webnovel

Chapter 4

NAGISING ako sa ingay na nanggagaling sa baba. Rinig na rinig ko ang halakhak ng kanyang ina. May bisita ba kami?

Pagkatapos maligo at mag-ayos ay bumaba na ako. Nasa hagdan pa lang ako ay napansin ko na agad ang mga tao sa baba.

"Oh anak! come here, I will introduce you to my friend."

Lumapit ako sa mga ito. May kasamang babae ang kanyang ina na hindi nalalayo sa edad nito. Nakaupo ito sa pang-isahang sofa.

"Kara I want you to meet my dearest friend, Micaela Buenavista. Mica this is my only daughter, Kara."

Ngumiti ako sa babae at nakipag beso-beso. "Nice to meet you po, tita."

"Me too, iha. Gina, you have a beautiful daughter. I wish i have a daughter like you iha."

Ngumiti ako sa ginang. She's so humble.

"Thank you po."

Humarap ako kay Mama. "Ma, i'll go ahead na. Nice to meet you po ulit Tita Micaela."

Pupunta ako ngayon Restobar. Makikigulo ako roon at magkukuwento na rin ng happenings sa buhay ko. Iinisin ko muna si Maricar bago magkwento.

Natawa ako sa naisip, siguradong palalayasin ako agad nito.

"Anong nakakatawa?"

"Ay! palaka!... Sus! maryosep!.. Lorenzo bakit ka nanggugulat?" Napahawak ako sa aking dibdib. Mukhang magkakasakit pa ata ako sa puso dahil dito.

"Kanina pa ako nakasunod sayo, hindi mo man lang ako naramdaman?.. Saka sino 'tong ugok na ito?" Kinuha nito ang phone sa bulsa ng pantalon at pinakita sa'kin ang isa sa mga post ko.

Ipinakita nito sa'kin ang post ko kagabi. Picture namin iyon ni Josh habang kumakain ng Ice cream na in-order nito with caption 'Thanks, I had fun.'

"Ah.. 'yan ba? Kahapon kasi nagstroll ako then may nakita akong bagong bukas na Restaurant. Hindi sana ako kakain kasi andaming tao. Pinipilahan siya pero pinasingit ako sa pila ng isang babae." Naalala ko nag-exchange pa kami ng number.

"Alam mo ba she's a mother of a two na, pero she looks so young pa rin." Kinuha ko ang phone ni Lorenzo at in-scroll down para makita nito ang picture nila ni Diana. Tiningnan ito ni Lorenzo.

"'Yung isa naman na kasama ko ay si Josh. Anak pala siya ng owner ng restaurant. Wala na kasing bakanteng table so i let him share with me." Diskumpyado ako nitong tiningnan.

"Ang saya-saya mo ah." Natutunugan ko ang pagka-sarkastiko nito.

Napakunot naman ang noo ko dito. "Well, I'm really happy naman talaga kahapon 'cause i gain new friends." Napakapit pa ako sa braso nito sa tuwa. Saka ko naalala, bakit nga ba ito nandito.

"Bakit ka nga pala nandito? wala ka bang gagawin?"

"Bakit? dahil ba may bago ka ng kaibigan kaya hindi mo na ako gustong kasama?" Pagsusungit nito.

Nakagat ko ang labi sa pagpipigil ng kilig.

"Why you're so masungit? Of course not, you are my only best friend." And my only love.

Inirapan lang siya nito. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na nagseselos ito. Pero agad ko itong iwinaksi sa isipan. Ayoko ng umasa, I will enjoy this moment.

Nilapitan ko ito at ipinalibot sa leeg nito ang aking braso kahit na nahihirapan akong abutin ito. "Wag ka na magtampo, Lorenzo please," nagpa-cute pa ako dito. Alam kong hindi ako matitiis nito. Lumingon ito sakin pero agad din umiwas.

"Please.. Lorenzo." Pinag-igihan ko pa ang pagpapacute dito.

"Oo na..oo na. Ginamitan mo na ako niyan." Niluwagan ko na ang pagkakakapit dito pero nagulat na lamang ako ng ang mga braso nito ay pumulupot sa bewang ko.

Inilapit nito ang mukha sakin. "In one condition.." Alam kong unti-unti ng namumula ang aking mukha. Naramdaman ko ang pagsayad ng labi nito sa aking tenga. Halos pigilan ko ang aking paghinga ng marinig ko ang sinabi nito. "Kiss mo muna ako." Ilang sandali akong natulala.

Napagtanto kong nagbibiro lamang ito ng humagalpak ito ng tawa. Ang kaninang kilig na nararamdaman ko ay napalitan ng inis.

Agad ko itong hinampas. "Bwiset ka! pinagtitripan mo na naman ako." At ang lalaki ay tinakbuhan lang siya.

"Hoy! bumalik ka dito." Hindi pa rin matigil ang pagtawa nito.

"Your reaction was priceless. Sana pala nakunan ko ng picture."

Tumakbo ako papunta rito pero tumakbo rin ito palayo sa kanya.

"Ang sama mo Lorenzo!"

Tinawanan lang ako nito habang patuloy ko pa rin itong hinahabol.

Ang sama mo Lorenzo, pinaasa mo na naman ako.

"ANO ba specialty nila? 'yun na lang ang oorderin ko."

Matapos ang nakakapagod nilang habulan ay dumeretso kami dito sa Restaurant na pagmamayari ng pamilya nila Josh ang JJ Cuisines. Ang kaninang balak kong pagpunta kay Maricar ay napurnada na.

"Ikaw ba? anong gusto mo?" Tanong nito habang nagtitingin tingin sa Menu nito.

Tinatanong pa ba yan? syempre ikaw!

As if naman na maisasaboses ko iyon.

Sinabi ko ang order ko at um-order na rin ito.

Habang kumakain ay hindi ko maiwasang isipin. Kamusta na kaya ang panliligaw nito kay Cristine?

"So kumusta ka naman? ilang araw kang walang paramdam ahh." Tanong ko rito. Nang maramdamang titingin ito sa kanya ay binaling ko ang atensyon ko sa pagkain.

Ngumiti naman ito. "Ayos naman, medyo nagkaproblema lang sa business ni dad pero naayos din naman agad."

Iba ang sagot nito sa tanong na nais niyang iparating. "Eh kayo ni Cristine? kumusta?" This time, sinabi niya iyon ng hindi tumitingin dito.

"We are good. We are exchanging text or call to know better each other."

Samantalang sa'kin hindi man lang makapag text. Tsk!

Nagkaroon ng mahabang katahimikan.

"Kara.. tutuloy ka ba sa blind date? this week na 'yun diba?" Napatingin ako rito.

Mukang malabo pa sa plastic labo na makuha ko ang pag-ibig ni Lorenzo, kaya mabuti pa sigurong pagbigyan ko ang hiling ni mama na umattend sa blind date na yon.

"Oo.. Tutuloy ako sa blind date, Lorenzo. Ayokong sayangin ang effort ni mama." Tinitigan ko itong mabuti. Gusto kong malaman ang magiging reaksyon nito.

Tumango lang ito at itinuloy ang pagkain. 'Yun lang? wala man lang siyang sinabi.

Argghh! Manhid ka Lorenzo! manhid!

Napabuntong hininga na lang ako.

Tumingin ito sa'kin nang mapansin na hindi ko na ulit ginalaw ang pagkain ko.

"Oh, kumain ka na."

"Nawalan na ako ng gana." Bulong ko.

"Ano?"

Agad naman siyang ngumiti. "Eto na nga po kakain na po." Sungit talaga!

Bigla naman nagring ang phone ni Lorenzo. Tuluyan na akong nawalan ng gana nang makita kung sino ang tumatawag.

Si Cristine.

Pinanggigigilan ko na lang ang kawawang karne. Kung bakit kasi tumawag pa? lagi naman silang magkasama. Eto na nga lang ang time na kasama ko ito. Kinuha pa ni Cristine.

"Okay, wait for me there." Napalingon ako kay Lorenzo ng tumayo na ito.

"Hey, where are you going?" Hinawakan ko ang braso nito para pigilan.

"Nasiraan ng sasakyan si Cristine. Kailangan ko siyang puntahan."

Paano naman ako Lorenzo? I need you too..

"Iiwan mo ko? Ni-hindi mo pa nauubos ang pagkain mo."

"Busog na rin naman ako.. I'm sorry hindi na kita maihahatid sa inyo."

Gusto kong maiyak sa inis. Puro na lang Cristine, Cristine.. Cristine.

Umiwas ako ng tingin dito.

"Kara.."

"Don't!" Hindi ko na napigilan pang magtaas ng boses. Napalunok ako ng sariling laway dahil konting konti na lang ay tutulo na ang luha ko.

"Just go.." Nanghihinang usal ko.

"Kara.. galit ka ba? I'm sorr-" Bigla ulit nagring ang phone nito.

Lumingon si Lorenzo sa kanya pero agad akong nag-iwas ng tingin.

"I'm sorry, I have to go. Babawi ako Kara.. Please take care."

Kasabay ng pagtalikod nito ay ang pagpagsak ng luha ko.

This time.. hindi ko na mapigil ang pagtulo ng luha ko. Ang kaninang iyak lang ay naging hagulgol na.

Alam kong pinagtitinginan na ako ng mga ibang kumain sa restaurant pero wala na akong pakialam sa mga ito.

Ilang beses na ba akong nasaktan ng ganito? pagod na pagod na akong umasa na balang araw ay mamahalin din ako ni Lorenzo.

Itinakip ko ang dalawang kamay sa aking mukha para mapigilan ko ang sarili sa pag-iyak.

Inangat ko ang tingin sa panyong nakalahad sa'kin.

"Tahan na.."

Hindi ko alam kung bakit..

Pero mas lalo ako napaiyak ng makita ito.

"J-Josh.."

Chapitre suivant