webnovel

31

MABIGAT ang mga hakbang ni Myla habang patungo sa hotel function hall kung saan gaganapin ang formal engagement party ng kaibigan ng Kuya Lenard niyang si Menriz at ng girlfriend nitong si Anikka na kaibigan na rin niya. Masaya naman siya para sa mga ito ngunit iba ang ikinabibigat ng pakiramdam niya. Dangan kasi ay ang function hall na pagdarausan ng piging ay ang mismong function hall din na pinagdausan ng Graduation ball kung saan siya unang hinalikan ni Darwin. At hindi pa man siya tuluyang nakakapasok sa lugar ay parang gusto na niyang pumalahaw ng iyak. Kung noon nabu-bwisit siya sa tuwing maaalala ang pangyayari, ngayon ay parang masakit na lang sa dibdib niya na maalala iyon. It was the first kiss she shared with the man she has fallen in love with. Maaaring noong nangyari iyon ay wala pa siyang nararamdamang kakaiba para sa lalaki kundi inis. Ngayon ay hindi niya alam kung matutuwa o malulungkot siyang isiping ang lalaking nagnakaw pala ng unang halik niya ay siya ring unang lalaking mamahalin niya. Nagkaroon naman siya ng ibang relasyon noon, ngunit nang ma-realize niya ang nararamdaman niya ay saka niya nalamang kahit kalian ay hindi pa siya nagmahal ng tuluyan. She felt attraction towards the guys from her past relationships but it was nothing compared to what she was feeling for Darwin. One proof is the pain she was feeling that seemed to be impossible to fade.

Ngali-ngaling tumakbo siyang pabalik at paalis ng lugar na iyon nang sa wakas ay humantong siya sa nakasarang pinto ng function hall ng hotel. Kapag pumasok siya sa lugar na iyon ay nasisiguro niyang makikita niya si Darwin sa loob. At hindi niya alam kung handa na siyang makita ito. Nasasaktan pa siya. At mababaw ang luha niya sa tuwing nasa paligid ito. Kaya nga ba ilang linggo na rin niyang iniiwasang pumunta sa restobar ng kaibigan nitong si Josh. Alam niyang lagi itong naroon.

Ngunit hindi pwedeng hindi siya pumunta sa engagement party. Pihadong magtatampo si Anikka. And she has been one of her friends since she started dating Menriz. Isa pa, isa ito sa dumamay sa kanya noong malaman nito ang nangyari sa pagitan nila ni Darwin. Balak pa nga nitong sugurin noon ang lalaki kung hindi lamang nila napigilan.

Huminga siya ng malalim. Bahala na nga! Naroon siya para kay Anikka at Menriz. Hindi para kay Darwin kaya hindi siya dapat paapekto rito. Ang isiping iyon ay nagbigay sa kanya ng lakas ng loob para buksan na ng tuluyan ang pintuan ng function hall. Nagulat pa siya nang kadiliman ang bumungad sa kanya. Was she even in the right place?

Hindi na sana siya tuluyang papasok pa nang may humawak sa kamay niya at basta na lamang siyang hilahing papasok. At bago pa niya tuluyang maaninag ang kung sino mang nagpasok sa kanya sa lugar na iyon ay sumara na ang pinto sa likuran niya at nawala ang nag-iisang liwanag sanang nanggagaling sa labas ng function hall. Agad na bumundol ang kaba sa dibdib niya.

"What the---" hindi na niya natapos pa ang tanong nang umilaw ang isang spotlight direkta sa stage ng function hall. Tumapat iyon sa isang grand piano kung saan isang lalaki naman ang nakaupo sa tapat. Isang pamilyar na lalaki.

"D-darwin..."

Nagsimula itong tumipa sa piano na nasa harap nito. It was a slow ballad music. And it was quite familiar. Nang magsimula itong kumanta ay saka lamang niya nakumpirma ang awiting iyon.

Aren't you something to admire, 'cause your shine is something like a mirror

And I can't help but notice, you reflect in this heart of mine

If you ever feel alone and the glare makes me hard to find

Just know that I'm always parallel on the other side

It was a slower ballad version of "Mirrors". And he was singing it beautifully. Na para bang lahat ng emosyon nito ay naroon.

Tila bumuhos ang lahat ng nararamdaman niyang pangungulila sa lalaki. Ilang linggo na niya itong hindi nakikita. At kahit pa alam niyang sinaktan siya nito ay hindi niya mapigilan ang sayang bumalot sa dibdib niya ngayon nakita niya itong muli. Oh God, how she missed this man!

'Cause I don't wanna lose you now

I'm looking right at the other half of me

The vacancy that sat in my heart

Is a space that now you hold

Show me how to fight for now

And I'll tell you, baby, it was easy

Coming back into you once I figured it out

You were right here all along

Bumilis ang pintig ng puso niya nang lumingon ito sa direksiyon nia. Hindi niya sigurado kung tama ba ang basa niya sa mga mata nito. Was it longing?

It's like you're my mirror

My mirror staring back at me

I couldn't get any bigger

With anyone else beside of me

And now it's clear as this promise

That we're making two reflections into one

'Cause it's like you're my mirror

My mirror staring back at me, staring back at me

Tumigil ito sa pagtugtog maging sa pag-awit pagkatapos ay tumayo. Kinuha nito ang mikropono mula sa stand niyon at humarap sa kanya.

"Myla--- Hey!" tila nagising sa isang panaginip na tumalikod si Myla at tinungo ang pinto nang hindi pinapatapos man lang magsalita si Darwin. Isa lamang ang nasa isip niya. Ang umalis ng lugar na iyon. Tama siya. Hindi pa niya ito kayang harapin. She might cry in front of him. At ayaw niyang mangyari iyon. What if this was just a game again for him? A revenge? Hindi na niya kakayanin pang umasa pagkatapos ay saktan nitong muli. And she won't be able to save her pride this time.

"What's the problem with this door!" inis na sabi niya habang iniikot at hinihigit ang seradura ng pinto. But the door just won't budge! Binayo niya ang bwisit na pinto. "Let me out of here, damn it!"

"Myla!" napapitlag siya nang hawakan ni Darwin ang braso niya at hindi na siya nakahuma pa nang basta na lamang siyang pihitin nitong paharap rito. Bumungad sa kanya ang nag-aalalang mukha nito. Ang gwapong mukha nito na kay tagal din niyang hindi nakita. Ngali-ngaling haplusin niya ang mukha nito ngunit pinigilan niya ang sarili at agad na nagpumiglas rito ngunit hindi siya nito binitawan.

"Let me go!" galit na sabi niya.

"Myla, let me explain first---"

"Explain? You've told me the truth and it's enough. Just let me go!" dinaan sa galit ang sakit na nararamdaman. She had to be strong. Kahit para na lamang sa kakatiting na pride na natitira pa sa kanya. "Let me go, you----"

Nanlaki ang mga mata niya nang basta na lamang siya nitong kabigin at halikan sa mga labi. Tila lumipad lahat ng inis at pagpoproteta sa sistema niya. All she was aware of at the moment was his warm lips above hers and the fast beating of her heart. Nakikilala ng puso niya ang halik nitong iyon.

Pero hindi niya maaaring panaigin ang nararamdaman niya para rito. This guy made her fall in love with him just to get revenge!

Ubos-lakas na itinulak niya itong palayo sa kanya bago pinadapo ang palad sa pisngi nito.

"You jerk! How could you just---"

"Myla, I love you!" ang bulalas nito na nagpatigagal sa kanya.

"W-what?"

"I love you. I have loved you since we were in college!"

"You're bluffing..." kulang sa sustansyang akusa niya.

"I'm serious! I would not have done this corny event if I don't love you at alam mo 'yon!" pilit pa rin nito.

"N-no! It was you who told me that I don't really know you that well." Tanggi pa rin niya. Kung hahayaan niya ang puso niyang magpadala sa sinasabi nito ay bibigyan lamang siya nito nang pagkakataong muli siyang saktan. "P-please just stop this. Tapos na eh. Ano pa bang gusto mo?"

"Myla, I---"

"What do you want from me? Fine, gusto mong malaman kung nagtagumpay ka sa plano mong paghihiganti? Well, yes! You win! Dahil sa loob ng ilang linggong nagkasama tayo sa hacienda ay nahulog ang loob ko sa'yo. Yes, I love you! Kaya nga nasasaktan ako ngayon! Nasaktan ako nang malaman kong palabas lamang ang lahat. Na naghihiganti ka lang dahil sa ex mo! Damn it! I am prettier than that girl na hindi ko alam kung saan mo napulot pero mas pinili mong paghigantihan ako ng dahil sa kanya? Geez!" tuloy-tuloy na naibulalas niya. Ganoon siguro talaga kapag matagal mong kinimkin ang lahat ng nasa loob mo. Kapag nasimulan mo nang ilabas ay tuloy-tuloy na.

"Kaya nga makinig ka---"

"Makinig? Ano pa 'bang kailangan kong pakinggan? That you will never like me? That you will like everybody else besides me? Alam ko naman 'yon eh. Noon pa lang na nakita 'ko kayong naghahalikan ni Angelica. You will never like me!"

"I just told you I love you!"

"Bullshit, Darwin!" balik niya rito. "Sinong nagmamahal ang makikipaghalikan sa iba! Ang sasaktan ang taong mahal niya?!"

"I didn't mean to hurt you---"

"Kaya ba pagkatapos mong makipaghalikan, isinampal mo naman sa pagmumukha 'ko na naghihiganti ka lang sa akin kaya mo ginawa ang mga ginawa mo sa hacienda?!"

"That was because of Christopher! I thought it was him you really love." Agad na sagot nito.

"Don't drag other people here, please." Napu-frustrate na sabi niya.

"Pero iyon ang totoo. That day I went to buy your medicine, I saw you hugging that guy, and in front of his cottage. Alam mo ba ang nasa isip 'ko n'on? Na siya lang ang laging nasa isip mo. Na kahit may dinaramdam ka na ay siya pa rin ang pipiliin mong makita kaya nakarating ka sa cottage niya. Hindi lang ikaw ang nasaktan nang araw na iyon, alam mo ba? I was hurt as well!"

"Pero kaya lang naman ako pumunta sa kaniya dahil kailangan ko ng makakausap pagkatapos 'kong malaman kay Angelica ang tungkol sa paghihiganti mo. At siya lang ang naisip 'ko. Masyadong mabigat ang nararamdaman ko nang araw na iyon at siya lang ang naisip 'kong mapaghihingahan ko. He even told me to hear your side!"

"I know..." sabi nito saka bumuntong-hininga.

"You know?"

"Yes. Nakausap 'ko na siya at nasabi na niya sa akin ang lahat. I'm sorry I misunderstood you. Masisisi mo ba ako? You liked that guy back in college. Ni hindi mo ako napapansin dahil siya lang ang gusto mo." Mababa ang boses na sabi nito.

"That was back then. Ni hindi 'ko nga siya minahal. At kahit pa napadalas na nagkikita kami noong nasa hacienda pa tayo, ni hindi ka nawala sa isip 'ko!"

"I know." Sagot nito at inilapat ang mga palad sa mga balikat niya. "That's why you have to listen to me. I love you, Myla. I love you so much!"

"S-stop it.."

"No, I won't stop until you believe me!" determinadong sabi nito. "Alam 'ko naming kasalanan 'ko kung bakit umabot tayo sa ganito. I started it. Kung sinabi ko lang noong una pa lang ang nararamdaman 'ko sa'yo, sana hindi tayo nagkalabuan ng ganito."

"Myla, I have liked you since we were in college. Pero ang tingin mo lang sa akin noon ay isang matalik na kaibigan ng kapatid mo. So I started teasing you. It was a pathetic way to make you notice me. Pero nabwisit ka naman sa akin. At buong buhay ka na yatang nainis sa akin. Akala ko sa paglipas ng panahon nawala na ang kung anumang nararamdaman ko para sa'yo pero nagkamali ako. Dahil isang araw pa lamang ako sa hacienda ninyo ay unti-unti nang naalala ng puso ko ang nararamdaman ko noon para sa'yo. At sa bawat araw na nakakasama kita ay lalong lumalalim ang nararamdaman ko sa'yo. Until I finally realized that I love you already."

Naramdaman ni Myla ang unti-unting pag-iinit ng puso niya. Tila ba unti-unti nang naniniwala ang puso niya sa sinasabi nito. Gayunpaman ay hindi siya umimik.

"Noon naman bumalik sa buhay mo si Christopher. Myla, pinagpustahan ka nila noon ng mga kaibigan niya! Ang nasa isip ko nang makita natin siya ay baka balak ka na naman niyang saktan. That was why I was on guard. And also I was overly jealous. Hindi ko mapigilan. That guy was your first love."

"K-kung ganoon pala ang nararamdaman mo, bakit pagkatapos ng unang gabing makita natin siya ulit, hindi mo na ako kinausap?" nagawa niyang itanong rito.

"You looked like you were happy to see him. And I know it was petty pero nagtampo ako sa'yo noon. Nakita mo lang siya ulit, parang nawala na ako sa paningin mo. Palagi pa kayong magkasama at lumalabas. Nasasaktan ako pero hindi ko naman magawang pigilan ka. In the first place, what are we? Bwisit sa buhay mo lang ang tingin mo sa'kin noon. At natatakot akong kung pipigilan kitang sumama-sama sa kanya ay isampal mo sa aking ni hindi mo ako kaano-ano. And that si close to a rejection. And I never wanted to be rejected by you."

"Y-you were afraid to get rejected? Sa dami ng babaeng niligawan mo?" hindi napigilang tanong niya.

"Of course I was afraid. I was afraid that you will reject me because it was you. Ikaw lang naman ang minahal ko. At masasaktan ka lamang sa rejection kung ang taong nagbigay niyon ay ang taong mahal mo." Bumuntong-hininga itong muli. "And I almost lost you because of that fear."

"Hindi mo man lang ba naramdaman na kahit papaano ay may nararamdaman na ako para sa'yp. I answered your k-kisses, didn't I?"

"I did. Of course, I did. Kaya nga mas nasaktan ako nang inakala kong hindi talaga ako ang mahal mo. Umasa na kasi akong may nararamdaman ka na rin para sa akin. But then I saw you hugging Christopher. At parang nawala na lang lahat ng lakas ng loob 'ko. Na parang bigla gusto 'ko na lang sumuko. Because after everything that had happened, siya pa rin ang gusto mo. Masakit man tanggapin, pero 'yon ang totoo. And I should be man enough to accept that."

"And so you resorted to kissing Angelica? What is she? A rebound?" naniningkit ang mga matang tanong niya rito.

"No. Siya ang humalik sa akin. At dahil nabigla ako, hindi ko na siya naitulak ka agad. Sakto namang dumating ka. Umarte na lang rin akong pareho naming gusto ang halik iyon para maisalba ang pride ko mula sa'yo. Ayokong malaman mong nasasaktan akong hindi ako ang pinili mo. Masisisi mo ba ako. Iyon na lamang ang natitira sa akin. Pride. Because you already have my heart at the palm of your hands."

Kung ganoon ay pareho sila ng nararamdaman nito nang mga nakalipas na linggo. He was just saving face just like her. At nang dahil sa pride na iyon ay tuluyang lumaki ang gulo sa pagitan nila nito.

"Kahit kailan naman ay hindi ko naisip na paghigantihan ka. Nagulat na nga lang ako nang manggaling iyon mismo sa bibig mo. But because I was trying to save myself, pinalabas 'kong tama ang hinala mo. "

"Kung hindi iyon totoo, bakit alam ni Angelica ang tungkol sa ex mo? Walang magsasabi niyon sa kanya kung hindi ikaw." Ayaw pa ring paawat na tanong niya. Alam niyang unti-unti nang tinatanggap ng isip at puso niya ang mga sinasabi nito. Kailangan niyang malaman ang lahat mula rito. She can't just risk being hurt again.

"Noong hindi tayo nag-uusap at siya ang nakakausap ko, napagkatuwaan kong ikwento ang ginawa mong iyon sa ex ko. I don't know where she got the idea of revenge but she must have made that up based of my story." Paliwanag nito bago umangat ang palad nito sa pisngi niya. His facial expression softened. Na para bang anumang oras ay huhulagpos na ang mga luha sa mga mata nito. "I love you, Myla. Please believe me. Lahat ng ginawa ko sa hacienda para mapalapit sa'yo, lahat 'yon totoo. Kahit itanong mo pa sa Lola mo at sa lahat ng tauhan ng hacienda ninyo. Ikaw lang ang bukambibig 'ko kahit sila ang kausap 'ko."

"Ang akala ko pagkatapos kong isiping si Christopher ang talagang mahal mo, kakayanin kong lumayo sa'yo. Na ilang araw lamang ay makakalimutan ko rin ang nararamdaman ko para sa'yo. But now I know I was wrong. Because you already have my heart at the palms of you hand. At kahit pa magkalayo tayo ay sayo at sayo pa rin ako babalik. Kahit pa siguro totoong kayo ni Christopher ay hindi ko hahayaang manatili ka sa kanya. I would have snatched you away from him. Hindi ko kasi kayang mawala ka sa akin. I just love you so much that I can't let anybody else have you."

Sa mga sinabi nito ay tuluyan nang bumigay ang pader na itinayo niya sa paligid ng puso niya. Kitang kita niya sa mga mata nito ang sinseridad sa sinasabi. And she could not help it anymore. Patalong niyakap niya ito.

"I love you too, Darwin. You made me love you within a few days. Ikaw na talaga!" ang nakangiti nang sabi niya bagaman naramdaman niya ang pagpatak ng luha mula sa mga mata niya. Tears of joy. At bilang sagot naman ay naramdaman niya ang paghigpit ng yakap nito sa kanya.

"God, how I missed you, bansot!" he said with a sigh. Isinubsob din nito ang mukha sa buhok niya. Napangiti rin naman siya.

"I missed you too, bakulaw." Narinig niya ang pagtawa nito pagkatapos ay bahagya siyang inilayo ngunit hindi siya tuluyang binitawan. Inilapat nito ang noo sa noo niya at ngumiti.

"I love you so much. And I will never get tired of saying that to you." Ang nakangiting sabi nito sa kanya.

"It's okay. I will never get tired of listening to you saying that as well." Nakangiting balik din niya rito.

"Good." Sabi nito at sinakop na ng mga labi nito ang labi niya na tinugon din naman niya. Na-miss niya ang mga halik nitong iyon. Ang yakap nito. Na-miss niya ito, ang buong pagkatao nito.

Hindi na alam ni Myla kung gaano na sila katagal na naghahalikan nito ngunit nagulat siya nang magkaroon ng sunod sunod na putukan sa paligid. Kasunod niyon ay ang malakas na palakpakan. Agad siyang humiwalay kay Darwin at inilibot ang paningin sa paligid. Naroon halos ang lahat. Si Ethan kasama ang fiancée na si Eunice, Si Menriz at ang girlfriend nitong si Anikka, Si Apollo at ang girlfriend nitong si Jean, at syempre ang Kuya Lenard niya.

"Ang laki ninyong panira ng moment, alam niyo ba 'yon?" nakasimangot na sabi ni Darwin sa mga ito. "And party poppers? Really?"

"What? Masaya ang lahat kaya kailangan ng poppers." Nakangising sagot ni Menriz. "And, ginamit mo ang pangalan namin ng Anikka 'ko para lang mapapunta si Myla, so quits lang tayo"

"Saka pagbigyan na ninyo kami. Sa wakas kasi ay magkakaroon na ng katahimikan sa barkada. Wala nang magugulong nilalang." Dugtong naman ni Ethan.

"At anong tingin ninyo sa mga sarili ninyo? Mababait?" sarkastikong tanong ni Darwin.

"Oo naman." Sagot naman ni Apollo. "'di ba, hon?" sabi nito saka inakbayan ang girlfriend at hinalikan sa pisngi.

"Hoy, Apollo! Moment namin ito ni Myla. 'Wag kang magulo."

"What? We just helped you set up this event. Mag-thank you ka muna bro." sagot ng lalaki.

Napailing-iling naman si Darwin. Lumapit naman sa kanila ang Kuya Lenard niya at tinapik-tapik ang balikat ni Darwin.

"Pagpasensiyahan mo na ang mga 'yan." Tukoy ng kuya Lenard niya sa mga nasa paligid. "Masaya lang ang mga 'yan para sa'yo."

"I know." Tatangu-tangong sagot naman ni Darwin.

"And by the way, pare. Ipinapaalala ko lang, kapatid ko 'yang gini-girlfriend mo. You better take care of her or else..." may pagbabanta sa boses na sabi ng kapatid niya.

"Don't worry, pare. Mas mahal ko ang kapatid mo kaysa sa'yo." Nakangising sagot naman ni Darwin.

"Good!" sabi nito at lumayo na sa kanila.

Narinig niyang pumalatak si Darwin mula sa tabi niya.

"Tignan mo ang mga taong 'yan. Tayo itong kakaayos pa lang, tapos may mga sari-sarili na silang mundo?" nailing na sabi nito.

Natawa naman siya sa tinuran ng lalaki. Noon sa tuwing makikita niya ang mga kaibigan niyang masaya sa mga boyfriends ng mga ito ay naiinggit pa siya. Ngayon ay magaan na lamang ang pakiramdam niya. She has her own man beside her. May ikaiinggit pa ba siya?

"Anong ngini-ngiti-ngiti mo riyan?" tanong nito sa kanya maya-maya.

"Nothing. I am just happy." Sagot niya rito.

"Let's make you even happier,then." Sabi nito at walang babalang basta na lamang siyang kinabig at hinalikan. Ngunit hindi na siya nagreklamo pa. It was what she wants anyway. Kung ang mga nasa paligid niya ay may sari-sarili nang mundo, then she will very well do her own world with the man she loves.

"Teka nasaan nga pala ang self-proclaimed manager natin? Ngayon lang missing in action 'yon ah!" narinig niyang sabi ng isa sa mga kalalakihan.

"Nasa kabundukan ng Sagada! Hinahanap ang tadhana niya." Sagot pa ng isa.

Marami pang sinabi ang mga nasa paligid nila ngunit unti unti na iyong lumalabo sa pandinig niya. Tanging ang malakas na tibok na lamang ng puso niya ang naririnig niya. At ang tanging kinikilala na lamang ng sistema niya ng mga oras na iyon ay lalaking humahalik sa kanya. She was happy and contented just where she was at the moment. At the arms of the man she loves and who loves her just the same. Bahala nang magunaw ang mundo dahil sa kakulitan ng mga kaibigan nila!

---- WAKAS ---