webnovel

18

LUMABAS si Myla ng court at bahagyang lumayo upang kalmahin ang sarili. Sinasabi na nga ba at delikado para sa kanya ang mga sayawan lalo pa at naroon si Darwin. Ngunit sa pagkakataong iyon ay hindi niya magawang isisi ng buo kay Darwin ang nangyari. She answered his kisses for Pete's sake! Ipinulupot pa niya ang mga braso sa batok nito. Nagpatangay siya rito kaya kasalanan din niya iyon. At hindi na niya maintindihan ang sarili. She was being overly responsive towards him. To the man that she hated for almost all of her life. Isa pa ay wala naman itong ginawang matino kung hindi ang pag-trip-an siya.

So what was he doing now? Bakit kung anu-ano na lang ang ginagawa nitong nagdudulot ng kung ano sa sistema niya? She was used to the Darwin who annoys her everytime he was available. Pinagti-trip-an na naman ba siya nito? But everything felt so real. Pero hindi ba at nakikipaglandian pa ito kanina kay Angelica? Paanong magiging totoo ang ipinapakita nito sa kanya? Ang mga halik nito?

Ah ewan! Gulong gulo na siya. Ngunit isa lang ang nasisiguro niya. Hindi na niya maitatanggi sa sariling naaapektuhan na siya ng mga ginagawa nito, maging ng presensiya nito. And it was not safe. Her heart was not safe to someone who has been fooling around with her, teasing her with every way possible. At alam niyang hindi pa siya handang isugal ang puso at nararamdaman niya sa isang bagay na wala namang kasiguraduhan. She was on a vacation. At wala siyang balak pumulot ng batong ipupukpok sa ulo niya kung kakagatin niya ang kung anumang pinaplano ni Darwin, totoo man iyon o hindi. She was at that place with him for work. Nothing more! And she has to keep it that way!

Nang pakiramdam niya ay naayos na niya ang kaguluhan sa isip niya ay naglakad na siyang pabalik sa court kung saan ginaganap ang sayawan. Papasok na siya ng court nang ma-estatwa sa kinatatayuan. There in front of her was a very familiar face. Sure, he was a lot handsomer than the last time she had seen him. Ngunit nakikilala niya ang mukha nito.

"Myla?" ang sabi ng pamilyar na lalaki. Lalong nakumpirma ang nasa isip niya. It was really him!

"Christopher..."

Chapitre suivant