Crissa Harris' POV
Ilang saglit ang lumipas at wala akong nakuhang response. Tatalikod na sana ako pero bigla namang bumukas yung pinto ng kwarto nya. Hawak nya sa kanang kamay nya yung gitara na nakita namin sa attic at halata sa itsura nya na parang gulat pa sya.
"G-galit ka ba sakin, Ty?.." lakas-loob na tanong ko.
"Ako, galit? Sayo ko nga dapat itanong yan e. Dahil ikaw tong bigla nalang tumahimik.." halata na rin ang pagtatakha sa kanya.
Okay. It hit me hard. Akala nya galit ako dahil sa tumahimik ako. Pero hindi nya alam, ako lang talaga ang may problema. Sarili ko lang at hindi sya.
"Hindi ako galit no.. Wala naman akong dapat ikagalit, diba?.."
"Wala naman talaga.." sagot nya nang nakatingin ng deretso sa mata ko. Kinabahan ako bigla doon pero hindi ko nalang pinahalata.
Bakit parang ang lalim ata nung sinagot nya?..
"S-sige Ty. Sorry sa abala. Good night."
Pakiramdam ko, nakuryente nanaman ako nang bago pa ako makatalikod ay nahawakan na nya agad ang pulso ko.
"Bakit ka aalis? Diba sabi mo, papasok ka pa dito sa kwarto?.."
"E, hindi nalang. Nakakaabala na ako."
"Sinong may sabi? Kung nakakaabala ka sakin, edi sana hindi na rin ako nag-aksaya pa ng oras na kausapin at pagbuksan ka ng pinto. Tara na nga. Tsk."
Napilitan na rin akong pumasok dahil hinaltak na nya ako. Binitiwan nya naman ang kamay ko nung isara nya yung pinto. At ako naman, umupo dun sa isang couch sa gilid nung kama.
"Di ka makatulog no?" umupo sya dun sa edge ng kama at sa pamamagitan ng liwanag ng buwan, naaaninag ko yung mukha nya.
"Sort of.." matipid na sagot ko. Di ako makatulog dahil..
"Sa kakaisip sakin?.."
"Oo naman--- ay, hinde! Hindi syempre! Bakit naman kita iisipin, e magkasama lang naman tayo.." marahas akong umiwas ng tingin.
"Alam ko naman yun. At alam at tanggap ko na rin na ako lang naman ang palaging hindi makatulog kakaisip sayo.."
Napatingin uli ako sa kanya dahil parang may sinasabi pa ata sya.
"A-ano yun? Di ko narinig e.."
"Wala. Sabi ko, gusto mo ba talagang makatulog na? Kakantahan kita.."
"K-kakantahan mo ako? Sanay ka?.."
Kumunot bigla yung noo nya.
"Do you think, mangangahas akong magpresinta na kantahan ka kung hindi naman ako sanay?"
Okay. Ang tanga nga naman kasi ng tanong mo Crissa.. Deserve mo talagang mabara ngayon..
Nahihiya ako uling tumingin kay Tyron. Pero naaninag ko na nakangiti na sya. Nagstart na syang magstrum at habang tumutugtog sya, pilit kong inalala sa isip ko kung san at kailan ko napakinggan ang kanta na yon.
"Hindi ito yung first time na kakantahin ko sayo to. Pero gusto ko lang ulitin kasi nung time na kinanta ko to, tulog ka.."
Tulog ako?.. Hindi kaya ang tinutukoy nya ay yung..
Now Playing: Tulog Na by Sugarfree
Tulog na mahal ko
Hayaan na muna natin ang mundong ito
Lika na, tulog na tayo.
Tulog na mahal ko
Wag kang lumuha, malambot ang iyong kama
Saka na mamroblema
Tulog na hayaan na muna natin sila
Mamaya, hindi ka na nila kaya pang saktan
Kung matulog, matulog ka na...
Napapikit ako habang dinadamang mabuti yung hagod ng boses nya. Ito nga yung boses na kahit nung unang beses ko pa lang na nadinig, tinamaan agad ako. Ang lamig lamig. Sobrang sarap pakinggan. Para talagang anghel yung kumakanta.
Akala ni Tyron, porke tulog at may sakit ako nung time na kinanta nya to, hindi ko na maririnig at matatandaan. Akala nya lang talaga yon. Sa ganda ng boses nya, imposibleng makalimutan ko yon..
At inaamin ko, para na talaga yong permanenteng nakatataksa isang parte ng pagkatao ko..
Tulog na mahal ko
Nandito lang akong bahala sa iyo
Sige na, tulog na muna
Tulog na mahal ko
At baka bukas ngingiti ka sa wakas
At sabay natin harapin ang mundo
Tulog na hayaan na muna natin sila
Mamaya, hindi ka na nila kaya pang saktan
Kung matulog, matulog ka na...
Bigla syang tumigil kaya tumingin ako sa kanya. At ayun, nakatingin nadin pala sya sakin. Seryosong-seryoso.
"Crissa.. may aaminin ako sayo.."
Harriette Kobayashi's POV
"Christian, ano ba talagang plano mo ha?.." di na ko nakapagpigil at kinompronta ko na talaga sya.
Epic fail ang kinalabasan ng plano nya kahapon na paglilihis dun sa sandamukal na undead na nasa labas ng campus nila ate Zinnia. Pero imbes na hanapin at iligtas sila Crissa at Tyron, ipinag-utos nito ni Christian na umalis na kami at bumalik dito sa bahay nila Renzo.
Abot hanggang langit ang kaba ko dahil simula kahapon, nakapirmi lang kami dito sa bahay nila Renzo. At ni hindi man lang namin alam kung andun pa ba sila Crissa at Tyron sa campus o umalis na rin. At ang mas ikinakakaba ko pa ay ang inaasta nitong kakambal nya. Dahil habang kaming lahat ay kabang-kaba na nga, eto namang si Christian ay parang kampanteng-kampante lang at hindi talaga kakikitaan ng kahit ga-tuldok man lang na kaba at pag-aalala.
"Kung di pa talaga umamin yang si Tyron sa kakambal ko, ewan ko nalang talaga.."
Napabalikwas ako kay Christian.
"A-alam mo nang may gusto si Ty---"
"Harriette, ako pa ba? Bago nyo pa malaman, alam ko na. Tatanga-tanga lang talaga yang kakambal ko dahil sya nalang ang hindi nakakaalam ngayon." umiling si Christian. "Just imagine this, hindi nya alam na gusto sya ni Tyron, tapos hindi nya rin alam na gusto na rin pala nya si Tyron. Saklap no?.."
Gulat uli akong napatingin sa kanya.
"T-tama nga ang hinala namin. Si Tyron talaga ang gusto ni Crissa. At hindi si Sed.."
"Exactly. Sana lang ngayon, marealize na ng kakambal ko. Para naman hindi masayang yung pagod ko sa pagse-setup sa kanila."
"S-set-up?.."
"Kaya na rin hindi ako nagmamadaling hanapin sila. Dahil gusto kong bigyan silang dalawa ng time na sila lang talaga yung magkasama. At kung iniisip mo na bago delikado sila, wag kang mag-alala Harriette. Kung gaano na lang ang pagprotekta ko sa kambal ko, siguradong higit pa dun yung ginagawa ni Tyron.."
Crissa Harris' POV
Biglang kumabog ng malakas at mabilis yung dibdib ko. Ano tong aaminin nya sakin? At bakit ako kinakabahan ng ganito?..
"Nung oras kasi na natapos kong kantahin sayo yan nung natutulog ka..
.. hinalikan kita sa noo."
Nagsubside bigla yung tibok ng puso pero para sa isang parte, medyo may disappointment akong naramdaman. Pero di ko nalang pinansin yun at doon ko na lang itinuon ang isip ko sa sinabi nya.
"Totoo pala yung hinala ko dati. Halik nga talaga yung dumampi sa noo ko. Ikaw ah, bakit mo ko hinalikan?.." malumanay na sabi ko. At napansin ko naman na parang nagulat sya.
"H-hindi ka man lang ba galit dahil sa sinabi ko?.."
"Ako, galit?.." tanong ko pabalik.
Pinakiramdaman ko naman yung loob ko. Wala na akong maramdaman na iba bukod dun sa alien feeling na palagi kong nararamdaman sa kanya. Wala akong maramdaman na galit o kahit na konti man lang na inis.
Para ngang, may kung ano pa sa loob ko na biglang natunaw dahil sa nalaman ko e..
Umiling ako at matipid na ngumiti sa kanya. "Wala naman akong dapat ikagalit doon. Sa totoo nga lang, mukhang nakatulong pa sa akin yung ginawa mo dahil gumaan ang pakiramdam ko pagkatapos non. Saka alam mo ba, ang halik daw sa noo ay sign or way daw ng pagpapakita ng respect and care ng lalaki sa babae. Si Zinnia nagsabi sakin nyan kaya hindi ako nagduda at pinaniwalaan ko na nang 100%.. Tama naman talaga, diba?.."
Bahagyang tumawa si Tyron.
"Exactly. Si Brandon din ang nagsabi sa akin ng tungkol dyan. Na ang halik sa noo, way of showing respect and care. At dahil sa lahat ng sinasabi nya pinaniniwalaan ko, ginawa ko naman. And it turned out that, it's really true. Sayo na nga rin nanggaling, diba? Gumaan ang loob mo.."
"Yep. And masyado mang late, salamat sa paghalik mo sa noo ko.." nginitian ko sya pabalik. At ngumiti din naman sya.
"Actually nga, a kiss on the forehead could also be a way of showing love. Not just respect and care.."
Nagwala nanaman uli yung puso ko.
"L-love? E-eh pano madidistinguish kung love na nga ang pinaparamdam at pinapahiwatig sa halik na yon at hindi lang basta respect and care?.."
Ngumiti uli si Tyron at dinampot yung gitara.
"Basta. Mararamdaman mo yun." nagstrum uli sya sa gitara.
At ako naman napatulala. Pilit kong inalala yung moment na hinalikan nya ako at kung ano ba yung naramdaman ko. Ang natatandaan ko lang ay gumaan ang loob ko dahil doon. Ayoko namang bigyan ng ibang kahulugan yun dahil bukod sa hindi nakakabuting gumawa ng sariling haka-haka, sya pa lang ang kaisang-isang lalaki na nakahalik sa noo ko.. Ano namang malay ko na ganon lang talaga ang pakiramdam noon diba? Nakakagaan ng loob?..
Siguro nga..
"Di ka pa rin ba inaantok?.."
"A-ah, hindi e. Parang mas lalo pa nga akong tinakasan ng antok.. Pero kung inaantok ka na, alis na ko para makatulog ka na.." tumayo ako pero mabilis din akong napaupo uli nang pigilan nya ako.
"Wag. Wag ka munang umalis. Dito ka muna tapos ako naman ang kantahan mo.." ngumiti sya at inabot sakin yung gitara.
"A-ako? Kakantahan kita? N-nako Ty. Di ako sanay kumanta. Hehehe.. Gusto mo bang maakit ko yung nga undead pag kumanta ako? Saka di ako sanay tumugto.."
"Sus. Hindi ka makikipagmatigasan sa akin na angkinin tong gitara na to kung hindi ka naman sanay tumugtog.." umupo sya sa tabi ko at inabot saking pilit yung gitara.
"Wag ka na ring mangatwiran na hindi ka sanay kumanta dahil narinig kita kanina.." dagdag pa nya.
Napapout naman ako. Wala na akong maisip na ipapalusot sa kanya dahil nadinig nya pala ako kanina. Kaya wala na rin akong choice kundi kantahan na talaga sya.
"Basta wag mo kong sisisihin kapag nabasag ang eardrums mo." bulong ko bago ako nag-umpisang magstrum.
"Mangako kang hindi ka rin magsasalita habang at hanggang matapos akong kumanta ha?.."
"Sige. Pangako.." nakangiting sabi nya habang nakapikit. Naka-crossed arms din sya at pormadong-pormado na yung katawan sa pagtulog ng nakaupo.
Huhuhu.. Sana nga at makatulog na rin sya agad. Para di na nya mapagtuunan ng pansin yung performance ko.. Ayokong mapahiya e.. Mamaya pumiyok ako o kaya magflat. Huhuhu..
Now Playing: Tabi by Paraluman
Naranasan mo na bang mawalan ng makakasama?
Sa gitna ng daan, 'di alam ang pupuntahan
'Wag mag-alala
Hindi kita pababayaan
Sa iyong tabi
Ako ay 'yong mahahawakan
Naranasan mo na bang madapa at masagutan?
Hawakan mo ako hinding-hindi iiwan
'Wag mag-alala
Hindi kita pababayaan
Sa iyong tabi
Ako ay 'yong mahahawakan
Tumigil ako saglit at sinilip ko sya.
"At tinulugan mo nga talaga ako? Bastos ka talaga ah. Di mo man lang ako pinatapos sa performance ko. Tsk." bulong ko. Pano we, mukhang natulog na nga talaga sya.
"Bahala ka na nga dyan. Aalis nako. Good night." maingat kong isinandig yung gitara sa tabi ng couch.
Tatayo na sana ako pero nagulat nalang ako nang biglang gumalaw yung kamay ni Tyron at humawak ng mahigpit sa kamay ko.
"Ano pang saysay ng kinanta mo kung aalis ka rin naman pala sa tabi ko?.." hinaltak nya pa ako ng mas malapit sa kanya at mas humigpit din ang kapit nya sa kamay ko. "Dito ka lang. Wag kang aalis.."
Unti-unti akong tumingin ng deretso sa kanya. At habang unti-unti ko ring pinagmamasdan yung maamo nyang mukha na kalmadong nakapikit, may isang kakaibang pakiramdam na bumalot sa buong pagkatao ko. Mas matindi pa doon sa dati-rating nararamdaman ko.
Napahawak ako sa dibdib ko.
Paano ko maipapaliwanag to?.. Kung si Sedrick ang gusto ko, bakit hindi ko maramdaman sa kanya itong nakakabaliw na pakiramdam na ipinaparanas sakin ng lalaking katabi ko?..