webnovel

Kabanata 19

"Welcome back, Ali!" sabay sabay na bati sa akin ni Thirdy, Kiefer, Kiesha at Khalil.

"Salamat! Kamusta na kayo?"

"We're okay naman. Ikaw? Mukhang hiyang na hiyang ka sa states ah! Akala ko english speaking kana din pag-uwi parang si Xavier." ani Kiesha sabay hagikgik nito.

"Sus! Igaya mo pa si Ali kay ulupong na Xavier! almost seven years lang naman ang ginugol doon ni Ali ha, hindi isang dekada!" pabalang na sagot ni Kiefer sa kapatid nito.

"Epal ka talaga kuya, alam mo yun!" pikon na sagot ni Kiesha. Wala pa ding pinagbago ang mga ito. Kung paano ko sila makausap sa video call, ganun din sa personal.

"Si Ate Ysabelle?" tanong ko dito. napansin ko kasi na wala siya sa mga sumalubong sa akin. Ito pa naman ang pinaka excited na makita muli ako ng personal.

Hindi ako nakakuha ng sagot sa kanila, bagkus ay katahimikan at kalungkutan sa mga mata ng bunso ng generasyon namin, si Khalil.

"Ali! Handa na ang sasakyan! Tara na? O isasama mo pa ang mga gurang na iyan?" sigaw naman ni Kuya Xavier sa may tabi ng aming bahay dito sa hacienda.

"Saan ang punta niyo?" tanong ni tsismosong Kiefer.

"May pupuntahan lang..." sagot ko.

"Ah sige...pero dito naman kayo magdidinner di ba?"

"Yup....first family dinner natin ito. syempre hindi ko iyon palalagpasin."

"Sayang nga lang at wala si Ate Dawn at Ate Ysabelle..." malungkot na sagot ni Khalil. Nagsalubong naman ang kilay ko ng dahil doon. Anong ibig sabihin ni Khalil?

"Ali, Let's go. Baka abutin tayo ng gabi!" hinigit naman ako ni Kuya Xander papasok ng itim na BMW na nasa gilid na pala namin.

It's been seven years...madami ng nagbago. Mula sa daan, sa mga establisyamento na madadaanan palabas ng Cavite. Kung dati ay puro bukirin ang madadaanan patungo ng maynila ay ngayon may mga nagtatayugang building na din.

"Kuya...anong sinabi ni Khalil sa akin na wala si Dawn at Ate Ysabelle?" kuryoso kong tanong dito. Napatahimik naman si Kuya Xander sa tanong ko. Nagtinginan lamang sila ni Kuya Xavier nagdadrive at nasa shotgun seat naman ito.

Nang hindi ako nakakuha ng sagot ay prente lamang ako na nakaupo sa backseat at iniingatan ang bawat galaw ko dahil baka magising ang lalaking mahimbing na natutulog sa aking tabi.

Papunta kami ngayong tagaytay para dalawin ang puntod ng Daddy Philip ko. Sobrang tagal ko na siyang hindi nadadalaw. Ngayong nakabalik na ako ng pilipinas, ito ang unang bagay na gusto kong gawin.

Pansin ko din ang daan patungong tagaytay, hindi mo na aakalaing parte pa siya ng probinsya dahil sa mga buildings na nakatayo.

higit isang oras din ang aming biyahe bago kami nakarating sa pupuntahan namin. Kahit na sabihing iisang probinsya lang ang pinuntahan namin ay malayo pa din ito, mas malapit kasi sa Maynila ang Hacienda Alonzo, 45 minutes lamang ang biyahe kung dadaan ng cavitex at isang oras mahigit kung sa las piñas ang daan pa maynila.

Una ng bumaba ang kambal kong kapatid dahil hahanapin pa nila ang caretaker ng mga museleo ng sementeryo. Para pa din itong walang pinagbago, ganun pa din ang kulay ng mga museleo lalo na ang kay Daddy. Kung ano ito nung unang beses na binisita ko siya dito ay ganun pa din ito sa ngayon kaya't madaling hanapin.

"Pssst...wake up honey! We're here!" sabay yugyog ko dito. Nakadilat na ang mga magagandang mapupungay na mata nito.

"we're already here mommy?" tanong nito.

"Yup! Are you excited to meet your Lolo Philip, baby?" agad naman itong tumango at gusto pa akong unahang lumabas ng kotse.

"Tito Pogi, Papa Xander!" sigaw naman ng aking anak ng tuluyan siyang makalabas ng kotse.

"Be careful, Yulesis! Baka madapa ka." paalala ko dito. humagikgik na lamang ito hanggang sa makalapit siya kay Kuya Xavier na Tito Pogi niya kung tawagin.

"Ali, bukas na ang gate ng museleo ng Daddy mo. Tara na?" aya ni Kuya Xander. Hawak niya ang bulaklak at kandila pati ang lighter habang karga naman ni Kuya Xavier ang anak ko.

Nang makarating kami sa loob ng museleo ay nakita ko ang anak ko na prenteng nakatingin sa litrato ng kinagisnan kong Ama na nasa itaas ng puntod nito. Dahil karga siya ng Kuya ko ay kitang kita niya ito.

Kinuha ko ang litrato ni Daddy at nilapag ito sa ibaba kung saan katapat ang pangalan nito katabi na din ang nilagay kong mga bulaklak at nagsindi na ng kandila. Ganun din sa katabing puntod nito.

"Maiwan muna namin kayo, Ali. Diyan lang kami sa kotse." paalam ni Kuya Xander. Tumango naman ako bilang tugon. Naiwan kami ng anak ko sa tapat ng puntod ng daddy.

Pinagpagan ko ang sahig at sumalampak ako ng upo tsaka ko tinawag ang anak ko para kalungin ito.

"Yule, He is your Lolo Philip." panimula ko. prenteng nakatingin lamang ang anak ko sa litrato ng daddy ko. "Siya yung kinalakihan kong tatay nung mga panahong hindi ko pa nakikita ang Lolo Charlisle mo. He's a good father, Yule. Lahat ng mga itinuturo ko sayo, itinuro niya sakin noon." kahit ang atensyon ng anak ko ay nasa litrato ni daddy, halata naman sa kanya na nakikinig siya.

"Mommy? Pero di po ba sabi mo lolo siya ng Daddy ko?" kuryosong tanong nito.

"Oo, lolo siya ng Daddy mo. Pero siya yung nagpalaki sa akin at ang tinuring kong totoong tatay."

"Just like Papa Xander? He's my tito, pero siya yung nagiging acting Daddy ko kasi wala pa yung tunay kong Daddy?" gusto kong maiyak sa sinasabi ng anak ko. He's intelligent! Tumango na lang ako dito at niyakap ito.

"Mommy, how old are you po nung nalaman mo na si Lolo Charlisle ang totoo mong Papa?" tanong nito.

"19 years old, baby."

"So, ibig po sabihin pag 19 years old ko pa po makikilala ang Daddy ko? Bakit po ganun?" at doon na tuluyang tumulo ang mga luha ko. Mabuti na lamang at nakatalikod ang anak ko sa akin kung kaya't hindi niya ko nakikita.

"Anak, Matalino ka. Paglaki mo...maiintindihan mo din ang lahat, okay?" and I hugged him tight.

Agad namang bumaligtas ng harap sa akin ang anak ko, dahilan para punasan agad ang mga luhang tumulo sa mga mata ko.

"Mommy, gusto ko na po lumaki! Para maintindihan ko na po lahat!" anito sabay ngiti ng pagkalawak lawak. He doesn't look like me. Maybe Yuan, pero hindi lahat. Mas kamukha ito ng Papa ko. Mukhang mas malakas ang dugo ng Alonzo na nananalaytay sa dugo ng anak ko. Pero ang sabi nila, kung ngayong bata pa ito ay hindi masyadong kamukha ng tatay nito, baka paglaki nito maging kamukha ni Yuan..

"Oh! Mommy, who are they?" sabay turo ng anak ko sa likuran ko. Hindi naman ako nagdalawang isip na lingunin ito. Ngunit sa paglingon ko, ay otomatikong bumundol ang kaba sa dibdib ko.

Yuan....

Chapitre suivant