webnovel

Daily Bread: April 23 (Part 1)

Sa panahon na nauuso ang COVID 19 nakakaramdam ka ba ng kapayapaan?

Ayon sa Daily Bread sa 2 Tesalonoca 3: 16-18 👇

16 Ngayon, ang Panginoon ng kapayapaan ang siyang magbigay sa inyo ng kapayapaan sa buong panahon at sa bawat paraan. Sumainyong lahat ang Panginoon.

17 Ako, si Pablo, ang lumagda ng pagbating ito sa pamama­gitan ng aking kamay. Ito ang siyang tanda ng bawat sulat ko. Ganito ang aking ginagawa sa bawat sulat ko.

18 Sumainyong lahat ang biyaya ng ating Panginoong Jesucristo. Siya nawa!

So ano ang meaning nito?

Ibig pong sabihin na huwag po tayong mabahala sa ating kakainin o iinumin bagkus ipagkatiwala po natin ito sa Panginoon sapagkat ayon sa nakasulat dyan sa verse sa taas~ang Panginoon ay Panginoon ng kapayapaan ang syang magbibigay sa atin ng kapayapaan sa buong panahon. Kaya wag po tayong panghihinaan ng loob ni mawalan ng pagasa pagkat ang Diyos ay di bato, di estatwa, di bingi, di bulag at di pipi. Naririnig nya at nakikita nya ang sitwasyon natin.

Sasabihin ng iba kung gayon bakit nya tayo pinababayaan sa panahon ng COVID 19?

Aaaaa, hindi po totoo yan pagsubok lang po yan ng Panginoon sa atin sabi rin po sa Bibliya na walang pagsubok ang Diyos na di natin kayang lampasan.

Chapitre suivant