"Alas-sais matatapos ang last class ko mamaya."
Napatingin si Alex sa katabing si Angel. Walang anumang tinanggal nito ang seat belt at saka lumabas na ng kotse. Hindi na siya nito hinintay pa na makababa ng kotse nito. Iniwan na siya nito at diretsong pumunta na sa Business School.
Walang nagawa si Alex kundi ang lumabas na lamang ng sasakyan at pumunta sa sarili nitong klase. Mula nang mangyari ang komprontasyon sa kanilang magkapatid ay hindi na siya nito gaanong kinakausap o pinapansin. Though hindi nagbago ang routine nila na paghatid at pagsundo nito sa kanya para hindi makahalata ang parents nila, naging malamig naman ang pakikitungo nito sa kanya.
Hindi niya maiwasang damdamin ang nangyayari sa kanilang magkapatid. Hindi rin naman niya magawang sabihin dito ang totoo kahit pa nga ito ang itinuturing niyang bestfriend niya. Ang ate niya kasi iyong tipo ng tao na sobrang masunurin sa mga utos ng parents nila. Kahit pa nga BFF niya ito, hindi siya sigurado sa magiging pananaw nito sa pagkakaibigan nilang dalawa ni Richard.
Kapansin-pansin ang pananamlay ni Alex dahil sa tampuhan nila ng kanyang ate. Maging si Richard ay nababahala na rin sa kasalukuyang estado nito emotionally.
"Hindi pa rin ba kayo ayos ng ate mo?" tanong ni Richard sa kanya. Nasa may library sila noon at doon tumatambay habang hinihintay na matapos ang huling klase ni Angel sa araw na iyon.
"Hindi pa rin."
Bigla namang na-guilty si Richard. "I'm sorry."
"Wala ka namang kasalanan," ani Alex. "Ako ang may gusto nito. Huwag mong sisihin ang sarili mo."
Pero hindi pa rin matanggal ang nararamdang guilt ni Richard. Pakiramdam nito'y siya ang dahilan ng hindi pagkakasundo ng magkapatid. Kaya naman pakiramdam nito ay obligasyon nitong pasayahin si Alex. Bukod pa sa katotohanang gusto talaga nitong maging maligaya ang dalaga.
"Alam ko na." Biglang tumayo si Richard.
"Ha?" Napatigin sa kanya si Alex.
"I know a place where we could hang out. Siguradong mare-relax ka doon."
"Saan?"
"Just come with me."
Sumama nga si Alex kay Richard. Nagpunta silang dalawa sa may parking lot kung saan naka-park ang bagong-bagong Ford Focus ni Richard.
"Hop in," anito kay Alex.
"Saan tayo pupunta?" Nanatiling nakatayo sa may parking lot si Alex.
"Relax. Sa malapit lang naman tayo. Alam mo naman siguro iyong The Coffee Club?"
"Oo, pero..." Napatingin si Alex sa kotse nito. "Bakit kailangan pa nating sumakay ng kotse? Sa kabilang kanto lang naman iyon, eh."
"To save time," sagot ni Richard. "Di ba we only have until 6PM? Mga isang oras na lang iyon. Besides, it's safer for us. Baka mamaya may makakita sa atin na magkasama tayong naglalakad papunta sa The Coffee Club."
Tama nga naman iyon. Highway ang dadaanan nila papunta sa nasabing coffee shop. Hindi malayong may mapadaang sasakyan ng isang kakilala at makita sila nito ni Richard na magkasama. Baka makarating pa ito sa mga daddy nila.
Kaya naman sumakay na rin siya sa may passenger seat ng kotse ni Richard. Pagkatapos ay sumakay na rin ang binata sa tabi nito.
"Bago?" tanong ni Alex na ang tinutukoy ay ang kotse nito.
"Yup. Sinamahan akong bumili nung isang araw ni Bryan. Sa The Garage."
Tumulak na sila papuntang The Coffee Club. Malapit lang naman ito sa CPRU, isang kanto lang sa may likuran ng unibersidad ang layo nito. Kaya naman kaagad silang nakarating doon.
"So The Coffee Club is also owned by the Quintos?" tanong ni Alex sa katabi.
"Yup," sagot naman ni Richard. Ipinark nito ang sasakyan sa isang gilid ng coffee shop. "Let's go?"
Magkasunod na lumabas ng kotse ang dalawa. Saka hinila ni Richard ang kamay ni Alex at dinala siya sa may gilid ng coffee shop.
"Saan tayo pupunta?"
"Sa may kitchen," sagot ni Richard.
"Ha?"
"Titimplahan kita ng tsaa."
Pumasok ang dalawa sa may kitchen ng coffee shop. Maliit lamang ang kitchen pero malinis naman iyon at mukhang well maintained. Dalawang lalaki ang napasukan nila sa kitchen. Ang isa ay naka-uniform ng parang sa mga barista at waiter nila sa coffee shop. Light brown polo shirt iyon na naka-tuck in sa itim na slacks. Ang isa naman ay naka-light blue long sleeved polo na naka-tuck in sa itim din na slacks. Parehong napatingin sa kanila ang dalawa pagpasok nila sa loob.
"Kuya Mike!" ani Richard.
Sumagot naman iyong lalaki na naka-light blue na polo. "Richard!" Agad itong lumapit kina Richard at Alex. Saka sila nag-bro hug na dalawa ni Richard.
"Kuya, si Alex nga pala," pakilala ni Richard sa lalaki.
"Hi!" Kinamayan ng lalaki si Alex. "Girlfriend mo?"
Pakiramdam ni Alex ay namula ang pisngi niya.
"No." Saka tumingin si Richard kay Alex. "Not yet."
Alam ni Alex na lalo siyang nag-blush sa sinabi nito.
"Oh, I see," ang sabi naman ni Mike. "I'm Michael Gonzalez. I'm Richard's cousin. Kuya Mike na lang. You actually look familiar, you know."
"She's from Moonville, Kuya," ang sabi naman ni Richard.
"Oh! Malamang nakita na kita sa ibang mga events doon," ani Mike. "Anong family ka ba?"
Atubiling sumagot si Alex. Pero parang naghihintay talaga si Mike ng sagot. Kaya naman napilitan siyang sabihin na lang ang totoo.
"Martinez."
Parang pilit munang in-absorb ni Mike ang sagot niya. Saka ito napatigin kay Richard na napakibit-balikat naman.
"Wow! You, Cousin, is really the unpredictable type."
"Just please don't tell Dad."
"I won't," ani Mike. "Hindi naman ako madaldal. Isa pa, ayokong makialam diyan sa gulo ninyo. Nadamay lang naman ang pamilya namin diyan, eh."
"Mukhang may alam ka na hindi namin alam," ani Richard sa pinsan.
"Well, Dad said na sa inyo daw nag-ugat ang problema. Iyon lang naman ang sinabi niya. Huwag na daw kaming makialam kasi hindi naman kami involved." Napatingin ito kay Alex. "But you can hang out here." He smiled at her. "Safe kayo dito. Pero huwag naman laging dito sa kitchen kayo papasok. Meron namang mga mesa na medyo tago. Doon na lang kayo."
"Noted Kuya," ani Richard. "But for now, dito muna kami. I want to make her some tea."
"Oh! So balak mo palang magpakitang gilas?" Pumunta si Mike sa may counter tops. Binuksan niya ang mga cabinets doon at tumambad sa kanila ang kahon-kahong tea bags. "Here are our supplies. What else do you need?"
Lumapit sina Richard at Alex kay Mike.
"Do you have an apple?" tanong ni Richard.
Binuksan ni Mike ang ref. "An apple a day keeps the doctor away."
"Thanks Kuya. I think those will do," ani Richard.
"So paano, maiwan ko muna kayo dito?" ani Mike. "May aasikasuhin muna ako sa labas. Richard, I know you know your way when it comes to kitchens."
"Sige Kuya."
"If you need anything, just call me outside. Okay?"
"Okay."
Lumabas na ng kusina si Mike papunta naman sa loob ng restaurant. Nang silang dalawa na lang ay nagsimula nang magtrabaho ni Richard. Si Alex naman ay naupo sa may island counter.
"Si Kuya Mike, kapatid siya ni Garee," ani Richard.
"Lagi ka bang nakikialam sa mga kusina nila?"
Ngumiti si Richard. "Sanay na sa akin ang mga iyon. Nagawi na rin ako dito minsan. At nakialam na rin ako sa kitchen na ito."
"You love coffee and tea?"
"Very much. Si Daddy nga hindi nakakatulog iyon ng hindi nagkakape."
"Eh 'di ba lalo kang hindi makakatulog noon?"
"It turns out differently. Iba-iba naman kasi iyan per individual. Iyong iba immune na sa epekto ng caffeine dahil sa sobrang addict nila sa kape."
Alex watched Richard work. Para itong isang professional kung gumalaw sa kitchen. Na-relax na siya by just watching him move.
Lalo na nung matikman niya ang tinimpla nito. "Hmn! Ang sarap!"
Napangiti si Richard. "That's chamomile tea with apple and cinnamon. Glad you liked it. Chamomile helps soothe the nerves and helps you relax."
"Salamat. Mabuti na lang andiyan ka."
"You're always welcome."
They sipped their tea and Richard engaged Alex into a pleasant conversation. True to his words, he helped her relax and somehow forget for a while the things that have been bothering her.
☕️🍎❤️
Bago mag-alas sais ay tinapos na nina Alex at Richard ang kanilang tea party sa The Coffee Club. Nasa may parking lot na sila nang sandaling mag-excuse si Alex.
"Magsi-CR lang ako."
"Samahan na kita pabalik sa kitchen."
"Huwag na," ani Alex. "Nakakahiya naman. Doon na lang sa may shop mismo."
"Are you sure?"
"Oo. Saglit lang ako. Hintayin mo na lang ako dito."
Pumasok na ng restaurant si Alex. Papasok na rin sana ng kotse si Richard nang may nakakita sa kanyang isang kakilala.
"Richard!"
Napalingon si Richard. Napangiti siya nang makita si Gina. Naka-uniform na rin ito ng katulad ng kay Angel. Kaibahan nga lang, parang medyo sumikip sa may harapan ang kay Gina dahil sa mayaman nitong hinaharap. Pati ang palda nito ay fit din sa makurba nitong balakang.
"Hi!" bati ni Richard dito.
Napatingin si Gina sa kotse niya. "Testing your new car, I guess."
"Yeah..."
"Mag-isa ka lang?"
"No! I'm with someone. Pumunta lang ng restroom pero paalis na rin kami."
"Ganoon ba?"
"Ikaw?" tanong naman ni Richard dito.
"I'm meeting some friends."
"Ah." Tumango si Richard.
"Sige, I'll go inside na. Nice meeting you na lang."
"Sige."
Pumasok na sa loob si Gina. Ilang sandali naman ay dumating na rin si Alex kaya bumalik na sila sa CPRU.