Tanaw ko pa lang si Iñigo mula sa gate nang kusang bumalik ang mga kalokohan namin noong mga bata pa. Bilang anak siya ng katiwala sa bahay, si Iñigo ang madalas kong makasama sa paglalaro at sa pag-aaral.
May katagalan na rin nang huli kami magkita. Umalis sila sa 'min dahil gusto raw niyang maging monghe. Simula noon wala na akong naging balita sa kanya.
"Tangkad neto! Dati mas matangkad pa ako sa 'yo e." Bahagya kong tinampal ang balikat niya.
"Hindi ka pa rin nagbabago, maliit ka pa rin." Biro naman niya habang ginugulo ang buhok ko. Bagay na madalas niyang gawin sa 'kin noon pa.
"Sira," Tangi kong nasabi. Inaamin kong masaya akong narito siya. Nagkaroon ako ulit nang kakampi. "Wala pala sila mama't papa. Panay pa man din ang tanong nila sa 'kin tungkol sa 'yo."
"Ang totoo niyan, bumalik ako rito dahil sa 'yo." Bahagyan naging seryoso ang mukha niya.
"B-bakit?"
Wala akong ideya kung bakit siya bumalik at lalong hindi ko alam kung bakit siya babalik para sa 'kin.
He looked at me like as if he was inspecting me. He stopped when he saw my hand covered in pink handkerchief.
"Anong nangyari dito?" He said claiming my hand. His eye brows narrowed.
"Nakuha ko lang sa trabaho, madami lang kasi akong iniisip." Bahagya akong tumingin sa likod ko para masilip kung nandoon pa Orion.
I rolled my eyes sighing. Nandoon pa nga siya.
"Iñigo, mabuti pa sa loob na lang tayo mag-usap." Binawi ko ang kamay ko at binuksan ang pintuan nang bahay.
"Won't you invite us in?"
Ang malamig na boses na hinahanap ko kanina ay bigla na lang sumulpot. Agad akong tumingin sa kanya.
"Titus, anong ginagawa mo rito?" Ang lalo pang nakakapagtaka, malapit siyang nakatayo sa tabi ni Iñigo.
"Gusto ko ng magpahinga." Walang emosyong sabi ni Orion na ikinagulat kong nasa kabilang banda ko na pala.
"Pag-usapan na lang natin 'to sa loob." Malambing na ngiti na wika ni Iñigo.
Everyone became awkwardly silent for a few seconds. "Magkakakilala kayo?"
Why do I feel like everything is wrong?
"Sort of." Mukhang tinitimbang pa ni Iñigo ang relasyon nilang tatlo.
"Oo naman! Kaya papasukin mo na kami." Sabat ni Orion.
"Esmé, mas mabuti kung sa loob na lang natin pag-uusapan ito." Ani Titus.
Pinapasok ko silang tatlo kahit pa hindi panatag ang loob ko sa dalawa, mabuti na lang at nandyan si Iñigo. Sandali ko silang iniwan sa sala habang nagpunta ako sa kusina para ipaghanda sila nang tsaa.
Magpahanggang ngayon lahat ng nangyayari sa 'kin ay hindi pa rin kapani-paniwala. Sa lahat ng tao sa mundo, ako pa talaga ang napili nilang pagtripan. Ang nakakalungkot pa mukhang kasama si Iñigo sa palabas nila.
I need to know what's going on. Binuhat ko ang tray na pinag-lalagyan ng mga tsaa at nagtungo sa sala.
"Sorry to keep you waiting. Heto na ang tsaa."
Galak na ngumiti si Iñigo at Titus habang si Orion naman ay komportable ng nakasandal at tila nakapikit na't tila tulog.
Umupo ako sa kabilang gilid ng lamesa at hinarap ang dalawang maginoong lalake. Habang yung isa nasa gilid lang namin.
"Alam kong pagod ka pa sa byahe Iñigo pero masyado na kasi akong maraming tanong." Malambing kong wika. Bumalikwas si Orion at hinarap kami.
"Tsk! Ba't ganyan ka magsalita sa kanya?" Kunot-noo niyang bulalas sa 'kin.
"Napano ba?" Pagtataka ko.
"Alam kong pagod ka sa byahe e e e." He said imitating a sweet little girl expression that is far from what I did. "Pwe!" He said agitated.
"Orion! You have no right to disrespect her!" Bulalas ni Titus.
I rolled my eyes away from him. "Nagkakaganyan ka kasi na bust--"
Mabilis na tumayo si Iñigo at tinakpan ang bibig ko.
"Be careful with your words Esmé. For he may disappear forever."
Tinampal ko ang kamay niyang tumatakip sa bibig ko at tinignan si Orion. Maging siya ay nagulat sa muntikan ko nang masabi. Iyon ba dahilan kung bakit kanina pa siya nakasimangot?
"Tell me! Ano ba ako?" Hindi ko alam kung ano bang dapat at hindi ko dapat gawin. Ni hindi ko na alam kung sino talaga ako. Iñigo exhaled deeply before looking at me.
"Your blood line holds the most powerful blood of all – the blood of cosmos," Ani Iñigo. "Matagal ka na naming hinihintay. We waited for almost a thousand years, died and rebirthed only to search for you."
"I think you've mistaken me by somebody else. Normal na tao lang ako, pati ang pamilya ko. Alam mo 'yan Iñigo." Tumango siya.
"Pero ang mga ninuno mo, hindi." He said.
I search laughter on their faces, secretly hoping it was all a joke.
"Lahat ng sinabi nila sa 'yo ay totoo. Even the part where you need to choose between them to be your husband."
"Wh-what if, ayoko." Sana mayroon pang ibang paraan. I don't know these people. I don't even know if they are human.
"Hahabulin ka ng mga Kreeper at hindi magtatagal, nang Prime Kreeper. Kahit pa ipagtanggol ka nila ay hindi nila kakayanin ang Prime Kreeper."
"That's why you have to choose now." Titus stepped up to face me.
"Wala na tayong oras. Kapag nahanap ka ng kalaban at nakuha ang dugo ng cosmos. Panigurado gagamitin niya iyon upang mapalakas ang hukbo niya't salakayin ang iba't ibang mundo."
Bakas sa mukha ni Iñigo ang labis na pag-aalala. Ramdam ko sa buong paligid ang bigat nang sitwasyon.
"I-ikaw! Ikaw ang pinipili ko." Walang pag-aalinlangan kong sagot kay Iñigo ngunit umiling siya.
"Hindi ako kasali sa mga pagpipilian. Isa lang akong manggagamot." Kinuha niya ang kamay kong may sugat at pinatong ang kamay niya rito. Umilaw ang kamay namin at bahagya itong lumamig.
"Si Titus lamang at Orion ang nakatakda bilang kapareha nang alamat." Sa pagtaggal niya sa kanyang kamay ay sabay na nahulog ang panyo ko't tumambad ang kamay kong wala nang sugat.
Isa ka rin sa kanila? Hindi ka rin normal na tao?
Umiling-iling ako. Hindi ito pwede. Ano na lang ang sasabihin ng mga magulang ko? Hindi na ako bata pero hindi rin naman ako ganoon katanda para magpakasal.
"Hindi pa ako handa sa ganitong bagay Iñigo." Mangiyak-ngiyak kong wika.
"Alam ko at naiintindihan kita. Ngunit mapagbalatkayo ang pinaka malakas na kalaban. Hindi natin alam, baka nakalapit na siya sa 'yo." Napaurong ako sa narinig mula sa kanya. Paano ko pa pagkakatiwalaan ang mga tao sa paligid ko?
"Maging kami, hindi namin alam ang anyo niya ngayon, liban na lang sa pipiliin mo. Bibigyan mo siya ng lakas at kakayahan upang makita ang kalaban kahit ano mang anyo niya."
Nanginginig ang mga kamay ko pero pilit ko pa ring kinuha ang tasa nang tsaa sa mesa. Nagbabakasakaling kapag uminom ako'y mawawala ang panginginig ko.
"I'm sorry pero hindi ko kayang gawin 'to." Tumayo ako't tumakbo patungo sa kwarto ko.
"Esmé, sandali lang. Pakinggan mo ako." Narinig kong humabol si Titus pero hindi ko siya nilingon.
I've had enough for today.
I've had enough for today