webnovel

Twitter Party

Gabi na pero ginugulo pa rin si Alex ng alaala ng mga pangyayari kaninang umaga at hapon. Nakahiga siya ngayon sa kama at nakataas ang mga paa sa kanyang headboard. Nakatingin siya sa pader pero parang ang mga eksena kanina sa CPRU ang kanyang nakikita.

Ang unang paghaharap nila si Richard. His beautiful smile that adorned his handsome face. The way he talked to her, down to earth yet confident and sure. And then, she saw him again in Phil Lit. The Man in Blue. She again immersed herself into an alluring and pleasurable acquaintance until the end of the subject. Until they decided to take a walk and chat for more. Until Bryan came, and then, her sister. Until she found out who he is.

Napaupo si Alex. Frustrated na tumayo siya at nagtungo sa kanyang study table. Naupo siya doon at saka niya binuksan ang kanyang 13-inch Mackbook Pro. Pumunta siya sa Twitter. Naisipan niyang libangin ang sarili sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga tweets ng mga fina-follow niya. Bumungad kaagad sa kanya ang tweet ng kanyang mga kaibigan.

𝗦𝘁𝗲𝗳𝗳𝗶 𝗕𝗮𝘀𝗶𝗹𝗶𝗼 @𝚜𝚝𝚎𝚏𝚏𝚒𝚎𝚋𝚊𝚜𝚒𝚕𝚒𝚘 I love #CollegeLife! So many cute boys! #FirstDayOfSchool

Napangiti si Alex. Nag-reply naman ang iba pa nilang mga kaibigan.

𝗦𝗮𝗺𝗮𝗻𝘁𝗵𝗮𝟓𝟑𝟗𝟗 @𝚜𝚊𝚖_𝚛𝚘𝚚𝚞𝚎 Hinay-hinay lang @steffiebasilio. Di ka pa pwedeng mag-BF right? #FirstDayOfSchool #CollegeLife!

𝗦𝘁𝗲𝗳𝗳𝗶 𝗕𝗮𝘀𝗶𝗹𝗶𝗼 @𝚜𝚝𝚎𝚏𝚏𝚒𝚎𝚋𝚊𝚜𝚒𝚕𝚒𝚘 Pwede na @sam_roque. 16 na kaya ako. #FirstDayOfSchool #CollegeLife!

𝗕𝗲𝗹𝗹𝗮𝗖𝘂𝗹𝗹𝗲𝗻 @𝚒𝚜𝚜𝚊𝚢_𝟷𝟾 @steffiebasilio Sabi ng mommy mo kapag 35 ka na daw dun ka pa lang pwede mag-BF. Lol! @sam_roque #FirstDayOfSchool #CollegeLife

𝗦𝘁𝗲𝗳𝗳𝗶 𝗕𝗮𝘀𝗶𝗹𝗶𝗼 @𝚜𝚝𝚎𝚏𝚏𝚒𝚎𝚋𝚊𝚜𝚒𝚕𝚒𝚘 Hoy @issay_18, bakit bella cullen ka na naman? Ambisyosa ka talaga! (laughing emoji) @sam_roque #FirstDayOfSchool #CollegeLife

𝗕𝗲𝗹𝗹𝗮𝗖𝘂𝗹𝗹𝗲𝗻 @𝚒𝚜𝚜𝚊𝚢_𝟷𝟾 @steffiebasilio @sam_roque Meron akong classmate. Kamukha niya si Edward Cullen. Feeling ko tuloy ako si Bella. Ayiiiiii! #FirstDayOfSchool

𝗕𝗲𝗹𝗹𝗮𝗖𝘂𝗹𝗹𝗲𝗻 @𝚒𝚜𝚜𝚊𝚢_𝟷𝟾 @steffiebasilio @sam_roque Tutal pareho naman kami ng pangalan. #FirstDayOfSchool #CollegeLife

𝗦𝗮𝗺𝗮𝗻𝘁𝗵𝗮𝟓𝟑𝟗𝟗 @𝚜𝚊𝚖_𝚛𝚘𝚚𝚞𝚎 @steffiebasilio @issay_18 Teka lang. Mukhang MIA si @AlexCutie5499. Bakit kaya hindi pa siya nagpaparamdam? #FirstDayOfSchool #CollegeLife

𝗦𝘁𝗲𝗳𝗳𝗶 𝗕𝗮𝘀𝗶𝗹𝗶𝗼 @𝚜𝚝𝚎𝚏𝚏𝚒𝚎𝚋𝚊𝚜𝚒𝚕𝚒𝚘 @sam_roque @issay_18 @AlexCutie5499 baka dahil hindi pa nagti-trend ang mga pinauso niyang HT. Lol! #FirstDayOfSchool #CollegeLife

𝘈𝘩 𝘨𝘢𝘯𝘶𝘯, 𝘩𝘢? Napangiti si Alex. Naisip niyang magkwento ng mga pangyayari sa mga kaibigan niya. Pero dahil secret nga ang tungkol sa pagkakakilala nila ni Richard Quinto, sa direct messages na lang siya sumagot sa mga panunukso ng mga kaibigan. Sinimulan niya ang isang private conversation.

𝗔𝗹𝗲𝘅𝗮𝗠𝗮𝗿𝘁𝗶𝗻𝗲𝘇: Hi Girls!

𝗦𝘁𝗲𝗳𝗳𝗶𝗲 𝗕𝗮𝘀𝗶𝗹𝗶𝗼: Hey Alex! Long time no tweet!

𝗔𝗹𝗲𝘅𝗮𝗠𝗮𝗿𝘁𝗶𝗻𝗲𝘇: Oo nga eh. Kumusta ang #FirstDayOfSchool?

𝗦𝘁𝗲𝗳𝗳𝗶𝗲 𝗕𝗮𝘀𝗶𝗹𝗶𝗼: Super nice! 😊

𝗦𝗮𝗺𝗮𝗻𝘁𝗵𝗮𝟓𝟑𝟗𝟗: Alex!!!

𝗕𝗲𝗹𝗹𝗮𝗖𝘂𝗹𝗹𝗲𝗻: Namiss ka namin. Huhuhu!

𝗔𝗹𝗲𝘅𝗮𝗠𝗮𝗿𝘁𝗶𝗻𝗲𝘇: Namiss ko rin kayo, Bella Swan. 😆

𝗦𝗮𝗺𝗮𝗻𝘁𝗵𝗮𝟓𝟑𝟗𝟗: Anong meron sa School of Arts and Humaities? Ikaw lang napahiwalay eh. Lol!

Lahat kasi silang tatlo ay sa Business School kabilang. Si Alex lang ang napahiwalay sa kanilang magkakabarkada.

𝗔𝗹𝗲𝘅𝗮𝗠𝗮𝗿𝘁𝗶𝗻𝗲𝘇: Kaya nga. Kakaawa naman ako... ☹️ Buti na lang may nameet ako kanina.

𝗦𝘁𝗲𝗳𝗳𝗶𝗲 𝗕𝗮𝘀𝗶𝗹𝗶𝗼: OMG! Cuttie pie guy ba iyan?

𝗔𝗹𝗲𝘅𝗮𝗠𝗮𝗿𝘁𝗶𝗻𝗲𝘇: Oo, super.

𝗦𝘁𝗲𝗳𝗳𝗶𝗲 𝗕𝗮𝘀𝗶𝗹𝗶𝗼: Ayiiii! Go Girl! Igrab na yan at huwag pakawalan. Super pacute ka na para mahumaling siya sa alindog mo.

𝗕𝗲𝗹𝗹𝗮𝗖𝘂𝗹𝗹𝗲𝗻: Lol! I know the feeling, Alex.

𝗔𝗹𝗲𝘅𝗮𝗠𝗮𝗿𝘁𝗶𝗻𝗲𝘇: Kaya lang Girls, may problem.

𝗦𝘁𝗲𝗳𝗳𝗶𝗲 𝗕𝗮𝘀𝗶𝗹𝗶𝗼: May jowa? Oh no!

𝗦𝗮𝗺𝗮𝗻𝘁𝗵𝗮𝟓𝟑𝟗𝟗: Kasi naman, masyado kayong excited.

𝗔𝗹𝗲𝘅𝗮𝗠𝗮𝗿𝘁𝗶𝗻𝗲𝘇: I don't know kung may GF na siya. Pero kahit wala pa, hindi pa rin kami pwede.

𝗕𝗲𝗹𝗹𝗮𝗖𝘂𝗹𝗹𝗲𝗻: Bakit naman? Don't tell me kafederasyon yan?

𝗦𝘁𝗲𝗳𝗳𝗶𝗲 𝗕𝗮𝘀𝗶𝗹𝗶𝗼: Naku, krisis na talaga ito sa ating mga Girls! Kailangan na nating kumilos!

𝗔𝗹𝗲𝘅𝗮𝗠𝗮𝗿𝘁𝗶𝗻𝗲𝘇: Lol! Hindi sa ganun. Huwag OA... Hahaha...

𝗦𝗮𝗺𝗮𝗻𝘁𝗵𝗮𝟓𝟑𝟗𝟗: Eh ano ngang problem, Girl?

𝗔𝗹𝗲𝘅𝗮𝗠𝗮𝗿𝘁𝗶𝗻𝗲𝘇: He's a Quinto.

𝗕𝗲𝗹𝗹𝗮𝗖𝘂𝗹𝗹𝗲𝗻: Huwaaattt?

𝗦𝘁𝗲𝗳𝗳𝗶𝗲 𝗕𝗮𝘀𝗶𝗹𝗶𝗼: Oh no! That can't be.

𝗦𝗮𝗺𝗮𝗻𝘁𝗵𝗮𝟓𝟑𝟗𝟗: Sa dinami dami ng magugustuhan, bakit isang Quinto pa?

𝗔𝗹𝗲𝘅𝗮𝗠𝗮𝗿𝘁𝗶𝗻𝗲𝘇: I know. Kakalungkot nga. ☹️

𝗦𝗮𝗺𝗮𝗻𝘁𝗵𝗮𝟓𝟑𝟗𝟗: Alam ba ng parents mo?

𝗔𝗹𝗲𝘅𝗮𝗠𝗮𝗿𝘁𝗶𝗻𝗲𝘇: Hindi, si Ate lang.

𝗕𝗲𝗹𝗹𝗮𝗖𝘂𝗹𝗹𝗲𝗻: Naku, delikado tayo jan Girl!

𝗔𝗹𝗲𝘅𝗮𝗠𝗮𝗿𝘁𝗶𝗻𝗲𝘇: Hindi naman. Hindi naman magsusumbong si Ate eh.

𝗕𝗲𝗹𝗹𝗮𝗖𝘂𝗹𝗹𝗲𝗻: Sana nga. Eh yung ate mo parang guidance councilor eh. Sobrang straight sa mga rules.

𝗦𝘁𝗲𝗳𝗳𝗶𝗲 𝗕𝗮𝘀𝗶𝗹𝗶𝗼: Parang militar ka mo.

𝗔𝗹𝗲𝘅𝗮𝗠𝗮𝗿𝘁𝗶𝗻𝗲𝘇: Hindi naman ganoon si Ate. Mabait iyon. Promise 😉

𝗦𝗮𝗺𝗮𝗻𝘁𝗵𝗮𝟓𝟑𝟗𝟗: O anong balak mo ngayon? Bawal kang makipag usap man lang sa mga Quinto, di ba?

𝗔𝗹𝗲𝘅𝗮𝗠𝗮𝗿𝘁𝗶𝗻𝗲𝘇: Oo pero hindi ko alam, Sam. Parang hindi ko siya maiwasan. It seems like I'm drawn to him.

𝗦𝘁𝗲𝗳𝗳𝗶𝗲 𝗕𝗮𝘀𝗶𝗹𝗶𝗼: Naku naku naku! Patay tayo diyan! Isa lang ibig sabihin niyan Girl.

𝗕𝗲𝗹𝗹𝗮𝗖𝘂𝗹𝗹𝗲𝗻: Crush mo na siya Girl!

𝗦𝘁𝗲𝗳𝗳𝗶𝗲 𝗕𝗮𝘀𝗶𝗹𝗶𝗼: That's right.

𝗕𝗲𝗹𝗹𝗮𝗖𝘂𝗹𝗹𝗲𝗻: Ang hirap ng lagay mo, Girl.

𝗦𝘁𝗲𝗳𝗳𝗶𝗲 𝗕𝗮𝘀𝗶𝗹𝗶𝗼: That's right.

𝗕𝗲𝗹𝗹𝗮𝗖𝘂𝗹𝗹𝗲𝗻: Double send, steff?

𝗦𝘁𝗲𝗳𝗳𝗶𝗲 𝗕𝗮𝘀𝗶𝗹𝗶𝗼: That's right. 😆

𝗕𝗲𝗹𝗹𝗮𝗖𝘂𝗹𝗹𝗲𝗻: Baliw! 😆

𝗦𝗮𝗺𝗮𝗻𝘁𝗵𝗮𝟓𝟑𝟗𝟗: Baka naman hindi pa crush? He's just nice and you're drawn to his good manners. Ganun.

𝗦𝘁𝗲𝗳𝗳𝗶𝗲 𝗕𝗮𝘀𝗶𝗹𝗶𝗼: Baka naman hindi ganun kacute, Girl. Makakahanap ka pa ng iba.

𝗕𝗲𝗹𝗹𝗮𝗖𝘂𝗹𝗹𝗲𝗻: Ano bang pangalan niya?

𝗔𝗹𝗲𝘅𝗮𝗠𝗮𝗿𝘁𝗶𝗻𝗲𝘇: Richard Quinto.

𝗕𝗲𝗹𝗹𝗮𝗖𝘂𝗹𝗹𝗲𝗻: Searching Richard Quinto on FB...

𝗔𝗹𝗲𝘅𝗮𝗠𝗮𝗿𝘁𝗶𝗻𝗲𝘇: Uy! Baka sabihin niya inistalk ko siya!

𝗕𝗲𝗹𝗹𝗮𝗖𝘂𝗹𝗹𝗲𝗻: Relax. Hindi naman niya alam na kakilala mo ako.

𝗦𝘁𝗲𝗳𝗳𝗶𝗲 𝗕𝗮𝘀𝗶𝗹𝗶𝗼: Sige nga Isabella at nang makilatis natin iyang lalaking iyan.

𝗦𝗮𝗺𝗮𝗻𝘁𝗵𝗮𝟓𝟑𝟗𝟗: Kung makakilatis kayo para kayong lola ni Alex ah.

𝗦𝘁𝗲𝗳𝗳𝗶𝗲 𝗕𝗮𝘀𝗶𝗹𝗶𝗼: Siyempre kaibigan natin si Alex. Dapat alam natin kung worth it ba ang stress na idinudulot ng lalaking iyon sa kanya.

𝗕𝗲𝗹𝗹𝗮𝗖𝘂𝗹𝗹𝗲𝗻: OMG! 😲

𝗦𝘁𝗲𝗳𝗳𝗶𝗲 𝗕𝗮𝘀𝗶𝗹𝗶𝗼: Nakita mo na? Pasend ng pic.

𝗕𝗲𝗹𝗹𝗮𝗖𝘂𝗹𝗹𝗲𝗻: OMG!!!! Siya ba ito?

𝗕𝗲𝗹𝗹𝗮𝗖𝘂𝗹𝗹𝗲𝗻: OMG!!!! Siya ba ito?

Sinend ni Issay ang litrato ni Richard Quinto sa kanilang private DM.

𝗔𝗹𝗲𝘅𝗮𝗠𝗮𝗿𝘁𝗶𝗻𝗲𝘇: Siya nga iyan.

𝗕𝗲𝗹𝗹𝗮𝗖𝘂𝗹𝗹𝗲𝗻: OMG Alex! Gora na ito Girl!

𝗦𝘁𝗲𝗳𝗳𝗶𝗲 𝗕𝗮𝘀𝗶𝗹𝗶𝗼: Nabakla na naman itong si Issay.

𝗕𝗲𝗹𝗹𝗮𝗖𝘂𝗹𝗹𝗲𝗻: Eh nakakabakla naman kasi itong Richard Quinto na itooooh!

𝗦𝗮𝗺𝗮𝗻𝘁𝗵𝗮𝟓𝟑𝟗𝟗: Girls, he's a Quinto. Alam n'yo naman ang history ng family ni Alex sa mga Quinto.

𝗦𝘁𝗲𝗳𝗳𝗶𝗲 𝗕𝗮𝘀𝗶𝗹𝗶𝗼: Ano nga bang history nyo Alex?

𝗕𝗲𝗹𝗹𝗮𝗖𝘂𝗹𝗹𝗲𝗻: Oo nga. Bakit galit na galit ang mga parents ninyo sa isat isa? To think na nice din naman si Richard sa iyo, right?

𝗔𝗹𝗲𝘅𝗮𝗠𝗮𝗿𝘁𝗶𝗻𝗲𝘇: You're right, Issay. Actually, I don't know, too. Walang sinabi sina mommy sa amin. Ayaw din naman naming magtanong ni ate sa kanila.

𝗕𝗲𝗹𝗹𝗮𝗖𝘂𝗹𝗹𝗲𝗻: Sayang naman. Ang cute pa naman nitong si Richard.

𝗦𝘁𝗲𝗳𝗳𝗶𝗲 𝗕𝗮𝘀𝗶𝗹𝗶𝗼: But what if he's really your soul mate?

𝗦𝗮𝗺𝗮𝗻𝘁𝗵𝗮𝟓𝟑𝟗𝟗: Steff, be logical. Hindi nga sila pwede.

𝗦𝘁𝗲𝗳𝗳𝗶𝗲 𝗕𝗮𝘀𝗶𝗹𝗶𝗼: Sam, be romantic naman. Kahit minsan lang. In this world, minsan hindi lang utak kailangan paganahin. Nandiyan naman ang puso.

𝗦𝗮𝗺𝗮𝗻𝘁𝗵𝗮𝟓𝟑𝟗𝟗: Pero magkaaway nga family nila di ba? Mahirap ang ganun.

𝗦𝘁𝗲𝗳𝗳𝗶𝗲 𝗕𝗮𝘀𝗶𝗹𝗶𝗼: Pero sabi nga nila di ba? Love is a many splendored thing.

𝗕𝗲𝗹𝗹𝗮𝗖𝘂𝗹𝗹𝗲𝗻: Ano namang kinalaman non sa sitwasyon ni Alex? Lol!

𝗦𝘁𝗲𝗳𝗳𝗶𝗲 𝗕𝗮𝘀𝗶𝗹𝗶𝗼: Lol!

𝗔𝗹𝗲𝘅𝗮𝗠𝗮𝗿𝘁𝗶𝗻𝗲𝘇: Lol! Thanks Girls. Kahit papaano gumaan ang loob ko.

𝗕𝗲𝗹𝗹𝗮𝗖𝘂𝗹𝗹𝗲𝗻: You're always welcome Girl!

𝗦𝘁𝗲𝗳𝗳𝗶𝗲 𝗕𝗮𝘀𝗶𝗹𝗶𝗼: Yeah...

𝗦𝗮𝗺𝗮𝗻𝘁𝗵𝗮𝟓𝟑𝟗𝟗: But we're just here to support you, Alex. To give you advice. In the end, ikaw pa rin ang magdedesisyon.

𝗦𝘁𝗲𝗳𝗳𝗶𝗲 𝗕𝗮𝘀𝗶𝗹𝗶𝗼: Tama si Samantha, Alex. And whatever your decision is, nandito lang kami to support you.

𝗕𝗲𝗹𝗹𝗮𝗖𝘂𝗹𝗹𝗲𝗻: That's true.

𝗔𝗹𝗲𝘅𝗮𝗠𝗮𝗿𝘁𝗶𝗻𝗲𝘇: Thanks Girls.

𝗕𝗲𝗹𝗹𝗮𝗖𝘂𝗹𝗹𝗲𝗻: Pero ang cute talaga ni Richard Quinto!

Napangiti si Alex. Somehow she felt better after talking to her friends. Although medyo stressed pa rin siya sa mga nangyari ngayong araw, kahit papaano ay sumaya na rin siya dahil sa mga kaibigan.

♥︎♥︎♥︎♥︎♥︎♥︎♥︎♥︎♥︎♥︎

Nakatayo ngayon si Richard sa may paanan ng kanyang kama, kung saan naroon ang study table niya. Pabalik-balik siyang naglalakad sa harapan nito. Napatingin siya sa kanyang 15-inch MacBook Pro. Parang may bigla siyang naisip na ideya. Umupo siya sa kanyang upuan at in-open ang kanyang Facebook account. Sa search bar ay itinype niya ang pangalang Alexandra Martinez.

Kaagad namang lumitaw ang mga nag-match sa kanyang hinahanap. Nakita niya ang litrato nung babaeng nakilala niya kanina sa CPRU. Binuksan niya ang page ng account nito. Wala siyang gaanong nakita kundi ang pagpapalit ng profile picture at cover photo nito. Naka-private ang lahat ng mga posts nito. Pero kahit na kaunti lamang ang kanyang nakita, nasiyahan na siya roon.

Kahit sa kaunting larawan ay masasabi niyang nakilala pa niyang lalo ang babaeng nakahuli sa kanyang atensiyon. Masayahin ang dating ng mga larawan nito, kagaya ng personality nito na nakita niya kanina sa CPRU. Maging ang mga cover photos nito ay positibo rin ang vibe. Mukhang hindi ito iyong taong mahilig mag-emo sa Facebook. Meron din kaya itong Twitter account?

Pero kahit gaano yata kadami ang mga larawang nandoon ay hindi pa rin iyon sapat kay Richard. Lalo lamang niyang nahangad na lalo pang makilala si Alex Martinez. At magagawa lang niya iyon kung makikita niya ng buo ang Facebook account nito.

Pinagalaw niya ang cursor gamit ang touchpad ng kanyang laptop. Itinapat niya ito sa button na may label na Add Friend. Pero parang hindi niya magawang pindutin iyon. Nagdadalawang-isip siya. Tama ba ang ginagawa niya? Alam niyang hindi dapat iyon dahil magkaaway ang kanilang mga pamilya. Hindi siya dapat makipagkaibigan sa babaeng iyon kahit sa social media lang.

Pero hindi nya mapigilan ang sarili. Interesado siya sa babaeng ito. Gusto niyang mapalapit dito. Gusto niyang malaman ang iba pang tungkol dito. Kaya sa huli, nanaig ang pagnanais niyang mas makilala pa ang babaeng nagngangalang Alexandra Martinez. Ginawa niya kung ano ang dinidikta ng kanyang puso na pilit pinipigilan ng kanyang utak. Sa pagkakataong iyon, naging mas malakas ang puso niya. Hindi na ito ang kinokontrol ng kanyang utak. Ang puso na niya ang kumokontrol sa kanyang isipan.

Friend Request Sent.

♥︎♥︎♥︎ 𝙴𝚟𝚎𝚛𝚢𝚘𝚗𝚎 𝚑𝚊𝚜 𝚝𝚑𝚎𝚒𝚛 𝚏𝚊𝚝𝚎 𝚊𝚗𝚍 𝚝𝚑𝚎 𝚖𝚘𝚛𝚎 𝚙𝚎𝚘𝚙𝚕𝚎 𝚝𝚛𝚢 𝚝𝚘 𝚊𝚟𝚘𝚒𝚍 𝚒𝚝, 𝚝𝚑𝚎 𝚖𝚘𝚛𝚎 𝚝𝚛𝚘𝚞𝚋𝚕𝚎 𝚝𝚑𝚎𝚢 𝚐𝚎𝚝 𝚒𝚗𝚝𝚘. - 𝚆𝚒𝚕𝚕𝚒𝚊𝚖 𝚂𝚑𝚊𝚔𝚎𝚜𝚙𝚎𝚊𝚛𝚎, 𝚁𝚘𝚖𝚎𝚘 𝚊𝚗𝚍 𝙹𝚞𝚕𝚒𝚎𝚝 ♥︎♥︎♥︎

Chapitre suivant