webnovel

Nami

Chapter 18. Nami

    

    

THE place was already secured by the police when they arrived, so Nami and Romano had a hard time entering it. Lalo't wala silang kakilala roon.

"This is a crime scene now, so they're not allowing anyone to enter as long as they're still investigating," pagbibigay-alam ni Wave, isa sa mga backups nila.

Were they too late?

"Grabe ang nangyari riyan, pinatay ng sariling asawa."

"Halata naman kasing yaman lang ang habol niya! Hindi hamak na mas bata at mukhang laki sa layaw kaysa sa nasirang asawa ni Attorney."

Nagkandahaba-haba ang leeg niya para mahanap ang mga bystander na nag-uusap sa kumpulan. Nang mahagip ng paningin niya ay nanlaki ang mga mata ng dalawa saka mabilis na lumakad palayo.

"Akala ko ba isinugod sa ospital ang babaeng iyan?" Narinig pa niyang bulong ng isa.

Were they talking about her twin? Nagbulungan din ang ibang nandoon. Akmang susundan niya nang pigilan siya ni Romano.

"She's in the hospital," he informed her, and told her the exact location. Sa kabilang municipality iyon.

They went straight to the hospital and just like at the location, some of the people were surprised when they saw her. Hindi niya na alam kung dahil ba sa nangyari kung bakit nagulat ang mga nakakilala sa kaniya roon, o dahil ba sa isa siyang artista.

Napapitlag siya nang may lumapit sa kaniya.

"Howcome you're fine? You were bleeding a lot a while ago! Hindi mo pa kaya, Nami," bulalas sa kaniya ng lumapit, at pamilyar na pamilyar ang mukha nito sa kaniya.

Saglit siyang natigilan bago ito nakilala. "Idy?" She's one of her high school classmates. Pero nangibang bansa ang buong pamilya nito noong nasa ika-sampung baitang sila, hindi niya alam na nakabalik na pala ito ng probinsya.

Humawak pa ito sa magkabila niyang braso. "You should go back to your room, you just had a miscarriage!"

Her eyes widened in shock when she heard those words. "W-what miscarriage...?" Lumingon siya kay Romano at kumunot ang ang noo nito. Bumaling ulit siya kay Idy. "Where's she?"

"Who?" takang-tanong nito.

"My twin! Saan ang kwarto niya?"

"Oh!" Doon pa lang nito napagtanto na hindi siya ang nakunan. Nagtataka man ito ay hindi na nagtanong. Siya ma'y nagtataka rin. Pagkatapos ay hindi lang nito sinabi kung nasaan ang silid, iginiya pa sila papunta roon.

Her heart crumpled when she saw Glaze's situation—her body dropped and she had lots of bruises, fresh and old wounds...

"G-Glaze..." her voice trembled. Napahawak siya sa dibdib at tumangis, ni hindi magawang makalapit sa kakambal dahil natuod na siya sa paanan ng kama. Before Idy left, she was told by her that her twin was sleeping since she still need to recover. That she was nine weeks pregnant, but now, had just lost the baby.

Pumupuyos na bumaling siya kay Romano at puno ng panunumbat niyang pinagsusuntok ang dibdib nito habang tumatangis.

"Bakit hinayaan mo siyang umuwi nang mag-isa? Bakit pinabayaan mo sila?! Wala kang kwentang ama!"

Nag-angat siya ng tingin saka sinampal ito ng malakas, pero kaagad ding natigilan matapos dumampi ang kaliwang palad niya sa kanang pisngi nitong halata ang pagkakasampal niya. Mabilis na bumakas doon ang palad niya't namula na ngayon. At kaya siya natigilan ay dahil nakita niyang higit na nasasaktan ito sa sitwasyon, bukod doon ay puno rin ng katanungan ang nasa malamlam nang mga mata nito.

Nagtagis ang bagang nito saka sinabing, "Bantayan mo muna si Glaze." Then, he went outside the private ward.

        

        

HINDI alam ni Romano kung ano ang mararamdaman sa nasaksihan at nalaman. Oo at nasasaktan siya sa nangyari kay Glaze, pero nasaktan din siya nang mapagtantong nagtaksil ito sa kaniya.

He was affirmative that the poor baby wasn't his. Sana nga'y sa kaniya na lang subalit hindi niya iyon maaangkin dahil wala pang nangyari sa kanila nang higit pa sa halikan.

Dumiretso siya sa labas ng ospital, sa isang sulok kung saan walang gaanong tao, at saka pinagsusuntok ang pader doon.

He loved Glaze, he's certain about that even though he got swayed for a while when he became closer with her twin before. But now, he already had a plan to surprise his girlfriend in Dubai and propose to her so they'd get married soon. Pero bakit ito nandoon? Bakit ito nagpabuntis sa iba? In the first place, did she even go abroad, or did she elope with some fucking guy and pretended she was working?

Gayunpama'y mas iniisip niyang sana ay gumaling na kaagad ito.

"She doesn't deserve any of this," marahas niyang bulong saka malakas na hinampas ang pader.

Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa at tinawag ang isa sa mga private investigators ng Phoenix na isang sikat na pintor.

"Look into my girlfriend's whereabouts..." Sinabi niya ritong i-track nito kung saan nagpunta si Glaze, ano ang mga ginawa nito, at kung ano ang mga nangyari. Said that he needed every single details to be reported as soonest as possible.

Nang matapos ang tawag ay matagal siyang tumitig sa kawalan. He already noticed the red flags before, but why didn't he find it out himself? Na sa tuwing kausap niya si Glaze ay palaging may dahilan ito para makapagpaalam kaagad, na parang palagi itong balisa at hindi na tumutugon sa paghahayag niya ng "I love yous" dito. Inakala pa naman niyang baka sa sobrang pagod lang sa trabaho, pero hindi pala.

Ilang sandali pa siyang nagtagal doon bago nagpasyang balikan ang girlfriend.

Naningkit ang mga mata niya nang sa labas pa lamang ay naririnig na niya ang sigawan sa private ward. Nakabukas kasi ang pinto. Tumingin siya sa mga backups na isinama nila sa ospital at tumango, sinenyasan niyang huwag magpapadaan ng ibang tao roon.

Nang makapasok ay sinigurado niyang nakasara ang pinto para hindi gaanong marinig ang sigawan sa loob.

He scowled when he noticed a man, almost about his height, was having a fight with Nami.

He stayed still and listened to the conversation. Hindi man lang siya napansin ng mga ito.

"What are you saying that she's your step mom?! Nagkakalokohan ba tayo rito?"

He clenched his jaw as he heard Nami said that. That guy was just around his age, or maybe, a bit older, so it's impossible to say that he's Glaze's stepson. Unless his girlfriend married an old man.

"I told you, I'm not wasting my time here. I want to get her out in here and we'll fly to—"

"No! You're not bringing my twin anywhere!" sigaw ni Nami.

"Nami needs the best doctors so that she can recover soo—"

"What Nami? Who?" she interrupted.

"Monami Quiroz."

Nagtagis ang bagang ni Nami, kahit natabunan ng galit ay napuna pa rin niyang nagtataka ito.

"I know who you are. You are that woman she paid to live as her. As that actress Nami."

"The fuck are you saying? I am the real Monami Quiroz," malamig ang tinig at iritado nitong bulalas.

"Don't fool me. What if you're after the inheritance? Nami will be left with nothing!"

"Sinabi nang ako si Nami!"

Glaze groaned and moved a bit, he immediately went to her and clasped his hands on hers. Parang minaso ang dibdib niya nang mapansin ang talaga namang kalunos-lunos na kalagayan nito. Her hand felt smaller than before, too, that he got afraid he might crush it if he would not hold it gently.

"Hey, babe, I'm here..." masuyong bulong niya saka humalik sa noo nito. "I miss you... I miss you..."

"Who are you?!" matigas at puno ng awtoridad na tanong sa kaniya ng lalaking nasa silid nang kwelyuhan siya. Si Nami nama'y kaagad na inilayo sa kaniya ang lalaking iyon kaya bumalik ang atensiyon niya kay Glaze.

Unti-unting nagmulat ang mga mata at ilang segundong sinanay ang paningin sa kaniya, pati sa paligid. Ilang saglit pa ay pumirmi ang mga titig nito sa kaniya at nanlaki ang mga mata nang mapagtantong nasa tabi talaga siya nito, nakaupo sa gilid ng kama at bahagyang nakayuko para matitigan ito nang husto.

"Glaze," umiiyak na namang tawag ni Nami rito. Bumaling naman ito sa kakambal at bakas ang matinding pagkagulat sa mga mata kasabay nang pamamasa ng mga iyon dahil sa luha.

"It's alright, you are safe," he whispered.

Subalit muli ay natigilan ito at unti-unting tumagos ang mga titig sa likuran niya. Napuno ng takot ang nasa mga mata nitong halata ang pagkahapo.

"What's the meaning of this?" mapanganib na tanong ng estrangherong nasa tabi lang ni Nami.

"A-attorney..." si Glaze na bumaling sa lalaki.

Baka mamura n'yo si Romano sa (mga) susunod na kabanata...

jadeatienzacreators' thoughts
Chapitre suivant