webnovel

Chapter 1 - Guniguni

Mataas na ang sikat ng araw nang maimulat ko ang mata ko. My head still hurts from the incident last night. Ngayong naalala ko na, ano nga ba ang eksaktong nangyari kagabi?

All I remember is that I felt pain in my chest then two handsome guys came to me and said something about awakening.

Hindi ko maintindihan kung totoo nga ba iyon o aparisyon o panaginip. Maybe I just was dreaming. That's right! I would like to think that it was just all a dream. Wala naman akong mga sugat o kahit man lang galos. My room is still as same as before I went to bed.

Narinig kong humuhuni na ang mga ibon sa labas ng bahay. Madalas magtipon-tipon ang mga ibon doon dahil maganda ang hardin at may man-made pond pa na pwede nilang pagliguan. At madalas alas-diyes ng umaga kung dumagsa sila room.

"Mukhang marami-rami na ang mga ibon sa labas ah." Napakamot ako sa naiisip.

Isa lang ang ibig sabihin noon. Late na ako sa trabaho!

Dali-dali kong ininit ang natitirang tinapay sa lamesa sa lumang toaster namin. At habang hinihintay ko iyon, naghilamos na ako. Ayokong ma-late ulit, masyado ng nakakahiya sa boss ko.

Marami akong raket pagdating sa trabaho, assistant sa book signing, extra helper sa book stacking sa ibang book store at kahit pa pagbibigay ng fliers sa bagong bukas na establishment ibinibigay niya sa akin. Mabait kasi ang boss kong si Rocco, kapag may bakante ako agad ang sinasabihan niya. Kaya ganon kalaki ang utang na loob ko sa kanya.

Mabilisan ang ginawa kong pagbihis at pag-aayos at bago ako lumabas ay hindi ko kinalimutan ang tinapay na kakainin ko na lang habang naglalakad papunta sa book shop kung saan regular ang trabaho ko.

Marami ng sasakyan sa daan at maging ang mga tao ay hindi na magkada-ugaga sa paghabol sa kani-kanilang klase at trabaho at isa na ako sa mga taong iyon.

Matapos ang halos pitong minutong paglalakad ay inabot ko rin ang kantong humahati sa main road patungo sa kinaroroonan ng book shop. Pero sumakto naman ako sa pag-pula ng stoplight. Kung kelan talaga nagmamadali ka saka ka naman aabutan nang malas.

Pagtingin ko sa relo ko ay apat na minuto na lang at late na naman ko. Alam kong hindi na ako aabot sa tamang oras kaya naman nagdesisyon na ako mag-text sa kanya.

Boss =( mala-late nanaman ako. Sorry. Babawi talaga ako. Promise!

Pagkasend ko ng message ay siya namang pag green ng ilaw, or so I thought.

As soon as I step off the gutter, car horns coming from different directions came crushing through my ears. Halos mabingi ako sa tindi at dami ng sasakyan na bumubusina sa 'kin.

It only took a split second before I could get my eyes on the delivery truck that's rushing towards me. I tried to move back but my feet won't budge. I just know that this is my end.

I'm dead.

I shut my eyes tight waiting for the impact that will put an end to my boring life. Malakas na pagpreno ang sunod ko narinig at malakas na pagsalpok ng delivery truck sa kung saan.

Napaupo ako dala ng labis na takot. Pero nang marinig kong tila wala ng nagaganap na kakaiba sa paligid ko ay bahagya akong sumilip.

Malamig at makapal na usok ang bumalot sa lugar kaya naman kahit ilapad ko ang tingin ay tanging usok lang ang nakikita ko.

"Hindi na ito maganda. Nag-umpisa na silang sumalakay." Halos mapaurong ako dala ng gulat nang may malamig na hiningang dumampi sa leeg ko.

Ibinaling ko ang tingin sa lalaking hindi ko alam kung paano napunta sa likuran ko. Nanlaki ang mata ko sa nakitang hindi pangkaraniwan. Ang lalake ay may asul na tenga na tila mula sa malaking pusa at asul na mata. Malabong iyon ngunit kataka-takang normal naman ang halos sa kanyang katawan.

"Magandang umaga Esmé." Naningkit ang kanyang mga mata sa ngiting ipinakita.

Nakuha pa talaga niya akong batiin ng magandang umaga gayong kamuntikan na nga akong masagasaan!

"This is taking too long Titus, mabuti pa't ilayo mo na siya."

Sa bandang kaliwa naman ay nakita kong kunot ang noo ng isa pang lalake na may malaking tenga ng aso at may kulay dalandan na mga mata.

Cosplayer ba ang mga 'to?

Itatanong ko na sana ang nasa isip ko nang bigla na lang may kung anong malamot na bumalot sa puwetan ko't lumakad pataas sa balakang ko.

Sa takot kong mahipuan pa ay napalukso ako palayo sa lalaking tinawag na Titus. But what I did is not a good idea either.

Wrong move!

"What do you think you're doing?" Masungit na pasarin sa 'kin ng lalakeng may mala-asong tenga.

Dahil sa paglukso ko ay napunta naman ako sa kanya at dumikit pa sa harapan niya. Our faces almost touch, I could hear his warm breath.

"Ako ba ang pinipili mo?" He chuckled.

"Orion, don't be foolish!" Bawal naman sa kanya nung Titus.

"Hala! Ano bang pinagsasasabi niyo? Wala akong panahon para sa mga laro ninyo." Lumayo ako sa kanya at tumingin sa paligid.

The smoke somehow disappeared. "As much as I want to be a responsible adult, hindi ko naman kasalanan ang aksidenteng 'to 'di ba? I'm really late for work."

I checked up on me, just to see if I'm bleeding somewhere, good thing I wasn't. "Umm, thank you. Hindi ko sigurado kung may dapat ba akong ipagpasalamat sa inyo. Pero salamat pa rin, I really have to go."

Tumakbo ako palayo sa kanilang dalawa. Without thinking about what happened, gusto kong mag focus sa trabahong pupuntahan ko. At wala naman akong pambayad sa mga nasira, might aswell leave asap!

Hangos-hangos ako dumating sa book shop. Thank God may isang minuto pa ako bago tuluyang ma-late. Mabuti na lang at may alloted allowance sa oras kahit pa pumatak na ang oras ng trabaho.

"Anong nangyari sa 'yo Esmé?" Sumalubong sa 'kin si Ajira, ka-trabaho ko. Dala-dala niya ang pinagpatong-patong na libro.

"Muntikan na akong masagasaan! Ewan ko ba," Bintawan ko ang dala kong bag at itinago iyon sa ilalim nang recieving desk. "nakita ko naman na nag-green ang stoplight pero bigla na lang may delivery truck na tuloy-tuloy pa rin sa daan." Inabot ko ang ibang libro at tinulungan si Ajira.

"Baka naman namalik-mata ka lang."

Umiling na lang ako dahil hindi ko rin naman talaga alam kung naglaro lang mga mata ko o sinadya iyon.

"Esmé," Agad akong napalingon sa pinanggalingan ng boses. Mabuti naman at narito siya, ang boss ng buhay ko - si Rocco, "maputla ka, may nangyari ba?" Dugtong pa niya nang makalapit sa 'kin.

Hindi ko na sana sasabihin ang nangyari pero itong si Ajira sinabi pa. "Muntikan na siyang masagasaan."

Sumalubong ang kilay ni Rocco, hindi ko malaman kung galit ba iyon o pag-aalala, sana pag-aalala na lang. Kinuha ni Rocco ang dala kong libro at ipinatong iyon sa lamesa. He then softly held my arm, carefully looking for any injury.

"Nasaktan ka ba?" Sa dampi nang mainit-init niyang kamay, nanigas ang kalamnan ko. Hindi ako makasagot at hindi man lang makagalaw.

"Siguro nagmamadali ka na naman ano?" He looked straight into my eyes. Parang hinigop ang kaluluwa ko. "Next time please, don't be in hurry. I don't care if you come in late."

Nanlambot ang mga tuhod ko nang pakitaan niya ako ng malambing na ngiti. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at sumagot na rin ako nang ngiti.

Guminhawa ang pakiramdam ko. Mabuti na lang at nandito si Rocco. Dahil sa kabila pala ng mga kamalasan ko ay kahit pa paano, may swerte pa rin pala ako.

Ako ang naka-toka ngayon sa recieving desk at kaha. Trabaho ko ang pagsigurado na maayos ang mga libro sa bawat shelves. Kasama na rin dito ang pag-suggest ng mga libro sa mga customer.

Kaya naman bawat papasok at lalabas sa book shop ay kitang-kita ko. Naging abala ako sa trabaho at hindi ko na naisip ang kamalasan noong umaga. Pero dalawang mukha ang muling nagparamdam. Dalawang lalaki na nauna ko nang nakilala. Ang mga cosplayer.

But they look different now, mukha na silang normal. Siguro tapos na ang event nila sa pagko-cosplay.

"Good morning," Pagbati ko sa kanila. Nagaalinlangan ako baka singilin nila ako sa mga damages nung aksidente.

Their eyes glued to mine. Like as if, I was the reason why they came here. They both smiled. Smiles that kept my mouth open in awe.

How can they be so handsome?

Rocco is handsome. Kaya nga crush ko siya. But these two, their features are like those seen in magazines. Matatangos ang ilong, maputi at makinis ang balat. Even their hairstyles, parang nagpa-salon pa ata bago ako puntahan.

Lumapit silang dalawa sa 'kin, like two men in shinning armor. Makisig at handang makipaglaban.

"I'm sorry," untag ng lalaking puti ang buhok at asul ang mga mata. "We haven't submitted ourselves to you. I'm Titus."

Ang mga mata niya ay hindi na kasing asul ang kanyang mga mata, hindi katulad noong una ko itong nakita.

"I'm Orion,"

The man beside him interrupted. I remember him, those orange eyes of him I definitely can't forget.

"And one of us will be all yours."

Chapitre suivant