webnovel

Kabanata 8

Months has been past, pero hindi na natupad ang salitang binitawan ni Yuan sa akin na ipapasyal niya na lang ulit ako next time. Siguro ay masyado siyang busy sa trabaho at ako naman ay nagfocus na lang sa school, ilang buwan na kasi ang nakalipas bago nagsimula ang aming pasukan.

Hindi na din siya nakakadalaw kay Daddy, si Lucio, Rebecca at ibang nakakabatang pinsan ng mga ito na kasing edad ko lang ang bumibisita isang beses sa isang linggo.

Kahit nung isang araw na dinala namin sa ospital si Daddy dahil sa paninikip ng dibdib ay wala kaming nakuhang presensya niya. Naiintindihan ko naman na busy siya pero sana kinamusta niya man lang si Daddy, dahil alam ko sa lahat ng mga apo ni Daddy, si Yuan, Duke at Lucio lang ang pinaka close dito.

"Ali, eh kamusta na si Daddy mo?" si Aryesa. Nasa school pa kami, isang subject na lang ay uwian na, sabado na din bukas makakapag pahinga ako kahit papano.

"Inuwi din naman namin siya, yun kasi ang gusto ng Daddy eh. Ayaw niya sa ospital kaya binigyan lang mga gamot si daddy na dapat inumin." sagot ko.

Lumapit lalo si Aryesa sa akin bago bumulong. "Eh yung mga Hermosa? Alam ba nila na dinala ang Don Pelipe sa hospital?" tsismosa talaga!

"Oo, pinatawag ni Mama si Kuya Caloy sa mansyon. Wala namang pakialam si Donya Minerva eh." malungkot kong tugon.

-

Kinabukasan, ay nagising ako ng nandito ang mga apo ni lolo. Complete attendance! Nagtatawanan sila sa mga sinasabi ni Lucio, tinignan ko lang si Yuan na prenteng nakaupo sa sofa namin at nang mapansin niya na may nakatingin sa kanya ay sumulyap siya sa direksyon ko at tinanguan ako. Umiwas naman ako ng tingin sa kanya.

"Anak, gising ka na pala." si Daddy.

Lumapit ako kay daddy para yakapin siya at batiin ng magandang umaga. "Nagbreakfast na po ba kayo daddy?" tanong ko dito. Tumango naman siya bilang tugon. Pero kitang kita ang tamlay ng kanyang mata at pakumutla ng kanyang kulay.

"Mahal na mahal ka ng daddy, Ali." random na sagot ni daddy, na siyang kinatahimik ng lahat. Silang lahat ngayon ay nakatingin sa gawi namin ni Daddy.

"Mahal na mahal ko din po kayo daddy." sagot ko sabay ngiti dito. Kita ko ang pagkislap at pagtutubig ng mga mata ng Daddy ko. "Uminom ka na po ba ng gamot?" pag-iiba ko ng tanong.

"Ali, painumin mo na ng gamot ang Daddy mo. Ayaw uminom ng gamot kapag hindi ikaw ang magpapainom." si mama. Galing marahil sa palengke dahil sa basket nitong dala na puno ng gulay.

"Daddy naman, di pa kayo nainom? Anong oras na oh. Sandali po, kukunin ko ang gamot ninyo." patayo na sana ako ng hawakan ni Daddy ang braso ko. Napatigil ako doon. Bagamat nanghihina ang Daddy, ay nakayanan pa din niya akong abutin at hawakan ang aking braso.

"Hindi na umeepekto ang gamot sa akin, ramdam ko iyon." lahat na kami ay nakatingin kay Daddy.

"Wag mo sabihin yan Daddy. Sandali po iku-" hindi pa tapos ang sasabihin ko ng magsalita ulit si Daddy. Kahit na mahina ang boses nito ay rinig pa din dahil sa katahimikan.

"Yuan, apo. Halika dito sa tabi ko." nakapikit na ang mata nito at nakasandig na ang likod sa single couch. Agad namang lumapit si Yuan dito.

Nag-usap silang dalawa ni Yuan, walang ibang nakakarinig ng usapan nila dahil inutos ni Daddy na wag makinig sa usapan nila.

Ako naman ay di maiwasan ang mapatulo ang luha mula sa mga mata ko. Hindi ko nagustuhan ang sinabi ni Daddy. Nagtungo ako sa kusina para ikuha ng isang baso ng tubig at ibigay kay Daddy para makainom na ng gamot.

Bago ako lumabas ng kusina ay pinunasan ko ang mga mata ko bago tumuloy sa direksyon nila.

"Eto po ang tubig Daddy, kukunin ko lang po ang ga--" pinutol muli ako nito.

"Ali, anak. Wag na.." malungkot nitong tugon, si Yuan ay nakatingin lang sakin ng diretso at walang emosyon ang mga mata. "Napapagod na din ako anak. Ang gusto ko lang ngayon ay maging maayos kayo ng Mama mo kahit mawala ako." at doon ay tuluyan na ngang tumulo ang mga luha ko sa harapan nila.

"Mas magiging maayos po kami kung makikita ko po kayong malakas, Daddy." inabot ko ang tubig kay Yuan na siyang tinanggap naman nito. "Kukunin ko lang po ang gamot niyo." nag diretso ako sa istante malapit sa kwarto nila Mama at Daddy kung saan doon nakalagay ang mga gamot. Nang akmang kukunin ko ang gamot ay hinawakan ni Mama ang kabilang kamay ko.

"Hayaan mo na ang Daddy mo anak." mahinang bulong ni mama.

"Ma, hindi! Hindi ko kaya." sagot ko dito. Ang mga luha ko ay ayaw tumigil sa pag-alpas sa mga mata ko.

"Anak, napapagod na ang Daddy mo. Ikaw na lang ang inaalala niya. Hindi ka niya magawang iwan dahil alam niya na hindi mo kaya." bulong ulit nito.

"Yun naman po pala Mama eh, alam ni Daddy na hindi ko kaya. So kailangan niya lumaban." naninindigan kong sagot dito.

"Agatha, kaya mo bang makitang naghihirap sa sakit ang Daddy mo?" nakatingin ako kay Mama. Umiiyak na din ito. Nilagpasan ko si Mama at nagtungo na kay Daddy.

"Eto na po ang gamot mo, Daddy." lumuhod ako sa harap nito, kinuha ko ang isang basong tubig na pinahawak ko kay Yuan at pinahawak ko yun kay Daddy kahit na alam kong nahihirapan siya bago inabot ang gamot dito. Pero bago ko pa maisubo ang gamot dito ay nabitawan na nito ang tubig at nanginginig na hinawakan ni Daddy ang pisngi ko. Kita ko ang panunubig ng mata niya na nakapikit na pilit niya lamang na ibukas.

"Pata--warin mo ang Da--ddy A-li..." malungkot na sabi nito. Hindi ko alintana ang pagkabasa ko ng tubig dahil sa pagkatapon nito. Tumabi sakin sa lapag si Yuan at inalo ako.

"Mahal na Ma-hal ka-a ng daddy a-nak." dagdag nito, lalo akong napaiyak dahil dito.

"Lolo, Hindi ko papabayaan si Agatha, I promise..." ani Yuan na siyang kinangiti ni Daddy.

"Daddy..." nanghihinang nakatingin ito sakin "Napapagod na po ba kayo?" nginitian lang ako nito bilang sagot. Hinawakan ko ang kamay ni Daddy na nakahawak sa mga pisngi ko. "Your the best dad. Hindi kita makakalimutan. I..love you-u Daddy. Mahal ka namin ni Mama. Gusto ko lang sabihin, Daddy na hindi kami napagod na alagaan ka. Pahinga ka na, Daddy. I love you." nginitian lang ako ni Daddy at tuluyan ng pumikit kasabay non ay pagkawala ng lakas ng kanyang mga kamay na hawak ko. Napahagulgol ako lalo dahil doon. Ganoon din ang mga apo ni daddy na umiiyak na, maging si Mama na nakatulala sakin habang tuloy-tuloy ang paglabas ng luha sa mga mata nito.

"It's fine Agatha. I'm here." napatingin lang ako kay Yuan sa mga sinabi niya. Tinanggal niya ang kamay ni Daddy na mahigpit kong hawak at hinawakan niya ang mga kamay ko. "Hush, baby. It's alright." at doon tuluyan na akong sumuko. Niyakap ko na lalo ng mahigpit si Yuan, at doon humagulgol sa leeg niya.

Chapitre suivant