webnovel

Chapter 66 : Sa Pusod ng Dagat :

Mabilis na ikinampay ni Arnie ang kanyang ginintuang

buntot, sinusundan ang batang sirena na kanyang

nakilala sa tabing dagat at umiiyak. Kinausap niya ito at

inalo hanggang sa ito ay tumahan, at ngayon nga ay

sinusundan niya ang batang sirenang ito na ngayon ay

pabalik na sa pusod ng dagat.

Habang lumalangoy. Buong paghangang minamasdan ni

Arnie ang ibat ibang pangkat ng mga isda na kanyang

nasasalubong.

May mangilan ngilan ding pating at balyena

siyang nakita, na buong paghanga pang lumingon sa kanya

na tila ba natatakam at gusto siyang kainin, ngunit mabilis

na lumangoy palayo ng mapansin ang mabalasik niyang pag

tingin.

Tila ba naramdaman ng mga ito na ng oras na iyon ay

nag iisip na si Arnie ng kung anong klaseng luto ang maari

niyang gawin sa mga ito.

Arnie : Hoy!!! Batang sirena!!! saan mo ba ako dadalhin???

malalim na ang narating natin, may ilalalim pa ba ito???? Ang

tawag at tanong ni Arnie kay fishna ang munting sirena

Fishna : Sa pusod ng dagat.... Sa Atlantis...

Ang sagot ni Fishna na patuloy sa paglalangoy ng mabilis

Arnie : Atlantis??? Saan iyon?? ? ang muling tanong ni Arnie

na napag hahalatang hindi nag aaral ng leksyon sa eskwela

Fishna : Sa Atlantis..... Ang nawawala at lumubog na palasyo

sa pusod ng dagat, ang aming kaharian.... Ang palasyo ni

Dios Neptuno!!!

Arnie : palasyo ni Neptune??? Ang Atlantis??? wehhhh hindi nga???

Ang hindi makapaniwalang tanong ni Arnie.

Fishna : oo nga!!! Ang kulit mo naman!!! Bakit ba ayaw mo maniwala??

mukha ba akong sinungaling??? ang naiinis na tanong ni Fishna na

pansamantalang huminto sa paglangoy at hinarap ang makulit na si Arnie

Arnie : wehhhh nag jo joke ka lang ano?!? Akala mo siguro, wala akong

alam sa history??? Ang pangungulit pang muli ni Arnie kay fishna na hindi

na mapinta ang mukha sa pagka iyamot sa babaing ka kikilala lamang na nag

magandang loob na mag alok ng tulong...

Chapitre suivant