaan na lamang nila ang dalawa. Naging maayos naman ang pagsasama ng dalawa. Kaya nga naitayo itong Lunaire."

"Bukod roon, nagkaroon rin ng kabiyak ang kanilang anak na si Lady Minerva, si Willow, isa sa pinakamakapangyarihang warlock sa Lunaire at nagkaroon sila ng anak na babae. Nagmahalan sila ng totoo at dahil dito, sumiklab lalo ang alitan ng magkapatid dahil minamahal din ni Morgana si Willow. Mas lalong tumindi pa ang galit ni Morgana nang nalaman niya na ang kapangyarihan ng buwan ay ipinamana kay Lady Minerva. At dumating ang oras, bago pa man magtuos ang mgkapatid at sumakabilang buhay si Lady Minerva, ay inihabilin niya ang anak niyang babae sa akin dahil tinatangka na rin ni Morgana na patayin ang kaniyang anak para wala na itong kaagaw sa trono, at kay Willow. Dahil doon, inutusan niya ako na iligtas ang kaniyang anak. Ang tanging paraan na naisip ko ay dalhin siya sa mundo ng mga tao." Biglang kumabog ang dibdib ko sa sinabi ni Mrs. Clementine ngunit patuloy pa rin akong nakinig.

"Dinala ko siya sa mundo ng mga tao, ngunit para masigurado na ligtas siya at hindi siya matutunton ni Morgana, nilagyan ko ng sealing spell ang kaniyang kapangyarihan." Biglang nag-flashback sa akin ang mga sinabi ni Rincewind noong nagtra-training kami ni Loki. May nag-seal sa natatago kong kapangyarihan. Pinipilit kong huwag pumatak ang mga luha ko. Lahat ng sinabi ni Mrs. Clementine ay nagtugma-tugma sa mga nangyari sa akin.

"Ang tanging palatandaan ng anak ni Lady Minerva ay ang hugis crescent moon na tattoo nito. Lalabas lang ito kapag ginamit niya ang kanyang kapangyarihan sa unang pagkakataon. At, ikaw yun Mira, ikaw nga at wala ng iba. Ang tunay na pangalan ng iyong mga magulang ay Willow Silverstein at Minerva Crescencia. Ikaw, ang tagapagmana at susunod na reyna ng Lunaire city at head ng Lunaire Academy."

Hindi ko na napigilan ang pag-agos ng aking mga luha sa mga ikinuwento ni Mrs. Clementine. Bata pa lang ako, inakala ko na pinabayaan ako ng mga magulang ko kaya dinala nila ako sa bahay-ampunan. Hanggang sa nagdalaga ako, at kinuha ng Heather University upang bigyan ng scholarship para makapag-aral ako. Lahat ng mga hirap na naranasan ko ay nag-flashback lahat sa aking isip. Pinunasan ko ang aking mata gamit ang likod ng aking kanang kamay. Muling pinukaw ng kulay pilak na marka ang aking atensiyon at sabay humarap ako kay Mrs. Clementine. "Salamat po Mrs. Clementine dahil iniligtas ninyo ang buhay ko sa panganib, kung kaya't naririto ako ngayon. Buong buhay ko, inakala ko na pinabayaan ako ng mga tunay kong magulang. Pero hindi pala." Naging matatag ako ngunit patuloy pa rin ang paglabas ng luha ko sa aking mga mata.

"Mahal na mahal ka niya Mira. Kaya nagawa niya iyon sayo." Ngunit, hindi nabanggit ni Mrs. Clementine kung nasaan ang aking ama, si Willow. Naglakas loob akong tanungin si Mrs. Clementine.

"Kung wala na po ang aking ina, nasaan po ang aking ama?" Sinagot ako ni Mrs. Clementine, "Wala kaming balita kung ano ang nangyari sa ama mo. Nakipaglaban siya sa mga kampon ni Alistair, pero hindi kami naniniwala na namatay sa laban si Willow, dahil nawala na lamang ito na parang bula. Kaya isang misteryo pa rin ang pagkawala ni Willow. Patuloy pa rin siyang hinahanap ng Council, pero bigo pa rin ang mga ito sa paghahanap sa kaniya."

Chapitre suivant