webnovel

Then Suddenly, She Changed

Napatingin si Angel sa kanyang blue Timex wristwatch. Napakunot ang kanyang noo nang makita ang oras doon. Ten minutes ago ay tinext na niya si Alex upang ipaalam dito na nasa kanyang kotse na siya sa may parking lot, pero hanggang ngayon ay wala pa rin ito.

Muli niyang kinuha ang cellphone at this time, imbes na i-text ay idinial niya ang numero ni Alex. Kaagad naman itong sumagot.

"Ate!"

"Where are you?"

"Papunta na ako." Para itong hinihingal kaya napagtanto niyang kasalukuyan na nga itong patungo sa kanya.

"Bilisan mo."

Ilang sandali nga ay dumating na si Alex at nagmamadaling sumakay ito ng kotse ni Angel at nag-seat belt.

"Ano bang nangyari sa'yo?" tanong ni Angel dito habang ini-start ang kotse.

Hinihingal si Alex dahil sa pagmamadali. "Hindi ko napansin iyong text mo. Sorry ha?" Mukha namang sincere ito.

Pero doubtful pa rin si Angel sa dahilan nito. Imposibleng hindi mapansin ni Alex ang phone nito. Kahit kasi nasaan ito o anong ginagawa, laging present ang telepono nito. Nasa harapan lamang nito ang cellphone o kaya naman ay hawak-hawak pa nito. Kaya duda siya sa isinagot ni Alex kanina.

Hindi na lamang nagkomento pa si Angel sa sinabi ng kapatid. Hinayan na lamang niya si Alex sa paliwanag nito. Siguro nga ay hindi lamang nito napansin iyon. May ginagawa nga siguro ito kaya hindi nito napansin ang text niya dito.

Pagkagaling sa school ay dumiretso ang dalawa sa may Casa Rafaela upang kunin ang mga pinatahi nilang school uniforms. Ang Casa Rafaela ang pinakamalaking dress shop sa bayan ng Tarlac. Ito ang nakakontratang gumawa ng mga uniforms ng mga estudyante sa CPRU. Bawat estudyante ay kailangang personal na magpunta sa Casa Rafaela upang magpasukat, at ang bayad naman ay kasama na sa tuition fee na babayaran nila sa CPRU.

Nasa may waiting area noon ang magkapatid at naghihintay sa kanilang mga uniporme. Napatingin si Angel kay Alex na super busy sa pagbabasa ng kung anong nasa cellphone nito. Na-conclude ni Angel na may ka-chat o ka-text ito dahil sa manaka-naka itong nagta-type sa cellphone. Minsan ay napapangiti pa ito pagkabasa ng mga messages siguro mula sa kung sino mang kausap nito.

"Thank you for waiting!" bungad sa kanila ni Mrs. Raquel Cordova, ang manager ng Casa Rafaela. Nagmula ito sa itaas kung saan naroon ang mga pinapagawang damit sa dress shop. Kasunod nito ang dalawa nitong tauhan na dala-dala ang kanilang pinatahing uniporme.

Tumayo si Angel upang salubungin ang padating na si Raquel. Napatingin siya kay Alex na busy pa rin sa pagta-type sa cellphone nito. "Alex!"

Gulat na napatingin si Alex sa kanya. "Ha?" Nakita nitong nakatayo siya kaya napatayo na rin ito.

Nakalapit na sa kanila sina Raquel at ang dalawa nitong staff.

"Heto na ang mga uniforms ninyo. This is for Alex, and this is for Angel. Pwede n'yo nang isukat para malaman natin kung okay na yung fit. Ia-assist na lang kayo nitong mga staff namin."

Pumunta na ang magkapatid sa magkahiwalay na fitting room at isinukat ang kanilang mga uniporme. Pare-pareho ang uniform ng mga first at second year college students sa lahat ng schools ng CPRU. Para sa babae, white long-sleeved blouse with closed collar na naka-tuck in sa palda nito. Ang skirt ay green na A-line, pleated na hanggang itaas ng tuhod. Meron din silang grey necktie with school logo at matching green blazer with grey accent. Ganoon ang ipinagawang uniform ni Alex.

Pagdating naman sa third and fourth year students, magkakaiba na ang uniform per school. Ito na rin kasi ang panahon kung saan nagsisimula nang mag-OJT o ang internship ng mga estudyante kaya ibinabagay na ang uniform sa papasukan nilang kumpanya. Para sa Business School, green short-sleeved blouse with ribbon collar ang itinalagang kasuotan sa mga babaeng estudyante. Naka-tuck in ito sa grey high rise pencil cut skirt na above the knee ang haba. Meron din silang grey blazer na ka-match ng kanilang skirt. Iyon naman ang ipinagawang uniform ni Angel.

Ayos naman ang fit ng mga ito. Kaya pagkatapos isukat ay kinuha na nila ang mga ito upang iuwi. Nang nasa kotse na sila ay balik ulit sa cellphone nito si Alex. Ni wala man lang itong komento tungkol sa mga bagong uniforms nila, na taliwas sa dati nitong reaksiyon kapag may bago itong damit. Balik lamang ito sa pagta-type at pagbabasa ng messages. Napakunot ang noo ni Angel.

"Kumusta yung mga uniform mo, Alex?" tanong niya sa katabi.

"Okay lang," sagot ni Alex na sa cellphone pa rin nakatingin.

Naninibago na talaga si Angel sa kapatid. Hindi niya maisip kung ano ang nangyayari dito. Sinimulan na niyang i-drive ang kanyang sasakyan, nang may bigla siyang maalala.

"Hindi ba tayo bibili ng bagong sapatos?"

"Hmn?" walang-anumang sagot ni Alex.

"Iyong sinabi mo kahapon. Kailangan ng bagong sapatos na babagay sa uniform natin."

Hindi na ito sumagot. Bigla itong napangiti nang may mabasa ito sa cellphone nito.

Hindi na rin nagtanong pa si Angel. Nagpatuloy na lamang siya sa pagda-drive pauwi sa Moonville. Sinarili na lang muna niya ang kanyang obserbasyon sa kapatid.

📱❤️🚗

Simula noon ay inobserbahan na ni Angel ang kapatid. Palihim nitong tinandaan ang wari'y pagbabago ng mga habits nito. Pansin niya'y naging addict itong bigla sa pagti-text. O pagti-text nga ba? Hindi niya alam kung ano ang ginagawa nito. Basta pansin niya ay lagi itong may tina-type sa cellphone nito.

Pansin din niya ay dumalang ang mga tweets nito base na rin sa malinis nitong timeline sa Facebook. Wala na kasi siyang nakikitang gaanong updates mula dito ngayon. Pero ang pinakanapansin niya ay iyong lagi na itong nahuhuli sa tagpuan nilang dalawa. Hindi naman ito ganoon noon. Never itong nahuli sa kahit anong usapan, lalo na iyong pakikisabay sa kanya sa pag-uwi.

Minsan ay sinita niya ito kung bakit nahuli ito sa pagdating sa tagpuan nila. Ang sabi nito, "Marami kasi akong tinapos na assigment sa library, Ate. Hindi ko napansin na oras na pala." Isa pang palusot nito ay, "Nagkita kami nina Samantha and the Girls. Napasarap ang kwentuhan namin, eh."

Ayaw niyang paghinalaan ang kapatid. Pero hindi niya maiwasang magduda. Iyon yata ang tinatawag nilang woman's instinct. Sa sobrang close nila ni Alex, konting pagbabago lang sa mga kilos nito ay napapansin na niya.

Minsan ay nakita niya ang kaibigan ni Alex na si Isabelle o Issay. Alam niyang hindi siya gaanong gusto ng mga ito, dahil tingin ng mga ito ay masungit siya. Pero may respeto pa rin ang mga ito sa kanya bilang ate ng kaibigan nila. Kaya binabati pa rin siya ng mga ito at kinakausap.

"Kumusta, Ate?"

"Okay lang. Kayo? Kumusta ang college life?"

"Ang hirap pala, Ate."

Napangiti si Angel.

"Ang daming requirements na kailangan i-pass. Tapos halos araw-araw may exam. Ganoon ba sa lahat ng course?" BSBA Major in Operations Management ang course ni Issay.

"Oo, ganoon naman sa lahat."

"Kumusta nga pala si Alex?"

Nagulat si Angel sa tanong ni Issay. Ang alam kasi niya, kasama ng kapatid ang kabarkada nito noong isang araw lang.

"Hindi nyo ba siya nakakausap?" tanong na lamang ni Angel.

"Hindi eh. Ang tagal na nga namin siyang hindi nakikita. Ilang linggo na rin. Tapos dumalang na rin yung mga tweets niya at mga updates sa Facebook. May sakit ba yun, Ate?"

Napangiti si Angel sa biro ni Issay, pero hindi niya maiwasang maguluhan sa kinuwento nito. "Medyo busy lang siya sa school."

"Sabi na nga ba. Nahawa na rin siya sa sumpa ng college life. Kawawang Alexandra."

Pumapalatak pang umiling si Issay. Napangiti muli si Angel sa ginawi nito. Pero hindi na siya mapalagay dahil sa nalaman niya sa kaibigan ng kapatid.

♥︎♥︎♥︎ 𝙽𝚘𝚝 𝚝𝚎𝚕𝚕𝚒𝚗𝚐 𝚖𝚎 𝚜𝚘𝚖𝚎𝚝𝚑𝚒𝚗𝚐 𝚘𝚛 𝚑𝚒𝚍𝚒𝚗𝚐 𝚜𝚘𝚖𝚎𝚝𝚑𝚒𝚗𝚐 𝚘𝚗 𝚙𝚞𝚛𝚙𝚘𝚜𝚎 𝚒𝚜 𝚓𝚞𝚜𝚝 𝚝𝚑𝚎 𝚜𝚊𝚖𝚎 𝚊𝚜 𝚕𝚢𝚒𝚗𝚐. ♥︎♥︎♥︎

Chapitre suivant