webnovel

Kabanata 3

"Ang kakapal ng mukha niyo! Mga hampas lupa!" sigaw ni Donya Minerva sabay sampal sa Mama ko. Agad naman pinigilan ng mga bodyguard ni Daddy si Donya Minerva.

"Ang kapal ng mukha niyong pumunta dito! Ikaw na kirida ka! Akala mo ba may makukuha kayo sa pamilyang ito? Ha! Hindi namin hahayaan iyon!" sigaw naman Margarita, isa sa limang anak ni daddy kay Donya Minerva.

"Excuse me po. Bawal po mageskandalo dito sa loob ng ospital mga misis." ani ng isang nurse.

"Lumayas kana ditong malandi ka! Sisiguraduhin kong wala kang makukuhang kahit na ano kay Pelipe! Kayo ng bastarda mo!" galit na galit si Donya Minerva.

"Sino po ang pamilya ng pasyente?" biglang sulpot ng doctor. Inaalo ko si mama habang nakikinig sa sinasabi ng doctor. Inatake daw sa puso si Daddy, pero buti na lang daw at nadala agad sa ospital kaya naging maayos ito kahit papano.

"Nasa private room 405 na ho ngayon ang pasyente, pwede na po kayong pumasok pero hindi ho kayo pwede mag-away sa harapan ng pasyente dahil nagpapahinga ito. Malaki din ang tyansa na atakihin ulit siya kung ma-triggered ang emotions niya so please ibigay natin ang best para sa ikakabuti ni Don Pelipe. Excuse me." sabay alis ng doctor.

Nasa room 405 ang daddy! Kailangan namin siyang makita. Itinayo ko si mama sa pagkakaupo para makapunta na kami kung saang kwarto nagpapahinga ang daddy ng may biglang humila ng buhok ko.

"Saan kayo pupunta ha!!!?" pakiramdam ko hihiwalay ang anit ko sa buhok ko sa pagkakahila nito!

"Bitawan mo ang anak ko!" sabay tulak ni mama kay Margarita. Umawat naman agad ang mga nurse sa ospital at bodyguards ng pamilya nila! Pero hindi mawawala ang masasamang tingin ng pamilya nila. Hanggang sa umalis sila para magpunta sa silid ni daddy.

Alas diyes imedya na ng gabi ngunit nandito pa din kami sa labas ng kwarto ni Daddy sa ospital, ang mga bodyguard ng pamilya nila maging si Mang Caloy ay nasa may pinto sa labas ng kwarto ni daddy nagbabantay. Humingi ng pasensya si Mang Caloy sa amin, dahil wala siyang magawa para makita ko ang daddy.

Nagulat ako ng may mga kasing edad ko ang nagmamadaling pumunta sa kwarto ni daddy. Ang mga apo ni daddy! Papasok na sana sila ng makita nila kami ni Mama, ang dalawang babae na siguro'y kasing edad ko lang o di kaya'y mas bata sakin ay masama ang tingin samin ni Mama.

Bago pa man kami pagsalitaan ng babae ay biglang nagsalita si Yuan! Hindi ko napansin ang presensya niya kanina, maaaring kakarating niya lang din kasama si Duke na pinsan din nito.

"Pumasok na kayo sa loob Rebecca." utos ni Yuan sa dalawang babae. Pumasok naman agad sila sa loob. Naiwan lang siya at si Duke na mariing nakatingin sa akin.

"Bakit hindi pa kayo nauwi?" tanong nito.

Magsasalita na sana si Mama pero inunahan ko ito.

"Kapag umuwi kami, hindi lang din kami mapapalagay sa kung ano ang kalagayan ni Daddy." sagot ko habang nakatungo. Dahil hindi ako makatingin ng diretso kay Yuan.

"Gusto niyong pumasok?" tanong ni Yuan.

"Talaga?" napatunghay ako bigla. Nagliwanag ang mga mata ko! Pero nakita ko na nagtagis ang bagang ni Duke, hindi yata nagustuhan ang idea nito na pumasok kami sa loob.

"Hindi muna siguro hijo, hindi ko gustong magalit nanaman ang Lola mo." sagot ni Mama. Gusto ko sanang magreklamo sa sinabi ni Mama pero may punto siya. Bumagsak ulit ang mga balikat ko sa lungkot.

Ang malas naman ng 18th birthday ko.

"hindi po, ako ang bahala. Tara?" pag yayaya ni Yuan! Napatingin ako kay Mama na nagdadalawang isip kung sasama kay Yuan.

"Mama please? Gusto ko po talagang makita si Daddy." pagsusumamo ko. Sa huli ay pumayag na din si Mama.

Kasabay namin ni Yuan pumasok si Mama at si Duke. Pagpasok palang namin ay sigaw na ni Donya Minerva ang narinig namin.

"Yuan! Anong pumasok sa utak mo para papasukin ang kirida at ang bastarda na yan!" akmang susugurin ni Donya Minerva at ni Margarita kami ni Mama pero agad silang na pinigilan ni Yuan.

"Hindi makakabuti kay lolo kung mag aaway kayo sa harapan niya. Please Lola. Trust me on this one." eto na yata ang pinaka mahabang sinabi ni yuan na narinig ko.

"Trust you apo?! I trust you, pero yang bastarda at kabit na yan? Hindi! Yngrid, Antonio! Ano ba ang pumapasok sa ulo nitong anak niyo ha? Ano hahayaan niyo na lang na kumampi itong anak niyo sa kabit na ito ha? Sa bastarda na ito? Nabilog na ba nila ano ulo mo apo?! Eh hindi nga natin alam kung anak ba talaga ito ni Pelipe!" paglilitanya ng Donya. "Ano? Anak ka ba talaga ni Pelipe?! Bastarda ka ba talaga ni Pelipe?! Kasi kung anak ka niya, ipapakilala ka niya sa ibang tao. Kung anak ka talaga niya i----" pinutol ko ang pagsasalita ni Donya Minerva, nakakabastos at nakakawala man ng respeto pero kailangan kong gawin.

"Hindi niya po ako tunay na anak." nagulat silang lahat sa pagsasalita ko, maging si Yuan ay mariin ng nakatingin sakin, halata ang gulat sa kanyang mukha. Si Mama naman ay lumuwag ang pagkakakapit sa akin. "Iyon po ang gusto niyong malaman hindi po ba? Hindi niya ako kadugo, pero hindi po ganun ang turing sakin ng Daddy. Tinuring niya po akong totoong anak. Pinakita niya sakin kung paano magkaroon ng isang ama na alam ko po na hindi ko makukuha sa totoo kong tatay." kahit pahidan ko ang mga luha sa mata ko ay patuloy pa din ito sa pagtulo.

"Donya Minerva, tinuring niya po akong tunay niyang anak at tinuring ko rin siyang tunay na ama. Masama po bang maghangad na makasama ko yung kinalakihan kong tatay? Gusto ko lang naman na ipakita sa kanya yung pagmamahal namin sa kanya, gusto namin siyang alagaan, gusto ko siyang alagaan, gusto kong suklian yung mga kabutihan na binigay niya sakin, gusto kong ipakita sa kanya yung mga bagay na tinuro niya sakin. Gusto ko pong malaman niya na kahit di niya ako tunay na anak, naramdaman ko magkaroon ng tunay na tatay dahil nandyan siya." hindi ko na mapigilan ang paghagulgol ko.

"Ali, anak." napatingin ako sa direksyon kung saan galing ang boses na iyon, gising na si Daddy!

"Daddy!" sigaw ko sabay tungo sa direksyon kung nasaan siya. Nasa gilid ako ng kama na pinaghihigaan ni Daddy.

"Ali, anak ko. Paano mo nalaman?" mahinang tanong ni Daddy. Dahil narinig ko kayong nag-uusap noon ni mama...guatong gusto kong sabihin pero hindi ko masabi.

"Hindi na po mahalaga yun, ang importante po ay gising na kayo. Pinag-alala mo kami Daddy. Birthday ko pa naman Tapos..." hindi na natuloy ang sasabihin ko.

"Pasensya na anak ko, hindi gusto ni Daddy na umiyak ka sa kaarawan mo." ngumiti si Daddy.

"Okay lang po, ang mahalaga ay maayos na po kayo. Natatakot ako Daddy. Natatakot ako." tumungo ako para mayakap ang kamay ni Daddy kahit na may swero na nakalagay dito.

"Bakit ka naman matatakot? Maayos na ako anak ko." sabay ngiti ni Daddy.

-

Makalipas ang ilang araw ay nasa ospital pa din ang Daddy, Sabi ng doctor makakabuti daw iyon kung magpapahinga ng ilan pang araw si Daddy sa ospital, pagkatapos ng tagpong iyon, hindi na bumalik si Donya Minerva at ang mga anak nito sa ospital. Si Yuan at Duke na lamang ang madalas na dumadalaw kay Daddy.

Mas naging malinaw sa akin kung bakit mas madalas si daddy sa amin, iyon ay dahil sa walang pakialam ang tunay na asawa nito sa kanya. Marahil tama nga ang mga naririnig kong balita sa iba, na pinakasalan lang noon ni Donya Minerva si Daddy dahil sa yaman nito

"Doon muna ako kila Alicia maglalagi. Doon muna ako sa kanila ng anak ko." sambit ni Daddy.

"Anong sinasabi mo Papa! Mas gugustuhin mong tumira sa maliit at panget na bahay na iyon? Hindi ako makapaniwala sa iyo papa!" galit na untag ni Margarita, ang bunsong anak ni Daddy.

"Margarita ang maliit at panget na bahay na sinasabi mo ay isang simple at masayang bahay sa katotohanan. Marahil ay maliit nga iyon ngunit ang mga nakatira doon ay puro maalaga at mapag-aruga. Sigurado akong hindi ako papabayaan ni Alicia at Ali. Hindi ba?" nginitian lang siya ni Mama at ganun din ako.

Mas gugustuhin ko talaga na sa bahay na lang namin si Daddy para maalagaan namin siya ni Mama.

"Papa! May nurse na mag-aalaga sayo sa bahay. Magha-hire pa kami ng madami para maalagaan ka kung iyon ang gusto mo." ani Antonio ang ama ni Yuan.

"Mapapadali ang buhay ko kung ang mga nurse ang mag-aalaga sa akin Antonio! Hindi niyo naman ako kayang alagaan Hindi ba? Kaya bakit hindi na lang ako kila Alicia! Sila ay handa akong alagaan kahit na walang anumang kapalit. Mana lang naman ang kailangan niyo hindi ba? Ang mana niyo, at ang mana para sa mga anak niyo. Wag kayong mag-alala dahil makukuha niyo ng buong-buo ang pinangako ko sa inyong lahat! Kaya pwede ba, hayaan niyo na ako na tumira kila Alicia at Ali! Para naman kahit sa konting panahon na mabubuhay ako sa mundong ito, maramdaman ko yung maging importante at alagaan ng mga taong handa akong alagaan." napaiyak ako sa sinabi ni daddy. Kasi totoo naman, kaya mas gusto ni Daddy na sa amin kasi nararamdaman niya na importante siya, wala daw kasing pakialam ang mga anak at apo niya sa mansyon nila. Tanging si Yuan, Duke at dalawa pang apo nito lamang daw ang madalas niyang makausap kapag siya ay nasa mansyon.

Kaya naman nung araw na din na iyon, sa bahay na namin umuwi si Daddy. Sa bahay na titira si Daddy.

Chapitre suivant