webnovel

Chapter 27

AGAD akong napatingin sa phone ko nang mag-ring ito. Napangiti ako dahil kay Lorenzo nanggaling ang message. Ang sabi sa message niya ay namimiss niya na ako agad kahit na kakaalis niya pa lang sa bahay. Natatawang nagreply ako sa kanya.

Naisip ko na hindi muna umuwi dahil may mga gamit ako sa kwarto na gusto kong dalhin. Pumayag naman si Lorenzo at sinabing susunduin ako mamaya after his work. Ilalapag ko na sana ang phone ko nang mag-ring ulit ito. Excited na binuksan ko ito pero napatigil ako nang mabasa ang message.

Sender: Unregistered Number

Kara, can we talk? It's me Cristine.

Nakagat ko ang aking labi at nag-isip. Hindi ko alam kung handa na ba akong harapin si Cristine. Oo, nagalit ako sa ginawa niya pero in the first place alam kong ako ang dahilan kung bakit sila nagkahiwalay kahit na hindi namin expected ang mga nangyari.

Hindi ko alam ang gagawin.

Sasabihin ko ba ito kay Lorenzo? Nangako kami sa isa't-isa na magiging honest.

Hindi ako nag-reply sa message ni Cristine. Hindi pa ako handang harapin siya. Natatakot ako sa magiging kalabasan ng pagkikita naming dalawa.

Narinig ko ang pagkatok sa pintuan ko pagkatapos ay sumilip ang nakangiting mukha ni Maricar.

Nanlaki ang mata ko sa tuwa.

"Maricar!" Lumapit ako sa kanya at masayang niyakap ito.

"Anong ginagawa mo dito?" Pumasok kami sa loob ng kwarto at umupo sa kama.

"Wala lang. Bumisita lang ako kay Tita and then bigla niyang nabanggit na nandito ka raw," napatigil siya nang may mapagtanto. " Teka, bakit ka nga pala nandito? Wala kang pasok sa company nyo?"

Umiling ako. "Nagleave kasi ako ng ilang araw."

Mabuti na lang ay pumunta rito si Maricar. I can ask for her opinion about my meet up with Cristine.

"Actually, ilang araw na akong nandito. Nagkaroon kasi kami ng misunderstanding ni Lorenzo."

"What? Bakit anong nangyari?" Seryosong tanong niya. Bigla akong nag-alangan na ikwento ito kay Maricar, baka bigla na lamang ito sumugod kay Lorenzo at Cristine. Minsan pa naman hindi ito makapagpigil.

"First is bumalik na si Cristine."

Nagtatakang mas lumapit siya sa'kin. "You mean.. 'yung babaeng unang minahal ni Lorenzo?"

Tumango ako kaya napatakip sa bibig si Maricar.

"O anong nangyari? Iniwan ka ba ni Lorenzo? Aba'y baka kalbuhin ko 'yang asawa mo, Kara!"

"No.. No. Hindi naman gano'n ang nangyari." Bumuga ako ng hangin.

"Eh ano?" Naguguluhang tanong niya.

"Nakita ko silang magkausap sa isang restaurant. Hinintay kong sabihan sa'kin ni Lorenzo ang tungkol sa pag-uusap nilang dalawa pero wala siyang sinabi." Lumukot ang mukha niya.

"I didn't tell him about do'n sa restaurant and the next day.." Tumingin ako kay Maricar na hinihintay ang karugtong ng sasabihin ko. I don't know if tama ba na sabihin ko ito sa kanya. Siguradong hindi ito magdadalawang isip na puntahan si Lorenzo. Pero sa huli ay sinabi ko pa rin.

"I saw them kissing."

"WHAT?!" Gulat na tanong niya. Akmang tatayo na ito ng pigilan ko ito.

"How dare him! Nasa'n siya ngayon? Kaya ba nandito ka? Humanda sa'kin ang lalaking 'yon!" Kung isa kaming cartoon character ay makikita ko ang usok na lumalabas sa ilong nito sa sobrang inis.

"Wait! Okay na kami nagkaayos na kami." Lalong umusok ang ilong nito.

"Okay na kayo? 'Yun na 'yon? Matapos niyang halikan ang babaeng iyon!"

Naiintindahan ko ang pinupunto niya. I know masyado itong OA. But I really appreciate her concern. I'm so lucky to have her as my girl best friend but she really needs to learn how to listen first.

"Yes, ipinaliwanag niya sa'kin na pumunta ito sa office niya para makipag-usap. Pinagbigyan niya ito dahil gusto niya rin na magkaroon na sila ng closure at para magkalinawan." Kumalma ito at bumalik sa pag-upo sa kama.

"So.. he choose you?"

Nakagat ko ang labi at nakangiting tumango. Tuluyan na niyang nakalimutan ang mga sinabi ko kanina. Tuwang-tuwang pinaghahampas ako ni Maricar sa kilig.

"Ikaw na mahaba ang hair! Gupitin ko 'yan eh." Napahalakhak ako sa kanya.

"Bitter ka 'te!" Inirapan niya ako pagkatapos ay natawa na rin.

"Maayos naman pala kayo ni Lorenzo, pero bakit parang worried ka pa rin?"

Bumuntong hininga ako bago sinabi ang dahilan ko.

"I received a message from Cristine. She wants to talk to me. I don't know kung anong dapat kong gawin." Pag-amin ko. That's what really bothering me. Mabait si Cristine no'ng una ko siyang makilala pero nababago ng galit ang ugali ng isang tao.

"Okay.. You're scared dahil baka hindi maging maganda ang outcome ng pag-uusap niyo."

Tumango ako.

"You know what Kara? Sa tingin ko mas magandang makapag-usap kayo. Face your fears. Talk to her. Atleast listen to whatever she's saying. Maliit lang ang mundo sooner or later, magkikita at magkikita pa rin kayo. So why not do it now? Anuman ang maging kalabasan atleast pumunta ka at pinaglaban mo ang sa tingin mong tama para sa inyo ni Lorenzo."

Hinawakan niya ang kamay ko at bahagya itong pinisil.

"It's your turn para ipaglaban si Lorenzo, ipinaglaban ka niya. Ipinaglaban niya ang pagmamahalan nyo. He chose you."

Tama siya. I have to be brave. I really have to face her. So I texted her.

* * *

"Are you really sure you're okay to meet her?" Tanong ni Lorenzo.

"Yes. Don't worry we'll just talk." Lumapit ako and touch his face. Nakakunot na naman ang mukha nito dahil nag-aalala siya na baka hindi maging maganda ang pag-uusap namin. In the end, hindi ko rin matiis na hindi sabihin sa kanya ang pagkikita namin ni Cristine. Mabilis na hinalikan ko sa labi si Lorenzo.

"I'll be back." Akmang bubuksan ko na ang sasakyan nang hilahin ako nito para yakapin. Nabigla ako sa ginawa niya pero agad ko rin siyang niyakap.

"Mahal ko mamaya ka na maglambing. Babalik rin ako agad." Napangiti ako nang maramdaman ko ang pagtango nito.

Binuksan ko ang pinto ng sasakyan at lumabas na rito. Nasa harap kami ng isang coffee shop. Ito ang napagkasunduan namin na meeting place namin ni Cristine. Pumasok ako sa loob. Inilibot ko ang paningin at natigil ito sa pamilyar na babaeng nakapwesto sa bandang dulo, kung saan walang masyadong tao.

Humigpit ang kapit ko sa shoulder bag na dala ko.

Nakarating ako sa harap niya pero hindi niya ako napansin. Nakakatitig lang ito sa katabing bintana at parang may malalim na iniisip. Tumikhim ako. Lumingon siya sa'kin.

"You came.."

Umupo ako sa bakanteng upuan sa harap niya. Tinawag namin ang Waiter para umorder. Hindi ko alam kung bakit pa kami nag-order kung siguradong hindi rin namin ito magagalaw. Hinintay kong matapos ang waiter sa paglapag ng mga inorder namin. Nang matapos ito ay walang nagsalita sa'min.

Ngayong mas nakita ko siya ng malapitan, masasabi kong mas lalo siyang gumanda. Kaya naman hindi na nakapagtataka na nagkagusto sa kanya si Lorenzo.

"Kailan pa?" Napalingon ako nang magsalita siya.

"What?"

Tumingin siya sa'kin. "Kailan ka pa may feelings sa kanya?"

Ang tinutukoy niya ay si Lorenzo.

"Magmula pa noong bata pa kami." Nakita ko ang bahagyang pagkunot ng noo niya.

"Matagal na pala pero hindi ka man lang umamin sa kanya." Bahagya itong natawa pero alam kong isa lang itong pagpapanggap dahil nakikita ko sa mga mata ang sakit na nararamdaman niya.

"I felt betrayed, dahil ikaw ang una kong sinabihan tungkol sa nararamdaman ko para sa kanya. I even consider you as my close f-friend." Gumaralgal na ang boses niya. Nakita ko ang mabilis na pagpahid niya ng luha. Hindi ko magawang makapagsalita dahil alam kong lahat ng sinabi niya ay totoo. Taimtim akong nakinig sa mga hinaing niya.

"Nang malaman ko ang tungkol sa kasal n'yo ni Lorenzo. Nasaktan ako. Ako dapat ang nasa posisyon mo ngayon dahil ako ang mahal niya at hindi ikaw." Tuluyan ng tumulo ang luha ko. Napalunok ako at umiwas ng tingin.

"Kung talagang mahal mo siya.. Hindi mo dapat siya iniwan." Matigas kong sabi.

"Mahal ka niya. Pinaglaban niya ang nararamdaman niya para sa'yo pero iniwan mo siya sa ere. Umalis ka habang siya ay halos mabaliw na sa kakaisip kung babalik ka pa ba." Lumabas ang panibagong luha mula sa mga mata niya.

"Umalis ako dahil nasasaktan ako!"

"Sa tingin mo ba siya hindi?" Naiinis ako dahil naalala ko na naman ang mga panahon na halos gabi-gabing umiiyak si Lorenzo dahil sa pag-alis niya.

"Mahal na mahal ka niya Cristine pero hindi mo man lang siya hinayaan magpaliwanag. Hindi mo siya pinakinggan!"

Ilang sigundo kaming natahimik. Mabuti na lang at malayo kami sa ibang customer dahil pareha na kaming luhaan dito.

"What if I ask you.. to give him back to me?" Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Galit akong napatingin sa kanya.

"Hindi isang laruan ang feelings ng isang tao Cristine. Na kapag iniwan mo ay pwede mong balikan," huminga ako ng malalim. "At hindi ako magdedecide sa kung sino ang pipiliin niya. Mahal ko siya pero hahayaan ko siya kung saan siya mas sasaya kahit pa hindi ako ang piliin niya."

Tumango siya na parang naintindihan niya ang ibig kong sabihin.

"Now I know na nasa mabuting kamay si Lorenzo." Nagtaka ako ng ngumiti ito.

"Wala akong balak kunin si Lorenzo. I just want to know if you really love him."

Naguguluhang napatitig ako sa kanya.

"I love him but I don't want to force myself in him especially when he is no longer in love with me."

Lumapit ito at hinawakan ang kamay ko na nasa table. "I'm sorry for what I did when I was in his office. I just want to confirm his feelings for me and I can see na hindi na kami katulad ng dati."

"So, wala kang balak ipaglaban si Lorenzo para magkabalikan kayo?" Tanong ko. I just want to make sure.

"If he's still in love with me, I planned to take him back pero sa nakikita ko mukhang malabo na dahil nakikita kong mahal na mahal ka ni Lorenzo."

"So you better take care of him, dahil kapag nalaman kong iniwan mo siya. Ako ang unang-unang lalapit sa kanya." Natawa ako sa sinabi niya. Napahinga ako ng maluwag. Hindi ito ang expected kong mangyari dahil akala ko magkakapisikalan pa kami kagaya ng mga napapanood ko sa mga drama. But I know deep inside of my heart, Cristine is not that kind of girl.

"Of course! You don't have to remind me because that's what I intend to do for the rest of our lives, to make him happy."

Ngumiti ito kahit na bakas pa rin sa mga mata nito ang lungkot. "I'm leaving, Kara. I am going back to States."

Natigilan ako.

"Why?" Kahit na hindi naging maganda ang nangyari, hindi ko naman gustong umalis siya. No'ng una oo, siguro dahil sa galit at selos pero alam kong hindi 'yon magtatagal sa puso ko.

"One of the reasons why I came back is for Lorenzo but aside of it is to take all my things here. I'm moving to States for real."

"At para na rin makamove-on." Napayuko ako dahil alam ko na isa ako sa dahilan kung bakit naisip niyang magpakalayong muli.

"You don't have to feel sorry. Malay mo nasa States pala ang 'The One' ko." Ngumiti ito at hinawakang muli ang kamay ko.

"I'm sorry." Umiling ito.

"Don't be. Just be happy, make him happy." Pinigilan ko ang nagbabadyang pagtulo ng luha ko at tumango sa kanya. She's so genuine, I hope she'll find someone who will truely love her and make her happy, again.

Natapos ang pag-uusap namin at nagpaalam ito na aalis na dahil mag-iimpake pa raw siya ng mga gamit niya. I hug her for the last time. Kung hindi kami nagmahal sa iisang lalaki, siguradong naging mag-best friend kami.

Nagpaalam rin ito kay Lorenzo. This time, hindi na ako nakaramdam ng kahit anong pagseselos ng yakapin siya ni Lorenzo. I know in some point, he really loved her and she will remain in his heart no matter what.

Nakangiting kinawayan namin si Cristine hanggang sa pumasok na ito sa sasakyan at makaalis.

"Let's go?" Tanong ni Lorenzo.

Pinagmasdan ko ang kamay niya na nakalahad sa harapan ko. Umakyat ang tingin ko sa mukha niya. Nakangiti ito.

Cristine really cares for him that's why she chose his happiness instead of being with him. And I won't waste her sacrifice.

Masayang tinanggap ko ang kamay nito.

"Let's go."

Chapitre suivant