"KUMUSTA na si Miss Alexa, Rioka?" halos pabulong na tanong ni Agustus upang hindi ang magising ang kanilang nanghihina pa ring guro—ang tanging tao lamang na makakasagot kung ano ba talaga ang nagaganap.
"Medyo okey na siya maliban sa mga galos na tinamo niya dahil sa mahigpit na pagkakatali sa kanya. Mabuti na lamang at magaling sa first aid itong si Xyryl," sambit ng dalaga sabay baling ng kanyang tingin sa binata.
"For survivality purposes. Alam niyo naman 'di ba na palagi akong napapaaway. Ayaw ko rin kasi na malaman ng parents ko ang mga pinaggagawa ko kaya pinag-aralan ko ang panggagamot sa sarili kong mga sugat at paso," pagsasalaysay ni Xyryl sabay ayos sa puting kumot na bumabalot sa katawan ng kanilang guro.
Sandaling kumunot ang noo ni Rioka dahil sa ginawang iyon ni Xyryl. Inirapan na lamang niya nang palihim ang natutulog na guro. Hindi naman nakaligtas ang ginawang iyon ni Rioka sa mapanuring mga mata ni Agustus.
"O siya sige... alis na 'ko. Mukhang may nagseselos ata e," mapanuksong utal ni Agustus sabay tingin sa gawi ni Rioka. Biglang nagtama ang kanilang mga tingin at saka ngumisi ng nakakaloko ang binata. Pinandilatan na lamang ng mata ni Rioka ang binata dahil sa inis. Wala namang kamalay-malay si Xyryl sa tensyong nangyayari sa kanyang dalawang mga kaklase habang tinitingnan nito ang natutulog nitong guro.
Nang tuluyan nang makaalis si Agustus sa klinika at agad na tinawag ni Rioka si Xyryl.
"Xy?"
"Hmm?"
"May sasabihin sana ako sayo," mahinang utal ng dalaga
"Napakaseryoso mo ata ngayon, Rioka? May sakit ka ba? May available naman na mga gamot dito," sunod-sunod na tanong ni Xyryl sa dalaga.
"Wala akong sakit, Xy."
Sandali namang napangiti si Rioka sa ginawang pag-aalala sa kanya ng lalaki na nasa kanyang harapan. Ngunit alam niyang hanggang kaklase lang ang pagtingin nito sa kanya sapagkat kilalang-kilala niya ang babaeng itinitibok ng puso ng binata.
Matagal na niyang gusto si Xyryl. Simula noong naging magkaklase sila noong unang taon pa lamang nila sa hayskul hanggang sa kasalukuyan ay hindi nawala ang kanyang tinatagong pagtingin sa lalaki. Maging sina Eliza, Katheria, at Mayumi na pawang mga kaibigan niya ay hindi rin alam kung sino ba talaga ang taong dahilan ng pagtibok ng kanyang puso.
Sa katunayan, si Xyryl ang una niyang naging kaibigan at katabi niya ng upuan simula ng mag-aral siya sa eskwelahang ito. Naging magkatabi sila bawat taon at naging matalik na magkaibigan, bukod kina Eliza. Natigil lamang ang kanilang pagiging magkaklase nang mapabilang sa mga rambulan si Xyryl gabi-gabi—dahilan upang malipat ito sa ibang seksyon. Ngunit hindi ito naging hadlang upang pigilan niya ang nararamdaman sa binata, kahit na hanggang tingin na lang siya sa malayo.
Napabalik siya sa tamang wisyo nang may bigla na lamang may marahas na kumatok sa pintuan.
["Open the door please!"]
["Ssshhhh. Baka magising si Miss."]
["Knock knock."]
"Ano nga ulit 'yong sasabihin mo, Rioka?" tanong ulit ni Xyryl sa dalaga.
"Ahh... wala." Sandali namang napatigil ang dalaga. "Kailangan ko munang lumabas upang magpahangin." Tumayo siya at saka pinagbuksan ng pinto ang kanyang mga kaklase. Diretso-diretso siya sa paglalakad, maging ang pagtawag sa kanya ni Eliza ay hindi na niya napansin.
•••••
"NAAALALA niyo pa ba no'ng muntik nang masampal ni Miss Alexa si Hugh dahil sa nahuli nitong namboboso ito sa kanya habang nagbibihis si Miss sa restroom?" natatawang sambit ni Rixxtan habang nakahawak ito sa kanyang tiyan.
["Oo nga! Hahaha!"]
["Nagmukhang kawawa si Hugh no'n!"]
["Also remember his reaction when Miss was about to slap his face tho."]
["Libog kasi!"]
"Hoy! 'Di lang ako nag-iisa no'n no!" pagdedepensa ni Hugh sa kanyang sarili mula sa samu't-saring reaksyon na kanyang natanggap. "Kasama ko rin no'n sina Xyryl at Gian—sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa. Malas ko lang kasi ako ang nahuli ni Miss."
Sandaling tumahimik ang buong silid nang mabanggit ni Hugh ang pangalan ni Gian—ang unang naging biktima ng killer.
"Hanggang kailan kaya ito matatapos no?" walang buhay na utal ni Andrea.
"'Wag kang mag-alala Andrea. Alam kong darating din ang mga pulis upang tulungan tayo, ha?" utal ni Chynna at saka dahan-dahan itong ngumiti kay Andrea, maging ang kanyang mga kaklase ay nginitian niya rin na wari bang para sa kanilang lahat ang sinabi niya kay Andrea.
"Ikaw na naman ang magkuwento, Theo!" nagagalak na sambit ni Miko.
"Tanga! Alam mo namang pipi 'yang si Theo pagsasalitain mo pa," sermon ni Xyryl kay Miko sabay batok sa binata.
"Aray naman, Xyryl! Ikaw kaya batukan ko diyan?! Pwede naman niyang isulat. 'Di ba, Theo?" Hinimas ni Miko ang kanyang ulo dahil sa lakas ng sapak na ginawa sa kanya ni Xyryl.
Tahimik namang ngumisi si Theo habang nag-ta-thumbs up.
Habang patuloy ang kanilang kuwentuhan ay sandaling nagpaalam si Hugh na pupunta lang sandali sa palikuran ng naturang gusali—ang Marcos Building. Suot-suot niya ang isang headphone mula sa kanyang cellphone habang tumutugtog rito ang isang OPM na alternative rock.
Sunod rin na lumabas ang isa sa mga kaklase niya sampung segundo ang lumipas matapos lumabas ni Hugh sa silid. Isinilid pa niya sa kanyang bulsa ang isang pocket knife na kanyang gagamitin sa kanyang masamang balak. Walang kamalay-malay ang binata na may nagbabadya na palang panganib pagkatapak na pagkatapak pa lamang niya sa labas ng klinika. Maging ang kanyang mga kaibigan kanina ay wala ring alam sa kung ano mang kahihinatnan nito.
Pagpasok pa lang ni Hugh sa restroom ay biglang na lang sumalubong sa kanya ang malamig na ihip na hangin na nagpanindig-balahibo sa kanya. Sandali niyang tinanggal ang suot na headphone. Iniling na lamang niya ang kanyang ulo. Para sa kanya ay hindi siya natatakot sa ano mang multo na pinagsasabi ng karamihan sapagkat mas pinaniniwalaan niya ang siyensya.
Habang umiihi siya ay bigla na lang siyang may narinig na pagkalabog sa pinakahuling kubeta.
Nagulat siya at dagli-dagling pinagpag ang kanyang ari sa urinal. Nakaramdam siya ng panandaliang takot dahil sa pagkakaalala niya ay walang tao maliban sa kanya ang nasa loob ng lugar na iyon.
Bubuksan na sana niya ang pinto pero bigla na lamang itong bumagsak ng napakalakas. Wala siyang napansing tao malapit sa pinto at imposible ring hangin ang may gawa kasi wala naman siyang nararamdamang hangin sa kasalukuyan. Pinihit niya ang seradura ng pinto pero hindi niya alam kung bakit hindi niya ito mabuksan. Nahinuha niyang baka pinagkakaisahan na naman siya ng kanyang mga katropa.
"Hoy! Miko at Hugh! Buksan niyo na 'tong pinto! Rixxtan, Lawrence, Xyryl, Kian! Deputa! 'Wag niyo akong pagtripan ng gan'to!" sigaw niya at saka malakas na pinaghahampas ang pintuan.
Ngunit wala siyang naramdamang ni paggalaw sa likod ng pinto.
Maya-maya ay narinig niyang saglit na bumukas at sumara ang pintuan ng restroom. Lilingon na sana siya at titingnan kung sino ang taong nakapagpabukas ng pinto pero nahintakutan siya ng maramdaman niyang may tumagos na kutsilyo sa kanyang kanang mata. Pumutok ang matang iyon at ramdam niya ang pulang likido na dumadaloy mula rito. Pagkatapos ng tatlong segundo ay ang kaliwang mata na naman ang pinuntirya ng killer at inikot pa ito ng pakaliwa at inulit ng isa pang beses pakanan. Hindi nagawang makailag ni Hugh dahil sa bilis ng mga pangyayari.
Pumalahaw sa sakit si Hugh at agad namang marahas na tinakpan ng killer ang bibig ng binata gamit ang kaliwang kamay nito. Muntik pa tuloy na matumba ang binata dahil sa matinding kirot na nararamdaman nito sa kanyang mga mata, mabuti na lamang at nakahawak siya sa kalapit na lababo.
"Kahit tahiin ko pa itong bunganga mo ay wala pa rin namang makaririnig sayo kasi tayong dalawa lang ang tao sa buong floor na ito," misteryosong saad ng killer, tumawa ng bahagya at inalis ang kanyang kamay sa bibig ni Hugh.
Kahit nabulag na si Hugh ay nakilala niya pa rin ang may-ari ng boses na siyang dahilan ng pagkabulag niya.
"Putanginang mo! Papatayin kita!" Sumuntok siya ng malakas sa kawalan, nagbabasakaling matsambahang masuntok man lang killer upang maghiganti. Malas niya at hindi man lang niya na gawan ng ni galos man lamang ang pagmumukha ng salarin.
"Tss. Pathetic," saad ng killer at saka inundayan ng saksak sa dibdib ang pobreng binata dahilan ng agarang pagkamatay nito.
Sa kabilang dako, walang kamalay-malay ang mga kaklase ni Hugh na may nangyari na palang karumal-dumal sa naturang binata. Hindi na nila napansin na pumasok ang salarin at pasimpleng pinahid pa ang kanyang hintuturo sa pintuan dahil sa natitirang dugo na nakakapit pa rito. Bago pa siya makaupo ay bigla na lang siyang tinanong ng isa sa kanyang mga kaklase, "Sa'n ka ba galing ha?"
Tanging pagkibit lamang ng balikat ang isinagot ng salirin at umupo na ito sa isa sa mga silya na inilaan para sa kanya na nakapalibot sa kamang hinihigaan ni Miss Alexa.
Kaagad na lumapit sa kanya ang isa sa kanyang mga kaklase—na nasa likuran lang pala niya.
"Nagawa mo na ba?" bulong nito sa kanya.
Sandaling tumungo ang salarin—simbolo na matagumpay niyang naisagawa ang pagpaslang kay Hugh.
"Just make sure that it will not lure us out," pagbabanta nito na may halong pandidilat ng mata. Matapos ay bumalik na ito sa pinanggagalingan nito kanina—sa ibang umpok rin ng mga [kaibigan] nito.
"Ako pa?" mahina niyang sambit. Ngumisi ito na tila ba nagagalak. Ikinibit-balikat na lamang ng kanyang katabi ang biglang pagngisi ng [dalaga].