webnovel

Chapter 17: Awkward

Tulala ako sa mga oras na nag-uusap sila sa hapag. I don't think I can speak now. Nalilito ako sa mga nangyari.

Paano kaya nya naging pinsan ang asawa ni kuya?. Paanong, nagawa nya akong iwan ng walang paalam?. Anong dahilan nya?.

"Hija.." tawag pansin ni tita. Magulang nya.

Nahihiya na naman akong tumitig sa mata nya.

"Mom.." pigil ni Elijah sa kanyang ina. Noon ko lang ako nakahinga mula kanina. "Mahiyain sya, wag na.."

"Bwahahahahaha!!.." tumawa ang dalawa kong kapatid!

"Boys?.." si papa sa kanila. Tumigil naman sila ngunit di na mawala pa ang pagngisi nila.

"I didn't know Elijah.. sana pala nalaman ko agad para you know.." kuya Ced said na para bang sinasabing gusto nya ito para sakin.

What now huh!?.

"Sorry kuya, I wanted to, pero natatakot ako na baka suntukin mo ako.." Anya na sakin nakatutok ang mata. Seryoso iyon. Mukhang ang daming gustong sabihin pero walang lakas ng loob.

"Why would I do that?.." Ani kuya. Tahimik pa rin ang iba. Nakikinig sa kanila habang nasa akin ang mata.

Shems!!. Naiilang na ako. Lalo na sa kung paano tumingin ang pamilya nya sakin. Nanunukso!

"Kasi sinaktan ko ang kapatid mo.." Di ko inasahan ang narinig. Alam nyang nasaktan nya ako. "Nasakatan ko sya sa paraang di ko gusto.." dagdag pa nya. Lungkot ang mababasa sa mata nyang di mawala sakin. Alam nyang, masasaktan ako sa gagawin nya. Bakit pa nya ako iniwan kung ganun?. Anong dahilan nya?.

"Di mo lang sya nasaktan. pinaasa mo pa sya.." etong si Carl, ang lakas ng loob magsalita. Ang sarap lang sipain sa ilalim ng mesa. "Ouch!!.." reklamo nya sakin ng mahina. Sipa at kurot ang nakuha nyang premyo sa kanyang kadaldalan.

"I know.." yunuko si Elijah at umiling. "Kung may pagkakataon lang akong pumili sa pagitan ng pamilya ko at sa kanya, pipili ako. Pero wala. Wala akong choice kundi sundin ang gusto nila.." biglang kaming nabalot ng napakalamig na hangin. Di ko alam kung anong sasabihin. O kung anong reaksyon ang ibibigay sa narinig mula sa kanya.

Yun ba ang dahilan nya?. Ang pamilya nya?. Okay!. Now I get it!. Priority nya ang pamilya nya kaysa sakin. That's good!. Good for him and for all!.

"Kailangan namin sya para patakbuhin ang aming negosyo dito sa Francia hija. Wag ka sanang magalit samin dahil sinira ko ang magandang samahan nyo.." Ani tita.

Pinilit kong ngumiti para ipakitang ayos lang sakin. "Naiintindihan ko po tita. Di naman po ako galit. Nagtampo lang dahil di nya sinabi ang rason kung bakit bigla syang nawala.." di ko na napigilan pa ang aking sarili doon.

"Sorry.."

"Sorry for that.." sabay nilang sambit ng tita pero mas nanaig sakin ang malaki nyang boses. Para iyong pumasok sa kaloob looban ko na tumawid saking ugat at pumunta saking puso para magwala ng ganito ang dibdib ko sa kanya.

Tumango na lamang ako saka bumalik sa pagkain na parang walang nangyari.

Dumaan ang nakakailang pang katahimikan samin. Kung di lang sa mga ingay ng mga bata ay baka nabaliw na ako o tumakbo paakyat ng kwarto.

"Ako na dyan ma.." Sabi ko sa kanya ng nagaimula na syang maghugas ng mga plato.

"Hindi na.. Bumalik ka nalang sa sala at kausapin ang mga bisita.."

"Ma.."

"Bakit?.."

"Di ko pa ata kaya.."

"Kayanin mo nak.. face your fears.. kausapin mo si Elijah.. tanungin.."

"Pero ma?.."

"Go anak.. Di tayo uuwi ng Pilipinas hanggat di mo naayos ang sarili mo.."

Bigla akong kinabahan sa salita nya. May alam ba sya?.

"Alam mo na ba to dati ma?.." hindi sya nagsalita noong una.

"Ma?.." kulit ko. Hinihintay ang kanyang sagot.

"This past few days lang nak bago tayo lumipad patungo rito.. nakita ko si Elijah na dumaan sa likod ng kuya mo noong minsang tumawag sya sakin. Itatanong ko sana noon kaso wala ng signal at wala na akong oras para itanong sa kanya kung kilala nya ba sya.." mahaba nyang paliwanag. Tumango lang ako dahil sa walang masabi. Ang sabi pa nya. Sa labas ng flower shop raw yata nakita ni mama si Elijah through phone.

So, she knew na nandito sya sa Paris!

Gusto kong magalit at mainis sa kanilang lahat pero mali yata iyon.

Mali yata dahil may mga rason sila kung bakit nagawa nila ang bagay na nakasakit sakin. Tanggap ko naman na di iyon maiiwasan. Na di nila sadya. Kaya nga di ko magawang magmura sa harap at likod nila. Lalo na kay Elijah.

Chapitre suivant