webnovel

Human Farming

"Bugtong, bugtong..... Matalas ang pangil at may mahabang kuko, sa dilim ako'y nakamasid sayo..."

Isang Wakwak si Rex, ngunit di gaya nang mga nauna sa kanya, tuso si Rex, maparaan, matalino. Hindi sya ang tipong nambibiktima sa gabi at nilalagay sa peligro ang sarili. Hindi gaya noon na sibat, itak at suló lang ang kalaban nya, sa modernong panahon may mga baril na. Anong laban nang pangil at mahabang kuko nya sa mga bala nang baril? Ang mga kababaihan ay may mga taser gun din na kayang magpabagsak kahit aswang ka pa. Mahirap na rin mambiktima lalo na't maraming CCTV camera na nagkalat sa buong lugar, manganganib kang makilala sa camera, instant celebrity ka pag nagkataon. May mga grupo rin nang mga tao na tumutugis sa mga kagaya nyang aswang. Kung noon ay sila ang nag ha-hunt nang mga tao, ngayon sila na ang tinutugis nang mga ito. Kaya karamihan sa mga aswang ay tumigil na sa pang aaswang sa gabi, tinuruan nila ang mga sarili na mabuhay sa dugo nang mga hayop. Hindi ba kayo nagtataka kung saan napupunta ang mga dugo nang manok na ginagawang Fried Chicken? O, di kaya'y Inasal na manok na may unli rice? Ngayon alam nyo na.

Hindi tulad nang iba, ayaw ni Rex na makuntento sa dugo nang mga hayop lang, gusto ni Rex nang tao. Kaya may naisip ang tusong si Rex.

Nagpapanggap na recruiter si Rex, pumupunta sya sa malalayong probinsya at doon maghahanap nang malolokong biktima. Mga babae ang target nya para hindi xa mahirapan kung sakaling manlaban ang mga ito. Papangakuan niya ito nang trabaho at malaking sweldo, libreng pagkain at tirahan at may salary bonus pa. Kaya marami ang naiing-ganyo ni Rex na sumama sa kanya sa Maynila, ang di alam nang mga babae ay ikukulong sila ni Rex sa basement nang kanyang bahay na parang mga alagang baboy na pagkatapos palakihin ay kakatayin.

Magaling mag alaga si Rex, ang mga babae ay pinapakain nya nang mga masusustansyang pagkain, at syempre hindi mawawala ang mga masasarap na dessert. Kahit nakakulong ang mga ito hindi sila nahihirapan pagkat aircon ang buong basement, may mini pool, may 75 inches na TV na may Netflix pa. May mini bar din ito kung saan hindi nauubusan nang mga inumin, lahat mamahalin. May Fitness gym din ito para mapanatiling malusog ang mga babae. Ang kalaban lang nang mga babae ay ang pagka bored sa loob, kaya minsan may mga nagtatangkang tumakas na hindi na nakakabalik, di nila alam kung tuluyan itong nakatakas o nahuli ito. Ang akala nang mga babae na kaya sila kinulong doon ay dahil ibebenta ang kanilang puri. Natatawa nga minsan si Rex dahil ang iba sa mga babae ay sila na mismo ang nag rerepresenta na kunin ni Rex tuwing pumipili ito nang babae para isama palabas. Ang di nila alam ay kinakatay sila ni Rex at ginagawang kunsumo sa araw-araw, nilalagay nya sa freezer ang karne upang tumagal ito.

Masasabing kakaiba si Rex sa tradisyunal na aswang, hindi lang hilaw ang kinakain ni Rex, niluluto nya rin ang kanyang pag-kain. Minsan gumawa sya nang chicharong bulaklak gamit ang bituka nang tao at ipinamimigay niya ito sa mga nag iinumang kapitbahay.

Kinakaibigan ni Rex ang mga bihag nya, minsan nga bago nya katayin ang babae ay may nangyayari muna sa kanila. Madalas naglalagi si Rex sa basement kasama nang mga bihag nya, sinisiguro nyang kahit bihag ang mga ito'y masaya ang mga ito kahit papano. Masasabing si Rex ay parang isang nag aalaga nang baboy na kinakausap pa ang mga alaga at pinupuno nang pagmamahal bago dumating ang araw na ito'y kanya nang kakatayin. Mas masarap daw kasi ang laman kapag masaya ang pinanggagalingan nito.

Si Ebony at Ivory ay kambal na kabilang sa mga bagong nabihag ni Rex, pangarap nilang maging dancer sa isang sikat na gameshow sa TV pero bumagsak lamang sila sa kamay ni Rex. Noong una'y iyak nang iyak ang kambal, hindi sila makapaniwala na naloko sila ni Rex. Kinaibigan sila nang mga naunang bihag at di kalaonan ay nasanay na sila sa lugar. Ni minsan ay hindi pa sila nakakatulog sa malambot na kama na may aircon, wala rin sa kalahati ang laki nang TV nila sa probinsya kompara sa TV nila ngayon. Hindi lang tatlong channel ang nasa TV kundi marami, na sa sobrang dami ay nalilito na sila kung anong palabas ang papanoorin. Ang mga pagkain din dun ay napakasarap, para silang mga prinsesa kung ituring ni Rex.

Dumating ang na oras na muling pipili si Rex nang babae na ilalabas nya nang basement. Bago sya pumili ay ipinaliwanag nya ang mangyayari sa babaeng mapipili.

"Ma swerte ang mga babaeng napili ko dahil sila ay mapapangasawa nang mga mayayamang lalake. Matutupad ang mga pangarap nyo kapag mayaman na kayo. Mas maganda pa sa lugar ko ang inyong magiging tahanan. Pwede na kayong makauwi sa inyo at tumulong sa pamilya nyo. Magtiwala kayo sa akin, hangad ko lang na matulungan kayo."

May karisma si Rex pag nagsasalita, madali nitong napapaniwala ang mga kausap nito. Isa ito sa katangi-an nang mga Wakwak. Tuwang-tuwa ang mga kababaihan nang marinig ang sinabi ni Rex. Nag isip na agad sila kung ano ang bibilhin kung sakaling mayaman na sila. Napuno ang paligid nang tawanan at masisiglang usapan.

Tumigil ang lahat nang muling nag-umpisang magsalita si Rex.

"Ang mapalad na babae na napili ko ay si Mia, halika dito sa tabi ko Mia at nang mahalikan kita sa pisngi." Utos ni Rex.

Tuwang-tuwa si Mia na lumapit kay Rex at nauna pa itong humalik sa mismong labi ni Rex.

"Mauna ka nang umakyat at hintayin mo ako sa kwarto, may damit na nakapatong sa kama isuot mo iyon. Susunod ako mamaya kakausapin ko lang muna ang iba." Muling utos ni Rex.

Excited si Mia na umakyat nang hagdan, kelan man ay hindi pa sya nakaka akyat sa lugar na yun kaya laking gulat nya nang pagbukas nya nang pinto'y deretso ito sa kwarto ni Rex. Sobrang laki nang kwarto nang lalake na puno nang mga mamahaling mga gamit. Sa ibabaw nang kama at nakita nya ang isang lipstick at pulang gown. Hinubad nya ang kanyang damit at isinuot ang gown. Napaka sexy nang gown na halos lumuwa na ang kanyang dibdib, may slit pa ito na muntik nang lumampas sa kanyang bewang. Nakalantad din ang buong likod nya, kitang-kita ang kanyang makinis na likod at ang hubog nang kanyang katawan. Naglipstick si Mia at nagsuklay nang buhok habang naghihintay kay Rex na pumasok sa kwarto.

"Mga mahal ko, sana'y mapatawad nyo ako kung binihag ko kayo sa loob nang basement ko, wala akong karapatan na gawin sa inyo yun pero gusto kong matulungan kayo. Ngayon, kung may gusto sa inyong lumabas ay pagbibigyan ko, hindi ko kayo pipigilan."

Walang umimik sa mga babae, pawang katahimikan lang ang sagot sa sinabi ni Rex.

"Sa makalawa nga pala ang ika labing walong kaarawan nang mga mahal kong kambal na sina Ebony at Ivory, asahan nyo na magpaparty tayo sa araw na yan." Dagdag pa ni Rex bago ito umakyat at sumunod kay Mia.

Pagpasok ni Rex sa kwarto ay tapos na sa paghahanda si Mia. Napakaganda nitong tingnan sa pulang gown na tumerno sa mapupulang labi nito. Nakalugay ang mahaba at malambot na buhok nito na tumatabon sa nakabukas na likod nang gown. Parang isang beauty queen si Mia sa mga sandaling iyon.

Hinawakan ni Rex ang bewang ni Mia at inakay ito palabas nang kwarto. Papunta sila sa sala at napadaan sila sa hallway na makikita ang malawak na garden. Nakita ni Mia ang dalawang mamahaling sasakyan na nakaparada mga Bugatti Veyron ito at nakita nya ito sa TV na siyang pinakamahal na sasakyan sa buong mundo.

"Totoong mayaman Rex at ang mga kaibigan nya, malamang ang may ari nang isang sasakyan na iyon ang mapapangasawa ko." Napangiti si Mia sa kanyang naisip.

Pagdating nila sa sala nakita ni Mia ang dalawang sexy at magagandang babae at isang matipuno at gwapong lalake. Tinitigan niya ang lalake na tumitig din sa kanya sabay kindat. Nilugay naman ni Mia ang kanyang buhok na tila nag aanyaya sa lalake. Napakagat labi ang lalake sa kanyang nakita, sinundan nito nang tingin si Mia.

"Siya ba ang mapapangasawa ko? akala ko matandang mayaman ang mapapangasawa ko. Imposibleng yang gwapong yan ang mapapangasawa ko kasi hindi na nya kailangan pa namg tulong sa paghahanap nang asawa sa gwapo at yaman nyang yan, pinagkakaguluhan nang mga babae yan sigurado." Punong puno nang katanungan ang isip ni Mia.

"Guys, meet Mia our Star of the Night!!" Pagpapakilala ni Rex kay Mia sa ibang naroroon.

Nginitian ni Mia ang mga kaibigan ni Rex at dumikit ang tingin niya sa lalakeng kaibigan ni Rex.

"I'm Alex." Wika nang lalake sabay abot nang wine glass kay Mia.

"Nice to meet you Alex." Mapang-akit na sagot ni Mia habang tinanggap ang wine glass mula kay Alex.

"The two of you get along well together, I'm Patricia, and this is my sister Stephanie." Sabat nang babae sa paguusap ni Mia at Alex.

Sinalinan ni Patricia ang wine glass ni Mia habang si Stephanie naman ay inamoy ang buhok ni Mia na malapit sa leeg.

Palingon-lingon si Mia at napansin ito ni Rex.

"Hinahanap mo ba ang mapapangasawa mo? nandun sya sa guestroom naghihintay sayo." itinuro ni Rex ang pinto nang guestroom.

Nadismaya nang konti si Mia nang malamang hindi pala si Alex ang mapapangasawa nya, pero binaling nya ang kanyang atensyon sa lalakeng nanghihintay sa kanya sa guestroom. Tinungo niya ang guestroom at kumatok nang tatlong beses ngunit walang sumagot. Lumapit sina Rex kay Mia na muling kumatok sa guestroom.

Hinawakan ni Alex ang bewang ni Mia, napatingin si Mia kay Alex at muling kumindat sa kanya ang lalake, medyo kinilig si Mia sa nangyari. Si Rex na mismo ang nagbukas nang pinto sa guestroom.

Nagulat si Mia nang biglang humigpit ang kapit ni Alex at siya'y tuluyang kinarga nito sa kanyang mga braso. Namula si Mia at nagsimulang uminit ang kanyang katawan sa pinaggagawa ni Alex. Nakatitig lang siya sa mukha ni Alex habang kinakarga sya papasok nang guestroom.

"Umpisahan na natin." Excited si Alex sa kanilang gagawin.

"Umpisahan? Ngayon na? Dito? Kasama sila? Akala ko nandito ang mapapangasawa ko, anong ibig sabihin nito?" Lalong nalito si Mia sa mga nangyayari.

Hiniga siya ni Alex sa malapad na mesa at pinosas ang mga kamay at paa niya.

"Ano ba ang gagawin natin?" Muling tanong ni Mia.

"Basta magtiwala ka sakin, masarap ang gagawin namin." Sagot ni Alex.

Napapikit nalang ang mata ni Mia nang nag-umpisa na siyang hubaran ni Alex, pinagpupunit nito ang suot na gown ni Mia. Gamit ang tela mula sa pinunit na gown, piniringan ni Alex si Mia.

Narinig ni Mia ang malalalim na hininga ni Alex, samdam nya sa kanyang pisngi ang mainit na hangin sa tuwing humihinga ito. Narinig din nya sina Rex ang ang dalawang babae na pumalibot sa kanya.

"Let's get it on!!" Sigaw ni Patricia.

Nakaramdam si Mia nang matalas na bagay na humiwa sa kanyang dibdib.

"Aray..... masakit.." Napangiwi sa sakit si Mia.

Umagos ang dugo mula sa sugat niya sa dibdib at dinilaan ito nang mga nakapalibot sa kanya. Ilang sandali pa'y napasigaw ai Mia nang ang dating pagdila ay nasabayan na nang pagkagat sa balat nya. Pinilit ni Mia na makawala sa posas ngunit hindi nya ito magawa. Dawalampu't pitong minuto nanatiling buhay si Mia mula nang umpisahan siyang lapain nang mga Wakwak.

"Salamat sa pag imbita sa amin Rex, napakasarap talaga nang tao, malayong-malayo sa dugo nang hayop na nakasanayan natin. Sulit ang bayad namin sa masarap na pagkain na iyong hinanda." Wika ni Alex na noo'y nasa sasakyan na at papaalis na.

"Sa uulitin Rex ha, don't forget to invite us again. Si Patricia na nasa manibela habang si Stephanie ay nasa front passenger seat.

"Syempre iimbitahin ko uli kayo, basta guys this will be our little secret okay?" Sigaw ni Rex na kumakaway sa mga papaalis nang mga kaibigan.

Pagnakakakain si Rex nang marami, lalo na kung tao ang nakain nito, ilang araw din itong nakakatulog. Nagigising lang ito pag nagutom uli.

Dumaan ang ilang araw nagutom si Rex, nagising ito at agad na binuksan ang freezer ngunit wala na itong laman. Kailangan na naman niyang kumuha nang bihag. Naalala nyang pinangako nya pala na magpapaparty sa Debut nang kambal ngunit dumaan na ang kaarawan nang nang mga ito. Mabilis na naligo at nagbihis si Rex at bumaba na nang basement.

Nagtaka si Rex sa katahimikan na sumalubong sa kanya pagbukas niya nang pinto. Kadalasan kasi maingay ang mga babae sa loob na nagtatawanan, nagkakantahan oh di kayay nanonood nang TV.

Pagbaba nya nang hagdan na amoy nya ang dugo sa paligid. Napakunot ang noo nya at nagtaka kung ano ang nangyari. Dali-dali siyang bumaba at hinanap ang mga babae ngunit mga bakas lang nang dugo sa sahig at nagkalat sa mga gamit ang nakita nya.

"Girls!!! What happened here?! Are you guys alright?!" Sigaw nya.

Nagtungo sya sa mini pool at nakita ang pira-pirasong katawan nang mga babae na nakalutang sa pool. Napasigaw nalang siya sa galit sa sinapit nang kanyang mga bihag, ilang buwan din nyang kinalap ang mga bihag na iyon sa iba't-ibang lugar sa Pilipinas. Tatlo lang ang pwedeng makagawa nito sa mga bihag nya. Ang tatlong kapwa Wakwak na inimbitahan nya sa pagkain kay Mia. Sa isip nya'y binalikan ang mga bihag nya habang siya'y natutulog.

"Mga walang utang na loob!!! Inimbita ko na nga kayo hindi pa kayo na kontento!!! pagbabayaran nyo ang ginawa nyong to!!!" Sigaw ni Rex.

Unang tinawagan ni Rex si Alex sa telepono.

"Bwesit ka Alex!!! Ikaw ba ang kumain sa mga bihag ko?!! Hindi ka ba nakontento sa isang bihag at pinatay mo ang lahat nang bihag ko?!!"Galit na galit na wika ni Rex.

"Bro calm down, wala akong alam sa mga pinagsasabi mo. Actually kakagising ko lang kaninang umaga and I have CCTV footage to prove my claim." Mahinahong sagot ni Alex.

Tinawagan naman nito si Patricia.

"Bitch!! hindi na kayo nakontento sa isang tao na kinain natin at binalikan nyo pa ang mga bihag ko?! Do you know how much i've been through just to get those girls?!" Galit na galit na si Rex.

"Excuse me!! Wag mo kaming pagbintangan dahil wala kaming kinalaman dyan!! I just woke up an hour ago and Steph is still sleeping! How dare you call me a bitch!!" Pinatay ni Patricia ang selpon.

Sa galit ni Rex hindi nya napigilan na lumabas ang kanyang pangil at humaba ang kanyang kuko. Sinuntok nya ang pader nang sobrang lakas na sumabog at nabutas ang buong pader. Nagulat sya nang may narinig na tumatakbo mula sa kanyang likuran habang sumisigaw nang "Kas! Kas!"

"Nandito ka pa pala bwesit!!!" Sigaw ni Rex.

Naisip nyang hindi pa nakakalabas ang kumain sa mga bihag nya at ito ngayon ang tumatakbo sa kanyang likuran. Agad na humarap si Rex sa dereksyon nang tumatakbo nang magulantang siya sa nakita.

"P....panong napadpad rito ang dalawang K...Kaskas?!" Tanong nang gulat na gulat na si Rex.

Sa bilis nang pangyayari, hindi na nagawang umiwas ni Rex, nasakmal siya sa leeg nang isa sa mga Kaskas habang dinukot naman nang isa ang kanyang puso. Natumba si Rex habang nginangatngat nang dalawang Kaskas, naisip nyang ganun pala ang pakiramdam nang kinakain habang buhay pa. Bago siya nalagutan nang hininga nasambit ang dalawang pangalan.

"E...Ebo...ny, Ivo....ry...."

Ang mga Kaskas ay uri nang aswang na kilala sa Negros, malalaman mo na sila'y nasa paligid pag narinig mo ang tunog nila.

"Kas! Kas!"

Namamana lang ang pagiging Kaskas at hindi pwedeng ipasa gaya nang ibang uri nang aswang. Tanging mga babae lang ang pwede maging Kaskas. Lumalabas lamang ang pagiging Kaskas kapag nasa tamang edad na ang babae, at nanatili itong birhen.

Malas lang ni Rex na dalawa pala sa mga bihag nya ay mga Kaskas.

--WAKAS--

Chapitre suivant