webnovel

Autolycus

Autolycus' Point of View

Kadiliman.

Iyan ang una kong nakasalubong dito sa kwarto ni Aphrodite.

Pero hindi ba't ito na ang soul ko? Empty, at halos wala na.

Pumikit ako at sinubukang i-contact ang soul ko, pero nahihirapan ako. It's hard to contact an empty soul, after all.

"Melinoe," I prayed for her name. In this way, baka mas madalian ako. As she is part of my soul. I am soul bounded to her, kung kaya't nang kalimutan siya ng mundo, ay hindi ko siya malimut-limutan kailanman. The bond was too strong.

Sa halip na mapapunta ako sa soul form ko, I felt myself drifting in my dreams.

Hindi ako makapagsalita. Pakiramdam ko ay agad nang tumatakas ang mga luha sa mata ko nang makita ko siya.

Her hair was colored hazelnut, at sea green ang kaniyang mga mata. Para siyang nandito talaga sa harap ko, at gusto ko nalang na hindi na magising pa.

Sinalubong ko siya ng yakap kahit sa panaginip lang. Pinikit ko ang aking mata at pinakiramdaman nalang ang init ng aming yakap. I missed her so much.

Melinoe, daughter of Persephone and Zeus. Goddess of the ghosts and spirits. Queen of the world below. She was also one of the moon goddesses, powerful but then forgotten because of me.

Nang maging soulbounded kami, napagpasyahan naman ng mga Olympian na ipatira kami sa mortal realm at kalimutan muna panandali ang Olympian World. We were so happy with that thought, pero hindi namin alam na iyon pala ang makakasira sa'min. That is why she became forgotten. Everyone forgot about her, as if she had not existed.

Nanghina pa ako lalo nang bumulong siya, "Lycus." She carressed my back, tila kinocomfort ako.

With a pleading voice, I said, "Don't go..."

"You need to let me go, Lycus," wika niya at dahan-dahan na bumitaw sa'kin. "I cannot make you whole again, but others will. They can make you whole again, just open up, Lycus. Do not be afraid."

Umiling ako.

Hindi ako naniniwalang mabubuo nila ako, it is only Melinoe that can save me. Thus, I will forever be unsaved.

An empty soul forever.

"Alam mong hindi pa empty ang soul mo, Lycus. Please save yourself before you die due to this soulbound," sabi niya saakin na tila nagmamakaawa.

"I know, Melinoe," sabi ko at nagbuntong-hininga, "Handa akong mamatay, pero bago mangyari iyon, ipagbabayad ko muna ang Olympians, Melinoe."

Umiling siya sa'kin at hinawakan ang mukha ko, "This is not you, Lycus. Huwag mo iyang gawin. Alam mo namang ikakamatay mo yan!"

"I will die anyway, better die with glory," sabi ko at inalis ang tingin sa kaniya. Hindi ko maiwasang maisip si Melizabeth. The two of them looked alike, pero magkaibamg magkaiba ang personality nila. Magkaiba rin naman sila ng mata at buhok.

Alam ko rin naman sa sarili kong, Melizabeth is not Melinoe. I am sure of it, pero bakit kaya magkamukha sila?

"It's almost time to wake up, Lycus. Tandaan mo lang itong simasabi ko sa'yo. I don't want you to take revenge for me. I want you to live and be saved," sabi niya sa'kin at unti-unting umatras.

"I'm in the process of saving you, Lycus. I may be forgotten, but I'm still a goddess. I can work on saving you and preventing you from creating chaos," sabi niya kaya't nagtaka ako.

"I love you, and I am letting you go," iyan ang huling sinabi niya bago ako nagising.

Naramdaman ko na naman ang pagtulo ng aking mga luha. Alam kong ayaw niya, pero ito ang gusto kong gawin.

Para sa ikakatahimik ng kaluluwa ko.

Revenge for Melinoe, and the truth for Melizabeth's identity.

Thieves of Harmony

By lostmortals

Plagiarism is a crime.

Thank you for reading!

Chapitre suivant