webnovel

Chapter XXXII

Samantala sa kwarto ni Juliana...

Pinagmamasdan ni Juliana ng maigi ang pinsan.

May mini sala sa kwartong yon kaya dun nakapwesto ang dalawa.

Nangingiti si Mary Dale.

"Ugh! Come on spill it! The suspense is killing me!"

Mary Dale giggled.

She felt giddy like a school girl.

"We talked."

"And....?"

"We've said our apologies."

"Then...?"

"He asked me if he could court me?"

"And...?"

"I agreed."

"You agreed."

"Yes, I agreed!"

"Pumayag ka?!?"

"Oo nga! Pumayag nga ako!"

"Yes!!! Dalaga na si Mary Dale Entrata! Magpapaligaw na sya!" at hinawakan nito ang pinsan at nagtatatalon sila ng paikot-ikot.

Tumitili pa ito.

Napangiti na rin si Mary Dale.

Bigla naman huminto si Juliana sa pagtalon.

"Wait!" Tiningnan nito ng seryoso si Mary Dale.

"Bakit?"

"May hindi ka pa sinasabi sa akin ano?"

Nag-iwas ng tingin si Mary Dale.

"Ano naman ang dapat ko pang sabihin?" Nauutal pa nyang sabi.

"I know you Mary Dale! We're more like sisters than cousins and we grew up together! Come on spill it!"

Hindi naman nakatanggi sa mapanuring mata ng pinsan si Mary Dale.

"He kissed me!"

"What?!?"

"I think?"

"What do you mean? Either he kissed you or he didn't! Which is which?"

"Ahm, actually, I was dreaming of him and he kissed me in my dream. But then when I woke up, he was right in front of me! So, I'm not really sure if it was a dream or not!"

"But it felt so real!" ang dugtong nya sa isip.

"Ikaw ha, pati sa panaginip mo pinagnanasahan mo si Dodong!"

at sinundot pa nito sa tagiliran si Mary Dale.

"Hindi noh!"

"Aminin mo na! Tayo lang naman ang nandito!" at sinundot nya ulit ang pinsan kaya nakiliti ito.

"Stop it Juls!" habang pinipigil ang ngiti nya.

Lalo lang syang kiniliti ng pinsan.

"Hindi na lang sya lover boy, ngayon dream boy pa!"

Dinner time na pero wala pa rin si Edward at Marco.

Nagpasya na lang si Mary Dale at Juliana na kumain na.

"Nasaan na ba si Marco at Edward? Kanina pa umalis yung dalawang yun pero hanggang ngayon wala pa rin!" tanong ni Nanay Remedios kay Maymay at Juls.

"Naku, Nay baka bumalik na ng Maynila kasi hindi marunong kumanta!" si Juls.

Nangingiti-ngiti ito.

Sinamaan naman sya ng tingin ni Maymay.

"Ano naman ang kinalaman ng pagkanta sa pag-alis nila?"

"Si Maymay po kasi Nay gusto nya harahanahin sya ni Dodong maylabs nya!"

"Harana?!? Ibig mong sabihin nanliligaw na sya sa alaga ko?!?"

"Kung marunong sana sya kumanta! Kaso mukhang hindi kaya ayun mukhang sumuko na agad!"

"Kaya ba nakabestida ang alaga ko dahil may manliligaw na sya?"

"Ang galing mo talaga Nay! Mismo! Kaya lang nasayang ang dress at beauty ng alaga mo Nay kasi mukhang tumakas na yung manliligaw nya!"

"Naku anak, kung sa panghaharana pa lang ay sumusuko na si Dodong ibig sabihin lang nun ay hindi sya karapat-dapat sa'yo!"

Tumayo na si Mary Dale.

Hindi na nya natiis ang pang-aasar sa kanya ni Juliana.

Nalulungkot sya sa sinabi ng Nanay Remedios nya.

"Tapos na akong kumain Nay! Mauna na po ako! May kailangan pa akong asikasuhin para bukas!"

"Ang konti pa lang ng nakakain mo anak ha!"

"Busog na po ako." at umakyat na nga ito sa kwarto nya.

Nagkatinginan naman si Juliana at Nanay Remedios.

Natawa si Juliana.

"Ikaw talagang bata ka! Ayan tuloy napikon na ata ang alaga ko!"

"Pagdating talaga kay Dodong maylabs nya ang bilis mapikon ng alaga mo Nay!"

"Pero seryoso Juliana, manliligaw na ba talaga si Edward sa alaga ko?"

"Yun po ang sabi sa akin ni Maymay!"

"Ganun ba? Ano nga kaya ang nangyari sa dalawang yun!"

Nagpatuloy lang sa pagkain si Juliana.

Samantalang hindi naman mapakali si Mary Dale sa kwarto nya.

Kumuha sya ng libro para magbasa ng mawala ang pag-iisip nya kung ano ang nangyari kay Edward.

Pilit nyang iniintindi ang binabasa pero kahit anong gawin nya ay hindi maalis sa isip nya ang mga pinag-usapan ni Juliana at Nanay Remedios.

Sumuko na nga kaya si Edward?

Nilapag nya ang libro at nagpunta ng banyo para magbihis na sana ng pantulog at maglinis ng katawan.

Habang nasa banyo sya at nagsisipilyo ay narinig nyang may kumakatok.

Nakabukas lang ang kwarto ng banyo nya.

"Maymay! Maymay!"

Nagmamadali ang boses ni Juls.

Tinapos na muna nya ang pagsisipilyo tsaka binuksan ang pinto.

"What's the hurry?"

Hinila sya ng pinsan.

"Bilisan mo at nandyan na si Mr. Dream Boy mo!"

Nawala naman ang inis ni Maymay sa sinabi ng pinsan.

"So what?!?" ang kunwari'y pagtataray nya.

"Wag ako Mary Dale Entrata! Hindi uubra sa akin yang taray-tarayan mo na yan! Alam ko namang kinikilig ka!"

Hila-hila pa rin sya ng pinsan.

"Saan mo ba kasi ako dadalhin?"

"Nandun sila sa garden kasama nila si Volts!"

"Si Volts?"

"Yup! Si Volts na pambansang gitarista ng mga manliligaw dito sa atin!"

Nakarating sila ng hardin at nanduon sila Edward at Marco kasama si Volts.

Pinaupo sya ni Juliana sa may bench.

Ang gandang tingnan ng paligid ng hardin nila dahil maraming mumunting ilaw na parang mga alitaptap.

Pagkaupo nya ay humarap si Edward at nagsalita.

Tinitigan sya nito.

"Miss Mary Dale Entrata, this song is for you!" sabay abot ng isang puting rosas sa dalaga.

Nag-umpisang maggitara si Volts.

Kumanta si Edward.

Simula umpisa hanggang matapos ang kanta ay hindi inalis ni Edward ang tingin nya sa dalaga.

Hindi naman alam ni Mary Dale kung bakit naaalala nya ang ama habang kumakanta si Edward.

Nung bata pa sya ay madalas ikinukwento nito kung paano nya niligawan ang ina ni Mary Dale.

Paborito nya ang love story ng mga magulang nya.

Hindi nya lang akalain na mararanasan nya rin ang haranahin sa modernong panahon ngayon.

Hindi nya sukat akalain na seseryosohin ng binata ang hamon nya dito na haranahin sya.

Napakalambing at maganda ang boses nito.

Bukod sa mukha itong anghel ay napakakisig pa nito.

Hindi napapansin ni Mary Dale na hinahawakan nya ang ilong nya at pinapalobo nya ang pisngi.

Napapansin naman ito ni Edward at napapangiti sya.

"Kinikilig ba sya?" ang naisip nilang pareho.

Chapitre suivant