Harriette Kobayashi's POV
Day 31 of Zombie Apocalypse
"Nandiyan na ba sila Crissa?"
Yan agad ang pambungad na tanong ko pagkagising ko ngayong umaga. Kapwa iling nalang ang isinagot sakin ni Fionna, Renzy, at Alessa dahil nalaman kong hindi pa rin sila nakakauwi ni Tyron simula kahapon.
Nagrun lang sila para sa gamot ni Russell pero hanggang ngayon, hindi pa rin sila nakakabalik. Hindi ko tuloy maiwasang maisip yung nangyari dati na kung saan, ilang araw silang nawala.
Napatingin ako sa pintuan ng kwarto namin nang bumukas yun at pumasok si Lennon na tulak tulak yung wheelchair ko.
Oo, wheelchair ko.
Paguwi kasi nila Christian kahapon para magrun ng pagkain, dala dala na nila yan. Hindi ko alam kung saan nila nakuha yan pero sobrang thankful ko naman kasi malaking kaginhawaan to para sa akin, at para na rin sa kanila. Ayaw kong maging literal na pabigat sa kanila lalo na kay Lennon na sa tuwing may kailangan at gusto akong gawin, bubuhatin pa nila ako. Aalalayan at babantayan.
"Gusto mong lumabas?" nakangiting tanong ni Lennon habang nagkakamot ng batok.
Ngumiti naman ako ng matamis at agad na sumagot.
"Buti, natanong mo yan. Doon tayo sa labas. Gusto kong abangan ang pag uwi nila Crissa."
Oo, dahil kahit naman may possibility na baka abutin na naman sila ng ilang araw na malayo samin, may possibility din naman na mamaya rin lang din, nandito na sila ni Tyron.
Isa pa, alam ko ang mga kakayanan nila.
Dahil sa mahina pa rin ako at iniinda ko pa rin masyado ang sugat ko sa hita, buong lakas akong binuhat at inalalayan ni Lennon para makaupo sa wheelchair ko. Sinimulan niyang itulak yon hanggang sa hallway.
Nilingon ko siya at matamis na nginitian.
"I love you. Salamat sa sobra sobrang pag aalaga sa akin."
Napatigil siya saglit sa pagtutulak sa akin at binigyan ako ng matipid na ngiti.
"Mahal din kita. At kagalakan kong pagsilbihan ka ng ganito."
Yun nalang ang sinabi niya at nagpatuloy nalang sa pagtulak sa akin papunta sa labas.
Napangiti ako. Ito ang klase ng pagmamahal na gusto ko. Hindi namumulaklak sa sweet na salita pero damang dama at bawing bawi naman sa gawa.
Hay. Ano pa bang mahihiling ko?
Nang makalabas na kami ay naabutan kong nakatayo si Christian doon sa malapit sa gate na may dalang back pack at kumpleto rin sa armas. Kasama niya si Sedrick, kasunod yung dalawa pang babae na si Alessandra at si Renzy na kani-kanina lang ay kasama ko pa sa kwarto.
"Lennon, punta tayo kay Christian. May sasabihin lang ako saglit." sabi ko. Nang makarating naman kami doon ay iniwan na kami saglit ni Sedrick at nung dalawang babae. Pati rin si Lennon ay sumama sa kanila.
Kaya sinamantala ko na ang pagkakataon at kinausap ko na nang deretsahan si Christian.
"For the 2nd time around, Chris. Nawawala ang kakambal mo at nandiyan ka lang na prenteng prente. Wala ka man lang bang bahid ng pag aaalala sa kakambal mo? Wala ka bang balak na hanapin sila?" seryosong sabi ko.
Pero nagulat ako ng isang malakas na tawa at ngisi ang isinagot niya sa akin.
"Here you go again, Harrie. Kinakabahan para sa kakambal ko." pinatong niya sa ulo ko ang kamay niya at mahinang ginulo ang buhok ko. "Minsan na siyang nawala, at alam kong makakasurvive siya, okay? Wag ka ngang mag alala diyan. Para namang hindi mo pa kilala ang kakambal ko. E mas malakas pa sakin yan?"
Sinenyasan niya yung tatlong kasama niya kanina na mauna nang lumabas sa gate. Pero bago pa siya sumunod doon, muli na naman siyang humarap sakin at ginulo ang buhok ko.
"One more thing, hindi nag iisa si Crissa ngayon diba? Magkasama sila ni Tyron." ngumisi siya. "Inuulit ko, magkasama sila ni Tyron. So drop your fears."
Yun nalang ang sinabi niya at tuluyan nang tumakbo palabas. Naiwan nalang ako doon na napabuntong hininga.
Bakit pa nga ba ako mag aaalala? E siya na nga mismo nagsabing mas malakas pa sa kanya ang kakambal niya?
Haaay. Oo nalang ako.
Saglit pa akong nagpahangin doon kasama si Lennon at Elvis na naguusap sa likuran ko. Pati na rin sila Fionna at Owen, Renzo and Alex, kasama si Russell, nandito na rin sa may playground at naglalaro.
Napanatag naman ang loob ko nang makita kong maayos na ulit at hindi na hinihika yung bata. Nakakapaglaro na ulit.
"Hoy yung bata! Wag niyong papagurin! Malilintikan kayong tatlo sakin pag hinika ulit yan!" speaking of. Haha. Hiyaw yan ni Fionna na sinasaway si Owen, Renzo, at Alex. Well, tama naman siya. Mabilis mapagod ang bata na yan dahil may hika. Mahirap nang atakihin yan, wala pa rin sila Crissa at yung mga gamot na dala nila.
Habang busyng busy si Fionna sa kakasaway sa mga lalaking nakikipaglaro sa bata, at pati na rin yung dalawang lalaki sa likuran ko na nag uusap, ako naman ay tahimik lang dun na dinadama yung paminsan minsang pag ihip ng hangin. Buti, malamig pa ngayon ang panahon dahil February palang.
Kung tama ang pagkakatanda ko. February palang ngayon.
Napatigil ako sa pag iisip nang sa opposite way na pinuntahan nila Christian ay nakarinig ako ng pamilyar na tunog.
"I'm only one call away, I'll be there to save the day.. 🎵"
SI CHARLIE PUTH! SAKAY NG KANYANG UMAANDAR NA GRAND PIANO!!!
Joke lang. Chill. Wag kayong magreact diyan.
Tunog ng engine ng motorbike na humaharurot ang naririnig ko ngayon mula sa malayo. Pero dahil busy yung iba, hindi nila masyadong naririnig at napapansin.
But not until nasa harapan na namin iyon at tumigil. Kung anong sigla ang naramdaman ko sa dibdib ko nang makita kong bumaba doon si Charlie Puth na nakasukbit pa ang grand piano sa balikat niya.
Okay. Joke lang ulit.
Si Crissa ang bumaba kasunod ang angkas nito sa likod na si Tyron. Hilong at hilo at halos mapahandusay na sa lupa.
Napa pokerface nalang ako nang mapagtanto kong si Crissa nga kasi ang nagdrive. Tsk. Walangyang babae. Parang akala mong walang sugat sa balikat e. Tapos nagpaharurot pa? Gusto atang bigla nalang mag evaporate sa alapaap ang kaluluwa niya.
Si Elvis ang nagbukas ng gate para sa kanila at si Lennon naman ang nagbitbit papasok nung motorbike. Dahil as soon as makababa si Crissa, inalalayan na niya agad ang nahihilong si Tyron.
At doon, hindi nakaligtas sa mga mata ko ang kakaibang pagtitinginan ng dalawa. Sa paraan palang ng pagyakap nila sa isat isa, napagtanto ko nang nangyari na yung matagal ko nang inaantay.
Magkaka baby na sila.
Joke lang! Walang mag rereact! Sasampalin ko magrereact!
What I mean is, mukhang..
"Ohhhhh wow!"
Naputol na yung iniisip ko dahil sa sigaw na yun ni Elvis, habang nakatingin sa kamay ni Crissa at Tyron na magkahawak. Pati ako rin ay napanganga, at di ko napigilan. Lahat silang kasama ko ngayon ay nakaganon. Gulat na gulat. Pwera nalang kay Renzo na tikom ang bibig at seryosong seryoso ang tingin sa kamay nila Crissa.
Nang mapansin niyang sa kanya ako nakatingin ngayon, parang bigla naman siyang natauhan at biglang binalik ang paningin doon sa dalawa. Lumunok muna siya bago ngumit nang malapad. Pero hindi ganoon ka effective yung ginawa niya dahil hindi rin nakaligtas sa mata ko yung ilang pares ng luha na bigla nalang tumulo sa mata niya.
Kaya bago pa may ibang makapansin sa nangyaring yun, mabilis ko nang dinala ang sarili ko papalapit sa kanya.
"R-renzo, tara samahan mo ako sa loob. Nagugutom ako. Ipagluto mo ako." mabilis na sabi ko. Mabilis naman siyang nagpunas ng mata at nagpanggap na parang hindi ko nakita lahat lahat.
"A-ah, bakit ako pa? Si L-lennon nalang oh. Boyfriend mo. Mas masarap magluto yan." palunok lunok na sabi niya at hindi maka tingin nang deretso sa akin.
Kahit hirap ako, pilit ko pa ring inabot ang balikat niya para haplusin.
"Wag kang magpanggap na okay ka lang kahit hindi naman. Tara doon sa loob. Bago ka pa nila makita na ganyan ka. Magugulat pa yung mga yon kung bakit. Hindi ka nila maiintindihan." pinaandar ko ang wheelchair ko. "Tara na, bilisan mo."
Yun nalang ang sinabi ko. Buti naman at naramdaman ko siyang sumunod na rin sakin dahil hindi ko na kakailanganing daanin pa siya sa dahas kung nagkataon.
Tsk Nasasaktan na nga e, nagdedeny pa.
Oo, bago pa malaman ni Crissa kung sino sino ang mga lalaking nahuhumaling sa kanya, ako muna at si Christian ang nakakaalam. Bakit? Kasi yan si Crissa, manhid pa sa patay. Malamig pa sa bangkay.
"Ikaw kasi e, kasalanan mo to. Kung di mo ko binasted dati, edi sana hindi ako nasasaktan dahil kay Crissa ngayon." nakangiti pero umiiyak pa ring sabi niya nang makarating kami sa dirty kitchen nitong daycare center.
Napatigil naman agad ako dahil sa narinig ko yun. Naalala ko kasi bigla yung mga panahon dati na kinukulit pa ako nito ni Renzo na liligawan niya ako. Pero dahil masyado siyang lapitin ng chicks, hindi ako nafall agad dun. Kasi isa pa, isip bata pa ako nung time na yun. Siguro, 1 year na rin ang nakakalipas at 1st year palang kami ni Crissa. Wala pang naglalakad na mga halimaw nun. Habang si Crissa ay nagddrool over Sed that time, ako naman ay iritang irita sa palihim na pangungulit sakin nito ni Renzo.
Yeah. Kasi, ako lang at siya ang nakakaalam nun na gusto niya kong pormahan. Hindi rin kasi ako mapag entertain ng lalaki sa buhay ko nun. So binasted ko siya. And sinabi ko na maghanap nalang siya ng ibang babae na bibiktimahin niya. E hindi ko naman inakala na after ilang months lang e, yung bestfriend ko na pala ang bagong target niya.
Tsk. So sa hinaba haba ng punot dulo, hindi ko alam kung sino ba sa tatlong magkakaibigan na yan ang una talagang nagkagusto kay Crissa. Si Renzo ba, si Sedrick, o si Tyron.
Hay. Ayaw ko nang isipin. Sumasakit ang hita ko putek!
"Oh? Wag mong masyadong dibdibin. Wala ka nun." sabi niya kaya hinampas ko siya nung hawak kong sandok. Nagsalita naman siya ulit. "Joke lang. Dont get me wrong. Matagal na akong walang gusto sayo, at masaya ka na sa Lennon mo.." tumigil siya at tumulo ulit ang mga luha sa mata niya. "Pero itong ngayon Harriette, sobrang sakit pala. Kasi kung kelan nakahanap ka na ng babaeng seseryosohin mo talaga, dun mo naman malalaman na huli na pala ang lahat."
Napa buntong hininga nalang ako dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Masakit nga naman talagang malaman na wala ka nang makukuha na special na puwang sa puso ng taong mahal mo, at tanging pagiging bestfriend nalang.
Haay. Parang ito yung unang naramdaman ko dati ha? Nung kami ni Isabelle ang nagkagusto sa isang lalaki? Tapos nagparaya ako?
Kumuha ako ng isang pan at isinenyas ko kay Renzo para isalang sa kalan. Matapos nun ay nag abot ako sa kaniya ng 2 lata ng corned beef.
Nagets niya naman agad yung punto ko at niluto niya yung corned beef over low heat.
Habang hinahalo niya yung corned beef sinamantala ko naman na yung pagkakataon para bigyan siya ng isang matinik na payo.
"Kung di ka successful ngayon, maghanap ka ng ibang ipupursue mo. Kung sa ngayon wala kang makita, magpahinga ka nalang muna at maghintay ka. Sigurado ako, may darating din diyan." seryosong sabi ko. Nakita ko na naman tuloy yung pagragasa ng luha sa mga mata niya.
"Yan din pinayo mo sakin dati nung basted ako sayo. Di naman successful." nakangusong sabi niya kaya napatawa ako bigla.
"Sus! Just wait. Lahat ng bagay may timing." napatigil ako at nakiramdam. "Kagaya ngayon. May paparating dito."
Mabilis akong kumuha ng dalawang sibuyas mula sa loots na narun nila Christian kahapon at inabot ko kay Renzo.
"Go, dalian mo at hiwain mo yan."
"B-bakit?" umiiyak na tanong niya. Dumampot naman ako ng chopping board at saka ipinalo sa braso niya.
"Bilisan mo na at sundin mo nalang ako!"
Kumuha naman agad siya ng kutsilyo at nag umpisang hiwain yung mga sibuyas. Tsk. Pinapahirapan pa akong pilitin siya, e gagawin niya rin naman pala!
Di pa siya nangangalahati ng paghihiwa ay biglang dumungaw mula sa pintuan ng dirty kitchen si Crissa, kasunod si Lennon.