webnovel

Lover

Chapter 35. Lover

     

    

THAT very same day, Kanon went to the province and brought Princess' remains to the crematory. Hindi niya napigilang maiyak nang makita ang kanyang tita na kadarating lamang dahil may inasikaso ito.

"She was getting well... She's so excited to tell you about her daughter, and that, she's becoming better now. That she'd devote her life to her child... B-but..."

Naluha na rin ang tita niya sa paggunita sa alaala ng namayapa niyang pinsan.

"Life is so unfair... Bakit kung kailan totoong sumaya si Princess ay 'tsaka ito nangyari?" aniya sa pagitan ng paghikbi.

Lemuel left and gave them space to mourn for her cousin's death. Halos kalahating-oras ang lumipas nang magpasya siyang yayain na itong magpunta sa ospital kung nasaan ang pamangkin niya't lalakarin na ang mga kakailanganing dokumento para sa legal na pag-ampon sa pamangkin.

Natigil siya sa paglapit kay Lemuel nang mapansing mayroon itong kausap sa cellphone.

"Shit! Why's he going to Cebu? They shouldn't meet! Damn it! Okay na ang lahat, napapaikot ko na si Kanon dahil umeepekto na ang mga gamot, kaya hindi dapat sila magkita ng gagong iyon! Patay na ang isang Flores kaya ang panganay na lang ang problema natin—" saglit itong tumigil at nagpatuloy. "Hindi ako ang pumatay! Namatay siya sa panganganak. Tingnan mo nga naman, oo, umaayon sa atin ang sitwasyon, mahal. May batang babae rin dito, siya ang magiging anak natin kapag namatay naman si Kanon. Aampunin kasi niya ang bata kaya kapag naging kami, ako ang magiging tatay..."

Natigilan siya at nagulat sa mga narinig. Nililinlang ba siya ng pandinig niya? Mabilis na lumayo siya't nagtago sa bandang likuan para hindi mapansin ni Lemuel ang pakikinig niya.

"Kaya hindi na sila dapat pang magkita! Mas paiikutin ko pa ang babaeng ito at pakakasalan nang sa akin ang bagsak ng FastEx gaya ng plano."

Napasinghap siya sa mga nalaman at ibinaling muli ang atensyon dito.

"...patay na patay ang babaeng ito sa Usui na iyan! Naiirita na nga ako sa mga drama't gusto ko na lang patayin. Mabuti at naniwala sa mga sinabi ko kaya wala na tayong problema ngayon. Pero kapag ako, napuno ulit sa mga drama ng Kanon na ito, gagahasain ko. Kahit namayat, ang sarap pa ring titigan ng suso ng putangina, tayung-tayo pa rin at malalaki!"

She grasped into reality. Pinanikipan siya ng dibdib sa mga narinig at natutop ang sariling bibig para hindi makagawa ng ingay. Hindi siya maaaring magkamali, siya nga ang pinag-uusapan ni Lemuel at ng nasa kabilang linya. She breathed slowly and she closed her eyes. After a few seconds, she went out.

"Lem!"

Mabilis na pinatay nito ang tawag.

"K-kanina ka pa riyan?"

She acted as if she heard nothing and shook her head. "Kanina pa kita hinahanap, nandito ka lang pala." Kumapit siya sa braso nito, sadyang idinikit ang pinagnanasaan nitong parte ng katawan niya sa braso nito para isipin ng huli na gusto niya ito.

Lumambot ang itsura nito at lumakad na sila patungong parking lot.

"Maayos na ba ang pakiramdam mo?"

Sa loob niya'y gusto niya itong sampaling ng malakas pero nagtimpi siya. Bumitiw siya sa pagkakalingkis sa braso nito dahil hindi na niya matagalan iyon, 'tsaka umatras ng kaunti. "To be honest, I'm not feeling well. I want to go home, Lem... I miss my family. Pero natatakot ako. Paano kung puntahan ako ni Dice? Paano kung itago niya ako sa pamilya ko? Sa iyo? Ayokong mangyari iyon! Ayoko nang makita pa ang manlolokong iyon..." Umigting ang panga niya matapos sabihin iyon.

Hinigit siya nito at niyakap 'tsaka hinaplos-haplos ang kanyang buhok. "I won't allow that to happen, I'll be right by your side and protect you, babe."

Napakapit siya rito at naikuyom ang mga palad na nakahawak sa damit nito. Nagagalit siya sa sarili niya na bakit nagpadaig siya sa emosyon noon at hindi pinakinggan si Dice? Bakit nagpadalos-dalos siya't hindi ito hinintay na makauwi para magpaliwanag? Kung sanang pinakinggan niya ang isinisigaw ng kanyang puso... Pero huli na para magsisi. Hiling niya'y makatakas at makalayo para makahingi ng tulong sa mga awtoridad, sa pinsan niya... o sa Phoenix Agency.

"Calm down, babe, you're ruining my shirt." Nahimigan niya ang pagkainis sa boses ni Lemuel na agad pinagtakpan ng mga pekeng pag-alala sa pamamagitan ng paghaplos sa kanyang likuran.

Kaya pala mula nang itago siya nito ay palagi na lamang siyang nanghihina... maysakit. Iyon pala ay sinasadyang manipulahin ang kalusugan niya't paglaruan ang emosyon para patuloy niyang kamuhian at katakutan si Dice. She was brainwashed and was treated as a sick person. Nagtagis ang bagang niya't mas kumuyom ang mga palad, nanginginig na sa sobrang galit.

"Kanon, calm down. Don't be afraid, I'm here, no one can harm you," pagpapatahan nito sa kanya. Sumama ang tingin niya habang nakasandig ang ulo niya sa dibdib nito.

"I love you, Lemuel, please don't leave me."

He chuckled as if he's proud and satisfied hearing those words coming from her mouth while she sounded desperate, begging for him to stay for her.

"Don't leave me, huh?" ulit niya't inayos ang itsura bago nag-angat ng tingin dito. Dahil sa ginawa ay inakala nitong inaanyayahan niyang halikan siya nito't huli na ang lahat nang sakupin nito ang kanyang bibig.

Nanlaki ang mga mata niya habang hinahalikan siya nito't kaagad pang naglandas ang mga kamay nito sa bandang pang-upo niya. If it wasn't for the guy who passed by in front of them, Lemuel wouldn't end the kiss. Nagpanggap siyang gulat pa rin kahit ang totoo'y nagpupuyos na siya sa galit, kaya yumakap na lang siya ng mahigpit dito nang hindi nito makita ang ekspresyon niya't pagtalim ng mga tingin.

         

         

"DAMN IT! These aren't true! Edited ang mga ito!" paulit-ulit na nagmumura si Dice nang ilatag sa kanya ang mga litrato kung saan naghahalikan ang gagong Lemuel na iyon at ang Kanon niya. At sa pampublikong lugar pa!

"Apparently, these aren't edited. It was taken by one of our agents two days ago."

He cussed aloud when the latter played a recording.

"I love you, Lemuel, please don't leave me."

Parang nilamutak ang dibdib niya nang mapagtantong ang malamyos boses ni Kanon iyon... At may kung ano siyang nahimigan sa tinig nito pero hindi na niya maisip kung ano dahil sa matinding selos.

"Babawiin mo pa rin ba siya kahit alam mo ang totoo?"

"Totoong ano?" nagdidilim ang paningin na tanong niya kay Herrera. Hindi siya padadaig sa simpleng mga litrato at recording na iyon. Babawiin niya si Kanon, pakakasalan at aakuin ang bata!

Ngumisi naman ito't sumandal sa swivel chair. Nasa loob sila ng opisina nito sa Phoenix Agency. "So you really knew something, huh?"

"I knew you're hiding something away from me. I learnt about these missions last night but even before I could finish downloading the files from your computer, my system was bugged and it was shut down. It's totally broken and I can't open it anymore. So now that I'm here, tell me everything. Hindi ako tutuloy sa Cebu dahil wala na roon sina Kanon."

"You did a great job hacking into my computer, by the way, but you can never hack Phoenix' system. You should know that. You're in my team."

He only clenched his jaw while waiting for him to spill everything.

"Nahanap na namin ang tumraydor at bumaliktad sa Phoenix. Siya ang dahilan kung bakit hindi mahanap ang dalawa. Sa kanya ko kasi inatas ang trabahong iyon. Siya rin ang nagbibigay ng impormasyon kay Lemuel Castillo mula pa nang maging agent siy—" Naputol ang rebelasyon nito nang tumunog ang intercom. Sinagot nito ang tawag at makalipas lang ng ilang sandali ay nagmumura ito.

"What happened?" He scowled.

"You want to know where's your beloved del Rio? Damn it!"

Kinutuban siya ng masama at tinanong kaagad kung nasaan ito.

"She's kidnapped and was being questioned by Kristen. You should go there and interrupt her. Make sure she won't notice that you knew something already."

Naningkit ang mga mata niyang tumingin sa huli.

"Kumilos ka na't sinabi ng dalawang kasama niyang pinahihirapan ang fiancée mo! Fuck! Sinabi ko nang huwag mandadamay ng inosente!"

"What do you mean?"

"Kanon was being questioned about that key... and Kristen's insinuating that she knows the evidences' whereabouts." Nagmura ulit ito. "I already told her to stop finding that key!"

"Why...?"

"Because Kieffer already found it. And now, your woman's in danger because Kristen won't just stop hurting her!"

"Damn it! Why is she doing that? Nasaan sila?!"

"Because Kristen Paras is that traitor I was talking about, and she's the new Lemuel Castillo's lover. Now she's jealous because of these pictures that's why she's doing that to Kanon. Pinalalabas na ini-interrogate pero—"

"Where are they?!" Napansin niya ang kakatwang paggamit nito sa isang salita subalit hindi na pinagtuunan. May kutob naman na siya base sa mga nalaman niyang detalye nang i-hack ang computer nito.

Kailangan na niyang makaalis lalo pa't mas importante ngayon ang kaligtasan ni Kanon kaysa sa pagkumpirma niya sa mga hinala niya tungkol sa Kristen Paras at Lemuel Castillo na iyon.

He was told where exactly the location was and he's instructed to act as if he didn't know anything. But, could he still act like nothing if he saw Kanon in an utmost dangerous situation already? Because fuck knew that he'd go berserk seeing his beloved getting hurt.

      

        

NANG makita ni Dice ang kalagayan ni Kanon ay mas lalo niyang pinagsisihan ang desisyon niya noon kung saan itatago niya ang lahat dito.

"Damn it! Anong ginagawa mo, Kristen?!"

It looked like Kanon wanted to cry for help because the woman pulled her hair strongly. Magulo na ang buhok nito dahil sa matinding paghila ng Kristen na iyon sa buhok nito kanina't kung hindi siya dumating ay baka hindi lang iyon ang nangyari.

Napasinghap ito, marahil ay nakahinga nang natigil ang pagsabunot dito.

"I... Uh, akala ko ba m-may gagawin ka't lilipad pa-Cebu?"

"The men called me to report about this. What are you doing to her?" madilim na tanong niya, pinipilit na huwag ipahalatang may alam na siya tungkol sa totoong pagkatao ng Kristen Paras na iyon.

"I w-was just interrogating her. Ayaw niya kasing magsalita kaya nairita na ako at nasigawan ko na siya."

Fucking liar!

In one swift move, he went closer to Kanon and he wanted to embrace her tightly—he wanted to protect her badly. But instead of doing that, he caressed her left forearm, checking on it because he noticed those small cigarette burn marks on his fiancée's soft skin.

"Did you do these?" he asked dangerously.

Halos magdilim ang paningin niya nang mapalingon siya sa nakahantad nitong puson.

Nangayayat ka...

Napasinghap ito nang hawakan niya ang mga bagay na nakaipit sa balat nito. Goddammit! Why was she only wearing that piece of sinful damn clothe!? What if it weren't their men who kidnapped her and something worse than this happened to her? Fuck.

"Pinaplano mong kuryentihin siya?" Nagpipigil na galit ang kanyang tinanong kay Kristen.

Muling napasinghap si Kanon nang mapagtanto ang mga bagay na inipit sa balat nito kanina. Those were some electric shock devices. Bakas ang takot at panginginig nito pero pilit na nilabanan iyon.

Napapikit siya dahil gustong-gusto na niya itong ialis doon pero naalala niya ang misyon. No, he wouldn't mix his emotions and his job now.

He clenched his jaw then his face softened as he stared on his beloved's face. Nakapiring pa rin ito't gusto na niyang tanggalin iyon para makita siya't mapanatag na ito pero hindi niya ginawa.

Habang hinahaplos-haplos niya nang masuyo ang namumula't nagsugat nitong balat na sinipit kanina ay napansin niyang tila may gusto itong sabihin pero hindi makaapuhap ng salita. He also noticed how she became calm instantly when she felt his gentle touches.

Yes, my sweetie, this is me. You won't be harmed anymore...

He wanted to speak but he got distracted when he came to realized how much he missed her, and that, the simple touching of their skin was making him forget where they were, and about his mission right now. Just as before, he'd easily get distracted because Kanon was around—he wanted to focus only to her, and he wanted to just make her feel his warmth and loving.

"C-can you remove my blindfold?"

Saglit siyang natigilan at tuluyang bumalik sa huwisyo. Hindi iyon ang oras para sa kanila ni Kanon.

Tila napapasong lumayo siya rito't pinilit na patigasin ang mukha. He shouldn't get distracted because he must stay focused on the job in order for him to fully protect his Kanon Grace.

"Untie her. Let her go now," mariing utos niya.

Sa kabila ng matinding pamumutla ng Kristen Paras na iyon nang makita siya—marahil ay kinakabahan na maaaring alam na niya ang tungkol dito—ay hindi pa rin nabubura rito ang kakaibang galit na nakita niyang rumehistro sa mga mata nito nang bumaling kay Kanon. At gusto niyang saktan ang babaeng ito sa pananakit sa kanyang kasintahan.

Kanon couldn't have possibly known anything about that key or the package because she was busy fulfilling her job as the acting COO of FastEx that moment the package was delivered to the recipient, and FastEx was the courier that time.

His sweet Kanon was innocent. But in the following days, she might be in their agency's Witness Protection Program because she was being targeted by the syndicate now—That's at least what he learnt when he tried to acquire the file where the documents about those informations could be found. Pero hindi pa niya alam ang kabuuan kaya matapos na masigurong ligtas si Kanon ay babalikan niya kaagad si Gaston Herrera para maliwanagan.

That's why he immediately clenched his fists to control his mixing emotions when he saw she was tied on a chair inside a abandoned building that was scheduled to be demolished using explosions by tomorrow.

Ang isiping balak patayin ni Kristen si Kanon ay parang gusto niyang pumatay, at patayin na lamang ang mga nanakit sa babae. Pero kailangan pa rin niyang pakalmahin ang sarili kaya pinili niyang umalis sa abandonadong gusali. Tutal ay sigurado na siyang hindi na nito gagalawin si Kanon dahil sa utos ng nakatataas. Wala itong ibang magagawa kundi ang sumunod dahil kung hindi, mabubuking ang tunay na intensyon nito, kahit ang totoo'y buking na buking na ito sa mga kasamahan.

"Saan ka pupunta?" takang tanong ni Kristen Paras nang tuluy-tuloy na umalis siya.

Bago makalabas ay napansin niyang napako ang paningin ni Kanon sa kanya na kung hindi pa siya pinigilan ni Rexton na halos kasabay lang niyang dumating doon, ay nasisiguro niyang pumihit na siya't nilapitan 'tsaka hinigit na ng yakap ang kanyang pinakamamahal.

Malaki ang ibinagsak ng katawan nito at hindi niya lubos-maisip kung ano ang mga maaaring nangyari rito sa loob ng ilang buwan. Kaya kailangang mag-focus siya sa misyon para masigurado at tuluyan nang mamuhay ng ligtas ang babaeng pumukaw sa kanyang batang puso humigit-kumulang dekada na ang nakalipas.

Hindi niya hahayaang mamuhay sila ng may agam-agam na baka balikan sila ng sindikato't tugisin kaya titiyakin niyang matatapos ang lahat. Nasa kanila na ang alas na kakailanganin—ang laman ng safe box na nabuksan nila gamit ang pass code at ng susing matagal na nilang hinahanap. Hindi kasi simpleng bangko ang pinaglagyan ng mga ebidensya at hindi kaagad ma-a-access kung hindi ang authorized person mismo ang pupunta sa nasabing bangko. Mabuti na lang at nakuha na nila ang lahat ng iyon.

Chapitre suivant