webnovel

Tsinelas

Chapter 14. Tsinelas

MABILIS na lumulan sa sasakyan si Romano at in-start ang engine. Mukhang kanina pa umuulan at paano kung naglalakad lang sa daan si Nami? Gusto niyang balikan si Stone para suntukin ito pero mas kailangang mahanap niya muna ang babae.

"Fuck! Magagalit si Glaze kapag malamang pinabayaan ko si Nam..." he muttered under his breath.

He drove slowly and alerted himself. Baling siya nang baling sa kaliwa o kanan, nagbabaka-sakaling makita ang hinahanap.

Napamura siya nang mas lumakas ang ulan.

He's frustrated but he couldn't do anything. Dapat pala ay pinilit na lang niya ito kanina na madala sa MI Ent. Hindi na sana sila tumuloy sa Phoenix.

Habang nagmamaneho ay tumawag muna siya sa kanila. Alam kasi sa kanila na ngayon ang uwi niya.

Ilang ring lang ay sumagot ang sa kabilang linya.

"Caballero's residence, this is Joy speaking."

Joy was one of their housemaid. Tinuruang niyang magsalita ng Ingles noong doon pa siya nakatira para kapag may maghahanap sa kanila ng hindi nakakapagsalita ng Tagalog ay makakausap pa rin nito.

"Hello?" tawag nito sa atensiyon niya.

Tumikhim siya. "Si Romano ito."

"Sir? Nakabiyahe na po kayo?" she sounded excited.

"About that, can you tell them I'll be late? Or I'll just be there tomorrow."

Hindi na niya ito hinintay na sumagot at sinabing ibababa na niya ang tawag dahil nagmamadali siya.

Nakalagpas na siya nang maalalang bumalik dahil nawala ang atensiyon niya sa paglinga-linga ng ilang segundo. Nag-U-turn siya at alertong tumingin-tingin ulot sa daan habang dahan-dahang nagmamaneho.

May bus na nakatigil sa bus stop at naisip na baka sumakay na si Nami sa naunang bus kaya wala na siyang dapat alalahanin. But when he passed the bus, he took a glance at the side mirror and noticed her familiar built on the waiting shed. Wala na ang bus kaya makikita kung may tao ba sa shed o wala.

Mabilis na pinara niya sa gilid ng daan ang sasakyan at umibis doon. He didn't care if he got all wet, he needed to go to her. At dahil nakalagpas na siya ay hindi na niya mahintay na mag-U-turn pa para makabalik sa kabilang daan.

Pero bago pa makatawid ay napansin niya ang pamilyar na Chevrolet pickup truck na huminto sa may waiting shed.

Kunot na kunot ang noo niya nang umibis doon si Stone at kitang-kita niya kung paanong hinawakan nito ang magkabilang braso ni Nami para alalayan sa pagtayo, at ipinatong ang suot na jacket saka inakbayan ang mukhang giniginaw nang babae.

Ilang sandali pa ay mukhang napagtanto ni Nami kung sino ang lumapit kaya marahas itong lumayo at itinutulak si Stone.

Nagmura ulit siya at akmang lalapit na nang niyakap ito ng huli, at nahinto ito sa panlalaban.

He clenched his jaw when he realized that she obviously liked him. That maybe, she didn't want to just be friends with him.

Marahas siyang suminghap at muling lumulan sa kaniyang sasakyan; mabilis na pinaandar at lumayo na roon.

MAHIHINA na ang mga suntok ni Nami kay Stone at hinayaan nang mayakap siya nito dahil sa totoo lang ay wala na siyang lakas. Ginaw na ginaw na siya dahil kanina pa basang-basa sa ulan, at iyak nang iyak.

Pinagtitinginan na sila ng mangilan-ngilang tao na naghihintay sa kasunod na bus pero hindi na niya iyon alintana.

"Let's go," masuyong bulong ng lalaki.

Tumango na lang siya at nagpagiya rito.

Pagkasakay sa pickup truck ay pinatay kaagad nito ang aircon, at pinaharurot palayo roon ang sasakyan.

Hindi sila nagkikibuan, pero nang mapansing iba ang dahang tinatahak nila ay nagsalita siya.

"Saan mo ako dadalhin?" walang emosyong tanong niya.

"Mas malapit ang safe house dito, kailangan mo nang magpalit ng damit."

Nangunot ang noo niya pero nang maalalang isa nga pala itong secret agent ay nakuha na niya ang ibig nitong sabihin. Romano already told her things related to his job. That included the safe houses where they brought the witnesses to make sure that they're safe.

"I'm sorry..." sinserong bulalas ng lalaki.

Maang na napatingin siya rito. She didn't expect any apologies since he said that he only went to her so he could recruit her to be one of the agents. Na wala itong pakialam sa naramdaman o mararamdaman niya.

"It's so insensitive of me for not thinking that you'd feel that way."

She sighed heavily. Nakalma na rin naman niya ang sarili kaysa kanina. "You don't have to be sorry. I got it now. I'm just disappointed because I really thought we're just friends. Na walang hidden agenda ang pakikipaglapit mo. We even kissed..."

Bumuntong-hininga rin ito at tumutok na sa daan.

Pagkarating sa safe house, kung saan bungalow type na bahay, high ceiling at may mga klasikong disenyo ay kaagad siya nitong iginiya sa loob ng isang kwarto.

"There are new clothes in there. Just check if some will fit you. I'll just be at the other room, magsa-shower din."

Tumango na lang siya at nang makalabas ito ay mabilis pa sa alas quatrong ni-lock niya ang pinto.

Matagal na tumitig siya sa kawalan bago napagpasyahang maligo na matapos makapili ng isang oversized na itim na t-shirt, at silky shorts. May mga underwear din doon pero pinili na lang niyang huwag isuot. Baka may nagmamay-ari na pala ng mga iyon kahit pa nga sinabi nitong bago ang mga iyon.

Pagkatapos niya ay lumabas siya at naabutang naghahanda ng makakain si Stone, mukhang nakaligo na rin ito at kanina pa tapos. Kumalam ang sikmura niya nang maamoy ang kung ano mang iginigisa nito.

"Tapos ka na pala," pansin nito. "I'll cook adobo. May manok pa naman pala sa ref. Do you want it spicy or not?"

"Spicy," she answered instinctively.

Kontentong ngumiti ito saka tumango. Pero natigilan nang pasadahan siya ng tingin. "Did you not wear the undies?"

She immediately crossed her arms and frowned. "Malay ko ba kung kanino iyon..." katwiran niya. Tunay ngang magaan ang loob niya kay Stone mula pa noong una. Sana'y maayos pa nila ang pagkakaibigan nila sa kabila ng nangyari.

Saglit itong napamaang at umiling-iling. Hininaan nito ang niluluto at pumasok sa kabilang kwarto. Mabilis lang naman iyon dahil bago pa niya malapitan ang niluluto nito ay nakabalik na ito, may hawak na hoodie. "Wear this."

Napanguso siya at napayuko. Halata palang wala siyang suot na bra.

Napabuga ito ng hangin at napakamot ng ulo. "Doon ka muna sa sala. Tatapusin ko lang ito." Patalikod na siya nang pigilan siya nito. "Wear these slippers, too. Malamig ang tiles." Hinubad nito ang suot na puting flip-flops at sinenyasan siyang suotin iyon. Halata na mas malaki sa kaniya iyon pero pwede na.

"Anong susuotin mo?"

"Nah, I'm fine. Makalyo ang paa ko kaya hindi ko mararamdamang hindi ako naka-tsinelas."

Wala sa sariling natawa siya dahil sa biro nitong iyon. Nawaglit na sa isipan ang pinag-awayan kanina.

Chapitre suivant