webnovel

Chapter 23: How To Deal

Walang nagawa si Alex kundi ang sundan ng tingin si Angel. Masama ang loob niya sa nangyari. Masama ang loob niya sa sarili. Alam niyang siya ang dahilan ng pag-iyak ng Ate niya. Kasalanan niya itong lahat.

"And you, Alexandra. Alam kong may alam ka rin sa nangyayari," ani Benjie.

"Dad..." Naiiyak na rin siya. Hindi lang dahil sa takot kay Benjie, kundi dahil na rin sa nakokonsensiya siya sa nangyari kay Angel.

"You are also grounded. WiFi will be disabled at kukunin din namin ang cellphone at iPad mo, kayo ng ate mo."

Sa unang pagkakataon, hindi naapektuhan ng pagkawala ng WiFi connection sa bahay nila si Alex. Dahil sa mga oras na iyon, ang tanging naiisip lamang niya ay ang kanyang umiiyak na ate. She has never seen Angel cry before because of their parents' anger. Ngayon lang. And that's because of her.

And it crushes her heart. Hindi kayang makita ni Alex na nasasaktan ang ate niya, lalo na kung dahil sa kanya. Siya ang may kasalanan kaya siya lang ang kailangang mag-suffer. All that Angel did was to be a good sister, tapos ito pa ang naghihirap ngayon. She has to stop this. She has to make things right.

"Dad-"

"End of discussion, Alexandra," ani Benjie. "Sa susunod, isipin mong mabuti ang gagawin mo kung hindi mo kayang mabuhay ng walang internet connection at social media."

Natigilan si Alex. Iniisip ba ng ama na ang kawalan ng WiFi sa bahay ang dahilan ng pagluha niya? "Pero Dad-"

Tumayo na si Benjie. "I'm done here. Ipapakuha ko ang cellphone ninyo sa katulong at inaasahan kong ibibigay ninyo iyon kaagad."

Saka na lumabas ng dining room si Benjie. Kasunod nito si Alice na hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin nagsasalita.

Naiwang mag-isa si Alex sa dining room. Parang gusto niyang matawa dahil sa maling akala ng daddy niya. Pero kahit ngumiti ay hindi niya magawa ngayon. Ang Ate Angel niya ang nasa isip niya. Napasandal siya sa inuupuan. Nagi-guilty siya sa nangyari. Nasasaktan siya kapag naaalala ang sakit na nararamdaman ng ate niya. Hindi dapat ganoon ang nangyayari. Hindi dapat ito nadadamay sa mga kalokohan niya.

Nakapagdesisyon na siya. Kailangan niya itong gawan ng paraan. Kailangan niyang itama ang kanyang pagkakamali. Hindi na pwedeng may masaktan pang iba dahil sa kanya. Hindi na baleng siya ang masaktan.

As she stood up and walked towards Angel's room, she finalized her decision. She has to make things right. She has to end this madness immediately. She has to put a stop on this now, even if it means losing Richard and never seeing him again.

Dahan-dahang binuksan ni Alex ang pintuan sa silid ng ate niyang si Angel. Hinanap niya kung nasaan ito at nakita niya itong nakadapa sa kama at umiiyak. Lumapit siya dito saka niya ito tinabihan sa kama. Dumapa din siya at niyakap si Angel.

"Ate... Ate I'm sorry..." Tuluyan na rin siyang napaiyak.

Ilang sandali rin silang nanatili sa ganoong posisyon. Bumangon si Angel nang medyo humupa na ang pag-iyak nito.

"Don't be sorry. Wala kang kasalanan," ani Angel. Pinunasan nito ang mga luha niya na hindi naman maubos-ubos.

"Kasalanan ko ang lahat. Kung hindi dahil sa relasyon namin ni Richard-"

"Shhhh! Huwag mong sabihin iyan."

Napayuko na lamang si Alex dahil sa hiya sa kapatid.

"Hindi kasalanan ang magmahal. Hindi mo kasalanan na maling lalaki ang minahal mo. O kaya naman, hindi maling lalaki. Hindi ninyo kasalanan ang nangyari 20 years ago."

"Mali ang umibig sa isang katulad ni Richard, Ate."

"Hindi. Walang mali doon. Mabuting tao si Richard. Hindi kayong dalawa ang dapat na nagdurusa sa nangyari noon."

"At hindi rin ikaw, Ate. I'm very sorry. Nadamay ka pa sa kalokohan ko."

Napailing si Angel. "Natatandaan mo nung mga bata pa tayo? Noong nabasag natin iyong mga paso ng bonsai ni Mommy habang naglalaro ng volleyball? Galit na galit siya kasi mahal ang mga iyon. Tapos nasira lang natin dahil natamaan natin ng bola."

"Sinalo mo rin ako noon, Ate, kahit na ako ang nakatama sa mga paso. Ako rin ang nagpilit sa iyong maglaro ng volleyball kahit na masikip sa garden dahil sa mga halaman ni Mommy. Pero inako mo ang lahat. Kaya ikaw ang napagalitan ni Mommy."

"Dahil kapatid kita. At bilin sa akin nina Mommy at Daddy na dapat alagaan kita. Lagi kitang iingatan kasi ikaw ang baby namin."

"Ate..." Niyakap ni Alex ang kanyang kapatid. Lalo siyang nakonsensiya sa pagmamahal na ipinapakita sa kanya ni Angel.

"Huwag kang mag-alala. Katulad ng mga paso noon, malalampasan din natin ito."

Nanatili silang umiiyak na magkayakap na magkapatid. Ilang sandali pa'y kumalas si Alex mula dito.

"Ititigil ko na ang pakikipagkita kay Richard."

Tinignan siya ni Angel. "Is that really what you want?"

Napailing si Alex.

"Then don't. Don't give up on him."

"Pero Ate-"

"Do you love him?"

Napatitig si Alex kay Angel. "Unfortunately, Ate, I'm one of those people who fall in love easily."

"Fight for your love, Alex. Huwag mong itigil ang laban ninyo ni Richard dahil lang sa akin. Hindi rin ako matutuwa. Iyang guilt na nararamdaman mo, iyan ang mararamdaman ko kapag itinigil mo na ang ugnayan ninyo ni Richard."

"Pero paano ka?"

"Lilipas din ito. Hintayin lang nating humupa ang galit nina Daddy. Saka na lang tayo iisip ng paraan para tuluyan na kaming magkaayos ulit."

"Eh kung sabihin na lang natin ang totoo? Para sa akin na lang magalit sina Mommy at Daddy."

"No, don't do that!" Angel snapped. "Mas mabuti nang sa akin na lang sila galit. Isa pa, baka anong gawin sa iyo nina Mommy. Ayokong mangyari sa iyo iyong nangyari sa akin noon."

"Pero Ate, siguro naman hindi ako papaluin nina Mommy."

"Alex, please! Just listen to me, okay? We will find a way to fix this. Just don't give up."

Tumango na lang si Alex.

"Alam kong galit din sina Daddy sa iyo, dahil iniisip nila na kinunsinti mo ako. Pero konti lang, kumpara sa galit nila sa akin."

"Galit nga siya. Ayaw nga niya akong pakinggan kanina. He told me he will turn of our WiFi, and he will confiscate our cellphones and iPad."

"We're grounded, that's for sure."

"Nakakainis pa kasi akala niya naiiyak ako kasi aalisin niya iyong WiFi."

Hindi naiwasang matawa ni Angel sa sinabi nito. "Ikaw kasi, eh. Masyado kang addict."

Nakasimangot na tumingin si Alex sa kapatid. "Hindi naman ako ganoon ka-insensitive, ano."

Nagpatuloy sa pagtawa si Angel kahit na may mga luha pa ito sa mga mata at sa pisngi. Maging si Alex ay natawa na rin sa nangyari.

"See? That's why I love you," ani Angel. "Because you always make me laugh."

Alex smiled. "Huwag kang mag-alala, Ate. We will find a way to end this grudge."

"I'm sure of that."

Nagyakap ang magkapatid. Somehow, Alex's guilt was lessened because of her ate's assurance. Pero dahil doon, lalo lang siyang nagkaroon ng dahilan para maayos ang alitan sa mga pamilya nila at nina Bryan at Richard. Kung noon ay para lang sa kanya ang pangarap niyang iyon, ngayon ay para na rin sa ate niya. At alam niyang makakaya niya iyon. Sa tulong ni Richard, maaayos nila ang kung anumang dapat ayusin. Para sa ate niya.

"Do you want me to sleep with you tonight?" aniya kay Angel.

"Pwede ba?"

"Oo naman." Kahit forever pa niyang tabihan ang ate niya, basta masiguro lang niya na hindi na ito iiyak. Lalo na ng dahil sa kanya. And as she felt her sister calm down slowly, Alex thought of a way para masimulan na ang kanyang mga plano. At ang una niyang naisip, ang sabihin ang lahat kay Richard.

🌸 Sɪsᴛᴇʀs ᴀʀᴇ ᴊᴏɪɴᴇᴅ Hᴇᴀʀᴛ ᴛᴏ Hᴇᴀʀᴛ. 💛 🌸

Chapitre suivant