webnovel

Marvel-ing

Natuloy naman ang planong panonood ng sine ng apat. Nang hapon pagkatapos ng midterm exams nila, nagpunta sila sa Tarlac Downtown Cinema. Ito ang pinakamalaking sinehan sa bayan ng Tarlac.

Naunang nagpunta doon sina Richard at Bryan. Huli kasing natapos ang exam ni Alex. Isa pa ay para na rin hindi halatang magkakasama ang apat. Pagdating ng magkapatid ay nakabili na ng ticket ang dalawa pati na rin ng popcorn at drinks. Binigyan ni Bryan si Angel ng isang popcorn at Coke Zero in can, habang Coke lang ang ibinigay ni Richard kay Alex.

"Bakit wala akong popcorn?" nakasimangot na tanong ni Alex.

"Share na lang tayo sa popcorn," ang sabi naman ni Richard.

"Okay." Nginitian ito ni Alex.

Angel sneered. "Talaga lang, ha?"

Richard smiled at her shyly. Napailing na lamang si Angel dito.

Pumasok na ang apat sa loob ng sinehan. Stadium seating ang style nito. At dahil Friday noon, workday at may pasok din ang mga estudyante, konti lang ang mga taong nanonood. Maliwanag pa ang loob ng sinehan nang pumasok sila. Sina Alex at Richard ang nauuna sa apat. Nakasunod naman sa dalawa si Angel, nang bigla siyang hilahin ni Bryan. Nagtatakang napatingin siya dito.

"Hayaan mo na iyong dalawa," ani Bryan. "Siyempre na-miss nila iyong isa't isa."

"Lagi naman silang magkasama sa CPRU, eh," ani Angel.

"Na nagre-review? Hayaan mo nang mag-relax iyong dalawa."

Bryan looked at Angel trying to convince her. Sa huli ay napabuntong-hininga na lamang ang dalaga.

"Sige. But I have to see what they're doing."

"Mabait naman si Richard. Wala siyang gagawing hindi mo gusto."

"I insist."

"Okay."

Walang nagawa si Bryan kundi ang sundan na lamang si Angel. Umupo siya sa ikalawang row sa itaas ng inuupuan nina Richard at Alex. That way ay makikita ni Angel ang lahat ng ginagawa ng dalawa.

Dumilim na sa paligid at nagsimula na ang pelikula. At mukhang tama naman si Bryan sa sinabi nito. Richard is really a good guy. Mukhang gentleman nga talaga ito. Hindi ito nagsamantala kay Alex at hindi man nga lang ito umakbay dito. Ewan na nga lang ni Angel kung magkahawak ang kamay ng dalawa. Pero nakampante na rin siya sa mga kilos ng mga ito.

Na-enjoy naman ni Angel ang Guardians of the Galaxy kahit na hindi talaga siya fan ng mga superhero films. Maganda naman din kasi ang kwento pati na ang effects. Isa pa, may love story din itong kasama na talaga namang gustong-gusto niya sa isang pelikula. Pati na rin ang comedy na kasama ay na-enjoy din niya.

Nang matapos na ang palabas ay hindi kaaagad sumindi ang mga ilaw. Hindi katulad ng ibang pelikula na kapag ipinapakita na ang credits ay bubuksan na ang ilaw para makalabas na ang mga nanood.

"Bakit madilim pa rin?" nagtatakang tanong ni Angel.

"Meron pa iyan," ani Bryan.

"Hayan na yung credits, o," turo niya sa malaking screen.

"Ang Marvel laging may pahabol na eksena after the credits. Tignan mo man," ang sabi naman ni Bryan.

At naghintay na nga rin lang si Angel. Tinignan niya rin sina Alex at Richard na kampanteng nakaupo lamang. Malamang na nasabihan na ni Richard ang kapatid tungkol sa pahabol na eksena ng pelikula.

At totoo ngang may pahabol na eksena sa bandang huli ng pelikula. Wari'y patikim ito sa susunod na pelikula ng Marvel na nakapaloob sa tinatawag nitong Marvel Cinematic Universe. Nang matapos ito ay nagpatuloy ang credits at lumiwanag na rin sa buong sinehan.

Tumayo na si Angel at inihanda na ang kanyang mga gamit. Pupuntahan na sana niya si Alex nang matigilan siya dahil sa may nakakita sa kanya na isang kakilala.

"Angel!"

Natitigilang napatingin si Angel kay Elvie. "Tita... Ma'am..." Hindi niya alam ang itatawag dito. Bigla rin siyang nag-panic nang maalala ang kapatid na si Alex na kasama pa si Richard.

"Wow! Nag-a-unwind pagkatapos ang term exam, ah! At kasama pa ang boyfriend." Parang kinikilig pa si Elvie pagkasabi nito.

"Boyfriend?" Napalingon si Angel sa direksiyong tinitignan nito. Kay Bryan pala ito nakatingin.

"Hi Ma'am!" bati naman ni Bryan dito.

"Hello! Ang sweet n'yo naman," ani Elvie na kinikilig pa. "Movie date after the term exam."

𝘋𝘢𝘵𝘦? Muling napatingin si Angel kay Elvie. Is she thinking that Bryan de Vera is her boyfriend?

"Ma'am, I think you're-"

Hindi naituloy ni Angel ang sasabihin pa sana niya dahil biglang tumunog ang message alert tone ng cellphone ni Elvie.

"O sige. Mauna na ako sa inyo," anito kina Angel at Bryan. "See you na lang. Bye!"

Saka na ito umalis. Hindi na nakapagpaliwanag pa si Angel na sinundan na lamang ito ng tingin. Nakalapit na rin noon sina Alex at Richard sa kanilang dalawa.

"Did she just think that I'm your boyfriend?"

Napalingon si Angel kay Bryan.

"Ano iyon?" tanong ni Alex. "Boyfriend mo si Bryan, Ate?"

"Ang bilis mo naman, Cuz," ani Richard. "Nilibre mo lang ng sine naging kayo na agad."

"No, you don't get it, Richard," ani Angel. "Tita Elvie is our mother's friend."

"Oh no! Si Tita Elvie ba iyong nagsabi noon?" Nag-worry na rin si Alex.

"Baka sabihin niya kay Mommy iyong nakita niya." Nag-aalala na talaga si Angel.

"Baka naman hindi?" ang sabi naman ni Bryan. "Huwag muna tayong mag-panic. Baka naman lumipas din lang iyon. O kaya naman baka biro lang iyon ni Ma'am Elvie."

"Sana nga," nag-aalala pa ring wika ni Angel. "Kung hindi siguradong lagot ako kina Mommy."

"Let's just hope for the best," ang sabi naman ni Richard.

Napatingin si Alex kay Angel. Maging siya ay kinakabahan sa natuklasan. Bigla siyang na-guilty dahil napahamak ang ate niya dahil lang sa kagustuhan niyang makasama si Richard. Nadamay pa tuloy ito sa kalokohan niya. Kung may mangyari mang masama, dapat siya ang mag-suffer at hindi ang ate niya na tumutulong lang naman sa kanya.

♥︎♥︎♥︎♥︎♥︎♥︎♥︎♥︎♥︎♥︎

At nangyari nga ang kinatatakutan ni Angel. Kinabukasan, Sabado, ay nagkita sina Elvie at Alice sa restaurant ng Melting Pot Hotel. Kasama nila ang iba pa nilang mga kaibigan - si Raquel Cordova, may-ari ng Casa Rafaela at asawa ni Jeremy Cordova na partner nina Alice sa MPCF; at si Pricilla Feliciano, asawa naman ni Jaime Feliciano, partner din sa MPCF.

Naunang dumating si Alice at Raquel, na magkasabay na nagpunta doon. Sa Moonville din kasi nakatira sina Raquel. Ilang sandali naman ay dumating na rin si Elvie.

"Sorry, I'm late." Bineso-beso nito ang mga kaibigan. "Sinamahan ko pa kasi iyong dalaga kong bumili ng damit para sa kasal ng pinsan niya. Alam n'yo naman ang mga kabataan ngayon, ang tagal pumili ng damit."

"Bakit kasi hindi na lang kayo nagpagawa sa Casa?" ani Raquel. Ang tinutukoy nito ay ang Casa Rafaela.

Naupo na rin si Elvie sa tabi ni Alice. "Kulang na kasi sa time. Ito kasing anak ko, ang arte-arte. Matagal ko nang sinabing humanap na ng isusuot eh hindi kumikilos. Kung kailan isang araw na lang saka ako kukulitin."

"Baka naman kasi busy dahil sa exams?" ang sabi naman ni Alice. "Iyon ngang mga anak ko, hindi ko na makausap dahil sa pagre-review."

"Okay lang sana kung ganoon," ani Elvie. "Eh ang kaso, iba ang pinagkakaabalahan ng batang iyon."

"Huwag mong sabihing iyong boyfriend na naman niya ang dahilan?" hula ni Raquel.

"Ano pa nga ba?" sagot ni Elvie. "Dios Mio, ayaw na yatang maghiwalay ng dalawang iyon. Gusto ko na ngang tanungin kung io-organize ko na ba iyong engagement party nila o diretso nang kasal."

Natawa ang dalawa sa sentimiyento ni Elvie.

"Iba na kasi talaga ang mga kabataan ngayon," ani Raquel. "Magkasintahan pa lang, pero akala mo forever na silang magsasama."

"Sinabi mo pa," ani Elvie. "Kaya nga lagi kong sinasabihan ang asawa ko. Kako, 'pagsabihan mo iyang anak mo. Hindi pa tapos ng pag-aaral iyan. Baka bigla na lang tayong kausapin, sabihin buntis na siya.'"

"Hindi naman siguro," ani Alice. "Mabait naman si Shaira. Alam naman niyang umiwas sa mga bagay na hindi niya dapat gawin."

"Kay Shaira ko, malaki ang tiwala ko," ani Elvie. "Pero doon sa boyfriend, hay! Mabuti pa ikaw, sigurado ka sa boyfriend ni Angel."

"Huh?" Napakunot ang noo ni Alice.

"Si Bryan de Vera," ani Elvie. "Ang swerte nga ng anak mo. Iyong isa sa pinakamatinong male student sa BS ang naging boyfriend niya. One of the best students in the School. Mabait pa, at galing pa sa mabuting pamilya."

"Bryan de Vera..." Napaisip bigla si Alice.

"Noon ngang nakita ko sila sa parking lot one time, super sweet sila sa isa't isa. Inalalayan pa ni Bryan si Angel na sumakay ng kotse. Napaka-gentleman talaga nung batang iyon. Tapos, lagi na niyang sinasamahang mag-lunch iyong si Angel. Mabuti nga iyon kasi laging mag-isang mag-lunch iyong si Angel dati. Pero buti pinayagan mo siyang sumama sa sinehan with him? Alam ko kasi super strict kayo ni Benjie when it comes to Angel and Alex."

Hindi makapag-react si Alice sa sinabi ni Elvie.

"Bryan de Vera na anak nina Raul and Helen de Vera of Tarlac General Hospital?" tanong ni Raquel.

"Siya nga," sagot ni Elvie. "Ka-village ninyo sila sa Moonville, right?"

"Right," sagot ni Raquel. "Suki ko nga iyong si Helen. At lagi niyang kasama si Bryan kapag nagpupunta sila sa Casa. Mabait na bata iyon."

"Kaya nga ang swerte nitong si Alice," ani Elvie. "Hindi sakit ng ulo ang boyfriend ng anak. Kung nagkataon na iyon ang boyfriend ni Shaira, ipapakasal ko na kaagad siya doon."

Muling natawa sina Raquel at Elvie. Si Alice naman ay natahimik dahil sa narinig. Hindi naman iyon napansin pa nina Elvie at Raquel. Hanggang sa dumating na rin si Pricilla. Kaagad itong nagbeso-beso sa tatlong kaibigan.

"Sorry ngayon lang ako. May inayos lang ako sa trabaho," ani Pricilla.

"Sobra ka naman yatang tino-torture sa TGH," ani Raquel. "Weekend ngayon, ah."

"Baka naman slave driver ang boss niya?" Hindi maiwasan ni Alice ang malagyan ng pagkainis ang sinabi niyang iyon.

"Uy, huwag kang ganyan," ani Elvie. "Magiging balae mo iyong boss ni Precy someday."

"Balae?" kunot-noong tanong ni Pricilla.

"Huwag na nga nating pag-usapan iyon," pag-iwas naman ni Alice. "Pag-usapan na lang natin iyong sasabihin nitong si Pricilla."

"Oo nga," ani Raquel. "Ano ba iyong mahalagang pag-uusapan natin, Precy?"

"Well, my dear friends, hindi ko alam kung matutuwa ako o malulungkot," ang sabi naman ni Pricilla.

"Ano ba iyon?" curious na tanong ni Elvie.

"Approved na iyong VISA namin for Australia," ani Pricilla.

Hindi mapigilan ng tatlo ang pagkagulat sa anunsiyo ni Pricilla. Pero lahat naman sila ay natuwa.

"Sa wakas, makakasama n'yo na rin ang mommy't daddy mo," ani Elvie.

"Oo nga eh," ani Pricilla. "Ang tagal din naming hinintay iyon. Sabi nga nina Mommy baka daw mamatay na sila eh hindi pa rin kami makakapunta sa Australia."

"I'm happy for you, Pres," ani Raquel sabay hawak sa kamay ni Pricilla.

"Thank you, Raquie," ang sabi naman ni Pricilla.

Nagpatuloy pa sa pagkukwentuhan ang apat tungkol sa pagma-migrate nina Pricilla sa Australia. Tuluyan nang nakaligtaan nina Elvie at Raquel ang tungkol kay Angel at Bryan. Pero si Alice, hindi magawang iwaglit sa isipan ang mga natuklasan kanina.

Hindi siya makapaniwala na magagawa iyon ni Angel. Alam niyang alam nito na bawal siyang makipag-usap man lang sa mga de Vera. Tapos, magiging boyfriend pa niya ang isa sa kanila? Saang parte ba siya nagkulang ng paliwanag dito at parang hindi nito naintindihan ang utos niya?

Hindi niya mapigilan ang pagbugso ng galit sa dibdib para sa anak. Nagagalit siya dahil nasaktan siya sa ginawa nitong pagsuway sa utos nilang mag-asawa. Of all people, si Angel pa talaga ang gumawa noon. She has never felt so disappointed in her daughter as much as she feels right now. At alam niyang iyon din ang mararamdaman ng kanyang asawa mamayang sabihin na niya dito ang tungkol sa kanyang natuklasan.

𝐈𝐭'𝐬 𝐭𝐢𝐦𝐞 𝐰𝐞 𝐬𝐭𝐚𝐧𝐝 𝐮𝐩 𝐟𝐨𝐫 𝐰𝐡𝐚𝐭 𝐢𝐬 𝐫𝐢𝐠𝐡𝐭. - 𝐺𝑎𝑚𝑜𝑟𝑎, 𝐆𝐮𝐚𝐫𝐝𝐢𝐚𝐧𝐬 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞 𝐆𝐚𝐥𝐚𝐱𝐲

Chapitre suivant