Chapter 26. Gone
"I WILL never do the same mistake again. Sisiguraduhin kong babawi ako sa lahat ng pagkukulang ko kay Jasel," Vince told Jasel's brother during his recovery. Ang dahilan kung bakit bumalik siya ng Pilipinas at binalak na maglagi roon ay dahil gusto niyang mapalapit ulit sa babaeng minamahal, kahit ilang taon na ang mga lumipas.
"Paano ka nakasisigurong tatanggapin ka niya ulit? My sister had already moved on," he told him. The two of them became friends before when he and Jasel were still together. "Hinanap ka niya, hinanap ka namin, pero hindi ka mahanap. Magaling kang magtago."
Hindi niya ikakaila na sinadya niyang magtago kahit pa nga hindi iyon naging madali. There were some news about him when he finished his studies in med school with flying colors, and when he successfully gained a name while he was still a resident in the hospital. Pero hanggang doon lang ang mga impormasyon. Hindi talaga siya agad mahahanap ng kung sino mang babalak na humanap sa kanya dahil nagpatulong siya na huwag maglabas ng gaanong impormasyon tungkol sa kanya. Ang pinsang si Stone ay may-ari na ng isang prestigious security agency. He was the co-founder.
When he knew that Phoenix International Agency was also a private intelligence agency, that got his interest. Kaya napadali rin ang pagtatago niya kay Jasel. Napakatanga niya noon. Bakit pa ba niya kinailangang magtago? Para mawalan ng komunikasyon sa isa't isa? Para saan? Para saktan ang sarili niya?
Nakakagago pala talaga ang ginawa ko.
He was really immature back then. Nakipag-break si Jasel at imbes na suyuin niya ay tumakbo siya't nagtago. At nang mapagtantong mali ang ginawa niya ay mas tumimbang ang pag-aaral niya. Naisip niyang siguro... hindi sila para sa isa't isa.
During vacations, he was trained with the other agents, and was now a professional sniper as well. He learned mixed martial arts, too. Kung tutuusin ay pwedeng-pwede siyang magtrabaho sa Phoenix pero mas pinili niyang maging surgeon dahil iyon naman talaga ang dahilan kung bakit siya umalis ng bansa.
"I'm telling you that she won't come back to you. She's already engaged and bound to marry a tycoon businessman."
Ngumisi siya rito. Before deciding to go back, he made sure he's updated about Jasel that was why he did not believe what her brother was saying.
"Gusto kong pingasin ang mukha mo ngayon, Ramos."
"Alam kong wala siyang asawa at mas lalong walang boyfriend o fiancé."
"But do you know about her flings?" Ito naman ngayon ang ngumisi.
He grimaced. Alam talaga nito kung saan siya aatekihin.
"Iba-ibang mga lalaki ang nakakasayaw niya sa tuwing magka-club siya. Isa, dalawa, or group of guys flock on the dance floor just to dance with her. As you may know, she's wild on the dance floor and was a heavy drinker now."
"Bakit hinayaan mo?" napipikon na tanong niya pero hindi man lang ito natinag.
"Bakit ko pakikialaman ang buhay ng kapatid ko? That was her way of coping up when you suddenly left her."
"Pero bakit ganoon ang nangyari? Dapat hinigpitan mo."
"Jasel was not a rebellious teenager. She deserves her freedom."
"Bakit ngayon?" Alam niyang lumalabas pa rin ito linggo-linggo, kung hindi nilulunod ang sarili sa alak, nakikipagsayaw naman.
"Abala ako sa mga negosyo namin, at isa pa, matanda na siya. Alam niya ang ginagawa niya."
"Dapat sinama mo na lang sa trabaho!"
"Damn, I don't want to control my sister's life. And do you really think I didn't ask her to come with me and live abroad? Pero ayaw niyang umalis ng bansa. Kahit magtrabaho sa kumpanya nami'y ayaw niya dahil made-destino siya sa ibang lugar kung sakali."
"Dapat pinilit mo."
Naningkit ang mga mata nito. "Why do you think she stayed?"
Doon siya natigilan. Ano ang gusto nitong iparating? That Jasel stayed for him? That she didn't listen to her brother so she could stay, and waited for so long until he'd come back? His heart fluttered and was hurt at the same time.
What have I done?
Paano kung wala na pala itong hinihintay? Damn, those were the things he always thought before.
"Take that in your shithead, bro!" Malakas na sinuntok nito ang kanyang balikat. Kung hindi lang ito nakaratay sa ospital, nasisiguro niyang bugbog-sarado na siya ngayon dahil sa kagaguhan niya noon. Bakit ba kasi napaka-irational ng desisyon niya noon?
Pero hindi siya maniniwala, baka sinasabi lang ng kuya nito sa kanya ang mga iyon para umasa siya. There was only one way to find out, he must go to her.
He sighed, longing for her even more.
Ano'ng napala niya sa pag-iwan kay Jasel? Oo nga't namayagpag siya sa karera, pero hindi nga ba niya kayang gawin iyon kahit pa may kasintahan siya noon?
"What are you going to do now?"
Inis na napasabunot siya sa sarili. "Bakit siya umalis ngayon kung hinihintay niya pala akong bumalik?" tanong niya't pilit na binalewala ang tanong nito.
"She didn't know that you're my surgeon, right?"
Bahagya siyang tumango. She was nearly half-conscious during the blood transfusion. Naalala niyang may kaunting takot sa dugo ang babae.
"She left because of self-guilt. She's blaming herself about what happened to me. Ayoko rin namang ganoon ang maramdaman niya pero wala akong magagawa." Saglit na katahimikan ang namayani sa kanila.
"Should I follow her then?" naguguluhang tanong niya.
"You don't have to. Uncle made sure that she's doing just fine. Pinaalam na rin nila na maayos na ako. You just have to wait and she'll return home soon."
True to her brother's words, Jasel came back to the Philippines. Nagulat pa siya nang sabihan siyang hinahanap siya nito ora mismong pagkarating nito sa ospital.
Was she that excited to see me?
Tila kinikilig na tanong niya sa sarili. He's too soft for her that he always thought about mushy things when it came to her. Kasehodang lagpas treinta na siya ay para siyang teenager na kinikilig sa babae.
Pero napagtanto niyang mali ang inaakala niya nang makita niya ang gulat sa mukha nito nang magkaharap sila.
How he loved seeing her flustered cheeks. Gustung-gusto niyang yakapin ito at ipabatid kung gaano siya nangulila rito.
Pero sa huli ay mas pinili niyang maging pormal, kahit pa nga hiyang-hiya na siya sa natapong inumin. He should've acted like a professional.
"How are you feeling?" bungad niya nang makapasok sila sa opisina. Kumuha siya ng wet tissue at pinunas sa kamay na natapunan ng inumin. Pagkuwa'y nag-alcohol.
Para siyang nahi-hipnotismo habang tinitigan ang bawat parte ng mukha nito. Walang nagbago rito, mas nag-matured lang. But still, she was the Jasel whom he fell in love years ago. Agad na tumingin siya sa kamay nito, partikular na sa palasingsingan. Walang singsing. Para siyang nakahinga ng maluwag nang personal na matukoy na wala itong asawa o fiancé.
"Hindi mo ba lalagyan ng ointment?"
Natigilan siya sa biglaang tinanong nito at matamang tumitig dito. Tumikhim ito nang mapagtanto ang sinambit. Umupo naman siya sa swivel chair habang ito'y nasa isang upuan na nasa tapat ng mesa niya. There were some charts and different papers placed on the table, mayroon ding modernong computer na nandoon at iba pang paraphernalia. Wala sa sariling iginiya nito ang paningin sa opisina at nakita niyang nakasabit ang isang doctor's gown sa rack na malapit sa mesa.
Matapos niyon ay pilit niyang pinakaswal ang pag-eesplika tungkol sa kondisyon ng kuya nito. Makailang-beses niyang pinigilan ang sarili na hagkan ito at yakapin ng mahigpit.
It was now or never. Sinigurado niyang naging malapit ulit dito kahit pa nga medyo natagalan siya sa pagkilos. Hindi niya kasi talaga alam kung saan sisimulan ang lahat. Kung paano ito liligawan. Sa tuwing nagpupunta siya sa shop para makasipat kay Jasel ay para siyang tumitiklop at kung minsa'y natutuod sa tuwing nakikita niya ito't medyo malapit sa kanya.
And everything went smoothly. He couldn't believe it, too. Ang akala niya'y mahihirapan siya sa pagsuyo kay Jasel. Pero naging maswerte nga siya na parehas sila ng nararamdaman ng kanyang pinakamamahal.
That was why he would never believe that she was gone. She's gone not because she went away—she was gone because she... passed away.